Share

Kabanata 15

"Just go straight and you'll reach the seashore behind the mansion."

Inalala ko ang sinabi ni Weino tungkol sa sekretong daan na ginagamit niya sa tuwing pumupunta ng mansyon. 

Makitid ang daan na napapagitnaan ng mga talahib. Buti nalang at pinahiram niya ako ng long sleeve at sweat pants. Kung hindi ay baka nagkasugat sugat na ako dahil sa mga damo. My skin couldn't take those bushes.

 Masyadong sensitibo ang balat ko na sa kahit marahang haplos ng talahib ay mag-iiwan na ng kaonting gasgas.

I continued walking. Ala singko pa lang ng umaga ay hinatid na niya ako sa mismong labasan. Sa tingin ko ay hindi siya natulog dahil sa inatupag niya buong magdamag. Now I am guilty for nagging him last night.

Tuluyan kong napasok ang dalamasigan sa likod ng mansyon. There's no guards roaming around. Nasa may tarangkahan sila halos lahat. Ang kumpol ng mga lalaking Alcoreza ang nakita ko nang mapasok ang bulwagan. 

I walked myself in, looking so confident that I am now safe from their dubious questions.

Nalamasan ko sila nang walang humaharang na tanong. Mukhang bagong gising pa ang mga ito. And in state like that, they won't bother to ask you for filling their curiosity.

Dumiretso na ako sa itaas. Nasa hagdanan pa lang ako ay may naririnig na akong halinghing mula sa kung saan. Minsan pa ay nagiging tawa ito na halatang pinipigilan lang. 

My room is three rooms away from the staircase. Una ay ang opisina ni Papa, sunod kwarto niya, kwarto ng mga posibleng bisita, tapos ay silid ko na. 

Isinawalang bahala ko ang naririnig dahil sa pag-aakalang galing iyon sa kwarto sa pagitan ng akin at kay Papa. That room was intended for my Auntie Lurie. 

Maarte siya at masyadong mapili sa mga bagay na ino-offer sa kanya. No matter the what the price is, if it surpasses her standards, she'll accept it. Kaya naman ay madalas siyang pinapatuloy sa mga mansyon kahit pa pwede naman sa hotel. 

I remembered the housemaids cleaning the spare room last day. Buong araw nilang ginawa iyon para masigurado ang kalinisan ng silid na gagamitin ni Auntie Lurie sa ilalim ng utos ni Papa. Of course he knows what his sister is.

When I was about to pass my father's office, the door suddenly opened. Taas noong lumabas mula roon si Auntie na halata ang saya sa mukha. 

She turned to me just when her smile faded. Itinuloy ko ang lakad hanggang sa magkalapit kami.

"Your father seems to have plans for the event, ija. Prepare yourself perfectly, okay? Flaws have no place in this place. Nakakahiya naman pag ganoon," she said with words full of sarcasm.

Ngumiti ako, pinipigilan ang sarili na maipahiwatig ang inis sa kanya.

Nilagpasan niya ako. Sinundan ko siya ng tingin. Hindi pa tuluyang nakakaapak sa hagdan ay nilingon niya ako.

"Nice clothes by the way. You should've fooled another man again, Chio. Just by looking at you, I can say that the owner of the long sleeve has a nice body."

Sinundan iyon ng nang-iinsultong tawa. Tinahak niya ang hagdan pababa habang patuloy parin sa pagtawa na animo'y nahuli ako sa isang kasalanan.

I clenched my fist, but let it pass. I am capable of doing something but I did nothing. Ayaw ko muna ng gulo.

Well, I am not surprised. Dati pa lang ay mainit na ang tingin niya sa akin. Back to my teenage days, she would falsely accuse me of meeting some random guys out of the wild.

 Kinabukasan ay kumakalat nalang ang balitang nagpapaangkin ako sa kahit na sinong lalaki basta ba mayaman daw at may mukhang maipagmamalaki ko sa pamilya Alcoreza. 

That was just part of her wild imagination. In reality, I don't usually talk to men. Kung kinakailangan, saka lang ako magsasalita. 

