Masuk
Alex POV
"Balut! Balut! Balut! Kayo diyan!" Hay! Ang sakit sa lalamunan ahh! Napakatumal naman ngayong gabi! Sabay hagod ko sa aking leeg dahil kanina pa kasi ako sigaw ng sigaw at lakad ng lakad pero ni isa wala man lang bumibili ngayon. Takot atang ma high blood ang mga tao ngayon eh. Kailangan ko pa naman ng pera ngayon dahil May mga bibilhin pa ko para sa school, malapit na din naman akong maka graduate sa wakas! Mabibigyan ko na ng magandang buhay si tatay. "Bestie! Bestie! " Napapikit ako sa irita sa pagtawag niya. Kung makasigaw naman tong si Balong akala mo may nangyayari sa kaniyang masama! Malamang magyaya na naman tong lumamon ng tapsilog o kaya pares sa mamihan! "Oh bakit? Wala akong panahong kumain! Wala akong gana. " Agad kong sabi, mangungulit siya sa akin nakita niyang naghahanapbuhay ako ngayon. "Bestie kailangan mo nang umuwi agad!" Hingal na hingal niyang sabi sakin na halos pawisan. Anong problema niya?! "Baliw ka ba! Hindi pa nga ubos tong paninda ko eh! Mag isa kang kumain at umuwi! " Sabay hampas ko sa kaniyang braso. Saka tumalikod na at nang makarami. Bago pa ko umalis lumingon muna ako at nakita kong napasabunot pa siya sa ulo, napangiti na lang ko sa ginawa niya. " Ako na ang bahala diyan wag ka ng makulit! Kasi ang tatay mo! Nasa palengke!" Pagkarinig ko nun nilingon ko agad siya ulit, kung nagsasabi siya ng totoo sa tatay ko, nakaramdam agad ako ng kaba dahil seryoso ang mukha niya at halatang sobra siyang nag- aalala. Nabitawan ko ang basket na dala ko dahil sa sobrang kaba. Na alarma agad ako at tinakbo ko agad ang malapit na palengke sa amin. Pagdating ko dun halos manginig ako sa galit at awa. Nakita ko ang tatay ko na nakahiga at binubugbog ng mga kalalakihan. Mabilis akong naghanap ng pwede kong gamitin para panlaban ko sa mga walang hiyang to! "Bestie oh!" Narinig ko si Balong at hinagis nya sakin ang isang dos por dos, kahit kailan talaga to maasahan! " Hoy! Tigilan niyo yang tatay ko!" Huminto ang mga lalaking nanggugulpi sa tatay ko at lumingon silang lahat sakin. Ngumisi sila dahil sa nakita nilang babae ako at alam nilang kaya nila kong lahat. Pero nagkamali sila dahil kamag anakan ko ata ang ibang siga dito sa Maynila. Lumapit sila sakin at sumugod lahat, isa isa ko silang pinagpapalo ng dospordos , may ibang nakasapak sakin pero di naman masakit. Buti na lang din kasama ko si bestie na handang makipag basagan ng mukha! Pagkatapos naming makipag laban naks! Akala mo talaga eh! Mabilis lang naman dumating ang mga tanod at mga pulis kaya nahinto din kagad kahit papano. Nilapitan ko agad ang tatay ko na nasa isang sulok na nakabaluktot dahil siguro sa sakit na naramdaman niya kanina. May hawak hawak siya na noodles at mga gamot. Hinawakan ko siya sa kaniyang mukha dahil puno ng pasa at maga ang mukha ni tatay. "P-para to... kay A-Alex anak ko yun... Gutom na siya k-kasi, may s-sakit kasi s-siya yung anak ko. K-kaya parang a-awa niyo na." Hindi ko na pinatapos ang tatay ko at agad ko siyang niyakap. "Tay." Naaawa kong tawag. "Okay lang po ako. Wag nyo na po akong alalahanin. Tara na po uwi na tayo." Hindi ko mapigilang lumuha sa habag sa tatay kong walang ibang ginawa sakin kundi mahalin ako at alagaan. Ganyan kasi si tatay kapag naalala niya nung bata pa ko, noong nagka sakit ako noon, walang wala kami kahit isang kusing, lalo