SHE likes HIM. HIM likes HER. HER likes... What would happen if SHE accidentally cast the spell on someone else instead of HIM? And that someone else SHE casted the spell with is HER! Can SHE handle the mess before it gets out of control or the mess will handle them and put them under its control? Is HER really under the spell?
View More"Babe!" I heard mindy calling me. Mindy is my marupok na baklang bestfriend.
Yes! Mindy is gay and I'm fine of her being like that. I love her even more because of it. Alam kong di madali ang magcome out and I salute her for being brave enough na aminin sa family niya, sakin at sa lahat na she's gay. She's one of the bravest girl I've ever known, of course next to my Mimi and Nana hehe.
She came out to me when we were on our 10th grade. Natakot pa nga siya nun kasi baka daw indi ko siya tanggapin at mandiri lang ako sa kanya like duh. She's my bestfriend and I love her. Kaya kahit ano o sino pa siya tanggap ko siya. She's a femme lesbian though so parang di lang halata na she's into girls.
"Oh?" tanging sagot ko sa kanya "san ka galing? Nambababae ka na naman no?"
"Asus. Selos ka lang eh." biro niya sakin.
"Selos mo mukha mo." natawa naman siya.
Nandito kami ngayon sa field nagwawarm-up para sa p.e namin mamaya. Wala pa naman yung teacher namin malelate daw siya ng konti.
"Girl, dala ko na pala yung singsing ni lola na sinasabi ko sayo." sabi ni mindy sabay kuha nung ring box dun sa bag niya.
She opened it at pinakita sakin yung singsing.
"Patingin nga?" Kinuha ko yung ring sa kamay niya tsaka pinagmasdan ito ng maigi. Ang ganda ng singsing. Mukhang mamahalin. After kong suriin ang singsing ay kinagat ko yun. Agad niya namang binawi sa akin yun.
"Ano ba naman yan Ce. Akin na nga!" pinunasan niya yung singsing gamit ang laylayan ng damit ko.
"Pwede atang masangla yan girl." sabi ko sa kanya.
"Pwedeng isangla pero di pwedeng isangla..." Binalik niya na sa lalagayan ang singsing saka inabot sakin yun "Money." sabay lahad ng kamay niya.
"Mamaya na pera." inilagay ko na sa loob ng bag yung singsing.
"Hindi ba magagalit yung lola mo na binenta mo sakin yung singsing niya?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Kasi sa lola niya to eh tapus patay na ang lola niya baka multohin pa ako nun pag nalaman na na sakin na yung singsing niya.
"Di yun. Tsaka nakalimutan mo na ba? Witch ang lola ko kaya marami siyang ganyan." taas baba yung kilay na sabi niya habang natatawa.
Sa ilang taon naming magkaibigan ni mindy, di ko pa rin talaga alam kong maniniwala ba ako sa kwento niya na witch daw ang lola niya. Tinanong ko rin siya dati kung witch din ba siya, sabi niya lang di pa daw. Natatawa na lang ako sa kanya minsan.
"Kelan mo naman balak ibigay yan?" I shrugged my shoulders.
Wala pa akong alam kung paano ko ibibigay yan kay Cedric.
Cedric is the guy that I like. He's a varsity player in basketball here in our school. Habulin ng babae. Parang halos nga lahat ng babae dito crush siya except na lang dito sa beshy ko.
Kilala ako ni Cedric pero di niya alam na may gusto ako sa kanya. Yung singsing? Gusto ko yung ibigay sa kanya kasi nga sabi nitong petmalung beshy ko, kwento daw ng mommy niya, sinabi daw ng lola niya sa mommy niya noon na sinabi naman ng mommy niya sa kanya na kapag sinuot daw ng taong gusto mo yung singsing magkakagusto rin siya sayo. Di ko nga alam kong pano niya ako nakumbinse about sa singsing na to.
Naaawa na daw siya sakin kasi hanggang ngayon wala pa din daw akong jowa. Although marami naman yung nagpapapansin pero di sila ang gusto ko eh. Tsaka isa pa wala naman akong problema kung wala akong jowa etong si Mindy lang talaga yung atat na magkajowa ako. Kaya ayun ng dahil sa magaganda niyang salita natempt tuloy ako dun sa sinuggest niya sakin para magkagusto yung lalakeng gusto ko. Wala naman daw mawawala kung susubukan ko. Diba napaka bad influence ng bestfriend ko.
