Tapos umalis siya.Hindi nagtagal, isang email na nagngangalang “Dorothy Assex tinanggal dahil sa kawalan ng kakayahan, para palitan ni Emma Assex” ay pinadala sa bawat email address ng gma empleyado.Marami ang nakaramdam ng hindi patas na pagtrato na binuhos kay Dorothy. Lalo na ang mga tao na nagtrabaho kasama ni Dorothy ng magsimula siya at alam kung gaano siya naghirap para sa kumpanya na ito.Pero...Ng umalis si Dorothy dala ang kanyang personal na gamit, walang nagpunta para magpaalam.Binaba ng lahat ang kanilang ulo na para bang wala siya doon.Ng umalis siya sa opisina, luha ang naipon sa kanyang mata.Naghihintay si Shermaine Ford sa labasan.“Trinato kita sa lahat ng aking makakaya, bakit mo ako pinagtaksilan?” Hindi naniniwalang sinabi ni Dorothy.Nanlamig na ngumiti si Sharmaine. “Pinili ko na pumanig sa panig na may mas magandang panig. Hindi mo ako masisisi dahil ang kasalanan ay dahil sayo, sa pagiging mahina at hindi importanteng miyembro ng pamilya Assex.”
”Ano? Ibig mo bang sabihin na siya ang anak ni Charles Carter, ang CEO ng Waylon Realty?”Si Dorothy ay nagpapatakbo ng negosyo sa materyales sa construction at 70% ng income ng pamilya Assex ay nanggaling mula sa Waylon Realty. Kung kaya, imposible na hindi niya kilala si Charles.Subalit, hindi siya kailanman narinig ni Charles.Sa sandali, nagulat siya, siya ay naiwan na walang masabi at tanging blangkong nakatitig kay Zoey Carter.Habang tumingin pabalik si Zoey kay Dorothy, tinanong niya ng mahinhin, “Ikaw ba ang asawa ni Tito Rockefeller? Hindi pa ba kayo divorced?”Ulit, si Dorothy ay nataranta. “Paano niya… Hi Zoey, ako si Dorothy Assex. Pwede mo akong tawagin na Tita Dorothy. Nga pala, hindi kami divorced.”Kaagad, si Zoey ay tinikom ang kanyang labi at napabuntong hininga. “Hay, bakit hindi ka nakipagdivorce? Kung gayon, hindi ko mapapakasalan si Tito Rockefeller. Nakakainis!”Nanlaki ang mata ni Dorothy sa sobrang gulat.Mabilis na ipinaliwanag ni Alex, “Siya ay bata
Tapos, nakita niya si Brittany nakatayo doon masigla na may couple sa tabi niya. Nakita niya ang litrato ng lalaki dati— ito ay si Charles Carter. Ang babae na may magandang itsura, ay ang asawa ni Charles, si Hailey Lawson.Sa sandaling iyon, si Charles at Hailey ay tumutulong kay Brittany sa kusina.Nakita ang eksenang iyon, halos malaglag ang panga ni Dorothy.“Inay! Ikaw ikaw ay magaling na! Mabuti iyan!” Sabi ni Dorothy.“Dorothy.” Ngumiti si Brittany. “Awww, sobrang bait mo naman para magdala ng maraming regalo, hindi mo kailangan gawin iyan.”Si Brittany ay may ibang opinyon tungkol kay Dorothy ng marinig niya na ang kanyang anak ay nabuhay na parang alipin sa pamilya Assex at pinahiya pa ng kanyang mother-in-law. Paano na lang niya nagawang hindi magalit kung iyon ay ang kanyang nagiisang anak? Subalit, si Alex ay matibay na mabuti ang sinasabi tungkol kay Dorothy sa harap niya. Sinasabi na ang mga iyon ay haka haka lang at wala siyang kakayahan na magawa ang kanilang inaa
Si Charles ay siguradong tatanggihan siya kung ito ay panahon bago niya makilala si Dorothy.Subalit, ngayon na si Alex at Dorothy ay nagdesisyon na hindi magdivorce matapos magpatawad sa isa’t isa, kaya inisip ni Charles na kunin ang opinyon ni Alex.Ng marinig ito ni Alex, siya ay medyo nagulat dahil hindi niya inaasahan na si Charles ay gagawin iyon para sa kanya.Subalit, umiling siya sa sandaling marinig niya ang pangalang “Emma Assex”. “Kanina lang, ang aking asawa ay tinanggal sa Assex Constructions at ang siyang pumalit sa kanya ay mukhang si Emma Assex.”“Ano?”Si Charles ay nagulat. Hindi niya kailanman mapaniwalaan na si Dorothy ay tinanggal ng Assex Constructions kahit na siya ay isang miyembro ng pamilya Assex.Naiilang na ngumiti si Alex. “Kasalanan ko ito. Ngayon si Dorothy ay nakaranas ng ganito dahil sa binastos ko si Madame Joanne ilang araw ang nakalipas.”Sa sandaling ito, ang phone ni Alex ay tumunog ang pangalang “Beatrice Assex” ay lumitaw sa screen.Mata
