共有

KABANATA 3

作者: LICAVERSE
last update 最終更新日: 2025-02-12 13:16:03

KABANATA 3

PARUSA

Ang mga tagahanga ni Kyle Santos sa kabilang panig ay biglang sumugod sa live broadcast room ni Alana.

 [Patayin ang beauty mode at alisin ang makeup!]

[Patayin ang beauty mode at alisin ang makeup!]

[Patayin ang beauty mode at alisin ang makeup!]

Punong-puno ng ganitong mga mensahe ang chat.

Samantala, may ilang mga batang host na dati nang binully ni Kyle ang hindi napigilang sumali sa usapan:

 [Hay naku, nangangagat na naman ang aso ni Kyle .]

[Kaya mo lang mambully ng baguhan. Kung matapang ka talaga, subukan mong harapin ang mga top live streamer tulad ni Bianca!]

[Tingnan natin kapag si Bianca na ang kumilos. Siguradong matatakot nang husto ang mga asong ‘yan!]

Si Bianca—ay ang pinakamalakas na host sa BidaLive Platform.

Kahit unang araw pa lang ni Alana sa pagla-livestream, nakita na niya ang pangalan nito dati.

Balita niya, kayang kumita ni Biance ng daan-daang libo sa isang live broadcast lamang.

Dahil sa parusa kay Alana na alisin ang beauty filter at makeup, dumagsa ang mga usisero.

Sa loob lang ng ilang segundo, lumampas na sa isang daan ang mga manonood sa kanyang live broadcast.

Pero karamihan sa kanila ay hindi dumalo para sumuporta. Nandito lang sila para manood ng eksena at pagtawanan siya kapag nakita na ang kanyang totoong mukha.

Ngunit sa halip na mataranta, ngumiti lang nang inosente si Alana at sinabing:

"Welcome to the live broadcast room ni Alana! Kung nagustuhan n’yo ako, p’wede n’yo akong i-follow para hindi kayo mawala sa susunod!"

At pagkatapos sabihin ito, pinatay niya ang beauty filter gaya ng hiniling ni Kyle Santos.

Sa BidaLive, may one-click beauty function, kaya ganoon lang kadali itong alisin.

Sa isang iglap, nagbago ang imahe sa screen. Ang dating sobrang maputing babae na parang multo, ngayon ay isang napaka-linaw at dalisay na kagandahan.

Hindi na mukhang sobrang pino at plastik ang balat niya—sa halip, ito ay makinis, malambot, at may natural na mapulang kutis.

Ang kanyang mga mata, na may malinaw na contrast ng itim at puti, ay mala-kristal at parang mata ng isang inosenteng tuta. Isang tingin lang sa kanya, at parang may kung anong tumama sa puso mo—isang hindi maipaliwanag na pagkagulat.

Kahit pa simple at mura lang ang kanyang suot, nagmukha itong elegante dahil sa kanyang perpektong mukha.

Tahimik ang buong chatroom ng mawala ang filter sa mukha ni Alana.Walang kahit isang nagkomento.

Nagtaka si Alana. Sa kanyang isip, baka napaatras sa gulat ang audience niya nang makita ang totoong itsura niya.

Dahil sa totoo lang, may kaunting pagkakaiba ang itsura niya sa harap ng camera at sa personal.

Ang pinakakaraniwang sinasabi sa kanya ng mga kaklase at kaibigan ay—

Sa bahagyang pagkabigo, mahina niyang sinabi:

"Wala akong suot na makeup at nakapatay na ang beauty filter... Ayos na ba ‘to?"

Si Alana ay suminghot at tiningnan ang tulalang si Kyle Santos sa kabilang panig.

[Siguradong nawindang si Kyle Santos sa ganda nitong bagong live streamer.]

[Putik, nagkamali ako. Sobrang ganda pala ng babaeng streamer na ‘to.]

[Kung ‘yan talaga ang tunay niyang mukha, mas maganda pa siya sa beauty queen!]

[Hindi ako naniniwala. Lahat ng babae sinungaling! May tinatawag na ‘fake natural makeup,’ ‘di ba? Baka ginamit niya ‘yan para linlangin kaming mga lalaking straight.]