na pagkain wala. Nagnanakaw siya ng noodles at gamot para sakin kaya palagi siyang nagugulpi noon. Mahal na mahal ko ang tatay ko. Hindi naman siya magkakaganito sana kung hindi ginawa sa kaniya ng napakawalang kwentang babae na yun! Lahat nang pagpapa hirap sa ama ko, Kaya kapag nagkita kami lintik lang ang walang ganti. Diego POV "Please Hon, umuwi ka na dito. Sobrang miss na kita." Miss na miss ko na kasi ang girlfriend ko. Fucking long distance relationship kami, anong magagawa ko, kailangan kong suportahan ang pangarap niyang maging sikat na modelo. "Hon please? Alam mo naman eto na ang pinaka big break ko!" Kinuha ko ang alak na nasa tabi ko at nagsalin sa baso. Ikaw lang talaga ang sandalan ko. Ang alak na kailanman hindi ako hinahayaang malungkot at mag isa. "Yeah. Congrats, and I'm so proud of you. Always remember that. Pero hindi mo naman maaalis sa'kin ang mamiss kita, lalo na kapag nandito ako sa kama natin." Napakagat ako sa labi nang maalala ko ang katawan niya-ang sexy at hot talaga ng girlfriend ko. "Hon, syempre, me too. Super miss na miss kita-lalo na yang hot body mo." Medyo malandi at mapang-akit ang boses niya. Ayun na nga eh! Kaya paano pa ako makaka-recover sa init na nararamdaman ko ngayon?! "Kung gano'n, hon, umuwi ka na dito. Naghihintay na ang kama natin-at siyempre, ang katawan kong ikaw lang ang inaasam." Pilyo kong sabi. Tinawanan niya na naman ako, pero biglang may narinig akong tumawag sa kanya. "Naughty! Bye for now, hon. Be a good boy always, ha? Si Cha-cha, ang baby natin, palagi mong aalagaan, okay? I love you so much." Sasagot na sana ako ng I love you too, pero pinatay niya na agad ang tawag. Binato ko ang cellphone ko sa sofa. Buti pa yung shitzu palagi niyang kinakamusta. Lumapit ako kay cha-cha at binuhat siya. " Yung mommy mo talaga miss na miss ko na. Sana bumalik na siya para makasama na natin siya ulit." Hay! Baka mabaliw ako nito kung pallagi ang kausap ko si Cha-cha. Matawagan ko nga si Niel. "Bro, kita tayo sa bar ko ngayon. Wala kong ka sex pwede ka?" Pagbibiro ko sa kanya lakas din kasing mang gago nito eh. " Gago kaskas mo sa pader! Wag mo kong idamay sa katarantaduhan mo! Pagod ako ikaw na lang!" Hindi ko to mapipilit eh! Dahil mas madami tong babae kesa sakin eh. Inend ko agad ang tawag ko sa kaniya walang kwenta. At the Bar Mag-isa na lang akong lumabas nang makarating ako sa bar na pagmamay-ari ko. Wala pang ilang minuto mula nang umupo ako sa counter para uminom, may agad na lumapit sa aking babae. Mga tipo ng babaeng pang-kama talaga-shit, ang hot. "You're Diego, right?" Tumango lang ako, kunwaring walang interes. "Free ka ba ngayon?" Mabilis akong lumapit, hindi ko na siya pinagsalita at agad ko siyang hinalikan. Nakita kong napangisi siya sa ginawa ko. Walang sabi-sabi, iniabot niya sa akin ang susi ng kotse niya. Eh di biglang liko na. Alex POV Nang ma iuwi ko na si Tatay sa bahay namin pinaliguan at ginamot ko ang mga galos niya agad para hindi ma-infection. Nakatapos na din siyang kumain para makainom ng gamot kaya dinala ko na siya sa kwarto niya para makatulog na nang maayos. Nang ihihiga ko na siya, tumayo siya. Bigla siyang parang may naalala. Kinuha niya ang teddy bear na paborito ko saka umupo sa kama niya. "T-tatay m-mahal si b-baby Alex s-sobra! A-ayaw ko may sakit si Alex, kaya kuha kita pagkain." Tatayo