Share

CHAPTER 127: THE ONE WHO CAME BACK AFTER YEARS

Isang malaking desisyon para sa akin na iwanan pansamantala ang aking trabaho para makasama ang itinuring kong ina sa mahabang panahon. Bago rin ako nagdesisyon tungkol sa bagay na ito, kinausap ko muna ang kapatid ko, pati ang aking tunay na ina.

Pumayag silang dalawa ngunit mahigpit na tinutulan ni Lolo Raoul ang desisyon kong iyon. Kinailangan ko pa siyang pakiusapan nang ilang beses.

“You know without you this company will be put into risks.”

“But Lara is here as well as her father, Tito Regan. Kaya nilang dalawa na trabahuhin ang kumpanya. And for the DRH, I’ll let Jacob handle it for a while. I just need some time with her. She’s dying and she needs me. Hindi po ba talaga ako puwedeng magdesisyon para sa sarili ko kahit ngayon lang?”

Natahimik si Lolo Raoul at tumitig sa akin nang matagal.

“Talaga bang kailangan mong umalis pansamantala sa pagtatrabaho? Hindi naman kita pipigilan na pumunta sa kaniya, apo.”

Tumango ako.

“Opo, kailangan ko munang umalis para mabigyan ng oras ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status