Share

C5 THE WOMAN FROM HIS PAST

Penulis: Miss Alii
last update Tanggal publikasi: 2026-04-25 11:11:53

AZARIAH POV

Isang linggo na kaming nananatili sa mansyon ng magulang ni Theron.

Sa loob ng ilang araw na ‘yon, unti-unti kong napagtanto na hindi pala ganoon kabigat ang pakiramdam ko dito gaya ng una kong inaasahan. Sa halip, unti-unti rin akong tinanggap ng pamilya niya.

Mainit silang tumanggap sa akin, lalo na ang mommy ni Theron na laging nakangiti at madalas akong kinakausap na para bang matagal na nila akong kilala. Ayon sa kanila, matagal na nilang gusto na magpakasal si Theron at magkaapo, pero dahil mailap ito at laging nakatutok sa negosyo, halos sumuko na sila.

Kaya laking gulat daw nila nang bigla na lang malaman na may asawa na pala siya.

Habang nasa mansyon ako, mas lalo kong napapansin ang isang bagay kay Theron na hindi niya sinasabi pero malinaw kong nararamdaman.

Ang patagong pag-aalala niya sa akin.

Hindi niya ito ipinapakita sa salita. Madalas pa rin siyang malamig magsalita, diretso, at tila walang emosyon. Pero sa mga simpleng kilos niya kung paano niya ako pinagmamasdan kapag may kausap ako, kung paano siya biglang nasa tabi ko kapag may kaunting katahimikan sa paligid doon ko nakikita ang totoo.

Parang laging nakabantay siya sa akin.

Parang ayaw niyang mapalayo ako kahit sandali.

At higit sa lahat… sobrang seloso niya.

Minsan, kahit ang simpleng pakikipag-usap ko lang sa daddy niya, bigla siyang darating at tatabi sa akin na parang sinusukat ang sitwasyon.

“May kailangan ka ba sa kanya?” malamig niyang tanong, kahit halatang wala namang problema.

Minsan naman, tahimik lang siyang uupo sa tabi ko habang kausap ko ang mommy niya, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya sa paligid.

Napapailing na lang ang mommy niya at natatawa.

“Theron, anak, asawa mona ‘yan,” biro nito.

Pero imbes na sumagot, lalo lang siyang nagiging tahimik pero mas lalong lumalapit sa akin.

Kahit ako, nalilito na rin minsan.

Bakit ganito siya?

Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot… o matuwa.

Dahil sa kabila ng malamig niyang aura sa iba, sa akin… may mga sandali na ramdam ko na parang ako lang ang mahalagang tao sa mundo niya.

At nakakatakot isipin na unti-unti…

nasasanay na ako sa ganung klase ng pag-aalaga mula sa kanya.

Bakit sa akin, may ibang Theron na lumalabas isang Theron na hindi nakikita ng mundo?

Isang gabi, habang nasa hardin ako ng mansyon, mag-isa akong nakaupo sa bench habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa paligid. Tahimik ang lahat, malamig ang hangin, at sandali kong naramdaman ang bigat ng mga nakaraang araw.

Hanggang sa marinig ko ang mga yabag papalapit.

Hindi ko na kailangan pang lumingon.

Siya na ‘yon.

Umupo siya sa tabi ko, hindi nagsasalita agad. Ilang segundo rin kaming tahimik, hanggang sa maramdaman ko ang bahagyang init ng jacket niya na isinampay niya sa balikat ko.

“Nilalamig ka?,” malamig niyang tanong.

Hindi ako sumagot agad.

“Theron…” mahinang tawag ko.

Hindi siya sumagot, pero lumingon siya sa akin.

“Bakit mo ginagawa ‘to?” tanong ko, diretso na ang tingin ko sa kanya.

Bahagyang kumunot ang noo niya.

“Ginagawa ang alin?”

“Yung pag-aalala mo… yung pag-aalaga mo sa akin,” sagot ko. “At yung pagiging… gaano ka-protective.”

Tumingin siya sa harap, parang iniisip ang isasagot.

“Wala akong ginagawa,” malamig niyang sagot.

Napangiti ako nang bahagya.

“Yan na naman,” bulong ko. “Lagi mong sinasabi ‘yan.”

Sa pagkakataong iyon, tumigil siya.

naramdaman kong lumambot ang boses niya.

“Azariah…” tawag niya sa pangalan ko.

Napatingin ako sa kanya.

“Hindi ako sanay na may isang bagay na hindi ko kontrolado,” mahinang sabi niya.

Natigilan ako.

Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

“Pero ikaw…” sandali siyang huminto, “ikaw lang ang ayokong mawala sa kontrol ko.”

Parang biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya.