[Tama! Dapat maghilamos siya para mapatunayan ‘yan!]

Napatingin si Kyle Santos sa sunod-sunod na mga komento at agad na nagsalita:

"Mga kapatid, duda ang lahat kung may suot kang pekeng... ano ‘yun... fake makeup! Maghilamos ka para mapatunayan ‘yan."

Hindi inasahan ni Alana na magiging ganito kahirap ang lahat.

Ngumiti siya nang bahagya, tumango, at sinabing:

"Sige, maghihilamos ako."

Tumayo siya at naglakad papunta sa banyo.

Pagkabangon niya, biglang naging mas abala ang chatroom.

[Yung legs niya… Diyos ko, mas mahaba pa sa buhay ko!]

[Kahit pangit siya, tatanggapin ko na. Ang legs pa lang niya, sapat na para sumikat siya habambuhay.]

[Shashasha… tunog ng laway kong tumutulo.]

[Sabihin niyo kay Kyle na wala na akong balak bumalik!]

[Simula ngayon, dito na ako sa live stream na ‘to. ‘Yung iba, parang motel lang!]

Habang pinapanood ng estrangherong user ang live ni Alana ay nagulat ito ng may tumawag sa kanyang numero. “Boss”

Mabilis niyang kinuha ang telepono at sinagot ang tawag ng kanyang boss. Babatiin niya pa sana ang boss ng pinutol ang kanyang sasabihin.

“I want her!”

“Do what you can to recruit her! Contact her immediately! Ayokong makipag-agawan sa ibang kumpanya lalo na sa angking ganda ni Alana.”

Mabilis namang sumang-ayon ang employee dahil isang hidden gem nga naman ang bagong live streamer. Hindi niya na tinapos ang panunuod at hinanap ang contacts ng babae sa iba’t ibang social media platform upang makausap ito.

Tahimik na nagmasid ang sexy cockroach sa lumalakas na ingay sa chatroom...

Hindi niya maitatangging napahanga siya ng saglit nang makita niyang in-off ni Alana ang beauty filter.

Kahit napakarami na niyang nakitang magagandang babae, kakaiba ang linis at inosenteng aura ni Alana.

Lalo na ang boses nitong malambot at parang may pagka-malagkit, tulad ng isang kuting na may bahagyang nakausling kuko—banayad na humahaplos sa puso ng mga tao.

Nang makita niyang dumarami ang mga sumusubaybay kay Alana, bigla niyang pinagsisihan ang pagpapatalo niya rito...

Maging si Kyle Santos ay unti-unting kinabahan.

Bilang isang beteranong live streamer, alam niyang tunay ang kagandahan ni Alana.

Ngunit hindi niya kayang balewalain ang pang-uudyok ng kanyang mga manonood, kaya wala siyang nagawa kundi sabihing maghilamos ito para mapatunayan ang lahat.

At sa hindi nakikitang bahagi ng camera, malakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Bakit parang swak na swak sa panlasa ko ang itsura niyang ‘to...?

Pero alam din ni Kyle Santos ang isang bagay—tiyak na sisikat ang babaeng ito bilang live streamer.

Ang kulang lang sa kanya ay oras at exposure.

Makalipas ang ilang sandali, bumalik na si Alana matapos maghilamos.

Para siguradong makita ng audience ang resulta, hindi niya agad pinunasan ang tubig sa kanyang mukha.

Bumalik siya sa kanyang upuan at banayad na kinurot ang kanyang pisngi sa harap ng camera.

Sa isang iglap, namula ito ng bahagya, kitang-kita ang lambot at kinis ng kanyang balat.

"Kita n’yo na? Wala talaga akong suot na makeup!"

Dahil nagpunta lang siya sa isang job interview kanina, hindi siya nag-ayos ng mukha dahil hindi siya marunong mag-makeup.

Ngunit matapos maghilamos, lalo pang luminaw at pumuti ang kanyang balat.

Ang kanyang mahabang pilikmata ay may mga natirang mumunting patak ng tubig, kaya mukha siyang isang inosenteng dalaga na mistulang na-bully.

[Nakita ko na ang future wife ko!]

[Ang ganda ng misis ko, parang isang bulaklak sa malinaw na tubig.]