Naramdaman ko naman ang pagsiko ni Mindy sa braso ko. Napatingin naman ako dun sa tinitingnan niya.
Ryanne Therese Flores. The Campus Sweetheart.
Kung si Cedric habulin ng babae, ang isang Ryanne Therese naman ay habulin ng lalaki. Actually lahat ng gender naaattract nila pareho. Napatingin ako kay mindy na tulo laway ngayon. Eww.
"Minds, laway mo oh. Kadiri."
"Grabe, ang ganda talaga niya no." sabi niya na di man lang pinansin yung sinabi ko.
"Yan ba yung mga type mo?" tanong ko sa kanya. Ngumisi naman siya at saka binaling ang tingin sakin.
"Bakit ikaw? Di mo siya type?" Napakunot naman ako ng noo.
"Pinagsasabi mo? Pano ko magiging type yan eh lalaki ang gusto ko." depensa ko.
"I know, chill! Nagtatanong lang eh," she laughed "pero di nga kunwari lang na bakla ka din? Di mo talaga type? Di ka magkakagusto sa isang Ryanne Therese?" curious niyang tanong.
Napatingin ulit ako sa direksyon ni ryanne.
Maganda si Ryanne. Matangos ang ilong, maganda yung mga mata. Kissable lips. Maputi. Matangkad. Makinis. Matalino. Mabait. Sweet pero may pagka maldita din tsaka may pagka spoiled brat. Kung ano yung gusto niya nakukuha niya. Competitive din siya. Di nagpapatalo. Nasa kanya na ata halos lahat. Kaya andaming humahanga diyan eh.
"Oyyyy...nag-iisip. Ayieee," tukso ni mindy na nagpabalik sakin sa katinuan "sige titigan mo pa baka matuluyan ka na diyan at mainlab ka sige ka." sinamaan ko siya ng tingin. Ngisi pa rin siya ng ngisi.
"So ano na?"
"Anong ano na?" takang tanong ko sa kanya.
"Type mo?"
"Hindi." mabilis kong sagot.
"Hi gov!" Napaangat kami pareho ni Mindy ng tingin sa babaeng nakatayo sa mismong harapan namin. Nakaupo kasi kami sa damuhan habang yung iba naming kaklase nakaupo sa bleachers yung iba naman nakatayo, nagwawarm-up.
Parang kanina lang nasa malayo pa siya ngayon nasa harapan na namin.
"Hey muse!" bati ko din sa kanya.
Yes, opo. Ako po yung Class Governor ng section namin and si Ryanne naman yung muse. Ewan ko ba dito sa mga kaklase ko ako palaging biniboto.
"Wala pa ba si Teacher Golez?" tanong niya habang naupo sa harapan namin.
"Malelate daw siya. Sabi niya magwarm-up lang daw muna kayo."
"Eh ikaw? Di ka magwawarm-up?" tanong niya.
"Actually, tapos na ako. Eto na lang yung hindi pa." sabay siko ko sa braso ni Mindy.
"Good! Sabay na tayo Minds." masiglang sabi ni Ryanne kay Mindy.
"Sure, why not." medyo flirty yung pagkakasabi ni Mindy. Ewan ko lang kong nahalata yun ni Ryanne.
Alam ng lahat ang sexuality ni Mindy. Nakakatuwa nga kasi tanggap ng mga kaklase ko yung preference niya.
Nagsimula na nga silang magwarm-up sa di kalayuan. Muli kong kinuha yung singsing saka yun tiningnan.
"Oy, Gov!" tawag ulit sakin ni Ryanne.
Medyo nagulat naman ako kasi naman pasulpot sulpot siya bigla. Kaya ayun natapon ko yung singsing accidentally. Hala.
Agad ko yun hinanap.
"Gov, nakikinig ka ba?" narinig kong tanong ni Ryanne pero di ko siya pinansin. Kailangan ko makita yung singsing "Celestine!" Napaangat naman ako bigla ng tingin sa kanya. Di ko alam kong bakit, di naman ito yung first time na tinawag niya ako sa pangalan ko pero everytime kasi na tinatawag niya ako sa mismong pangalan ko nagugustuhan ko yung tunog nun. Gusto ko yung way nang pagkabigkas niya compare sa iba.
