Share

Five

Ang dali lang talagang lumipas ng araw, hindi ko na agad namalayang sabado na ngayon. It should be our tutorial day this day but I cancelled it last night for a purpose. Nag-sorry na ako sa kanya dahil hindi ko magawang makipagkita sa kanya, hindi lang sa ngayon ngunit doon sa buong plano na rin namin. But we're cool, we should study during weekends or do something we cannot do during weekdays. 

So when Lau asked me to go on a date, I did not accepted her offer, afraid that her cousin might find out.

But I remember, a friend of mine invited me yesterday for her birthday today. She told me before we are heading home if I have the free time so I can attend her birthday party. I guess she invited all of us, our classmates this year to come to her party.

We actually getting along with each other, kaya sino ba naman ako para magsabi ng hindi sa kanya? Hindi rin naman siya mahirap pakisamahan kaya paminsan minsan ay nakakapag-usap kami. Lalo na dahil birthday party iyon, paniguradong maraming pagkain. 

A guy classmate of mine said that he will use their family car, kaya makikisakay nalang ako dahil hindi ko rin naman alam kung taga saan si Kaye so I grabbed the chance. I will wait for him or basically them kasi hindi lang naman siguro ako iyong kasama niya papunta doon sa isang waiting shed malapit sa main road para diretso-diretso na daw ang byahe namin. 

Nang nakatayo na ako sa harap ng closet ko ay doon ko pa napagtanto kung anong susuotin ko, ni hindi ko man lang alam kung debut ba niya o ano, hindi na rin ako nakapagtanong sa iba niyang inimbita dahil gustong gusto ko nang umuwi at iniiwasan ko iyong isang kaklase kong sabi nila na may gusto sa akin na si Ashwin. 

Since I don't have any choice, I opened my phone instead and was forced to greet her online though I like it when I will say it on her personally, so I could have the chance if she will have the theme on her party. She replied so I already took the chance to know what to wear for this day. 

I heard that Kaye came from a rich family so I already expected that her debut will be elegant for sure. If it will be a simple party, I would go for jeans and sweater but since I will be going to a big party, I wore my pearl off-shoulders satin dress, thankfully thinking my likes for pastel colors. 

Nakarating na nga kami sa venue at tama ang hinala ko. They actually rented the whole resort for her debut party. Nabanggit rin kanina ng kaklase ko na pwede daw na mag overnight kung sino iyong may mga gusto. Kaso, ilang oras lang ang ipina-alam ko kay Daddy kaya wala na akong ibang choice at hindi rin naman pinayagan iyong iba kong mga kaklase kaya mabuti nalang dahil hindi lang ako ang wala mamayang gabi. Maybe, I will go home before the sun would come down. 

Sa dinarami ng mga lamesa ay hindi ko inaasahang sa amin ang may pinakamalaki. Marami ng nakarating na kaklase namin kaya hindi na kami nahirapang hanapin ang lamesa namin kaya nagulat kami na sa amin iyong may pinakamalaki. Talagang pinaghandaan. 

Inilibot ko ang aking mga mata sa loob ng reception hall kung nasaan kami ngayon at nakikitang karamihan sa mga kaklase namin ay kumukuha ng magandang litrato. Maganda naman ang lugar kaya hindi na sila mahihirapang maghanap ng magandang background. 

“Hey, you look stunning.” sabi ni Kaye nang naglandas ang aming mga landas. Pansamantala itong kinukuhaan ng litrato. Nakasuot ito ng isang magarang damit na bagay naman sa kaniya, mas lalo itong gumanda sa suot nitong make up at ibang accessories. 

“‘Wag mo akong bolahin, mas maganda ka, impakta.” sabi ko sa kanya at dinagdagan pa ng biro. 

“Naku! Kung alam mo lang, kanina pa ako kinukulit na ipakilala raw kita. Alam mo ba gwapo sana iyo kaso narinig kong medyo ano. Fuck boy,” halos mabuwal na siya sa pagka-sabi niya.

Agad akong napangiwi sa sabi niya. “Alam mo, iyong tunay na gwapo ay iyong mabait, matalino, malinis at mabango, sige isama mo na rin ang mahinhin para 5M na. Hindi iyong umaastang pakboi na akala nila nakakatuwa pakinggan at tingnan.” sabi ko sa kanya kaya napatawa nalang siya sa sinabi ko. Hindi rin naman ito nagtagal sa pakikipag-usap sa akin dahil hindi pa raw tapos ang photoshoot niya at kailangan pa niyang puntahan ang ibang mga bisita niya. 

Patapos na ang programa nang makita kong may mensaheng umabot sa akin galing sa Papa ko nang tinignan ko ang cellphone ko. Ito ang nasa pinakataas na bahagi ng notifications ko kaya binuksan ko ito at magrereply na sana nang may bago na namang mensahe na umabot sa akin. 