pa siya para lumabas ulit pero pinigilan ko dahil baka mapano naman siya dyan sa labasan. "Tay, pakinggan mo po ako ah. Si Alex po malaki na po at ako po yun. Si Alex na ang mag-aalaga kay Tatay. Hindi ka pababayaan ni Alex Tay, kahit kailan." Tumango ang tatay ko at humiga na. Inayos ko muna ang kaniyang kumot saka hinalikan siya sa noo. Lumabas na ko ng kaniyang kwarto para makapag pahinga na din ako dahil kailanga maaga ako bukas para maka pag sideline bago pumasok sa school. "Bestie, bakit kasi hindi mo na lang ilagay si Mang Totoy sa mental institute. Para hindi ka mahirapan at laging nag aalala." Nakalimutan kong nasa sala pa pala tong mokong na to kumakain ng dala niyang pagkain para samin. Palagi niya na lang sinsabi yan. Pero wala naman siyang magagawa kung ayaw ko. "Kumain ka na lang diyan. " Mariin kong sabi sa kaniya at umupo sa tabi niya. " Alam mo na naman ang sagot ko diyan diba? Hindi baliw ang tatay ko. " Kumain na nga ang mokong. Palagi na lang tong kumakain dito pero okay lang kasi siya naman bumibili ng pagkain pero walang plato sa kanila ata at gusto lagi dito. May inabot siyang pera sakin. "Wag na itago mo nga yan! May sarili ka ding pangangailangan noh!" Binalik ko yung pera sa kanya at agad naman siyang lumabas. Ganito to eh! Kaya hinaltak ko sya. Nilagay ko yung pera niya sa loob ng kaniyang bag pero hinagis niya pabalik sakin. "Kulit mo noh! Okay lang sakin wala naman akong pagkakagastusan eh. Sige na bestie tanggapin mo na to. Kapag di mo to tinanggap mawawalan ka ng gwapong bestfriend." Napailing ako sa sinabi niya saka natawa ako, kung makapanakot eh. "Takutin ba naman ako? Baliw neto." Nilagay ko ang pera sa bulsa ko at ngumiti ako sa kanya. "Salamat." Tinanggap ko na. Dahil napaka matampuhin nito kapag hindi ko kunuha ang bigay niya, hindi ako papansinin nito at ayokong mangyari yun dahil siya lang ang pinaka malapit at nag iisa kong kaibigan. Hinawakan ko ang mga kamay niya. Bigla siyang namula "S-sige na kita na lang tayo bukas. Maaga pa tayo bukas." Biglang iwas niya ng tingin at inalis niya ang pagkakahawak ko sa kaniya. Problema nito? " Sige ingat ka dyan ah!" Sabay kaway ko sa kanya at tumango lang siya, mabilis na umalis. Kinaumagahan madaling araw pa lang gising na ako, kailangan ko pa kasing tumulong sa palengke. Para may kita ako kahit papano. Pagkatapos kong maligo. Pinuntahan ko muna si tatay at hinalikan ko siya sa noo. Nang palabas na ko nakita ko si Nanay Merlyn na nagwawalis sa tapat namin. "Nanay Merlyn! Patingin po muna si tatay ah. Tutulong lang po ako sa palengke magkador at magtinda." Magalang kong sabi at binuhat ko ang inigib niyang tubig sa poso. "Hay! Nakung bata ka! Bitiwan mo nga yang balde at tatawagin ko si Pendong! Kaya walang nanliligaw sayo eh! Akala kasi tomboy ka! Mga natatakot kasi baka masapak mo sila." Natawa ko sa sinabi ni Nanay Merlyn. Saka napakamot ng ulo. "Nay alam mo naman po na wala akong panahon para dyan at saka ayoko po ng mga love love na yan. Hindi po totoo yun." Tumawa si Nanay sa sinabi ko, inabutan niya ako ng kape at pandesal. " Kumain ka muna bago magpunta sa palengke, tutal naman wala pa ang mga biyahero don at maghihintay ka pa ng matagal!" Hinatak din ako papunta sa lamesa nilang nasa labas. "Thank you po Nay." Nahihiya kong sabi dahil para ko na din tong nanay mula noon pa. "Ay