Share

String of Marriage (tagalog)
String of Marriage (tagalog)
Author: C.K

Prologue

Onalisa Gwen's Point of View

"TEN minutes left and you need to pass your papers!" sigaw ng prof namin.

Hanggang one hundred items ang questionnaires na sasagutan. Maraming almost tapos na pero simula nang maupo ako ay hindi ko man lang nagawang kumuha ng ball pen sa bag. Para saan pa kung hindi pa naman ako magsasagot? Ayoko kasing nangangalay ang kamay ko.

Tinaasan ko ng kilay ang katabi ko dahil tumingin siya sa walang sulat kong papel. "Onalisa, mangopya ka na lang. Midterm exam 'to. Hindi puwedeng zero ka."

Bumaba ang tingin ko sa test paper niya na tapos na.

"Don't worry. Hindi ka babagsak sa sagot ko." She gave me an assurance. She was the vice president and the Top 1 in our class kaya alam kong hindi nga ako babagsak kapag nangopya.

Tinakpan ko na lang ang papel ko. "No, thanks."

"Pero . . . wala ka pang sagot."

"Meron. Naduling ka lang."

"Eh?"

Tumayo na ako at lumapit sa prof. "Ma'am, 'punta lang po ako sa restroom." Tumango lamang siya at hindi man lang ako tiningnan dahil sa hawak niyang cell phone.

Hahakbang pa lang ako palabas nang biglang may humarang sa daanan ko. "Ah, darling! Ikaw pala! Can I talk to you after this exam?"

Kumunot ang noo ko. Medyo uminit ang hangin. Alam na kaya niya? Paano niya nalaman? Isusumbong ba niya ako kay Daddy? Hindi ako papayag na umabot ito sa pamilya ko. Kaya kong magbigay ng half a million para manahimik siya.

"About charity lang ang itatanong ko!" natatawa niyang sabi. "Parang ang lalim ng iniisip mo, huh? Baka akalain ng daddy mo na pinapagod kita sa klase ko. Hayst. Nakaka-pressure maging prof mo, pero nakaka-proud din. Alam mo bang lagi kitang binabanggit sa mga co-teacher ko at sa mga-"

I stopped her dahil nauubos ang oras.

"Okay po, pag-usapan natin mamaya ang about sa charity." Pinakaba niya ako nang ilang segundo. Akala ko, alam na niya. Anyway, charity topic was not worthy of my stress.

"Oo nga pala. Sige mag-CR ka na at bilisan mo. Five minutes na lang, pasahan na ng test paper. Break a leg, darling!"

Pilit ang ngiti ko. Dali-dali akong kumanan palabas ng classroom. Tumingin muna ako sa likuran ko bago tumakbo patungo sa locker area. Natataranta kong sinusian ang padlock ng locker hanggang sa makita ko ang hinahanap ko.

Time check: 9 a.m. Akala ko, hindi siya aabot. Thanks, he is my savior talaga. Kinuha ko ang isang pilas ng papel at isang apple.

"Good health before good grades," nakangising sabi ko. Kinagatan ko muna ang apple bago itinago sa bulsa ang pilas ng papel.

***

THE next day . . .

"Onalisa Gwen, got a perfect score!" masayang sigaw ni Prof. Nagpalakpakan silang lahat. "And because of that, you're exempted in my class for the whole week. Congratulations, darling!"

Yes, this was my main reason why I cheated on my examination. I wanted to have a long vacation, kaya naman humingi ako ng tulong sa SSG President namin and hindi naman ako nabibigo tuwing may request. Mabuti na lang talaga, mabilis niyang natapos ang exam niya kaya umabot.

"Danica Cruz got a score of 72."

Maraming bulong-bulungan dahil hindi nila ine-expect ang score. Siya 'yong sumubok na magpakopya sa 'kin during exam day. Everyone was rooting for her dahil siya ang laging may pinakamataas na score tuwing may quizzes and recitation. And ako? Mataas din naman ang mga score ko. Sadyang humingi lang ako ng tulong sa iba dahil gusto ko 'yong mas mataas pa sa kakayahan ko.