That could be the primary reason why I am still single for years. Entertaining someone who confesses to me is not really my thing. Hangga't kayang maghintay, lumalaki ang tyansang kakausapin at pagbibigyan ko.

No wonder why young men Alcorezas who have heard the false issue won't bother to talk to me. Baka iniisip nilang nakakahiya ako sa pamilya kaya iniiwasan nila ako. 

Well then, my pleasure! 

Narating ko ang kwarto na pigil ang inis. Kung wala lang akong inaalalang mga kasama sa bahay ay baka padabog ko nang isinara ang pinto. 

Just when I am about to take off my clothes, Weino's name appeared on my screen. 

It was a video call. Mabilis kong inayos ang damit na suot at siniguradong walang makikita na kahit anong parte ng katawan ko.

Sinagot ko ang tawag niya at dinala ang phone sa harap. I went to the window to bring the thick curtains to the side. Binuksan ko iyon saka hinayaan ang sinag ng araw na pumasok.

Last night, Priacosta experienced a heavy rainfall. Kabaligtaran sa matinding sikat ng araw na marahas ang atake sa mukha ko.

"Were you caught by your relatives?" Weino asked from the other line.

Nilingon ko siya. He is now lying on his bed. It looks different than the room I  have stayed last night. Probably it is his room in his house.

"Nah...Nagmana ako sa'yo, Weino. Hindi ako mahuhuli," I teased followed with a chuckle.

He grinned.

"Oh...really, huh?" pang-aasar niya. 

He licked his lower lip.

"Then maybe you can sleep here again tonight?" 

Umismid ako at umirap. Dinungaw ko ang bintana at baka may tao na pala riyan na nakikinig. Medjo napapalakas narin kasi ang boses ko.

Ibinalik ko sa kanya ang tingin.

"Stop it, Miscreant! Hindi na iyon mauulit. Even if we fight, I won't go anywhere under your authority."

Weino pouted. Natawa ako roon, namamangha. I have never imagined a dangerous man pouting. How cute is that, huh?

"Now you are laughing at me, darling..."

"Who wouldn't, Weino? Look at you, you are pouting like a baby!"

Mabilis niyang kinagat ang pang-ibabang labi. Pinaglaruan niya ito gamit ang isang kamay.

"Now you look like a man in a big mess!"

I teased kahit sa totoo lang ay ang gwapo na niya sa paningin ko. Just like the first time I met him real close, wild thoughts knocked on my mind. Weino, in his large body frame, on top of a girl in a white sheeted bed.

He looks like a daddy effortlessly seducing his girl!

"What were you thinking, baby? You're staring at me with so much expressions in your eyes."

Kaagad kong ipinilig ang ulo para iwaksi ang lahat ng naiisip ko tungkol kay Weino. His eyes were inquiring.

"Nothing..." 

His brows shut, not convinced of my lie.

"I am not convinced. Lie more," he said cooly.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tumagilid siya at umayos ng higa. I can see his collarbone with his position right now. Yes, he is a man who likes to sleep topless on his bed. Tapos tatawag na ganoon ang ayos. 

What are you up to, Miscreant?

"Are you going to sleep? Inaantok na ang mga mata mo,"  pag-iiba ko ng usapan na ikinataka niya.

"Can't contain your guilt for lying, huh?" he teased. 

Pinasadahan niya ng kamay ang buhok na mabilis na nahati. 

"I'll sleep later on. Mag-usap muna tayo..." naging malamyos ang kanyang boses.

Nilakad ko ang kama at doon naupo. Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok saka iyon bahagyang ginulo. Weino is staring at me, watching every gesture that I do with eyes full of adoration.

"My clothes look good on you. Be it a long sleeve or a shirt..." he suddenly complimented.

Tinaas ko ang isang kamay para ipakita sa kanya na inaayos ko ang manggas ng suot na long sleeve. He have long arms. Kinakain ng manggas ang mga kamay ko.

"Akin nalang? You have more on your closet so I won't give this back," pigil tawa kong sinabi.

"I want a trade...My clothes aren't free for you, Chio. I am now wondering what would I get in return."

Nangunot ang noo ko. Ano namang ibibigay ko sa kanya?

