Hindi nahirapan si Jacob na ipaalam ako sa aking mga pamilya. Tuwang-tuwa pa nga sina Lolo na isasama ako ni Jacob sa Siargao. Even Papa allowed me to come. Gusto ko rin sana isama si Mama sa event. Ang kaso, marami siyang aasikasuhing trabaho sa opisina niya.“Kuhang-kuha mo na talaga ang loob ng pamilya ko ‘no? Hindi na ako magtataka kung sila pa mismo ang magtulak sa akin na pakasalan ka balang araw,” biro ko kay Jacob habang sakay kami ng kotse. Ngumiti naman siya.“Why? If that happens, papayag ka ba sa gusto ng pamilya mo? Do you want to marry me someday?”“Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan. Do you want to marry me, Jacob?”He smirked.“Hindi na tinatanong iyan. Dahil automatic na oo ang sagot diyan.”I can’t help but to imagine Jacob proposing to me in front of the beach. Wala lang, minsan hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong mangarap. Bukas ang kasal ng kaniyang Dad at ng Mommy ni Jace pero ngayon kami pupunta ng Siargao dahil nabanggit ni Jacob na birthday
Hindi na ako pinayagan ni Jacob na maligo dahil magdidilim na. Kailangan mauna kami sa dalampasigan bago si Yael. Simpleng t-shirt na cream ang kulay at tokong lang ang suot ko. Mas kumportable talaga ako kapag ganoon lang ang suot ko. Mabuti nalang din at hindi nagre-reklamo si Jacob. Mukhang kahit ano namang suotin ko ay okay sa kaniya.“May tanong ako,” panimula ko habang naglalakad kami patungo sa dagat. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok kaya kapag umiihip ang hangin ay nililipad ang dulong bahagi niyon.Ako na rin ang nag-boluntaryong magdala ng kahon na nakabalot na sa gift wrapper. Samantalang si Jacob ay tahimik lang na naglalakad. Wala siyang kahit ano na hawak. Mukhang inilaan niya talaga ang oras na ito para sa mangyayari mamaya.“Hindi ka ba naiinis kapag ganito lang ang damit na suot ko?”Kunot-noong bumaling siya sa akin.“Bakit naman ako maiinis? You look okay and I think that’s fine with me.”Ngumuso ako.“I mean… sure ako na karamihan sa mga babaeng kilala mo ay
“Kinakaban ako,” mahina kong bulong kay Jacob habang nasa biyahe kami patungong simbahan sa General Luna.Sobrang aga namin nagising kaninang umaga. Kampante pa ako noong paggising ko hanggang sa pagpapalit ng damit. Pero noong paalis na kami ng bahay, bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi dahil may ginawa akong masama o kung ano. Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na haharap ako sa kanila bilang si Gabriella Del Rio.Kung alam na nina Yael ang totoong kuwento tungkol sa pagkatao ko, mas sigurado akong unang kumalat ang balita sa mga mayayamang tao rito sa Siargao. At kabilang na roon ang pamilya ng mga Castillo na kinabibilangan ni Jacob.“You don’t have to be nervous. Hindi naman ako aalis sa tabi mo.”“You will. Later. Once the wedding started. Saka hindi tayo magkatabi sa upuan dahil magkahiwalay ang upuan ng mga lalaki at babae.”He chuckled.“I’m talking figuratively, Gabby.”He held my hand.“Wala kang dapat ikatakot. Luanne was there and all of my other cousins. Hindi b
Dahil lumabas sina Luanne, naiwan ako sa loob mag-isa kasama ng iba niyang kapamilya na medyo malayo sa akin.Pagharap ko sa aking likuran ay bahagya akong napaatras nang makita ang ama ni Jacob na si Marcus Castillo.“Hey, sorry. Nagulat ba kita, hija?” tanong niya.Marahan akong umiling.“Are you with my son, Jacob?”“Opo. Sabay po kaming pumunta rito.”Ngumiti ang ama ni Jacob at mas humakbang pa siya palapit sa akin. Itinaas niya ang kaniyang kamay upang tapikin ang aking balikat.“Honestly, I don’t know what to say now that you’re back in Jacob’s life, Gabriella. But I wish you never leave him. Jacob is a good son to me. And I bet he’s a good boyfriend to you too.”I nodded.“He is.”“Right.” Tumango-tango rin ito.“Now that I’m going to marry Jace’s mother, I’m sure that I don’t have the luxury of time to check on him and Janina. I think Janina will be fine since she already have a family. But Jacob—”“Don’t worry. I will not leave him.” Pinutol ko na ang kung ano pa man ang sa
