Share

C6 IT SHOULDN'T HURT LIKE THIS

Author: Miss Alii
last update publish date: 2026-04-29 08:00:23

AZARIAH POV

“Ahmm… papasok na muna ako sa loob. Hahayaan ko na muna kayong mag-usap,” mahinang sabi ko, pilit pinipigilan ang bigat sa dibdib ko.

Akmang aalis na sana ako nang bigla akong pigilan ni Theron.

Napatingin ako sa kanya.

Ang mga mata niya… hindi ko maipaliwanag, pero parang may sinasabi.

Huwag kang umalis.

Makinig ka.

Parang gusto niyang manatili ako. Parang ayaw niyang iwan ko siya… o baka ayaw niyang iwan ako sa sitwasyong ito.

Pero bago pa ako makapagdesisyon, sumabat na si Cassia.

“Mabuti naman at naisipan mong umalis,” ani niya, may halong panunuya sa boses.

Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko.

“Cassia, stop. She’s my wife. Put some respect,” malamig ngunit mariing sabi ni Theron.

Saglit akong natigilan.

Ngunit si Cassia… tumawa lang.

“Over ka naman, Theron,” nakangisi niyang sagot. “Siya naman ang nag-insist na umalis para makapag-usap tayo, tapos ako pa ang walang respeto?”

Napakagat ako sa labi ko.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.

“Ahh… sige na, Theron,” mahinang sabi ko, pilit pinipigilan ang emosyon sa boses ko. “Para na rin may privacy ang pag-uusap n’yo.”

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

Ramdam ko ang bahagyang paghigpit niya, pero hindi niya ako pinigilan nang tuluyan.

At sa sandaling iyon… parang may kung anong kumalas sa loob ko.

Hindi na ako nagsalita pa.

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papasok ng bahay.

Hindi ako lumingon.

Ayokong makita kung paano siya tumingin sa ibang babae.

Ayokong makita kung may natitira pa sa pagitan nila.

Habang papasok ako sa loob ng mansyon, pakiramdam ko bawat hakbang ko ay pabigat nang pabigat.

Hanggang sa tuluyan akong makapasok.

At doon… doon ko lang hinayaang bumigat ang dibdib ko.

Bakit ganito?

Bakit parang… nasasaktan ako?

Hindi ba’t wala naman dapat akong maramdaman?

Hindi ba’t isang buwan pa lang kaming kasal?

Hindi ba’t wala naman dapat itong kahulugan?

Pero bakit…

parang natatakot ako na baka sa isang iglap…

mawala siya sa akin?

Papasok na sana ako sa hagdan para umakyat sa kwarto namin ni Theron nang may biglang nagsalita sa gilid ko.

“Bakit ka umalis?”

Napalingon ako.

Ang mommy ni Theron iyon, may hawak na baso ng tubig at nakatingin sa akin na parang may alam na hindi ko pa nalalaman.

Lumapit siya at inabot sa akin ang baso.

Tinanggap ko iyon.

“Salamat po,” mahina kong sabi.

Humigop ako ng kaunti, pilit pinapakalma ang sarili ko.

“Hindi ka sana umalis,” dagdag niya habang pinagmamasdan ako. “Para narinig mo kung paano i-reject ng anak ko ang babaeng ‘yon.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“A-ano po?” gulat kong tanong, napatingin agad sa direksyon ng pinto.

Ni-reject niya?

“Bakit po?” tanong ko, halatang naguguluhan.

“Hindi po ba… may gusto pa sila sa isa’t isa? Diba po… naging sila?”

Ngumiti nang bahagya ang mommy ni Theron, pero parang may halong pagkaalam ang tingin niya.

“Oo, naging sila nga,” sagot niya. “Pero hindi na ‘yan mahal ng anak ko.”

Parang may kung anong gumaan sa dibdib ko… pero hindi ko agad iyon pinansin.

Sa halip, may isa pa akong tanong na hindi ko mapigilan.

“Ahmm… mommy,” mahina kong tawag, “hindi po ba kayo boto kay Cassia?”

Sandali siyang natahimik.

“dati?” tanong ko ulit, kinakabahan.

“Abay, boto naman ako,” diretso niyang sagot.

Parang may kung anong kumirot sa puso ko.

Napayuko ako nang bahagya.

So… gusto nila siya.

Pero bago pa ako tuluyang malunod sa iniisip ko, nagpatuloy siya sa pagsasalita.

“Pero dati na ‘yon,” dagdag niya agad. “Simula nung naghiwalay sila at nag-abroad ‘yang babaeng ‘yan… nawala na rin ang pagkagusto ko sa kanya.”