"Paano mo nagawa 'yon, Onalisa? 'Di ba, wala ka namang kasagot-sagot? Pinapakopya pa nga kita, e," bulong ni Danica. Ewan ko ba kung bakit siya pa ang seatmate ko this semester. "Sino'ng nagbigay sa 'yo ng kodigo? Ano'ng section niya? Mali 'yon, 'di ba?"

Hindi ko siya pinansin dahil ayoko lang magsalita ng kasinungalingan. Oo, may kodigo ako, pero hindi ko puwedeng ipaalam ang pangalan kahit kanino. Baka mapahamak siya.

Tumayo na lamang ako at lumabas na. Saktong tapos na rin ang klase namin.

I had a lot of time tomorrow dahil exempted na ako sa lahat ng klase. Ko-contact-in ko na rin ang family secretary namin para ayusin ang schedule ko. Saan kaya magandang mag-vacation? Sa Hawaii na lang. Tatlong beses pa lang akong nakakapunta roon and I really missed it.

"Onalisa." Humarang si Danica sa harapan ko. Hindi pa rin niya ako tinitigilan dahil hindi niya matanggap na highest score ako and average score lang siya. "Kung mandadaya ka, sana hindi mo na lang ginawang perfect. Halata kasi."

"Puwede ba, umalis ka sa harapan ko? May early dinner pa kasi kami ng family ko." I didn't need her permission to go kaya lumakad na ako palayo.

"Ms. Perfect Girl ka nga talaga dahil halos lahat sa 'yo, perfect na!"

Napangiti ako. May bipolar disorder yata siya. Kanina lang, parang naghahanap ng away, tapos ngayon, kino-compliment na ako.

"Well, of course! Thank you." Nakatalikod pa rin ako sa kanya pero napatigil ako sa paglakad.

"Katulad ng mukha mo. Naging perfect dahil nagpa-enhance ka ng ilong mo. And kaya ka rin maputi dahil nagpapa-injection ka. So, perfect but fake."

Umawang ang bibig ko. Hinarap ko siya na may ekspresyong hindi maipinta ang mukha. "What the hell are you saying?"

Nag-cross arms siya. "Naka-perfect ka sa exam dahil sa kodigo. Well . . . proud ka ba talagang pangalanang Ms. Perfect kung puro pandaraya naman?" nakangising aniya.

I wanted to slap her face kaso hindi pa natatapos ang issue ko last week. Magpasalamat na lang siya dahil ayokong umuwi si Daddy dahil sa akin. Malaking investor ang kausap niya ngayon sa China. I needed more patience. Saka na lang ako gaganti sa nakakairitang Danica na 'to.

"You know what, Danica? You're such a waste of time. Manahimik ka na lang kung wala kang masabing maganda, okay?" Tumalikod na ako para makaalis na.

Handa na sana akong patawarin siya kaso may idinagdag siya na mas nagpainis lang sa akin. "Huwag mo nga akong talikuran, Ms. Perfect! Kaya sarili mong pamilya, tinalikuran ka, e!"

Napahinto ako sa paglakad. Sumara ang dalawang palad ko at naging mabigat ang aking paghinga. Dahan-dahan kong nilingon siya habang nanliliit ang mga mata. "Excuse me?"

"Totoo naman, 'di ba?" mataray niyang sabi.

Kapag sinampal ko siya, paniguradong iyon na ang pinakamalakas kong magagawa. Masisira ang mukha niya. I swear!

"Ikinakahiya ka ng mga tito at tita mo, maging si Chairman Alfonso Gwen, dahil ayaw nila sa 'yo. Puro problema ang dala. 'Ika nga sa nabasa kong article. 'You're the black sheep of Gwen family!'"

"Huh!" I scoffed and rolled my eyes. "Wrong info, Danica. Hindi lahat ng makikita mo sa Internet ay totoo. I can't believe na nagpapaniwala ka sa mga fake news," sabi ko gamit ang mababang tono. Tama, ganyan lang. Huwag kang lalaban. Kalmado lang dapat. Para kay Daddy, hindi ako gagawa ng gulo.

