Share

One

It was summer, a sunny day to be exact, when my dad suggested us to come with him on our rice field and I was nearly bore to death I became happy with his idea. Wala ng pagda-dalawang isip akong tumayo mula sa aking kama at nagbihis, kinuha ko rin iyong sketchpad ko kung sakaling magkaroon ako ng ideya o kung ganoon man na wala akong ibang gagawin doon. 

My brothers doesn't want to be there but they have no choice since I will be with dad. Ika pa ng Papa ay bantayan raw ako na ikina-ngiwi ko pa.

What am I? A kindergarten child?

I watched my reflection in the mirror and wore a cropped spaghetti top with a jean shorts and a pair of flat slippers. My usual comfortable clothes. 

When we arrived, my twin brothers stayed at the car, as they were planning to play an online game when they found a strong internet. I grab my things including my blanket, foods and drinks which I placed in my tote bag. Then looked for a nice spot, in where I can relax and try to get an idea on what to draw. 

Probably, I would look for a sunny part since I had not been under the sun for a long time. 

The place is good though it's hot and windy. I was left with no choice but to bun my hair. Unless I wanted to look with my bad messy hair. 

I was looking at the workers who were under the sun, thinking if I will have a life like them, it must be so hard for them, yet they were paid mostly like cheaper. Considering how they worked under the hot weather and carrying heavy loads. I must be thankful of what I have—even if it was just our dad who raised us, three. I should be thankful that we most likely to have a golden spoon.

But having a complete family is much worth it than loads of money. I thought so,

I sat on my blanket then placed my foods beside me then tried to look for my sketchpad and found nothing—siguro naiwan ko sa sasakyan. I was eating while watching on the workers that are doing their jobs when I felt that someone sat beside me but I didn't bother to looked at him thinking that it's just my brother or my father.

“May tubig ka?” ultimo ako ay nagulat sa biglaang tanong ng lalaki.

“Adik ka ba?” hindi makapaniwala ko na tanong sa kanya.

“Joke lang.” sabi pa niya. 

I was about to shoo him away until I started to hear a guitar plucking, afterwards, he started to sing a a familiar song since I am an old song lover. Hanggang sa hinayaan ko na lang siya at nag-enjoy sa tugtog niya.

“He has a nice voice.” I said to myself. 

“Nice song choice.” I commend instead complementing his voice after he sang. 

Baka masyadong mawili.

“Of course, you love old songs.” I heard him whispered then sigh. I was stunned. “Thanks.” he added before leaving. 

Kaya napatingin ako sa iniwan niyang gitara at dinala iyon sa aking mga bisig. I kinda know how to play guitar but not as much as he knew. It was like,  him, making a masterpiece. 

Kahinaan ko talagang ang plucking kaya tinatamad na rin akong matuto pa at nakuntento na rin sa strumming. Nagsimula na akong tumutugtog at akmang kakanta nang marinig kong may sinabi siya. 

Nakabalik na pala siya na hindi ko man lang namalayan. Itinaas ko ang tingin ko sa kanya at nakitang may dala na itong isang bote ng tubig.

“Mali 'yan, move your pinky finger to the second fret.” utos niya nang makabalik siya na tinitigan ang aking mga daliri. 

Natulala naman ako bahagya ng ilang segundo dahil hindi ko alam kung paano niya iyong nalaman sapagkat nasa likuran ko pa naman siya at hindi niya nakita kung saan ko inilagay ang aking mga daliri. He must be really good in playing guitar huh? 

“Oh. Thanks.” sabi ko sa kanya at sinunod ang sinabi niya nang makita na hindi pala talaga tama ang ginawa kong kuwerdas. Pinagbutihan ko ang aking pagtugtog at hindi na lang rin kumanta dahil nahihiya akong marinig niya ang aking boses. 

“Sing, I know you have a nice voice.” saad niya nang makita akong pinipigilan ang sariling kumanta. 

Instead of replying at what he have said, I started to strum again and sang when I was done on playing the intro hanggang sa matapos ko ang kanta ay nakatitig pa rin ito sa akin at unti unti hinayaan ang kanyang sarili na umupo sa aking tabi. 

“You should start learning on how to do plucking.” sabi niya bago niya kinuha ang gitira at nagsimula na ring kalbitin ang mga kwerdas ng gitara kaya hindi ko mapigilang humanga sa galing niyang tumugtog. 

“I did, but I stopped. I can't learn forever in YouTube. Mahirap.” tugon ko sa kanya at kinuha ang pagkain. 

I offered him food but he shooked his head and continued playing at his black Fernando guitar. Same brand as mine. 

“I would love to teach you but I have to work here so maybe next time. Kung hindi ka pa marunong sa panahong iyon.” sabi niya kaya nagulat ako nang sabihin niyang nagtratrabaho siya dito sa palayan.

“Sana nga lang,” hindi iyon nakalagpas sa tenga ko pero ipinagwalang bahala ko na lang.

Siguro trip niya rin talagang magturo ng gitara sa mga hindi pa magaling pero interesado.

“Nagtratrabaho ka ba dito?” tanong ko nang mapansin kong may dumi sa kanyang paa at pantalong suot. Tumango naman ito at hindi napigilang bumuntong-hininga.