Napatingin ako ulit sa kanya.

“Alam mo ba kung bakit?” tanong niya.

Umiling ako.

“Dahil sa ugali,” sagot niya. “Ngayon nga lang bumalik, pumasok agad dito sa bahay na parang siya ang may-ari. Wala man lang galang.”

Bahagya siyang napasimangot.

“Ako ang nagbukas ng pinto para sa kanya, ha. Ni hindi man lang ako binati nang maayos,” dagdag pa niya, halatang hindi natuwa.

Hindi ko maiwasang mapaisip.

“Hindi lahat nadadaan sa ganda at yaman,” patuloy niya habang nakatingin sa akin. “Mas mahalaga pa rin ang respeto at ugali.”

Unti-unti akong napatingin sa kanya.

parang naramdaman kong hindi ako nag-iisa sa loob ng mansyon na ito.

“Mas gusto ko pa ang isang taong marunong rumespeto… kaysa sa isang babaeng sanay makuha ang gusto niya,” sabi niya, saka bahagyang ngumiti sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Napangiti rin ako nang bahagya.

At sa loob-loob ko…

unti-unting nawawala ang kaba na kanina ko pa nararamdaman.

Pero kahit ganoon…

may isang tanong pa rin ang nananatili sa isip ko.

Kung talagang tapos na sila…

Bakit parang hindi pa tapos si Cassia?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C14 MY OWN WAY

    AZARIAH Hindi ko na pinag-aksayahan pa ng oras si Sienna.Hinila ko na lang si Sofie palayo habang patuloy pa ring may sinasabi ang step sister ko sa likod namin.“Aza! Hindi mo pa ako tapos kausapin!”Napairap na lang ako.Bahala siya diyan.Ayoko nang dagdagan pa ang stress ko.At isa pa…naiinis din ako sa paraan ng pagtitig sa akin ni Lucas.Parang wala siyang ginawang kasalanan.Parang may karapatan pa siyang tingnan ako nang gano’n.Kung dati, isang tingin lang niya ay parang nawawala na ako sa sarili…ngayon hindi na.Wala na akong maramdamang kilig.Wala na ring sakit.Ang meron na lang…pagkadismaya.At siguro, konting awa sa dating sarili ko na halos sambahin siya noon.Napabuntong-hininga ako habang naglalakad kami ni Sofie papunta sa cashier.Hindi bagay ang mahinang babae sa katulad ni Theron.Kung gusto kong makasabay sa isang lalaking gaya niya.kailangan kong matutong tumayo sa sarili kong paa.Pagkatapos naming magbayad, lumabas kami ng store habang bitbit ang mga pi

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C13 NOT THE SAME AZARIAH

    AZARIAH Habang namimili kami ni Sofie at abala sa pag-uusap tungkol sa mga art materials na bibilhin ko, bigla akong nakarinig ng isang boses na ayaw na ayaw ko nang marinig pa. “Azariah?”Napapikit ako.SeriouslySa dami ng tao sa mall…sa dami ng pwedeng makasalubong…ang bruhang si Sienna pa talaga.Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko siyang nakatayo ilang hakbang lang mula sa amin. Nakaayos ito mula ulo hanggang paa, suot ang mamahaling dress at may hawak pang shopping bags habang nakakapit sa braso ni Lucas.At tulad ng dati.nakangiti siya na parang siya ang pinakamalinis na babae sa mundo.Tumingin siya sa basket ko at isa-isang sinuri ang mga binili ko.Pagkatapos ay malawak siyang napangisi.“Oh, my dear sister,” matamis ngunit halatang mapang-asar niyang sabi. “Anong ginagawa mo dito?”“Malamang mall ‘to,” agad na sagot ni Sofie bago pa ako makapagsalita. “Hindi mo ba nakikita na namimili kami?”Napalingon si Sienna kay Sofie at agad nagbago ang ekspresyon nito.“How

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C12 MAYBE SOFIE'S RIGHT?