"Hindi ba evidence na ang pagtsi-cheat mo sa exam? Kitang-kita ko, wala kang kasagot-sagot sa papel tapos magiging perfect ang result? Kapag nalaman ng school na 'to na ang SSG President ang nagbigay sa 'yo ng kodigo, tiyak na parehas kayong mae-expel sa school!"

I rolled my eyes again. Bitter lang siya dahil mababa ang nakuha niyang score.

So insecure, nakakadiri. But, I needed more patience kaya palalagpasin ko ang araw na 'to. "What if ikaw ang isumbong ko sa teacher natin na nagto-tolerate ng cheating, huh? After all, ikaw ang nag-offer kahit nag-decline na ako. Fault ko ba na mas matalino ako kaysa sa 'yo?"

Nakita kong nagtagis ang mga bagang niya dahil sa inis. Totoo naman ang sinabi ko, e. Sa kanya na rin naman nanggaling na gusto niya akong pakopyahin.

"Anyway, kung gusto mong magkaroon tayo ng mahabang usapan, mag-request ka ng appointment sa secretary ko. I will try to entertain your issues about me next time. Thanks for being honest, Danica." I walked out again.

I promised to Dad na magbe-behave ako. Ayoko ng gulo habang wala siya. Please lang.

Nagulat ako nang itulak niya ang balikat ko kaya muntikan na akong madapa. And that moment, biglang dumilim ang paningin ko. Ang kapal ng mukha niyang itulak ako! Wala na akong ibang maramdaman kung 'di galit!

"Aminin mo sa prof natin na nandaya ka! Dahil kapag ako ang kumilos, idadamay ko rito ang SSG President. Parehas kayong mapapahamak!"

Ngumisi ako. "Ah, talaga ba?" Kinuha ko ang salamin niya sa mata at inapakan iyon hanggang sa masira. "Eh, 'di magsumbong ka! Sino'ng tinakot mo? Ako?"

Umiyak siya na parang baby. Wala siyang makita at nangangapa-ngapa sa hangin. "Nasa'n na ang salamin ko? Nasa'n na?!"

"Hanapin mong mag-isa. Buti nga sa 'yo."

"Fuck you! Ang layo ng ugali mo sa daddy at kapatid mo! Ampon ka yata, e!"

Kinuyom ko ang isang palad ko. I counted one to three before I punched her face. Nahilo siya hanggang bumagsak sa sahig. At doon na nagsimulang magtawanan ang mga estudyante sa gilid namin. Ang dami palang nanonood.

"Go, Onalisa Gwen! Woaaah!" Todo suporta sa akin ng mga estudyante kahit wala silang alam sa pinag-aawayan namin ni Danica.

Another scandal made by me. Sorry, Daddy. Hindi ako nakatiis, e. Masyado na kasing below the belt ang mga pinagsasasabi ni Danica.

I hated her because I knew . . . she was telling the half-truth.

***

"THIS is Maximo, my son," pakilala ni Dad sa kapatid ko na naglalaro ng robot sa lapag. "And this is Onalisa," sabay yakap sa akin.

Tumingin sa akin ang matanda. Tumaas ang balahibo ko. May mumu yata.

Sunod namang nagsalita ay si Tito Eliseo, kapatid ni Daddy.

"And this is Allesandra and Jonas Gwen," sabi ni Tito Eliseo sa matandang babae.

Pinalabas muna kaming apat na magpipinsan para mag-play raw sa playground. Naipit ang dulo ng dress ko sa pinto kaya binuksan ko ito at narinig ang usapan nila.

"Musmos ka pa lang, nakita ko na ang red string sa pagitan ninyo ni Susane. Hindi mo na dapat sinubukang magmahal ng iba. Nagbunga tuloy kayo na hindi dapat," sabi ng matandang babae kay Daddy.

What was the meaning of 'musmos'? Kahit naman tanungin ko si Yaya kung ano'ng meaning ay hindi ko pa rin mage-gets ang usapan nila. Oo nga pala! Maglalaro pa ako sa playground-

"Ang taong iibigin at mamahalin mo nang lubos ay nasa pagpapasya mo. Pero ang mapapakasalan mo lang ang itinadhana sa iyo. Hindi mo dapat kinalaban ang tadhana dahil ikaw lang din ang mahihirapan."