"What do you want?" tanong ko na para bang pwede niyang hingin ang shirt and tops sa closet ko.

And of course not the undergarments!

"You are really asking me that?" he then smirked.

Bigla ata akong pinamulahan nang inisip ko na baka iniisip niya nga ang undergarments! 

"Panyo...pwede ang panyo..." giit ko.

"Okay, let's have that."

Ngingiti na sana ako sa pag-aakalang hanggang doon lang ang hihingin niya.

"I'll have three of your handkerchiefs, darling. One must have your kiss mark and the two remaining are fine with just dry clean. Kukunin ko mamaya..."

"Weino!" I exclaimed that made him laugh.

"Prepare it now. Matutulog na ako..."

He closed his eyes, trying to show me that he is really gonna sleep. Pero hindi niya man lang pinatay ang tawag!

"Wake up, Weino. Hindi pa ako sang-ayon sa deal!"

"Hmm?" 

Namilog ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. 

"I'll end the call. Sleep tight."

He murmured something before I finally tapped the end call button. Tumayo ako at kaagad na naghanap ng panyo na pwede sa kanya.

I have girly handkerchiefs. Most are in pink and pastel colors. Ang pwede lang sa kanya ay ang personalize handkerchiefs na may pangalan ko. 

Nasa kulay abo, itim at puti ang mga ito. Ang isa ay may desinyong dots at ang isa ay may burdang babae na nag-aarchery. Ang huli ay may pangalan ko sa isang gilid. 

I sighed. Kumuha ako ng lipstick at nilagyan ang aking labi. Sinadya kong kapalan para mas klaro ang kiss mark na iiwan ko.

This feels so weird. Pero gagawin ko parin. Ako lang naman ang andito kaya okay lang siguro.

I smacked my lips before putting the thin fabric of my handkerchief in between my lips. Sinadya kong tagalan para dumikit ang lipstick sa panyo. When it satisfied me, I folded them perfectly and put it inside a small paperbag. 

Pagkatapos nun ay naligo na ako. Ilang sandali akong nagbabad sa maligamgam na tubig para tuluyang makalma ang sarili at medjo ma-relax ang katawan. Water dripped from my hair when I walked myself out of the bathroom. 

Suot ang puting bathrobe ay nagpaikot ikot ako sa loob ng kwarto para ihanda na ang lahat ng kakailanganin ko mamaya. 

I gulped when I scanned the evening dress on my bed. It is made of a see through clothe. Pinapalibutan ito ng beads at malalaking bulaklak na siyang magsisilbing pangharang sa pribadong parte ng katawan ko. Masyadong revealing. Buti nalang at may kasama itong fur shoal na tutulong sa akin para takpan ang ilang bahagi ng katawan ko. 

Kulay krema ang halos lahat ng suosuotin ko. The cream colored mittens got me feel excited a bit. Ngayon pa lang ay iniisip ko na ang magiging itsura ko mamaya.

Nagbihis kaagad ako pagkatapos ng paghahanda para sa kasiyahan mamaya. My phone beeped when a message came. 

Hinagip ko ang phone na nasa mesa para tingnan ang mensahe. It was from the unknown number yesterday.

Unknown :

Can we meet now, Chio? Today is my only free day. I am waiting for you at the coffee shop near DAFC.

Bumuntong hininga ako. Kinuha ko ang wallet bago lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko ang mga kasambahay na patungo sa hardin dala ang tray ng mga pagkain. 

Kumpara kagabi ay mas maingay na ang bahay ngayon. Baka andito na sina Tita. Nagkibit balikat ako at nagpatuloy na sa lakad.

Pinatunog ko ang Porsche Panamera na madalas kong ginagamit pag papunta ng Rouseau. I slid in and clasped my seatbelt. Binuhay ko ang makina ng sasakyan saka ito minaneho patungong Revistro.

Revistro is a coffee shop near DAFC. Nadaanan ko iyon nung papunta rito sa Priacosta. I hope I am right.

Pagkarating ko roon ay kaagad na sinuyod ng aking mga mata ang buong lugar. When an employee noticed me, she went near me and asked for the one I am looking.

