“Hindi mo ba talaga kakausapin ang Mama mo? Tatlong araw na ang lumilipas, Leandra.”Huminto ako sa paghuhugas ng pinggan at humarap kay Jacob na siyang nagluluto ng pagkain namin para sa umagahan ngayong araw. He’s right, it’s been three days since it happened. Pero hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako kung dapat ko ba siyang kausapin o hindi. May mga pagkakataon din kasi sa buhay ko na nahihirapan akong magdesisyon. Minsan, sa sobrang pag-iisip ko sa isang bagay, mas lalo lang akong nahihirapan na mag-isip ng solusyon para rito. Katulad nalang sa nangyari sa amin ni Mama. “Do you think I should talk to her? After what she’s done?” tanong ko kay Jacob.Nanatiling tahimik si Jacob habang binabantayan ang bacon na kaniyang niluluto.“Puwede niya naman kasi akong tanungin nang maayos. Hindi niya naman kailangang magalit sa akin o sa inyo ni Tita Ariella. Hanggang ngayon tuloy ay nahihiya pa rin ako sa inyo.”Jacob looked at me and smiled.“Nahihiya ka dahil sa ginawa ng Mam
Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba kay Jacob ang tungkol sa desisyon ko na bumalik muna ng siyudad pansamantala. Nahihiya ako na kinakabahan. Magagalit kaya siya sa akin kapag nalaman niya ang nais kong mangyarI?Ang sabi sa akin ni Mama, kailangan niya raw ako sa Manila. Hindi ko rin makalimutan ang sinabi niya tungkol sa mga hindi niya sinasabi sa akin at ang mga kailangan kong malaman. My curiosity continues to grow as the time passes.“Okay ka lang ba?” tanong ni Jacob habang nakaupo kaming dalawa sa sofa. Naalala kong may pinanunuod pala kami ngunit ang atensiyon ko ay nabaling sa ibang bagay. I was busy thinking but my eyes is on the magazine on the table.“May problema ba?”Bumaling ako sa kaniya at ngumiti.“Alam mo naman hindi ba na nakausap ko si Mama?”Tumango siya. Umayos siya nang pagkakaupo at humarap sa akin para ibaling sa akin ang kaniyang buong atensiyon.“Tell me, what about it?”It’s hard to tell him about this but I think I have no choice left. I need to
Matagal akong napatitig kay Angelo. I can’t believe that he’s standing in front of me and now he’s telling me that he missed me. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matawa sa sinabi niya. Because honestly, I didn’t even think of him.Pagkatapos noong nangyari sa amin sa mall kung saan kailangan pang magpanggap ni Jacob na boyfriend ko para lang lumayo sa akin si Angelo, pagkatapos niyon ay hindi ko na naisip pang kumustahin siya. Naiinis pa rin ako sa kaniya sa ginawa niyang pamimilit sa akin noon.“Yeah, sure.”Tumalikod na ako at muling bumalik sa kuwarto. I don’t know what his deal. Bakit niya pa kailangang pumunta rito mismo?After I finished finalizing the painting that I am currently doing, saka ako nagbasa ng mga mensahe na kanina ko pa natanggap. Kabilang na roon ang ilang mensahe na galing kay Jacob. He told me that he’ll be coming here in Manila on Friday. He’s asking me if we can see each other. Pumayag naman ako dahil sa condo naman niya kami magkikita. Nang sabihin
The truth is, I don’t know why Angelo is acting this way. Sa pagkakaalam ko, hindi kami okay at hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kaniya dahil sa ginawa niyang pamimilit sa akin noon.Kahapon, hindi ko inaasahang makikita ko siya. Tapos ngayon, narito ulit siya. Pakiramdam ko sinasadya niya na talagang lapitan ako.“Kung wala si Mama, okay lang naman na ako nalang ang bumiyahe mag-isa. Nandito naman yung isang sasakyan namin at marunong naman ako magmaneho.”He looked at me seriously.“Really, Andra? Iiwasan mo talaga ako?”“Ano sa tingin mo?”“Come on, parang hindi naman tayo magkaibigan kung tratuhin mo ako.” I scoffed.“Are we friends? After what you did to me?”“Can’t we just forget that?”Parang uminit bigla ang bumbunan ko nang marinig ang sinabi nito. Paano niya nagagawang sabihin iyon sa harapan ko nang hindi man lang nahihiya?“Forget that? Ang daling sabihin ano?”He sighed deeply and looked away for a while.“Sige na, Andra. Sumakay ka na. Pareho tayong male-late sa