Isinarado ko na ang pinto. Umalis na ako pero naaalala ko pa rin ang sinabi ng matanda. Kaya siguro hindi puwedeng magsama ang bata at matanda kapag may usapan dahil mahihirapan silang magkaintindihan. Siguro, kapag pumunta si Daddy sa school ko, hindi rin niya maiintindihan ang turo ni Teacher. Hehe.

"Ate, okay ka lang?" tanong ni Maximo habang may hawak na bagong laruan. Nasa playground na kami. Umupo ako sa duyan at nag-swing.

"I'm not okay."

"Why, ate?"

"Dahil ang bad ng matanda kay Daddy. Parang pinapagalitan niya si Daddy kanina." Nag-sad face lamang si Maximo at nagpatuloy sa paglalaro ng robot.

***

AFTER ng ilang oras ay nasa small room na sina grandfather at ang matandang babae. Isa-isa kaming pinapasok na magpipinsan na hindi kasama ang parents. Kalalabas lang ni Jonas at sunod na pumasok si Maximo.

"Anak, ano'ng sabi?" pagsalubong ni Tito Eliseo kay Jonas. "Sino ang nakita sa 'yo?" May ibinulong si Jonas kay Tito.

"Daddy, sino po ba 'yong visitor natin? Bakit parang hilig niyang magpaiyak ng tao?" nakangusong tanong ko. Umiiyak na kasi si Jonas.

"Siya si Lola Lou Wisesun." Tumango ako kahit hindi ko naman na-gets. Para kasing nabulol si Daddy. "Hindi siya nagpapaiyak, baby," natatawang dagdag pa nito. "Baka may hindi lang pagkakaunawaan." Nakatingin siya kina Tito Eliseo at Jonas na nag-uusap.

"Ano po'ng meron kay Lola Lou, bakit isa-isa kaming kakausapin? Hindi naman po kami bad person, a?"

Tumingin sa akin si Daddy. "Meron siyang ikatlong mata na kung saan ay may kakayahan siyang makita ang mga hindi nakikita ng mga mata natin. She can read your red string."

"Red string? Pulang sinulid?"

Tumawa si Daddy. "Lahat tayo ay may invisible string sa daliri." Hinawakan niya ang pinaka-small kong daliri. "Nakatali ang red string mo rito. At ang kabilang dulong tali ay nakakonekta naman sa taong mapapangasawa mo balang-araw."

"Okay po. Ano naman po'ng mangyayari kapag nalaman na? Magpapakasal na po ba ako kaagad, Daddy?"

Mas lumakas ang tawa niya. "Hindi pa, baby. Hindi pa. Makikita rin ni Lou Wisesun ang taon ng magiging kasal mo. Saka lang tayo maghahanda kapag malapit na. Paano mo pala nalaman 'yang kasal na 'yan, ah?" Kiniliti niya ako.

"Sa Barbie po, daddy. Laging may kasalan sa ending."

Gusto kong kasal ang kagaya ni Cinderella! Magsusuot ako ng blue gown at bibili ng sasakyang gawa sa kalabasa at horses na mouse.

"Daddy, excited na ako! Yehey! Gusto kong magsuot ng malaking gown at crown!" Tumalon-talon pa ako sa sofa. Hinawakan naman ako ni Daddy sa baywang para hindi mahulog.

"Yes, baby. Gagawin nating enggrande ang kasal mo. Kaso matagal pa 'yon."

"Eh! Ayoko, daddy! Gusto ko na kaagad magpakasal para princess ako!"

"Kahit hindi ka ikasal, prinsesa ka na sa paningin namin." Pinisil ni Dad ang ilong ko.

Lumabas na sa kuwarto si Maximo. Nilapitan siya ni Tita Susane, ang step-mother ko na true mommy niya! Ako, hindi ko nakilala ang mommy ko. Maraming bata ang umiiyak kapag hindi kompleto magulang. Ako, hindi! Basta nandito si Daddy, hindi ako iiyak!

