Se connecterStrange Proposal
Chapter 2 Diego POV I’m here in my unit. Last night, nakagawa na naman ako ng kasalanan sa girlfriend ko. Don’t blame me—malungkot lang talaga ako. I really need my girlfriend, and I’m missing her so much. Biglang nag-ring ang cellphone ko. My dad. Son, where are you?” Bumuntong-hininga na lang ako. Mukhang pagagalitan na naman niya ako. "Dad! Nasa condo po. Why?" Narinig ko ang pag ubo niya sa kabilang linya. Mukhang kagagalitan nga ako nito. “Umuwi ka muna dito sa atin. Today. I have something important to discuss.” Tsk. Alam ko na kung ano ‘to. Tungkol na naman sa amin ng girlfriend ko. Bakit ba sila nagmamadali? "Okay Dad." Tamad kong sagot. May magagawa ba ako? Tatay ko ‘to eh. Pagdating ko sa bahay, bumaba ako sa kotse. Walang guard na nagbukas ng gate kaya ako na lang ang nagbukas. Bakit ang tahimik? Akala ko ba may mahalagang sasabihin? “Dad! Mom! Diane!” Walang sumasagot. Baka nasa kusina. Pagdating ko roon, wala pa rin. Kinabahan ako. Baka may nangyari sa kanila. Paalis na sana ako para humingi ng tulong sa guard house— “Surprise! Advance happy birthday!” Hindi ko alam kung matatawa ako o matutuwa. Teka, pareho lang ba ‘yon? " Bakit advance?” Kunot-noo kong tanong. Lumapit ako kay Diane, ang bunso naming kapatid, at tinikman ang icing ng hawak niyang cake. “Nag-bake ka po, Mom?” Ngiti kong tanong. Kilala ko na ang gawa ng cake niya. “Of course. Para sa Kuya baby ko ‘yan. In-advance na namin ang birthday mo. Alam naming magiging busy ka na naman—lalo na’t wala ang girlfriend mo.” Yumakap sa akin si Mommy. Miss ko rin siya. “Yeah. I want you to be happy, Diegs.” Napangiti ako. Thank you, Lord, sa pamilyang ganito. Pagkatapos naming kumain, pinapunta ako ni Mom sa kwarto niya. Pagdating ko roon, ngumiti siya at ipinakita ang hawak niyang maliit na kahon. “Mom…” Niyakap ko siya. “Son, I think this is the right time to give you this.” Binuksan ko ang kahon. “Mom! Hindi ako gay para magsuot ng ganitong singsing!” Tumawa ako. Kinurot niya ang pisngi ko. “Hindi ‘yan para sa’yo. Para ‘yan sa fiancée mo. Sa babaeng karapat-dapat para sa’yo.” Napaisip ako. “Naisip ko na rin ‘yan, Mom. Tama ka. Ready na akong mag-settle down with Samantha. Baka ito na rin ang paraan para hindi na siya umalis.” Hinawakan ni Mom ang kamay ko. " Son, kahit sino pa ‘yan—kung saan ka liligaya.” Tama. Magpo-propose na ako. Kung ito ang paraan para manatili siya sa akin, gagawin ko. Nag-drive ako papunta sa bar. Hangga’t hindi pa ako nagpo-propose, i-enjoy ko muna ang sarili ko. Napalingon ako sa Manila Bay. Ang ganda. Mukhang masarap munang maglakad-lakad. Bumaba ako at naupo sa tabing-dagat. Kinuha ko sa bulsa ang singsing. Malapit ka nang maging akin, Samantha. Malapit na. Nabigla ako dahil nawala sa kamay ko ang singsing! “Hoy! Magnanakaw! Akin na ‘yan!” Putangina, ang bilis nila. Hindi ko na mahabol. Biglang may isang tomboy na sumulpot at pinagugulpi ang mga lalaking kumuha ng singsing ko. Taob silang lahat. Ang astig niya. Lumapit siya sa akin. “Ito na, sir. Sa susunod, mag-iingat kayo. Hindi dapat naglalabas ng mamahaling gamit sa ganitong lugar.” Tumango ako. Kinuha ko ang singsing. Kumuha ako ng wallet para magbigay ng bayad. Pero nagulat ako nang ibalik niya sa akin ang limang libo. “Sa susunod din, sir—hindi porket mayaman kayo, pera na agad ang pambayad. Simpleng ‘thank you’ sapat na. Hindi lahat