[Mahal, pwede bang ilapit mo ang mukha mo sa camera? Gusto kitang halikan.]

[Yung iba d’yan, tigilan na ang pang-aasar. Akala ko ba 38-anyos na tiyahin daw ang asawa ko? Bakit tahimik na kayo ngayon?]

[Hoy, ikaw sa taas, parang hindi ka naman nagsalita kanina. Natatandaan ko pa ang ID mo! Ikaw nga ‘yung pinaka-maingay sa live ni Kyle kanina!]

[Aba, nag-aaway ang mga aso. Pareho lang kayong puro balahibo ang kinakain.]

[Lahat tayo ay magkakapatid, huwag sirain ang pagkakaisa dahil lang sa isang babae. Ang suhestiyon ko, kung may problema kayo, lumabas kayo at magbugbugan na lang. Kung may mamatay, isa na lang ang bawas sa mga lalaban sa akin para sureball na akin na si misis.]

[Magkano sa isang gabi?]

Dahil masyadong malaki ang naging pagbabago matapos patayin ni Alana ang beauty filter, biglang naging mas buhay ang live broadcast room, pero may mga hindi magagandang komento ring sumingit.

[Si "HungryDevil" ay tinanggal sa live broadcast room ng administrator, Sexy Cockroach.]

Napatulala si sa mga komento, pero dahil natapos na niya ang parusa, sinabi niya kay Kyle sa camera:

"Natapos ko na ang task. Pwede ko na bang buksan ulit ang beauty filter?"

Para sa kanya, nagbibigay ng sense of security ang beauty filter at natatakpan nito ang mga imperpeksiyon niya.

Dahil sa dami ng gustong pigilan siyang i-on ang beauty filter, napabuntong-hininga si Alana at ibinaba ang kamay niya nang may panghihinayang.

"Kung ayaw n’yo… edi hindi ko na bubuksan ang beauty filter!"

Muli siyang nakaramdam ng hiya habang nakaharap sa camera. Hanggang sa biglang nagbigay ng regalo si Kyle!

[Morning Light Reward – Lugaw with Egg Super Rocket*1] 

Napamulagat si Alana at nagtanong, "Di ba ikaw ang nanalo? Bakit mo ako niregaluhan?"

Ang Super Rocket ay nagkakahalaga ng 8,000 pesos!

Napangisi si Kyle Santos at sinabing:

"Para ‘yan sa medical expenses mo. First live broadcast mo pa lang, kaya malamang hindi mo pa alam ang mga nakatagong patakaran dito sa platform. Kapag natalo sa PK, kailangan mong bigyan ng regalo ang kalaban bilang kabayaran. Kadalasan, ang maliliit na anchors ay nagbibigay lang ng mumunting regalo, habang ang malalaking anchors ay mas galante sa pagbibigay ng ‘medical expenses’."

Ngunit sa totoo lang, si Kyle ay madalas lang magbigay ng mumunting regalo na nagkakahalaga ng ilang dolyar para hiyain ang natalo. Pero ito ang unang beses na naging bukas-palad siya sa pagbibigay.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 64.2

    KABANATA 64.2May dalawang male anchors na parehong uri, ang isa ay isang mayamang binata mula sa isang mayamang pamilya, at ang isa naman ay isang mahirap na binata na sumikat sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanyang paghihirap.Ang isa ay nasa ulap, ang isa ay nasa putik.Sa sandaling ito, naramdaman lang ni "Bobby" ang nagliliyab na sakit sa kanyang mukha, tulad ng isang clown na hindi makatayo sa liwanag.Ngumiti si Yohan at sinabing, "Okay, okay, ngayon ako ang ranked first. Ako naman ang pipili ng taong sasagot sa mga tanong."Kinusot niya ang kanyang mga kamay nang excited at ngumiti nang masama: "Kung ganon, tanungin si Alana!"Si Alana ay abala sa pagk