"This way, Ma'am..." sambit niya saka iminuwestra ang tamang daan.

I followed her every footstep. Napapansin ko na palabas na ito ng shop. I am curious but I won't ask. 

Sa huli ay pinasok namin ang isang silid na tila nasa loob ng glass dome. There are vacant tables. Mapapansin na hindi basta bastang mga personalidad ang andito para magkape. May namumukhaan akong iilan. 

Famous celebrities and known personalities here in Priacosta.

Nalingunan ko ang gawi malapit sa glass wall. There is this man silently sipping on his coffee with eyes fixated at the scene outside. Humugot ako ng malalim na hininga at naglakad patungo sa kinaroroonan niya.

"Hi," I said when I reached the spot.

Nilingon niya ako. His familiar eyes smiled as he motioned the seat in front of him. Naupo ako roon gaya ng gusto niya.

"I know you'd come..." he said and gently put his cup of coffee down on the table.

"Please have a cup of coffee," dagdag niya saka iminuwestra ang kape sa harap ko. 

I smiled.

"Thank you..." 

Pinagsaklop niya ang mga kamay na nakapatong sa mesa. 

"How are you? How is it living in Priacosta?"

Sumimsim ako sa kape ko bago sumagot.

"I'm fine, I guess. Priacosta is not a home for me, I must say..."

Bahagyang nangunot ang noo niya.

"Why? Hindi ka ba tinatrato ng maayos ng mga tao rito sa Priacosta?"

Umiling ako at tipid na ngumiti.

"They are good to me so far. But I won't risk it giving them my trust. Isa pa..." 

Bumuga ako ng hangin.

"...masyadong malayo ang buhay ko sa buhay na naiisip ko dati."

He nodded at me. Para bang naiintindihan niya ang rason ko.

"How about your dad? The Alcorezas?  Balita ko ay mainit pa rin ang dugo sa'yo ni Lurie."

Muli siyang sumimsim sa kanyang kape. 

"Dad is doing...fine. Gaya ng dati ay hindi parin ako masyadong kinikilala ng mga Alcoreza dahil sa pinakalat na balita ni Auntie Lurie noon. Kahit pa sarkastikong tao si Auntie Lurie ay pinapanigan parin siya ng mga tao."

"I figured that out. Pero hindi ako makapaniwalang ganyan parin si Lurie ngayon. That arrogant woman never changed. Tumatanda na ngunit ambisyosa parin," puno ng pait ang kanyang boses.

Hindi ako nagsalita.

"Ang tungkol sa tinatrabaho mo ngayon, Rouseau tama?"

Tumango ako.

"Kamusta naman?"

"Rouseau is doing fine. Tinututukan ko ang paper works para walang makaligtaan," tugon ko saka sumimsim sa kape.

"How about your other businesses?" nanliit ang kanyang mga mata. "The work you truly do that's why you are here."

Ngumiti ako.

"I am confident to say that it has a big progress. From the contacts, connections, and even the companies I have as my back up are all sure and loyal. I have them for being an Alcoreza."

Tila kuminang ang kanyang mga mata sa sobrang pagkamangha sa mga narinig mula sa akin. He leaned his back on the backrest of the chair.

"I have no doubt for that. And about the young Zaldego who keeps on tailing you, how was he?"

Ngayon ay nakuha niya ang atensyon ng pinag-uusapan namin. Weino will really be part of this conversation. Kilala sila sa Priacosta.

"He is good. I love to handle him."

Walang paglabag mula sa kanya. Tumunog ang phone niya dahilan ng kanyang pagbaling doon. He answered the call. 

"I need to go. May meeting pa ako ngayon."

Tumango ako.

"You can visit the mansion if you are not that busy. I'll message you if he arrives. Sa ngayon ay pagtuonan mo na muna ang ginagawa mo. If you ever lose some assets, you can tell me and I'll provide it for you."

He got up and gathered his things on the table. Tumayo narin ako at hinintay ang kanyang pag-alis.

"I'll go ahead, Chio."

I smiled. "Thank you, Tito Rendo. I hope to see you with Tito Simo so soon."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status