Ahh! Siguro kasi palagi niya akong tinatawag na gov kaya siguro naninibago lang ako kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko.
"Looking for this?" pinakita niya sakin yung daliri niya na may singsing.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita.
"Ang ganda ha? Bigay ng jowa mo?" Tanong niya.
Kapag sinuot yan ng taong gusto mo, magkakagusto rin siya sayo.
No! Di niya pwedeng suotin yung singsing.
Agad akong tumayo "take it off..." utos ko sa kanya "huh?"
"I said take it off!"
"Okay, chill! Eto na!" She tried to take it off of her finger pero parang nahihirapan siya "Di ko matanggal" niloloko ata ako ng babaeng to eh. Kaya naman kinuha ko ang kamay niya saka pilit tinanggal ang singsing sa daliri niya.
"Aray, Celestine!" She slightly pushed me "ang sakit ha! Dahan dahan lang naman kasi!"
Napatingin naman yung iba naming kaklase sa direksiyon namin. Lumapit naman si Mindy.
"Anong nangyari?" She followed my gaze and gaya ko nanlaki din ang mga mata niya.
"Bakit suot mo yan?" Tanong ni Mindy kay Ryanne.
"Aksidente kasing natapon ni Gov to. Nakita ko kaya pinulot ko." she explained.
"Di mo dapat sinuot yan." Mindy said.
"And why is that?" takang tanong naman ni Ryanne.
"It's not an ordinary ring...
...it's a love ring."
"Love, asan ka na ba?" Naiinip na tanong sa akin ni Celestine mula sa kabilang linya."Love, sandali lang kasi. Malapit na ako. Ilang liko na lang.”“Kanina ka pa liko ng liko. Naiinis na ako sayo."The hell? For a millionth times already, ako na naman ang kinaiinisan niya. Hayss...ang hirap pala pag buntis ang isang babae. Ikaw palagi yung binubuntangan ng tantrums niya. Kawawa naman pala ang mga lalaki panigurado nahihirapan sila intindihin kaming mga babae. Mabuti na lang pareho kaming babae kahit papano naiintindihan ko siya at kaya ko siyang intindihin dahil nga same gender kami.“Love..." I was about to say something ng magsalita siya ulit."Pakibilisan na lang please.""Anong gusto mong gawin ko lilipad ako? Sige ka baka maaksidente ako dito kakamadali mo sakin.” banta ko sa kanya.Nagalit naman siya sakin "Love! Ano ba pinagsasabi mo?! Pwede ba? Magfocus ka na nga lang diyan sa pagdadrive. I'll hang up na. Ingat! I love you.”O, diba? Kahit naiinis at galit yan sakin di pa rin
"Grabe, love. Nabusog ako sa kinain natin" sabi sakin ni Celestine.Kumain kami pagkatapos naming mag-enjoy sa mga activities na ginawa namin. Nagutom daw siya sa mga ginawa namin eh kaya ayun napadami siya ng kain.Nandito kami ngayon sa isang lugar kung saan matatanaw mo ang buong siyudad. We want to watch the sunset kasi kaya kami nandito. Kasalukuyan kaming nakaupo sa compartment ng kotse ko. Nakasandal ako sa dibdib niya habang nakayakap siya sakin mula sa likod."Pano ka naman di mabubusog eh ang dami mo kayang kinain." sambit ko "Ang takaw takaw mo.""Ano? Ako matakaw?" Tanong niya si di makapaniwalang tono."Bakit? Totoo naman. Sobrang takaw mo." sabi ko na natatawa pa."Ah totoo na matakaw ako...""Hmm-mm" I hummed as a response."Matakaw pala ha..." napasigaw ako sa ginawa niya. Kinagat lang naman niya ang tenga ko. Bampira nga talaga siya."Ang sakit non gov ha." Reklamo ko habang hinihimas yung part na kinagat niya. Di ko naman alam na may pagkasadista pala tong govey ko "