Habang nakaupo kami sa hardin, ramdam ko pa rin ang bigat ng mga sinabi ni Theron kanina. Parang may kung anong mabagal na gumuguhit sa dibdib ko isang pakiramdam na hindi ko pa kayang intindihin nang buo.

Tahimik lang kami.

Hanggang sa biglang may tunog ng sasakyan na huminto sa malapit na driveway ng mansyon.

Napalingon kami pareho.

Mula sa malayo, isang eleganteng babae ang bumaba mula sa kotse. Nakasuot siya ng mamahaling damit, maayos ang pagkakaayos ng buhok, at sa bawat hakbang niya ay halatang sanay siya sa atensyon ng lahat.

Napakaganda niya.

At sa isang iglap, may kung anong biglang bumigat sa dibdib ko.

Dahan-dahan siyang lumapit papasok sa hardin, diretsong nakatingin sa direksyon namin.

At nang magtama ang mga mata namin…

Ramdam ko agad ang kakaibang kaba.

“Theron…” mahinang tawag ko, pero hindi pa siya sumasagot.

Hindi niya inaalis ang tingin sa babae.

At doon ko nakita ang pagbabago sa ekspresyon niya.

Hindi na ito malamig lang.

May kung anong tensyon.

Parang… may nakaraan.

“Long time no see, Theron,” sabi ng babae, malambing ang boses pero may halong kumpiyansa.

Nanigas ako sa kinauupuan ko.

Kilala niya siya…

Dahan-dahan akong lumingon kay Theron.

“Who is she?” mahina kong tanong.

Hindi agad siya sumagot.

Hanggang sa magsalita ang babae ulit.

“Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa asawa mo bilang dati mong girlfriend?” nakangiti niyang sabi, pero ang tingin niya sa akin ay tila sinusuri ako mula ulo hanggang paa.

Parang may biglang bumagsak sa dibdib ko sa salitang narinig ko.

Bilang dating Girlfriend?

At bago pa ako makapagsalita, lumingon si Theron sa akin.

“Azariah,” maikli niyang tawag.

Pero hindi niya agad sinagot ang tanong ko.

Sa halip, tumayo siya.

“Cassia,” malamig niyang banggit sa babae.

At doon ko narinig ang pangalan niya.

Cassia.

Unti-unting gumulo ang isip ko.

Habang nakatayo siya sa harap namin, parang biglang naging malinaw ang lahat ang tensyon, ang bigat, ang katahimikan ni Theron.

“Hindi ko inaasahan na nandito ka,” malamig na sabi ni Theron.

Ngumiti si Cassia, pero hindi iyon abot sa kanyang mga mata.

“Really? Kasi ako… alam kong darating din ang araw na babalik ako.”

Napakapit ako sa laylayan ng damit ko.

Babalik?

“Akala ko tapos na lahat sa pagitan natin,” dagdag niya habang nakatingin kay Theron. “Pero mukhang mali ako.”

Mas lalo akong kinabahan.

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

At sa isip ko, unti-unting nabuo ang masakit na katotohanan.

Siya ang dating babae ni Theron…

At base sa paraan ng pagtitig niya…

hindi pa siya tapos.

Hindi pa siya sumusuko.

At ngayong maayos na ang lahat sa pagitan namin ni Theron…

parang dumating siya para guluhin ulit ang mundo na unti-unti ko pa lang sinisimulang tawaging akin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C37 UNDERSTAND

    AZARIAH POVNanlaki ang mata ko habang paulit-ulit na nagva-vibrate ang cellphone ko sa kamay ko.THERON CALLING.Parang lalo akong kinabahan.Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.Pero kapag sinagot ko…ano sasabihin ko?Na nasa Ashford ako?Na nag-aapply ako sa kumpanya niya nang hindi niya alam?Napakagat ako sa labi ko habang nakatitig sa screen.pinatay ko ang tawag.Huminga ako nang malalim pero hindi pa rin mawala yung kaba ko.“Sorry…” mahina kong bulong kahit wala naman siya doon.Mabilis akong tumayo mula sa inuupuan ko.Kailangan kong kumalma.Pakiramdam ko anumang oras ay bigla na lang susulpot si Theron sa harap ko.Naglakad ako nang mabilis sa hallway habang mahigpit ang hawak sa bag ko.Buti na lang may nadaanan akong CR sa dulo.Agad akong pumasok doon.Pagkapasok ko pa lang ay napasandal na agad a

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C36 INTERVIEW

    AZARIAH POVMahigpit kong hawak ang cellphone ko habang nakatitig sa huling message ni Theron.Which company?Parang gusto kong magpanggap na hindi ko nakita.Pero bago pa ako makapag-isip ng maayos na dahilan.biglang may nagsalita sa harap.“Azariah Villareal?”Napapitlag ako.Agad akong napaangat ng ulo.Ako na.“P-Present,” mabilis kong sagot habang nagmamadaling tumayo.Pakiramdam ko biglang bumilis tibok ng puso ko.Mabilis kong isinilid ang cellphone ko sa bag bago ko inayos ang portfolio ko.“Please proceed inside,” sabi nung babae sa harap habang nakangiti nang bahagya.Huminga ako nang malalim.Kaya mo ‘to.Dahan-dahan akong naglakad papasok sa interview room.Pagpasok ko pa lang ay agad kong naramdaman ang lamig ng aircon at bigat ng atmosphere sa loob.Malawak yung opisina.Modern.Malinis.