Nagmasid ako sa mga trabahante kung anong pinaggagawa nila. Kitang kita sa mga mata’t katawan ang hirap sa kanilang ginagawa. Basa pa ang nga suot nitong pang-itaas ng dahil sa pawis na dala ng malakas na araw. 

Hindi pa roon natapos ang aming usapan at nagkuwentuhan pa kami tungkol sa mga bagay bagay at nasabi niyang lilipat pala siya sa paaralan na pinapasukan ko. Sabi pa niya na hindi pa niya masyadong kabisado ang lugar kaya hindi pa siya masyadong nakakagala dahil trabaho naman ang kaniyang ipinunta rito at mahahalagang bagay. 

Hindi rin nagtagal ay biglaan siyang tinawag sa kanyang mga kasamahan upang bumalik na sa trabaho. Kaya naiwan na rin agad akong mag-isa sa ilalim ng puno habang kumakain at paminsan minsan ay tinitignan sila sa kanilang mga trabaho. Hanggang sa tinawag na ako ni Papa upang umuwi na kaya niligpit ko ang mga gamit at sumunod sa kaniya sa sasakyan. 

Nang makarating kami sa bahay ay alas singko na ng hapon kaya dumiretso na ako sa kuwarto at hindi na nag-abala pang kumausap pa sa kanila. Pumasok na agad ako sa aking banyo upang maligo at baka makaramdam ng pangangati dahil sa mga palay kanina at hindi na kumain pa hanggang sa makatulog na ako. 

Nagising ako sa isang malakas na katok mula sa aking pintuan kaya binuksan ko ito at nakita si Papa. Agad naman akong kinabahan at baka may nagawa na naman akong mali na ikinabigo niya. 

“Good morning Papa.” bati ko sa kanya at ginamit ang kamay upang magsuklay sa aking magulong buhok. 

“Morning.” bati niya pabalik. As usual, his cold treatment to us. 

I gave him a smile, waiting for him to say kung anong kailangan niya dahil hindi naman ito pupunta sa kuwarto ko kung wala siyang ibang kailangan sa akin. I waited for almost a minute when he spoke. 

“Bumalik ka roon sa palayan at bigyan mo ng pagkain iyong mga trabahante natin.” sabi niya at hindi na hinintay ang magiging sagot ko.

 

I was left without a choice so I sighed and fixed my bed before cleaning up. I was already wearing a mint green sweater and a leggings when I went downstairs, to eat my breakfast and do as what Papa instructed me to do.

Sinalubong naman ako ng aming kasambahay at sinabing nasa kotse ang ibibigay kong pagkain para sa mga trabahante. Hindi naman talaga ako ang dapat niyang utusan pero sa hindi malamang kadahilanan ay ako ang napili niya na marami naman siyang ibang mapag-uutusan. Puwede naman iyong kambal na walang ibang ginagawa kung hindi ay maglaro.

It was already ten when I arrived at the rice field. May dala akong isang plastic bag na naglalaman ng pagkain at nakasunod sa akin ang aming driver kasama ang isa pang kasambahay. Dahil hindi ko alam kung saan ilalagay ang kanilang pagkain, pinauna ko sila at sumunod na lang sa daang tinatahak nila.

Walang pakialam kung mabigat ang dala kaya't bago ko pa lamang mabitawan ang aking dala ay may kamay nang nakahawak sa aking dala. 

“Akala ko hindi na ulit kita makikita pa rito.” said the guy that I met yesterday while holding the plastic bag that I hold minutes ago. 

I had nothing to reply so I stayed silent and gave him a small smile.

Hindi rin naman kami close at lalong hindi naman alam ang pangalan ng isa't isa. Nilagay niya ang bag sa isang malaking lamesa kung saan din nila inilagay ang iba pang pagkain. Doon ko lang nalaman na hindi lang pala pangtanghalian ang dala naming pagkain pero pati na rin ang kanilang meryenda kaya sa mga oras na ito ay nagpapahinga pa lang muna sila saglit bago kainin ang mga dala namin. 

Binigyan ako ng upuan ng isa sa mga trabahante kaya imbes na umangal ako ay doon na lang ako umupo dahil ko rin nadala ang aking sarong na uupuan ko. Nag-uusap sila nang mapunta sa akin ang atensyon ng lahat. 

“Iha, kilala mo na naman si Czesar no?” tanong ng isang matandang lalaki habang umiinom ng dala naming juice. 

Bahagya naman akong umiling sapagkat hindi ko alam kung sino ang kaniyang tinutukoy kaya napatawa silang lahat na ikinakunot ng kilay ko.

“Sino pong Czesar?” puno ng respeto kong tanong sa kanila. 

Napailing naman siya at tumawa bago ituro ang lalaking nasa tabi ko. “Iyang batang iyan, akala ko ba magkaibigan na kayo dahil nakita namin kayo kahapong magkasama.” sagot niya. 

“Ah, hindi po namin kilala ang isa't isa. Kahapon pa lang po kami nagkita at nagkausap.” sabi ko pa at umiwas ng tingin. 

“Naku iha, kung alam mo lang. Matagal ka ng kilala niyan.”

“P-po?” nauutal kong tanong sa kanila. Tila nagulat sa sinabi nila kung gaano ako kakilala ng taong nag-ngangalang Czesar.


“Ay naku! Mabuti pa’t kumain ka sa iyong dalang pagkain.” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status