LOGINNasa loob na kami ng delivery room. Nakahiga si Alex sa kama, ang mukha niya ay puno ng pagod at kaba, ngunit ramdam ko ang tapang sa kanyang mga mata. Hawak-hawak ko ang kamay niya, ramdam ko ang init at tibok ng puso niya—parang bawat tibok ay sumasabay sa kaba ko rin. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng pinagdadaanan namin bago dumating ang sandaling ito—ang mga oras na parang walang katapusan, ang mga gabing mag-isa kami, ang mga pangarap na sabay naming binuo, at ang takot na baka hindi maabot ang panibagong yugto ng buhay namin. “Okay, Mrs. Madrigal, hinga muna ng malalim at umire kayo pag bilang ko ng tatlo,” utos ng doktora, habang sinusubaybayan ang bawat galaw ni Alex. Siya naman ay sumusunod, humihinga ng malalim sa bawat bilang. Ako, sa gilid niya, hindi mapakali. Hinahawakan ko ang kamay niya nang mahigpit, hindi para pigilan siya… kundi para ipakita na nandito ako. Nandito lang siya sa bawat hakbang, sa bawat hirap, sa bawat paghinga
Diego POVIsang linggo matapos maoperahan si Alex, ito na ang araw na aalisin ang benda niya sa kaniyang mga mata. Sobang kabado ang pakiramdam ko.Dumating ang doktor at magalang na bumati sa amin bago inalis ang benda ni Alex. Nakapikit pa rin ang asawa ko.Pinadilat siya ng doktor, pero paunti-unti lang, para hindi siya mabigla.Habang binubuksan ni Alex ang mga mata niya, ako naman ay excited na makita siya. Lumapit ako sa harapan niya, pero nakatulala lang siya sa kawalan."My, kamusta yung mata mo?" napapitlag siya sa sinabi ko at hinawakan ang mukha ko."Dy, lalo kang gumwapo ah!" sabi niya, nakatingin sa akin."Nakikita mo ako, My? Sure ka?" tanong ko."O-oo naman... ikaw talaga, Dy." at hinalikan niya ako sa labi. Kinaway ko ang aking kamay sa harap niya, pero hindi siya pumipikit. Bigla akong napayuko at pinipigilang maluha dahil sa kinahinatnan ng asawa ko."Sorry My, akala ko lang kasi. Basta, kapag may iba kang nararamdaman, sabihin mo agad kay Dy ah." Tumango siya at niy
Alex POV Mahigit isang buwan nang maayos ang pamilya nila Diego. Balik na sa dati ang mag-asawa sa kanilang walang sawang pagpapalambingan at pagpapamahalan. "Dy! Gumising ka na diyan! Male, late ka na, dali!" niyuyugyog ko siya, nagtataka kung bakit tulog pa siya. Kanina pa tumatawag si Lucas dahil may meeting sila ngayon. "Dy, ano ba?! Gumising ka na! Magagalit sayo si Lucas at kanina pa yata naghihintay!" Nabigla ako nang hilahin niya ako pabalik sa kama at binaon ang mukha niya sa leeg ko. "Hayaan mo nga lang ang ugok na yon, inaantok pa ko, My," sabay halik sa balikat ko. "Dy, hindi pwede, matatanggal ka na sa trabaho," natawa siya sa sinabi ko. "My, as if naman! Sobrang kawalan ko kaya sa kanila? Saan sila makakahanap ng magaling, matalino, at gwapong architect na nag-iisa lang? Saka sa yaman kong ito, may sarili akong negosyo!Bakit manghihinayang pa ako sa kikitain ko kay Lucas, ha!" Hinampas ko siya sa braso at bumangon. "Yabang mo naman!" sigaw niya habang hinihila pa
Diego POV Ang tagal ko nang hinintay na muling makita ang asawa ko at ang anak ko. Dahil sa aksidenteng ginawa ko, inaasahan kong galit sila sa akin. Pero hindi ko akalaing ganito kasakit sa dibdib ang maramdaman kapag hindi ka nila pinapansin. Magkasama kami sa iisang bahay ni Alex, pero hindi niya pa din ako pinapansin o hinahayaang magpaliwanag. Ni hindi man lang niya ako tinitingnan. Ilang linggo na silang ganito sa akin mag ina, minsan may mga araw na wala sila dito sa mansion ng hindi ko alam. Parang pinaparamdam nila sa akin na ito ang naging bunga ng mali kong ginawa. Ang nasanay na silang wala ako. Napansin ko ang anak ko papunta sa garden, mukhang magdodrawing siya. Sinundan ko siya at nakita siyang umupo sa damuhan, hinahanda ang sketch pad at mga pangkulay niya. Lumapit ako, pero mukhang abala siya at hindi niya napapansin na narito ako sa tapat niya. "My Princess, pwede bang manghiram si Daddy ng pencil at sketch pad? Na-miss na kasi ni Daddy magdrawing eh," sa
Third POV Halos araw araw pumupunta si Diego sa mansion ng magulang dahil nandoon ang kaniyang mag ina. Pero parang may mga nakaharang na pader sa mag ina niya sa tuwing nandun siya. Hindi kasi magawang pansinin siya ng mga ito o lingunan man lang. " Iho, anak," Napalingon siya sa taong tumawag sa kaniya, ang byenan niyang lalaki, na nakangiti, kagaya ng dati, inabutan siya ng kape nito at alam niyang handa itong makinig sa kaniya at maging siya din ay handang makinig sa kung anong sermon o payo nito sa kaniya. " Kamusta na ang katawan mo, maayos na ba? " Huminga siya ng malalim saka tumango. " Mas lalo kang naging gwapo ah!" Biro nito sa kaniya na kinatawa nilang dalawa. " Na disappointed ako sa ginawa mo anak, " walang tahasang pag amin nito sa kaniya. At tanggap niya iyon, dahil maging sarili niya kinamumuhian niya ngayon. " Pero mas lalo kong napatunayan na grabe talaga ang pagmamahal mo sa anak ko. Dahil sariling buhay mo kaya mong ipagpalit para sa ikakasaya n
After two months Busy si Alex sa negosyo niyang itinayo na lamang sa Pilipinas na pastries at cakes, dito na lang niya itinuloy ang pinakamamahal niyang ginagawa. Sa loob ng two, months sobrang nakilala agad ng mga tao ang kaniyang business kaya palaging madaming order and reservation nag nagpupunta sa kaniya, kaya minsan hindi niya na namamalayan pa ang oras at panahon. Palagi din siyang nalilipasan ng gutom pero may mga nagmamahal naman sa kaniyang palaging nandyan para ipaalala iyon. Sa totoo lang napaka sakit pa din ang pagkawala ni Diego sa buhay nilang mag ina. Pero kailangan niyang magpaka tatag at magpatuloy silang mamuhay ng pinaka mamahal na anak. “Bakit ka nagpapalipas na ng gutom? Lagpas lunch na ah,” medyo nagulat siya nang may nagsalita. Ngumiti siya sa bumisita. “Mathew! Kamusta naman? Bakit ngayon ka lang napadpad dito?” taas kilay ni Alex, sabay tawa sa reaksyon niya. “May pinuntahan lang ako at may tinrabaho sa ibang bansa. Alam mo naman, laging busy ang mga