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C35 JOB APPLICATION

    AZARIAH POVNang makarating kami sa Ashford Corporation, agad kong napansin kung gaano karaming tao ang nasa lobby.Sobrang daming applicants may nakaupo, may nakatayo, may hawak na envelopes at portfolios, lahat halatang kinakabahan at umaasa.“Ngayon lang pala ang opening nila para mag-hire,” sabi ni Sofie habang umiikot ang tingin sa paligid.“Baka yung iba nag-online registration na kaya yung iba nauna na kahapon,” sagot ko habang pinagmamasdan ang pila.“Baka nga, kasi meron daw kahapon. Buti na lang hindi tayo pumunta,” dagdag niya.Tumango ako.Sa totoo lang, habang tumatagal, mas lalo akong kinakabahan.Maya-maya ay may lumapit sa amin na babae na naka-company uniform.Nakangiti siyang bumati.“Hello, I’m Maureen from Marketing Department. Lahat po ng nandito ay walk-in applicants. May I know kung saang department po kayo mag-aapply?” tanong niya sa amin.Napangiti na

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C34 BREAKFAST

    AZARIAH POVTahimik na ang buong kwarto.Nakapatay na ang ilaw, tanging liwanag lang ng ilaw sa labas ang pumapasok sa bintana.Magkayakap kami ni Theron sa ilalim ng kumot.Hindi ko alam kung kailan kami napunta sa ganitong posisyon basta ang alam ko lang, hindi na ako umalis sa tabi niya.At siya rin… hindi ako binitawan.Ramdam ko ang paghinga niya sa ibabaw ng ulo ko, steady at kalmado.“Theron…” mahina kong bulong.“Hm?”“Hindi ka ba bibitaw?”Bahagya siyang gumalaw.“Why would I?”Napabuntong-hininga na lang ako.Wala na rin akong nasabi pa.Hanggang sa unti-unti akong nakatulog habang yakap niya ako.Kinabukasan…Napadilat ako.Tahimik.At malamig ang kama sa tabi ko.Napalingon ako.Wala na si Theron.“Ha…” bulong ko habang bumangon.Napansin ko agad ang maliit na note sa bedside

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C33 COME WITH ME

    AZARIAH POVHabang nag-i-scroll ako sa phone ko ay bigla na lang tumunog yung cellphone ni Theron sa ibabaw ng bedside table.Napapitlag ako sa gulat.“Theron!” sigaw ko papunta sa banyo. “May tumatawag sa’yo!”Mula sa loob narinig ko ang boses niya.“Answer it.”Napakurap ako.“Ako?”“Yes.”Natigilan ako.Sandali akong napatingin sa phone niya.Parang biglang nagbalik sa isip ko si Lucas noon, kahit simpleng hawak lang sa cellphone niya ay ayaw na ayaw niya. Laging bawal. Laging may limitasyon.Pero si Theron…pinapahawak niya lang basta-basta?Dahan-dahan kong kinuha yung cellphone niya, parang hindi pa rin makapaniwala.Sandali lang, may sumagot agad sa kabilang linya.“Good morning, Sir Theron. This is from Ashford Corporation. We have several documents and urgent papers that need your signature regarding the postponed meeting and—”

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C32 JEALOUS PART 3

    AZARIAH POVTahimik lang kaming nakaupo sa sala habang nakasandal ako sa sofa at yakap ang malaking teddy bear na napanalunan ni Theron para sa akin.Siya naman ay nakaupo sa tabi ko habang nakatingin lang sa akin.At habang tumatagal…mas lalo kong napapansin na parang ang hilig niya na akong titigan.“Ano nanaman?” natatawa kong tanong.Bahagya siyang umayos ng upo bago sumagot.“I’m thinking.”Napataas kilay ko.“Wow. Himala.”Tumaas din kilay niya.“Funny?”“Oo.”Mahina siyang natawa bago sumandal sa sofa.Tahimik muna siya sandali bago biglang nagsalita.“How many friends do you have?”Napakurap ako.“Hm?”“Your friends,” ulit niya. “Ilang lalaki at babae?”Napatingin ako sa kanya nang nagtataka.“Bakit?”“Just asking.”Napangisi ako nang bahagya.“Ano ‘to? Interview?”“

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status