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 64

    KABANATA 64Matapos sagutin ni "Bobby" ang tanong, mabilis na nalampasan ng kanyang mga boto ang lahat at naging pansamantalang numero uno siya."Ngayon, ako naman ang pipili ng taong tatanungin."Gumala ang kanyang mga mata na parang maingat siyang pumipili."Lahat ay may ganti. Tanungin ko si Yohan! Kung gusto ka ng No. 1 sister mo sa listahan na maging boyfriend niya, papayag ka ba?"Kahit sino na may matinong paningin ay agad na mahuhulaan na sadyang naghihiganti si "Bobby" kay Yohan.Para sa mga male anchors na tulad nila na nasa hangganan ng diskarte, halos lahat ng kanilang fans ay girlfriend fans, at ang kakayahan ng mga nakatatandang babae na gumastos ay mas mahusay kaysa sa mga nakatatandang kapatid na lalaki ng mga female anchors.Kung pipiliin ni Yohan na sumang-ayon, magagalit ang ibang girlfriend fans.Kung pipiliin kong tumanggi, magagalit ako sa number one lady sa listahan.Ang ngiti ni Bobby ay hindi umabot sa kanyang mga mata, lahat ay nakasalalay sa kung paano siya

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 63.2

    KABANATA 63.2Matapos makuha ang sagot, napuno muli ang mukha ni Sarah ng masaya at maliwanag na ngiti. Pagkatapos ibaba ang telepono, sinabi niya sa camera na nakangiti: "Alam kong si Brother Mario ang pinakamahusay. Salamat Brother Mario sa pagiging No. 2 Big Brother ko ngayon. Salamat sa bawat fan na sumusuporta kay Sarah! Sa inyong kasama at proteksyon, si Sarah talaga ang pinakamasaya at pinakaswerte na pusa sa mundo."[Orange Cat Rewards Mayie Super Rocket*1] (1000 fish balls)[Stray cat reward cats do not eat fish BidaLive yacht * 1] (fish balls)[Logic Cat rewards Mayie Private

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 63

    KABANATA 63Kaya naman hindi napigilang matawa si Sarah nung makita niya na si "Kero_Dixlo", na laging sobrang mayabang, ay biglang naging sobrang duwag.Mukhang may mabibigo...Ang dahilan kung bakit siya pinag-set up ng planong ito ay marahil para alamin kung gaano karaming husband fans ang mayroon sa mga kuya ni Alana.Pero kung titingnan ang sitwasyon, medyo matindi ang kompetisyon.Tiningnan ni Sarah ang pangalawang tao sa kanyang contribution list. Ito ay isang "stray cat" na tahimik na sumusuporta sa kanya. Magka-private phone number sila, kaya dinial niya agad ang numero.Medyo nawala ang ngiti sa kanyang mukha, at may bahagyang kaba sa kanyang mga mata.

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 62.2

    KABANATA 62.2 Ang malambot na mga salita ay nakakaantig.[Later: Wow, wow, wow, estudyante ka nga ng prestihiyosong unibersidad, ang galing mong magsalita]【Zoren reward katsudon_ BidaLive spaceship * 10】 (fish balls)[Big Rino: Hiss, mukhang tinamaan din sa puso ni Brother Zoren ang sinabi ni Alana. ][Kaya, pinili ba ni Brother Zoren ang pangalang ito dahil sa tulang ito?][Zoren: Hindi, ang Zoren sa pangalan ko ay ang Zoren sa Mahjong]Sa isang salita, ang tulang pangalan ay hinila sa putik at naging mas down-to-earth.

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 62

    KABANATA 62Isa sa dalawang male anchors ay tinatawag na "Yohan" at ang isa naman ay "Bobby". Bagaman pareho silang may daan-daang libong tagahanga lamang, umabot na sa diamond five stars ang kanilang live broadcast level.Ang pusa na nag-organisa ng laro ay naunang nagsalita: "Bihira kayong dalawa na magkasabay online. Hindi madaling makipaglaro sa inyong dalawa."Si "Yohan" ay may kaakit-akit na mukha, at mas pinong-pino ang kanyang makeup kaysa kay Alana. Humahalakhak siya, at ang tunog ay sobrang kaakit-akit na nakakapamanhid ng tenga."Kung gustong makipaglaro ni Sister Cat sa akin, isang salita lang 'yan. Magpadala ka lang ng mensahe at agad akong lilitaw sa harap mo."Nanginginig s

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status