Share

Book V: Kabanata 3

Ashton

"Hey! Ashton!" Naglalakad ako sa may hallway nang bigla kong marinig na may tumawag sa aking pangalan kaya agad akong napalingon sa aking likuran. Hindi ko mapigilang mapataas ang aking kilay nang makita si Benedict na nagmamadaling maglakad palapit sa akin.

"What do you want, Benny?" Agad kong tanong nang makalapit na ito sa akin, muli akong nagpatuloy sa paglalakad habang sinusubukan naman nitong makasabay sa akin.

"Tapos ka na ba sa assignment natin sa Trigonometry?" Tanong sa akin ni Benedict at hindi ko mapigilang mapaismid dahil nahulaan ko kung ano ang pakay nito sa akin ngayon.

"What? May assignment tayo sa Trigonometry?" Tugon ko rito at umaktong nabigla sa aking nalaman pero alam kong natunugan nito ang sarkasmo sa aking boses dahil mahina itong natawa.

"I'll take that as a yes. Let's go to the library, pakopyahin mo muna ako ng assignment." Sambit ni Benedict at wala na akong nagawa pa para kontrahin ito dahil mabilis nitong hinaw

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status