ng tumutulong mukhang pera.” Umalis siya agad, kinuha ang basket niya. Alex POV Eto na naman tayo—magtitinda ng balut. Kailangan eh. Okay lang, exercise din. Sa Manila Bay ako magtitinda para marami akong mabenta. Kaya siguro kami iniwan ni Nanay—mahirap lang si Tatay. Pero sapat bang dahilan ‘yon? Naubos agad ang paninda ko. Salamat naman. “Aray!” May bumangga sa akin—tatlong lalaki. “Hindi man lang kayo marunong magsorry!” Bwisit. May isang lalaking hinahabol sila. Mukhang ninakawan. Matulungan nga. Tumakbo ako. Naabutan ko ang snatcher. “Akin na ‘yan! Hindi sa’yo ‘yan!” Nanlaban siya kaya sinikmuraan ko. Nakuha ko ang hawak niya at pinagbubugbog ko silang lahat. “Ikaw,” sabi ko sa bata, “Tawagin mo ang mga pulis sa kanto.” Lumapit ako sa lalaking ninakawan. “Sa susunod, mag-iingat kayo. Hindi dapat naglalabas ng mamahaling gamit sa ganitong lugar.” Kinuha niya ang wallet niya. Aba, siya pala ‘yung lalaking muntik nang manakawan kanina! Kinuha ko ang limang libo na binigay siya sakin nung nakaraan dala ko lagi. Hinawakan ko ang kamay niya at ibinalik ang pera. “Hindi porket mayaman kayo, pera na agad ang pambayad. Simpleng thank you, sapat na.” Iniwan ko siya. (SCHOOL Kinaumagahan) "Wait, Ms. Alexandra!” Napalingon ako kay sir Mathew! Siya ang pinaka mabait kong prof. " Bagsak po ba ko sa inyo?" Ngumiti si sir sakin pogi pala to sa malapitan ahh. “Ikaw ang napili para sa scholarship abroad.” Yon lang pala wala namang bago, lagi naman may alok sakin na ganyan. “Sir, alam ko na po ‘yan. Hindi ko po tinatanggap. Kailangan ako ng tatay ko. Wala pong mag-aalaga kasi sa kaniya Sir." "Ms. Alexandra mas maganda pa din kung dun mo ipagpapatuloy ang pag aaral mo. Kasi mas advance at mas magaling magturo doon. Mas malaki ang chance na makahanap ka agad ng magandang trabaho. " "So hindi pala po kayo magaling at wala po talaga kayong kakayahan na magturo ng maayos. Ganon po ba?" "S-syempre magaling at saka kaya p-" "Kaya nyo naman po pala eh. Wala na pong usapan." Pa alis na ko pero hinawakan nya ko sa kamay, napatingin ako sa kaniya na nagtataka. "Iimbitahan sana kitang mag meryenda sa labas." Nag-isip muna ko. Okay lang din naman. Napatingin kami sa taong dumikit sakin. "Hi bestie! Halika na kumain na tayo kanina pa kita hinihintay!" Para tong timang bakit nya ko hihintayin?! Eh alam naman nyang may pasok pa siya, umakbay pa sakin at nasa harapan namin si Sir, Ang awkward tuloy. " Oh hi, Mr. Adrianne! Wala ka bang next subject? Pwede ba, Ms. Alexandra, na masabay kita?" Patango akong sumingit, medyo awkward na naman. "Hindi pwede si Bestie, Sir. Eh hindi siya sanay na hindi ako kasabay." Bigla akong napatingin sa kanya—medyo kakaiba ang tindi ng tingin niya sa akin. Pinandilatan niya ako, abat?! Ngumiti lang ako. "Ahh, ganon ba? Eh di sumama ka na lang sa amin, Mr. Adrian," magalang na pagyaya ni Sir. "Oo ba, Sir! Sasama ko diyan. Baka kasi hindi makakain si Bestie eh." Lihim kong siniko si Bestie, asar lang—at doon, namilipit siya. "Ayos ka lang Mr. Adrian?" Bigla kong inakbayan si Bestie para hindi mahalata at tinignan ko si Bestie. "Y-yes Sir okay lang po ako." Nauutal na sagot ni Bestie at nag thumbs up pa sya. Diego POV “Hello, hon. How are you?” Malambing ang tanong niya. Hay… miss na miss ko na talaga siya, sobra. “Hon, eto… malungkot. Miss na miss kita. Sana umuwi ka na dito.” Binuhat ko si Cha-cha. “Miss ka na rin ng baby natin,” sabi ko habang marahang hinahaplos siya. “Hon, miss ko na rin kayo, super! Uuwi ako sa birthday mo, syempre! Next week na ’yon. Nagpaalam na ako sa mga boss, and they agreed.” Napatayo ako sa tuwa. Siguro nga… para talaga kami sa isa’t isa. “Hon, sobrang saya ko. I love you. I love you so much.” Tama si Mommy. Ito na talaga ang tamang panahon. Panahon na para ialay ko ang buong buhay ko sa kanya.Diego's POV"Bro! Happy birthday!”Bati sa akin ni Niel na may kasamang mga chiks.