"Ano'ng sabi sa 'yo?" tanong ni Tita Susane habang nakaluhod kay Maximo.

"'Yong ka-red string ko . . . kilala ko po. Crush ko na po siya!"

"Nalaman mo ba kung ano'ng trabaho ng magulang niya?"

"Parents po niya ang nagmamay-ari ng school namin ni Ate Onalisa! Kaya lagi ko siyang nakikita sa school!"

Lumapit na rin si Daddy kay Maximo. Lahat sila ay halatang masaya. Pero alam kong mas masaya sa akin kasi pang-Cinderella story ang kasalan ko!

Lumapit sa akin ang isang yaya at lumuhod. "Ikaw na, Onalisa. Are you ready?" Tumango lamang ako at humawak sa kamay niya para hindi maligaw.

"Good luck, baby!" sigaw ni Dad.

Kumaway ako at ngumiti. Pagkabukas ng pinto, napansin ko kaagad ang kulay pulang pader na may iba't ibang shapes. Itinuro sa school namin ito. Merong triangle shape, square shape . . . at 'yong maraming patusok.

Umupo ako sa tabi ni Grandfather at yumakap naman siya sa akin. Tiningnan ko ang mahabang balbas niya na parang kay Santa Claus. Nilaro ko ito at inilagay sa buhok ko.

"Grandfather, para kang si Santa Claus." Tumawa lamang siya at ginulo ang buhok ko.

"Wisesun, I'm expecting more from her dahil siya ang carbon copy ni Christopher. Baka siya ang kunin kong tagapagmana kung magiging maganda ang takbo ng kapalaran niya."

"Makinang ang mga mata niya. She will be famous." Lumapit sa akin si Lola Lou at hinawakan niya ang magkabilaang kamay ko at ngumiti.

"Magaling kang pumili ng lalaki . . ."

Tumawa si Grandfather sa gilid ko.

"Pilipinong-Pilipino. Simple lang pero malakas ang dating. Maganda rin ang dalang pangalan: tunog pang-hari."

"Ang init po ng kamay mo!" sigaw ko.

Binitiwan na ni Lola Lou ang kamay ko. "Okay na. Nakita ko na," nakangiting sabi niya.

"Gano'n lang po?"

"May psychic abilities siya. Hawakan lang niya ang kamay mo, ilang segundo lang ay makikita niya ang past and future mo."

"Okay po, Grandfather."

Binuksan ni Lola Lou ang isang papel na nakatali pabilog. Hindi ko pa nakikita sa school ang gano'ng klaseng papel. Kung magpabili kaya ako no'n kay Daddy? Maiinggit na naman ang classmates ko.

"Hija, darating ang panahon na ikakasal ka sa taong nakita ko." May dino-drawing siyang mukha ng tao. Mabilis ang kamay kaya nakakatuwa.

"Kapag sinabi ko ang buong pangalan niya, sa kanya ka lang mag-focus. Dahil hindi porke't ikinasal kayo ay mahal ka na. Marami ka pang taon na bibilangin para mapaibig siya nang lubos."

Hanggang tainga ang buhok. May inilagay siyang tuldok sa gilid ng tainga at taas ng mata.

"Ligawan mo ang ka-red string mo kung kinakailangan . . ."

"Yes po, Lola Lou!" Ano ba'ng ibig sabihin ng ligawan? Maligaw? Kailangan palang maligaw muna kami ng asawa ko! Madali lang iyon! Lagi nga akong naliligaw sa school.

May maliit at manipis ang labi. Makapal ang kilay.

"Huwag mong susubukang magmahal ng iba dahil fifty percent ang tsansang maghiwalay kayo ng red-string mo . . ."

Napanguso ako. Bakit sina Daddy and Tita Susane, laging naghihiwalay kapag may work? E, kung hindi na lang ako mag-work para hindi kami maghiwalay ng asawa ko?

"Masusunod po, Lola Lou."

Napakamot siya ng ulo. "Just call me Mrs. Wisesun. Masyado namang pangmatanda ang Lola Lou, hija."

"Okay po!"