Pagkatapos ng event sa reception ng kasal, nagpaalam ako agad kay Jacob na kakausapin ko ang kapatid niya. Pumayag naman ito agad dahil abala rin siya sa pakikipag-usap kay Janina.Nang makita ako ni Jace na palapit, lumapit siya sandali kay Lara at bumulong dito. Nakita ko nang malinaw ang pagsasalubong ng kilay nito at saka bumaling siya sa direksiyon ko. Hinawakan ni Lara ang braso ni Jace para pigilan ang kaniyang nobyo, pero si Jace na mismo ang bumawi sa sarili nitong braso.Mas lalo lang sumama ang tingin dahil sa ginawa ni Jace.“Sigurado ka bang hindi magagalit sa’yo ang pinsan ko?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami patungo sa isang bahagi ng lugar kung saan konti ang tao. Nang lumingon ako ay nakita kong nakatingin sa akin si Jacob. Nginitiin ko lang siya saka ibinalik ko na rin ang aking atensiyon kay Jace.“Kahit naman magalit siya, wala rin naman siyang magagawa kung gusto kong kausapin ka.”Humugot ako ng malalim na hininga.“Do you love my cousin,
Jacob and I planned to go back to San Isidro. Ang kaso, hindi kami pinayagan ng newlywed couple dahil mayroon pang pakulo na night event ang mga organizer ng wedding. Kung saan may mga palaro na magaganap at ang magbibigay ng prizes ay ang bagong kasal. Kahit na mayroong mga bisita ang umuwi, mayroon pa rin naman ang nanatili. At kabilang na kami roon ni Jacob. May inihanda namang hotel rooms para sa mga bisita na nais mag-overnig ht.“Kailangan ba talaga nating sumali sa mga palaro?” tanong ko kay Janina habang nakahiga ako sa kama ng kaniyang silid. Nasa tabi ko ang kaniyang anak na si Gavin na pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko. Pasalamat nalang ako dahil so far, hindi pa naman niya ako sinasabunutan.Katatapos ko lang magbihis ng damit. I’m glad nagbaon ako ng extra shirt clothes with underwear just in case this kind of thing happens. And voila, nangyari nga kagaya ng inaasahan ko.“My Dad and Tita Amara are expecting us to come. Patutulugin ko lang itong si Gavin at iiwan sa Yaya
Sumama ang timpla ng hitsura ni Lara nang marinig niya ang sinabi ko. Umayos siya sa pagkakatayo at humakbang palapit sa akin. Inilapit niya ang kaniyang bibig sa bandang tainga ko.“Wala ka pa ring pinagbago Gabby. Ang tagal mong nawala, nabuhay ka na gamit ang ibang pangalan, pero yung ugali mo kagaya pa rin sa dati. Akala mo, ikaw lang ang may kayang gumawa ng mga bagay-bagay. You think you’re always right. Kaya alam mo, deserve mo yung pagkawala mo.”Nakita ko ang paggalaw ni Jacob sa likuran ko kaya bago pa man siya mag-react sa sinabi ni Lara, inunahan ko na siya.“Ang dami mong sinabi, bakit hindi nalang tayo maglaro,” sambit ko saka ngumisi.Humarap ako sa emcee at tinanong ang mga dapat at hindi dapat gawin. Inilahad naman nila nang maayos ang panuntunan.“Ang ibig niyong sabihin, kahit ano, puwede naming gawin, basta kami ang makakapagdala ng treasure box sa newlywed, ganoon ba?” tanong ko.“Yes. Puwede niyong agawin. Pero hindi puwedeng dumating sa punto na magkakasakitan a
I thought Jacob was just joking about him being strict with about my lesson in business management. Akala ko ay hindi niya magagawang magsungit sa akin. Pero mali ako. Ilang araw palang niya akong tinuturuan, halos wala yatang minuto ang lumipas nang hindi siya naiinis sa akin. I’ve never seen this side of him. Back then, sobrang bait at sobrang lambing niya sa akin, but this time, he wasn’t. Palaging seryoso ang kaniyang mukha. Palaging nakataas ang kilay niya sa tuwing magkakamali ako. Katulad nalang ngayon. I forgot to double check and proofread the words written in the documents.“I told you to always double check the papers. See, hindi mo ito nakita? Come on, Gab. You’re better than this, you know.”I know that. Ang kaso, hindi ko pa nga gamay ang ganitong trabaho. I grew up thinking that I will become a famous painter or become the highest paid architect here in the Philippines. Hindi ko naman pinangarap na maging isang tagapagmana ng malaking kumpanya. Hindi ko akalaing kailang