“Thanks, bro.”Sabay kaming nag–fist bump. Pagkatapos, iniladlad ko ang palad ko sa harap niya.“What is that?”Takang sabi niya, sabay maang-maangan.“Bro, nasaan na yung regalo mo sa akin?”Bigla siyang tumawa at kumuha ng alak.“Bro, putek! Ang yaman mo na. Hindi mo na kailangan ng regalo!”Ah, gano’n? Ang yaman-yaman, walang regalo.Kinuha ko ang alak na hawak niya bago pa niya mainom.“Puta, ang bastos mo, bro!”Natatawa niyang sabi.“Eto na nga regalo mo, gago ka!”Inabot niya sa akin ang susi ng kotse.Alam naman niya kung ano ang gusto kong regalo.Maya-maya, sabay dumating sina Vince at Luc.“Happy birthday, bro.”Sabi ni Vince sabay abot sa akin ng regalo.Puta, lupet—Rolex at isa pang susi ng kotse.“Happy birthday, Playboy!”Nanunuyang sabi ni Luc.“Nasa account mo na yung gift ko para kapag nagka-AIDS ka na, may panggamot ka.”Nagtawanan kaming tatlo.Mga gagong ’to!“Problem, bro?”Tanong
Strange ProposalChapter 2Diego POVI’m here in my unit. Last night, nakagawa na naman ako ng kasalanan sa girlfriend ko. Don’t blame me—malungkot lang talaga ako.I really need my girlfriend, and I’m missing her so much.Biglang nag-ring ang cellphone ko. My dad.Son, where are you?”Bumuntong-hininga na lang ako. Mukhang pagagalitan na naman niya ako."Dad! Nasa condo po. Why?"Narinig ko ang pag ubo niya sa kabilang linya. Mukhang kagagalitan nga ako nito.“Umuwi ka muna dito sa atin. Today. I have something important to discuss.”Tsk. Alam ko na kung ano ‘to. Tungkol na naman sa amin ng girlfriend ko. Bakit ba sila nagmamadali?"Okay Dad."Tamad kong sagot. May magagawa ba ako? Tatay ko ‘to eh.Pagdating ko sa bahay, bumaba ako sa kotse. Walang guard na nagbukas ng gate kaya ako na lang ang nagbukas.Bakit ang tahimik? Akala ko ba may mahalagang sasabihin?“Dad! Mom! Diane!”Walang sumasagot. Baka nasa kusina.Pagdating ko roon, wala pa rin. Kinabahan ako. Baka may nangyari sa ka
Alex POV"Balut! Balut! Balut! Kayo diyan!" Hay! Ang sakit sa lalamunan ahh! Napakatumal naman ngayong gabi!Sabay hagod ko sa aking leeg dahil kanina pa kasi ako sigaw ng sigaw at lakad ng lakad pero ni isa wala man lang bumibili ngayon. Takot atang ma high blood ang mga tao ngayon eh. Kailangan ko pa naman ng pera ngayon dahil May mga bibilhin pa ko para sa school, malapit na din naman akong maka graduate sa wakas! Mabibigyan ko na ng magandang buhay si tatay."Bestie! Bestie! "Napapikit ako sa irita sa pagtawag niya. Kung makasigaw naman tong si Balong akala mo may nangyayari sa kaniyang masama! Malamang magyaya na naman tong lumamon ng tapsilog o kaya pares sa mamihan!"Oh bakit? Wala akong panahong kumain! Wala akong gana. " Agad kong sabi, mangungulit siya sa akin nakita niyang naghahanapbuhay ako ngayon."Bestie kailangan mo nang umuwi agad!" Hingal na hingal niyang sabi sakin na halos pawisan. Anong problema niya?!"Baliw ka ba! Hindi pa nga ubos tong paninda ko eh! Mag i