naku! Nak, alam mo kasing ganda mo ang nanay mo!" Bigla akong nawalan ng ngiti at napansin ni Nanay yun. "Pero nak mas kamukha ka ni tatay mo pa din." Ngiti nya sakin na alam ko naman pinapagaan niya lang ang loob ko. "Bestie! Good morning! " Tawag sakin ni Bestie na may dalang plastic. "Ano yan? At saka bakit ang aga mo dito mamaya pang tanghali pasok natin sa school diba?" Umupo siya sa tabi ko nang biglang lumabas si Kuya Pendong. "Ang aga ni lover boy ah! Ang aga mong manligaw ah!" Tumingin ako kay Bestie na parang nahihiya at tumingin sakin. Biglang sinubo niya sakin ang pandesal sa bunganga ko. "Kumain ka na lang tinitignan mo pa ko eh." Nakangiting sabi niya at ngumiti din ako. Nasa palengke na kami tinulungan ako ni bestie magbuhat ng mga gulay. Halata sa kilos niyang medyo hindi niya kaya. May kaya kasi sila sa buhay pero ang bait niya dahil nakikisama pa din siya sakin kahit na ganito lang ako. "Bestie sabi ko naman sayo na wag mo nang tanggapin tong mga pang lalaking trabaho na to. Nagkakaron ka na ng mga muscle." Sabay tawa niya nang pang aasar. Hinampas ko siya ng bimpo sa braso, namilipit agad sa sakit . "Eh ano naman kung magka muscle ako? Bakit iiwasan mo na ba ako kapag nagkaron ha?!" Kinuha nya ang gulay na hawak ko at siya na ang nagbuhat. Inagaw ko yun at itinuro ko na lang ang mga ibang natitira. Natapos na din kami sa pagtulong sa palengke at kahit papano binayaran naman ako. May pang tanghalian na kong maiiwan kay nanay Merlyn para kay tatay. Tapos yung binayad kay bestie binigay naman niya sa akin. "Pano bestie uwi muna ko. Maliligo na ko, sunduin na lang kita mamaya." Tumango ako at nagkahiwalay na kami. Nag lakad lakad muna ko para pampalipas oras na din. Dahil gusto ko munang mapag isa, para makapag isip isip. Huminga ako ng malalim at tumingin sa malayo. Ang hirap ng buhay namin ng tatay ko pero ayos lang basta kasama ko siya. Napatingin ako sa isang sasakyan na hindi naka park sa tamang lugar, nakita kong nakabukas ang bintana at lalaki ang nasa loob, tingin ko lasing. Teka yung lalaki nanakawan ng mga batang hamog. Kumuha agad ako ng pamalo na nakita ko sa bangketa. "Hoy! Kayo diyan! Tigilan nyo yan ah!" At biglang tumakbo yung mga batang hamog pagdating ko dun. Bakit kasi nakabukas ang bintana nito? Kahit lasing sana wag maging pabaya lalo na sa ganitong lugar. "Hoy kuya! kuya! Gising! " Tinapik tapik ko at nagising naman ito. "What do you want? Ha? Boy. " Aba gago to ah. Nakuha pang sabihan ako ng boy! "Kuya muntikan ka ng pagnakawan ng mga batang hamog dito. Gumising ka na dyan!" Saka ko siya niyugyog At bigla nyang inayos ang upo nya na parang nahimasmasan, lumingon siya sa paligid saka ngumiti ng iiling iling. "Ah okay." May kinuha sya sa tabi nya nakita ko wallet at may kinuha siyang pera. "Here, para sayo yan, boy. " Nagulat ako ng binato niya sakin yung pera at saka pinaharurot niya ang kaniyang kotse, Aba gago na yun ah! Pag nakita ko ulit to humanda to sakin! Kung makikita ko pa nga siya. "Hoy, kuya! Kuya! Gising!" Tinapik-tapik ko siya at nagising naman. "What do you want, ha? Boy." Aba, gago 'to ah. Nakuha pang sabihan akong boy! "Kuya, muntik ka nang pagnakawan ng mga batang hamog dito. Gumising ka na diyan!" Saka ko siya niyugyog. Bigla niyang inayos ang upo niya, parang nahimasmasan. Lumingon siya sa paligid, saka ngumiti habang umiiling-iling. "Ah, okay." May kinuha siya sa tabi niya-nakita ko ang wallet-at kumuha ng pera. "Here, para sa'yo 'yan, boy." Nagulat ako nang binato niya sa akin ang pera. Pagkatapos, pinaharurot niya ang kotse niya. Aba, gago na 'yon ah! Pag nakita ko ulit 'to, humanda 'to sa 'kin-kung magkikita pa kami.Diego's POV"Bro! Happy birthday!”Bati sa akin ni Niel na may kasamang mga chiks.