Masama ang loob ko habang nasa biyahe pauwi. Kung dala ko lang ang sasakyan, sigurado akong habang nasa biyahe palang ay tumatawag na ako kay Jacob. Hindi ko alam kung alam niya na ang plano ni Mama tungkol sa kanilang kontrata sa bar construction sa Siargao.Kung bakit ba naman kasi nangyayari ito ngayon. Akala ko ay magiging maayos ang takbo ng samahan nila ni Mama. Dahil unang-una, si Mama ang nag-initiate na sumama ako sa kaniya. And gosh, she even knew about our relationship. Hindi ko man lang alam kung sino ang nagsabi sa kaniya. Pero ang hula ko ay si Angelo. Gusto niyang hindi na ako bumalik sa lugar na iyon? At gusto niya akong lumayo kay Jacob?As if it will happen!Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Yaya Gina. Nakangiti pa ito sa akin. Nang makita niya ang seryosong ekspresiyon ng aking mukha ay agad siyang napahinto sa paglalakad.“May nangyari ba sa’yong hindi maganda, Andra?”Humugot ako ng malalim na hininga at marahang umiling kay Yaya. This is a family is
I chose to stay. Not because I want to but because I don’t want my Yaya lost her job. Importante sa akin si Yaya Gina kaya hindi rin ako papayag na dahil sa gagawin ko, mawawalan siya ng trabaho.Bumalik nalang ako sa aking silid at agad na tinext si Jacob para sabihing hindi na ako matutuloy dahil pinagbawalan akong lumabas ng bahay. Humiga ako sa kama at pumikit nang mariin.This whole thing that my mom is making, I can feel that there is a deep reason why she started this. Hindi naman siya ganito dati. Only if she could tell me what’s going on, I’m sure I’ll be able to understand her. Ang kaso, hindi niya naman sinasabi sa akin ang dahilan kaya heto ako ngayon, nangangapa.Kinuha ko ang apat na litratong naitago ko sa ilalim ng aking higaan. Pagkatapos ay umupo ako ulit ng aking kama at sumandal sa headboard nito.Mataman kong tinitigan ang bata sa larawan. Nang tingnan ko ang likuran ng bawat larawan ay napansin ko ang maliliit na sulat doon na malapit nang mabura.“Leandra Anasta
“Andra, kahapon ka pa hindi kumakain. Please, kumain ka na.”Nakaupo ako sa sahig ng aking kuwarto. Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri habang nakatingin lang sa sahig ng aking kinagisnang silid.“Please, Andra. Hindi makabubuti sa’yo kapag hindi ka kumain. Magkakasakit ka.”Halos hindi ko maikurap ang mata ko dahil mahapdi pa rin ito. Magmula kahapon ay umiiyak na ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kahit na ilang beses kong sabihin na malalampasan ko ito, kahit ilang beses kong patatagin ang sarili ko, hindi ko pa rin maiwasang umiyak.Magmula kahapon, nakakulong na ako sa lugar na ito. Dati rati, ang kuwartong ito ang pinakaimportanteng lugar sa akin lalo na kung gusto ko ng katahimikan. Ngayon, pakiramdam ko isa na itong selda at ako ang bilanggo nito.Lahat ng sinabi sa akin ni Mama—Mali, hindi siya ang tunay kong ina. Kaya hindi ko na siya dapat na tinatawag na Mama. My heart aches for her but my heart aches for myself as well. Hindi ko naisip sa buong buhay ko na darating
He called me by my name. He called me Gabriella. I am Gabriella. This feels surreal. May pagkakataong pinangarap ko na maging ako si Gabriella. Nang sa gayon lahat ng taong nagmamahal sa kaniya ay mahalin din ako. At kabilang na roon si Jacob.Now that he’s here. I can’t believe he’s calling me by my name. My real name. Gabriella Mari Benitez Del Rio.“Gabby…” marahan niyang tawag sa akin.Lumayo ako nang bahagya sa kaniya at tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata.“Paano ka nakarating dito? Paano ka nakapasok? There are guards outside.”He smiled and cupped my face using his palm.“I made a way. If I needed to get you out of here even by killing someone, I’d do it.”Naramdaman ko ang pagpatak ng aking mga luha sa aking pisngi. Pinunasan niya naman ito agad.“I’m sorry. I’m sorry you had to go through this. Hindi ko akalaing aabot sa ganito ang magiging trato niya sa’yo. Did she hurt you? Laid her hands on you?”Umiling ako. “No. Wala siyang ginawa sa akin. Ayaw niya lang akong palab