Tumango si Charles at kumaway kina Emma at Shermaine. "Sa palagay ko ang Assex Constructions ay hindi angkop para sa Waylon Realty, pwede na kayong umalis ngayon."Sinabi ni Emma, "Wala ka ba sasabihing, Dorothy? Kahit na hindi ka na empleyado ng Assex Constructions, bahagi ka pa rin ng mga Assex. Tulungan mo ako, babayaran kita ng sampung milyong dolyar kung makukuha natin ang deal."Ibinaba ni Dorothy ang kanyang ulo at nagpatuloy na kumain. Tinatamad siyang tumingin sa kanya dahil sa nakakabagabag na kokote ng babaeng iyon.Saway ni Charles, “Umalis na kayo rito! Sa palagay niyo ba makukuha niyo lang ang anumang bagay sa Waylon Realty sa koneksyon niyo lang?"Parehong pinalayas ang mga kababaihan sa villa.Sinara ang pintuan sa likuran nila.Inis na inis si Emma at napuno ng galit ang kanyang mga mata.May malungkot ngunit mapanghinayang na ekspresyon sa mukha ni Sharmaine. Kung nandiyan si Charles para tulungan si Dorothy, hindi siya mag-aalalang mawawala ang kanyang posis
Matapos ang hapunan, umalis sina Alex at Dorothy sa Maple Villa dahil kinailangan ni Alex na tulungan si Brittany para makakuha ng isang hundred-year-old na ginseng.Habang nasa biyahe, kumilos si Dorothy na parang isang mausisang sanggol.“Paano mo nakilala si Charles?”“Paanong nakatira ka sa Maple Villa?”“Pareho kayong sobra malapit sa isa’t isa!”"At, anong meron sa kotseng ito..."Nakangiting tanong ni Alex, "Sa totoo lang ay wala akong ideya kung paano kita sasagutin at binato mo ako ang maraming tanong sa isang bagsak. Sa katunayan, dahil ito kay Zoey. Nang kumakain si Zoey ng mountain hawthorn at bumara ito sa kanyang lalamunan, nandoon ako para tumulong at ilabas iyon."Nakasimangot na tanong ni Dorothy, "Iyon lang ba? At binigyan ka niya ng napakalaking villa bilang kapalit?"Sinabi ni Alex, “Uhmm... pansamantala lamang kaming naninirahan doon. Alam niyang wala kaming tirahan noong pinalayas ako ng iyong ina, kaya't hiniling niya sa amin na lumipat na doon."Walang
Ngumiti si Alex at sinabi, "Magtiyaga ka, siguradong na tutulungan kitang mabawi ang 10% share ng kumpanya at ang posisyon ng general manager."Sinabi ni Dorothy habang nagningning ang mga mata niya, "Hindi ko kailangan ang mga bagay na iyon. Kailangan ko lang makuha ang subsidiary company sa City South.""Sige!"Nang makita si Alex na nagtataglay ng talino at kumpiyansa sa paghawak ng mga bagay, unti-unting nawala ang kadilimang tumagal sa loob ni Dorothy nang halos kalahating taon.Naisip niyang dahil sa wakas ay nagising na si Brittany sa coma.Mabilis silang nakarating sa Assex Manor.Gayunpaman, tila mali ang kanilang paghusga.Hindi pumunta sina Anderson at Emma para humingi humingi ng tawad nang buong puso. Pagdating nina Dorothy at Alex sa entrance, naririnig nila ang mayabang na tinig ni Anderson. "Hoy Claire, dapat alam mong mula nang mamatay si Henry, komportable ang buhay ninyong mag-iina sa ganitong villa kasama ang isang katulong dahil sa kabutihang loob ng mga Ass
Sa sandaling marinig ni Madame Joanne ang panunuya niya, naisip niyang magmadalli pra pumunta doon at patayin si Alex gamit ang kanyang tungkod.Subalit, nakataya dito ang kabuhayan ng pamilya Assex. Kung kaya, agad niyang sinama ang kanyang panganay na anak na si Benny para pumunta kina Claire.Sa wakas ay nakarating sila sa manor pagkalipas ng dalawampung minuto.Pagpasok pa lang ni Madame Joanne sa bahay, umiyak si Emma at nagreklamo, “Lola, pinapahirapan kami ni Dorothy at ng kanyang basurang asawa! Naiinggit sila sa kaunlaran ng ating pamilya at gusto itong sirain! Hindi lang ako sinampal ng bastardong iyon pati si Dad din! Napakabagsik niya!"Nang matapos magreklamo si Emma, sinampal siya ulit ni Alex sa kanyang magandang mukha bago pa magbigay ng anumang opinyon si Madame Joanne."Emma Assex, walang karapatan ang isang babaeng kagaya mo na insultuhin ako, si Alex Rockefeller," walang pakialam na sinabi ni Alex matapos na sampalin si Emma. "Pwede akong sermunan ng ina at a