“Thanks, bro.”Sabay kaming nag–fist bump. Pagkatapos, iniladlad ko ang palad ko sa harap niya.“What is that?”Takang sabi niya, sabay maang-maangan.“Bro, nasaan na yung regalo mo sa akin?”Bigla siyang tumawa at kumuha ng alak.“Bro, putek! Ang yaman mo na. Hindi mo na kailangan ng regalo!”Ah, gano’n? Ang yaman-yaman, walang regalo.Kinuha ko ang alak na hawak niya bago pa niya mainom.“Puta, ang bastos mo, bro!”Natatawa niyang sabi.“Eto na nga regalo mo, gago ka!”Inabot niya sa akin ang susi ng kotse.Alam naman niya kung ano ang gusto kong regalo.Maya-maya, sabay dumating sina Vince at Luc.“Happy birthday, bro.”Sabi ni Vince sabay abot sa akin ng regalo.Puta, lupet—Rolex at isa pang susi ng kotse.“Happy birthday, Playboy!”Nanunuyang sabi ni Luc.“Nasa account mo na yung gift ko para kapag nagka-AIDS ka na, may panggamot ka.”Nagtawanan kaming tatlo.Mga gagong ’to!“Problem, bro?”Tanong
Strange ProposalChapter 2Diego POVI’m here in my unit. Last night, nakagawa na naman ako ng kasalanan sa girlfriend ko. Don’t blame me—malungkot lang talaga ako.I really need my girlfriend, and I’m missing her so much.Biglang nag-ring ang cellphone ko. My dad.Son, where are you?”Bumuntong-hininga na lang ako. Mukhang pagagalitan na naman niya ako."Dad! Nasa condo po. Why?"Narinig ko ang pag ubo niya sa kabilang linya. Mukhang kagagalitan nga ako nito.“Umuwi ka muna dito sa atin. Today. I have something important to discuss.”Tsk. Alam ko na kung ano ‘to. Tungkol na naman sa amin ng girlfriend ko. Bakit ba sila nagmamadali?"Okay Dad."Tamad kong sagot. May magagawa ba ako? Tatay ko ‘to eh.Pagdating ko sa bahay, bumaba ako sa kotse. Walang guard na nagbukas ng gate kaya ako na lang ang nagbukas.Bakit ang tahimik? Akala ko ba may mahalagang sasabihin?“Dad! Mom! Diane!”Walang sumasagot. Baka nasa kusina.Pagdating ko roon, wala pa rin. Kinabahan ako. Baka may nangyari sa ka
Alex POV"Balut! Balut! Balut! Kayo diyan!" Hay! Ang sakit sa lalamunan ahh! Napakatumal naman ngayong gabi!Sabay hagod ko sa aking leeg dahil kanina pa kasi ako sigaw ng sigaw at lakad ng lakad pero ni isa wala man lang bumibili ngayon. Takot atang ma high blood ang mga tao ngayon eh. Kailangan ko pa naman ng pera ngayon dahil May mga bibilhin pa ko para sa school, malapit na din naman akong maka graduate sa wakas! Mabibigyan ko na ng magandang buhay si tatay."Bestie! Bestie! "Napapikit ako sa irita sa pagtawag niya. Kung makasigaw naman tong si Balong akala mo may nangyayari sa kaniyang masama! Malamang magyaya na naman tong lumamon ng tapsilog o kaya pares sa mamihan!"Oh bakit? Wala akong panahong kumain! Wala akong gana. " Agad kong sabi, mangungulit siya sa akin nakita niyang naghahanapbuhay ako ngayon."Bestie kailangan mo nang umuwi agad!" Hingal na hingal niyang sabi sakin na halos pawisan. Anong problema niya?!"Baliw ka ba! Hindi pa nga ubos tong paninda ko eh! Mag i







![ACADEMIC AFFAIRS [SPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)