Unknown:

If I can't teach you face to face, I will keep on sending you chords from your favorite songs, I am currently watching at your spotify playlist. 

You really like old song, huh? 

I haven't gave him a name in my contacts baka makita ng kung sino at akalain nilang may namamagitan sa aming dalawa kaya pinanindigan ko na kung anong nakapangalan sa kanya sa messages ko. But, I am kind of bored and decided to change his name on my contacts. 

Balance Inquiry:

Everyday, I love you. 

Or Unwell?

Napaawa nalang ako nang makita kong may bago siyang message kaya agad ko na itong nireplyan bago pa makita ng katabi ko kung sino ang kinakausap ko sa cellphone ko. Mabuti ng maging maingat ako laban sa mga chismosa kong mga kaibigan. Though, hindi rin naman sila nakakapag-open ng cellphone ko. 

You:

I'm not with my Uke baby.

Wala rin ako sa bahay.

Balance Inquiry: 

Sana lahat baby, diba baby? 

Saan ka? 

You:

Baby ur face. 

I'm attending my classmates debut party. 

I wanna go homeeeeee.

Buttttttt...... 

Balance Inquiry:

Paanong may butt? 

You:

Hoy, hindi ko sinabing puwet.

Balance Inquiry:

Kumain na ba kayo? 

You:

Yon nga ee.  Ayaw ko muna umuwi nang hindi kumakain rito, feeling ko may shrimps haha.

Gusto ko kumain ng shrimps huhuhu. 

I aaammm hungryyyy.

Kaso ang layo ng venue nila huhuhu. 

Balance Inquiry:

Saan daw kayo? 

You:

Di ko knows, sinundo lang nila Lyndon kanina. 

Balance Inquiry: 

Then ask your friendssss.

You:

Kakatamad makipag-usap sayang hangin ko gutom pa naman ako huhuhuhu :>><<<<<<

Akala ko lang pala na malapit na matapos kaso umabot pa ito ng isang oras kaya insaktong alas dose ng tanghali. Hindi na lang rin ako nakikinig sa sinasabi ng emcee dahil nalibang na akong makipag-usap kay Czesar. This guy! I am having fun with his sense in humor. 

Balance Inquiry:

Tanungin mo na kasi kaibigan mo. 

You:

Waaaiiiiit. 

As what have we talked, I asked Jamal, who's also having fun on his phone, about the location and send it to Czesar. Sabi pa niya malapit lang daw iyon sa kanila. Biglaan naman itong hindi nagtext sa akin at tumawag makalipas ang ilang minuto. 

“Punta ka sa entrance ng resort.” utos niya sa akin kaya nagpaalam na ako kay Jamal at sa ibang kaibigan na sinundo na ako kaya wala na sila nagawa pa kahit gusto pa nila akong magstay roon kaya nakaramdam akong ng guilty dahil sa pagsisinungaling. 

Naglakad naman ako hanggang sa makarating ako sa labas ng resort, nahirapan pa dahil hindi ko kabisado iyong daan. Nagtanong tanong nalang ako sa mga staffs na nakikita kung saan ang daan patungo sa labas ng resort. This resort is freaking big. Muntik pa akong mawala buti nalang at may nakita akong staff na siyang naghatid sa akin patungo sa labas ng resort. 

The sun is still up kaya pinagpapawisan ako nang makalabas na ako sa resort. Paano ba naman kasi, aircon roon sa loob ng reception hall tapos paglabas ko sobrang init. 

Kinuha ko ang cellphone ko at tinanong kung saan siya baka pinaglalaruan lang niya ako. Dahil na rin siguro sa kakapanood ko ng vlogs kaya hindi mawala sa isip ko na prank lang niya ito sa akin. Hindi rin naman nagtagal ay may isang sasakyan na bumukas ang pintuan at inilabas roon si Czesar na nakasuot ng isang V-neck na white shirt at shorts. Bahagya itong nagbubukas ng kaniyang payong bago pa naglakad patungo sa akin. 

“Bakit hindi ka nagdala ng payong? Ang init pa naman ng panahon, tingnan mo iyong pawis mo walang tigil ang pagtulo.” pambungad niya sa akin at inilabas ang panyo niya. 

Bago pa niya ito mapunas sa mukha ko ay naamoy ko na agad ang mabango nitong pabango. Lalo na noong nagsimula na siyang magpunas ng pawis ko dahil malapit ito sa akin. 

“Tama na, wala na.” sabi ko sa kanya bago ko pa maubos ang amoy niya, bago pa niya ako makitang pinagkakatuwaan ang kaniyang mabangong amoy. 

“Tara na sa sasakyan.” pag-aaya ko sa kanya na parang ako ang nagmamay-ari ng sasakyan dala niya. 

“Yes, bossing.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status