Sumali na si Grandfather sa usapan. "Lou, I want to know more about her future. Hindi lang sa red string niya. Puwede bang tagalan mo ang pagtingin sa kapalaran niya?"

"Sigurado ka ba? Wala nang thrill kung malalaman ang highlight ng istorya . . ."

"Ayos lang. Gusto kong malaman kung karapat-dapat ba siyang maging tagapagmana. I will give you ten hectares of land."

"Oh! God! Siyempre naman! Hindi ko tatanggihan iyan." Tumawa siya. "Kaya kong lumakbay hanggang dulo ng buhay niya. May kakaibang energy akong nararamdaman sa kanya. It's a good sign. Baka mag-iwan siya ng legacy."

"Then do it."

Humarap sa akin si Lola Lou na may ngiti. "Hija, isang oras kang makikipagtitigan sa akin at hahawakan ko ang kamay mo. Hindi ka dapat ma-distract. Kaya mo ba?"

"Ano po'ng gagawin? Akala ko po, tapos na 'yong kanina? Nagugutom na po kasi ako."

Tumawa lamang si Grandfather sa gilid ko at yumakap. May sinindihan na kandila si Lola Lou, super bango.

"Kailangan nating mag-concentrate para mas malinaw ang makita ko."

"Pero tapos na po 'yong kanina-"

"Uulitin natin, hija. At mas malayong paglalakbay ang gagawin ko."

Uulitin? Matagal 'yon, e! No! Ayoko! Gutom na ako! I want to go home na rin! "Okay po. Gets na gets ko! Hehe! Puwede pong five minutes lang?"

Umiling si Lola Lou at parang nakakatakot ang eyes niya. "Higit isang oras," mariing sabi niya.

"Okay po."

Pumikit si Lola Lou. May sinasabi siyang salita na hindi ko maintindihan. Hawak-hawak niya ang bakal na kuwintas sa leeg. "Thank you . . . Jaha . . . for allowing me."

"Lola . . . sino po'ng kausap mo?"

Dumilat na siya at seryoso ang mga mata. "Hija, tumingin ka lang nang diretso sa mata ko, ha?"

Hinawakan na niya ang kamay ko at nakipagtitigan sa akin. Nakatatakot ang mga mata niya, parang manika. Isang kulay brown at gray. Bakit kaya si Barbie, kulay blue ang mga mata? Gusto ko ring makahanap ng brown and gray eyes na Barbie para kakaiba.

"Tumitig ka lang sa mata ko at huwag mong aalisin iyon hangga't hindi ko sinasabi. Medyo magulo kasi ang nakikita ko. Nakakapangilabot."

Idinilat kong maigi ang mga mata ko. Sinigurado kong hindi ako pipikit kahit gutom na.

May idrinowing ulit siya sa papel kaya napatingin ako roon.

"Ako na po'ng mag-drawing. Top 1 po ako sa subject namin-"

"God! Sinabing sa akin ka lang tumingin!"

"Lou, ayos ka lang ba?" tanong ni Grandfather. "Apo ko ang kausap mo."

"Alfonso, sa tingin ko'y masyado pang bata si Ona. Kung gawin na lang kaya namin ito after three years?"

"Ngayon na."

Napahawak si Lola sa kanyang noo. "Sa edad na twenty years old ay ikakasal siya. Dalawang marriage contract sa pangalan niya."

"What does that mean, Lou? Dalawang beses siyang ikakasal?"

"Pasensiya na, Alfonso, naguguluhan din ako. Blurred ang nakikita ko dahil ang gulo ng apo mo."

Marami pang sinabi si Lola Lou at hindi ko na talaga nasundan. Mabuti pa'ng teacher ko sa school, magaling magpaliwanag kaya maraming nakaiintindi. Eh, siya, kanina pa ako pinapagalitan. Ilang beses siyang nakipagtitigan sa eyes ko. Marami siyang na-drawing sa papel na puro bilog naman.

"This is not good."

"Ano 'yon, Lou?"

"Isang farmer boy ang makakatuluyan niya. Siya ang magiging rason ng pagkamatay mo, Alfonso."

"A-Ako?"