    AZARIAH Pagkatapos naming mag-almusal, hindi muna kami agad umalis.Nakipagkwentuhan muna ako kay Mommy Stella sa sala habang si Theron naman ay may kausap sa cellphone tungkol sa trabaho.Hindi ko namalayan ang oras dahil sobrang gaan ng pakikitungo sa’kin ng mommy niya.Pakiramdam ko… matagal na niya akong kilala.“Aza,” tawag niya habang hawak ang kamay ko. “Mahaba-habang pasensya ang kailangan mo sa anak ko.”Napatawa ako nang mahina.“Ganun po ba siya kahirap pakisamahan?” biro kong tanong.“Naku, sobra,” natatawa niyang sagot. “Malamig, masungit, at ayaw magpatalo.”Napailing na lang ako.Kung alam niyo lang po…Tumango na lang ako kahit hindi nila alam na may tampuhan kami ni Theron simula kagabi.“Pero mabait ‘yan,” dagdag ni Mommy Stella. “Hindi lang marunong magpakita ng feelings.”Maya-maya, nagpaalam na rin kami.Hinayaan kong si Theron ang magdala ng mga gamit namin palabas habang ako naman ay niyakap muna si Mommy Stella bago sumakay sa sasakyan.Tahimik lang ang biyahe

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C11 UNDER THE TABLE

    AZARIAH POV Pagkatapos ng tawag na ‘yon, nanatiling tahimik ang paligid. Ramdam ko pa rin ang bigat ng usapan… pero mas nangingibabaw ang presensya ni Theron sa harap ko. Dahan-dahan siyang lumapit. At bago pa ako makapag-isip. hinawakan niya ulit ang baba ko, marahang iniangat ang mukha ko. “Natapos ka na?” mababa niyang tanong. Napakurap ako. “At ikaw naman ang susunod,” dagdag niya, halos pabulong. Hindi ko na napigilang mapangiti nang bahagya. Pero bago pa ako makasagot. bigla siyang yumuko at akmang hahalikan ulit ako. Ngunit. Tok! Tok! Napaatras ako nang bahagya. Napapikit si Theron at napamura nang mahina. “Damn it…” Padabog siyang tumayo mula sa kinatatayuan niya. Ako naman… hindi ko napigilang matawa. Tahimik, pero halata. “Natatawa ka?” napatingin siya sa akin, bahagyang nakakunot ang noo. “Medyo,” sagot ko, pilit pinipigilan ang ngiti. “Parang… kanina ka pa nabibitin.” Mas lalo siyang napasimangot. “Don’t push it, Azariah,” babala niya, pero halatang

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C10 THAT KISS

    AZARIAH POV “Are you seriously ignoring me for that?” Napahinto ako sandali. Dahan-dahan kong ibinaba ang phone ko at tumingin sa kanya. Seryoso ang mukha niya. Halatang hindi siya natutuwa. Pero imbes na sumagot… inirapan ko lang siya. Pagkatapos, parang wala lang, ibinalik ko ulit ang tingin ko sa cellphone ko at nagpatuloy sa pag-scroll. Wala akong balak makipag-usap. Hindi pa. Hindi hangga’t hindi niya naiintindihan ang punto ko. Ramdam ko ang biglang panahimik niya. Yung tipo ng katahimikan na mas nakaka-pressure kaysa sa pagsigaw. Pero hindi ako nagpatinag. Nag-scroll ulit ako sa F******k, kunwari ay sobrang interesado sa nababasa ko. “Aza? Nandyan ka pa?” chat ng kaibigan ko. Napangiti ako nang bahagya. “Oo, buhay pa.” reply ko. Pero bago pa ako makapag-type ulit. biglang nawala ang phone sa kamay ko. “Hey!” gulat kong sabi sabay bangon. Nasa kamay na ni Theron ang cellphone ko. “At anong ginagawa mo?” irita kong tanong. Tinitigan niya ako, malamig ang mg

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C9 IGNORING

    AZARIAH POVKinabukasan, maaga akong nagising.Hindi ko na hinintay pang magising si Theron. Agad akong bumangon at nagtungo sa banyo para maghilamos at magbihis.Gusto ko na sanang mauna umuwi sa bahay namin ni Theron.Pero napahinto ako sa ideyang ‘yon.Hindi pwede… baka mahalata ng mga magulang niya na may hindi maayos sa pagitan namin.Napabuntong-hininga na lang ako habang nakaharap sa salamin.Gusto ko lang naman magtrabaho.Sayang ang pinag-aralan ko kung hindi ko magagamit, ‘di ba?Napapairap na lang ako tuwing naaalala ko ang sinabi niya kagabi na hindi ako pwedeng magtrabaho dahil baka kapag nagkapera ako… hihiwalayan ko siya.As if naman gano’n kadali ‘yon.Hindi naman basta-basta ang annulment dito sa Pilipinas. Kahit may pera ka, aabutin pa rin ng taon.At saka… anong problema niya kung sakaling maghiwalay kami?Hindi naman namin ginusto pareho

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status