Nakaupo ako sa sahig habang nakasandal ang likod sa kama ni Celestine. I'm waiting for her to come out from the bathroom. Bumukas ang pintoan ng bathroom niya. Napangiti siya sakin nung makita niya ako. Lumapit siya at tinabihan ako sa sahig. Isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ko saka inabot ang pregnancy test niya. Nakita kong may dalawang guhit yum. "What does it mean?" "It means I'm pregnant." sabi niya sa mahinang boses. So nagbunga nga ang kahayopang ginawa sa kanya ni Cedric. Delay kasi yung period niya and palagi daw siyang nahihilo at napapagod kaya nagtake na siya ng test for pregnancy. "What should I do, love?" "Keep the baby." sabi ko sa kanya. "You want me to keep the baby?" tanong niya sa akin. "Of course. As you should." hinawakan niya ang kamay ko "Why? Are you planning an abortion?" Di siya nakasagot. Bumuntong lang siya ng kanyang hininga. "It's a sin. A big, big sin." Napatingala siya ng kanyang ulo sa akin "I don't want it." "I know but you have to k
Nanggagalaiti ako sa galit dahil sa nalaman ko. Nakakuyom ang aking kamay habang naglalakad patungong gym.Pagbabayaran ni Cedric ang ginawa niya kay Celestine.I won't let him get away with this. Hindi pwedeng mamuhay si Celestine na may takot. Agad siyang hinanap ng aking mga mata nang makapasok na ako sa loob ng gym.Mas lalo lang nadagdagan ang galit ko nang makita ko siyang masayang nakikipagkwentohan sa mga kateammates niya. How can he smile like that na parang wala lang siyang ginawang kababuyan?! Nagsusuffer si Celestine samantalang siya nagagawa pa niyang ngumiti at tumawa. Hayop siya!Agad akong lumapit sa direksyon nila. Napansin naman ako ni Lance kaya tinawag niya ako sa pangalan ko dahilan para mapalingon si Cedric sakin. Dire-diretso lang akong tumungo sa kinaroroonan ni Cedric."Hey B-" di na niya natapos ang sasabihin niya sana nang bigyan ko siya ng isang malakas na suntok sa mukha. Dumugo yung ilong niya. Pero di pa ako nakontento, sinipa ko yung ari niya gamit ang
"Love, are you okay? Why are you crying?" Napahagulhol na siya ng iyak. I hugged her tightly. Comforting her as much as I could. Naguguluhan ako sa nangyayari sa kanya. "Bakit ka umiiyak? Did I do something wrong?" Iniling lang niya ang kanyang ulo. "Sige lang iiyak mo lang yan." "I'm sorry..." paulit ulit niyang sabi. Paulit ulit ko din siyang sinasabihan na okay lang kahit di ko naman talaga maintindihan ang nangyayari sa kanya. "I'm really sorry..." sabi niya ulit. "I don't understand what's going on with you. Di ko alam kung dahil ba sa kalasingan or what but I want to tell you that its okay. There's no need for you to be sorry. Whatever it is. Do you hear me, Ce?" Tumango siya ng kanyang ulo. "I know there's something na di mo sinasabi sakin but I won't force you to say anything. I'll wait til you're ready." Niyakap ko siya ulit. Umiyak lang siya nung gabing yun hanggang sa makatulog na siya. Kinauma
Ryanne's POV It's been almost 2 weeks na after Celestine was kidnapped by Cedric. Nana didn't know about it since ayaw din sabihin ni Celestine sa kanya. I respect her decision although against ako. Cedric needs to be punished of what he did. She has to have justice sa nangyari sa kanya. Gusto ko pa nga sana sampahan si Cedric o di kaya ipablotter para kung meron mang mangyari kay Celestine siya agad ang ituturong suspek. Pero ayaw ni Celestine na sampahan siya which I find stupid. Alam kong mabait si Celestine pero di naman ata tama na palagpasin lang namin yung nangyari sa kanya. But then again, it's all up on her. Wala na akong magagawa if ayaw niyang magreklamo laban kay Cedric. Only Cedrix, Ate, Celestine and I ang nakakaalam sa kidnapang nangyari. Even Mindy didn't know about it. "Nakalimutan kong sabihin sa inyo na there's a negative effect din kasi sa love ring..." Min
Comments