"Hindi lang ikaw. Marami pang dugong masasawi dahil sa kanya."

Hindi talaga ako makasunod sa kanila. Sinong papatay? Ang ka-red-string ko?

"I'm sorry. That little boy is a killer."

Umiling-iling ako. "Ang bad mo po, Lola Lou! Puro bad na lang po'ng sinasabi mo! Kaya umiyak si Jonas kanina kasi salbahe ka!"

"Manahimik ka, Onalisa!" sigaw ni Grandfather. Napayuko ako at napakagat sa aking daliri.

"Gaano kayaman ang farmer boy na iyan para makalaban ako?"

"Hindi siya mayaman. Pero marami siyang kakayahan at connection para matalo ka."

"Sa madaling salita, gagamitin lang niya ang apo ko para yumaman?"

"Maaaring oo, maaaring hindi. Ang future lang ang kaya kong makita, hindi ang intensiyon ng tao. May nakita akong usok na pula. Maaaring senyales ng sunog, galit, o matinding pag-ibig-ito ang magiging laban niya sa iyo. Kailangan mong maging maingat. Masyadong malaki ang usok na iyon."

Minasahe ni Grandfather ang kanyang noo at si Lola Lou ay napainom ng coffee. "Sa province of Pangasinan siya naninirahan ngayon. Ang pangalan ng binatang iyon ay si-"

Tumayo si Grandfather kaya bigla akong nahulog sa sofa. Hindi nila ako tiningnan kaya umiyak ako at hinagis ang sandals para magpapansin. "Grandfather! Ang sakit-sakit ng paa ko!"

"Walang ibang puwedeng makaalam kung sino ang lalaking iyon! Kahit si Ona, hindi sila maaaring magtagpo."

"Grandfather . . . sinungaling po si Lola Lou." Tiningnan ako nang masama ni Grandfather gamit ang mala-monster niyang mukha. Nakakatakot. Kamukha niya 'yong prince charming sa Beauty and the Beast.

"Lumabas ka."

"Pero, grandfather . . ." Tuloy-tuloy ang iyak ko. "Ayoko pong lumabas, please. Bad po si Lola Lou ayaw kitang iwan-"

"Guard! Take her out!" Pagkasigaw niya ay agad na pumasok ang dalawang malaking lalaki at binuhat ako.

"Sino ang farmer na iyon? May paraan ba para mapigilan ito?" tanong ni Grandfather kay Lola Lou. Isinarado na ang pinto bago ko pa iyon marinig.

***

"GUYS, wala na siyang malay!" Nakatulala ako habang pinagkakaguluhan ng mga estudyante si Danica. "Hoy, gumising ka. Uy . . ." Tinapik ng kaklase namin ang pisngi nito.

Nanginginig ako sa nakikita ko. Napalakas ako ng suntok sa mukha niya pero hindi ko naman alam na hahantong sa ganito.

Teka, baka naman may iba pa akong ginawa maliban sa suntok? I didn't remember. Basta nagdilim lang ang paningin ko hanggang sa iyon na.

"OMG! May dugo! May dugo!" Halo-halo na ang boses ngunit mas nangingibabaw ang mga umiiiyak sa gilid. I couldn't explain it any better. Unti-unti nitong kinukurot ang puso ko.

Wala nang Danica sa sahig. Wala nang nagkukumpulang estudyante sa paligid ko. Isang oras na ang lumipas ay narito pa rin ako sa gitna ng corridor-dinaraanan lang ng mga tao at may ibang patagong kumukuha ng larawan ko.

It was all coming back to me. The fear. The anxiety. The judgment of everyone's eyes. Fault ko na naman ba?

Natatakot akong kumilos, baka makapanakit na naman ako. Natatakot akong magsalita, baka kasinungalingan lang ang lumabas sa akin. Natatakot akong maging ako dahil baka walang magtagal sa akin kapag nakilala nila ako nang lubos.

I wanted to be alone. I wanted to be invisible in the eyes of many people.

Isang malambot na tela ang bumalot sa balikat ko. I felt warm for a moment.

"Who are you?" iritable kong tanong.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status