Share

📖84.

Author: Batino
last update Huling Na-update: 2025-11-07 17:24:22

“Hindi…” ulit ni April, mas mababa pero mas matalim.

“Hindi nila puwedeng apak-apakan si Domerick.”

Nagkatinginan ang mga tauhan—alam nilang may alam siyang hindi pa sinasabi.

Dahan-dahang huminga si April, pilit pinatatatag ang sarili.

“Mauna na kayo sa Lusffer Mansion. Manmanan ang kilos ng bawat isa—lalo na ang anak kong si Ethan. Walang lalapit sa kanya na hindi natin alam. Walang dokumentong pipirmahan na hindi dumadaan sa akin. Walang galaw na hindi ko nababasa. Maliwanag?”

Tumango ang mga tauhan, agad na umalis.

Naiwan si April, nakatingin sa kalsadang tinahak ni Ethan.

Hindi na iyon tingin ng isang inang nasasaktan.

Hindi na iyon luhang nagmamakaawa.

Tingin iyon ng isang leonang umatras lang para umatake.

“Hintayin mo ako, Anak… ibabalik ko kayo sa isa’t isa.”

Sa Lozano Mansion

Tahimik ang loob ng mansyon—malinis, malamig, at tila walang ibang buhay kundi ang yabag ng mga sapatos na humahalik sa marmol.

Naglakad si Ethan sa gitna, walang emosyon, walang bakas ng
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Suplada Ako, Pero Hindi ko Sinasadyang Mahulog Sa'yo   Wakas

    Biglang bumukas ang malalaking pinto ng Lusffer Mansion, at isang binata ang pumasok—matangkad, naka-itim, matapang ang tindig na parang sanay humarap sa panganib. Kahit hindi Lusffer ang dugo, may presensya siyang kayang magpatahimik ng buong hall. Tumigil ang musika. Napalingon ang mga tauhan. Napatayo ang board members. At si April… napasinghap, parang tumigil ang mundo. Dahan-dahang lumapit ang binata. “Pasensya na sa biglaang pagpasok,” mahina niyang sabi pero solid ang boses. “Pero kailangan n’yo akong pakinggan.” Napakunot ang noo ni Ethan. Nagtaka si Domerick. Lumapit si April, nanginginig ang kamay. “Maddox…” bulong niya. Napangiti ang binata—hindi yabang, kundi lungkot na may halong pangungulila. “Ako nga, Ma.” ANG PAGLILINAW Lumingon si April kay Domerick, at sa unang pagkakataon mula nang bumalik ito sa Lusffer Mansion… nakita niyang kailangan niyang sabihin ang katotohanang matagal niyang tinago. “Dom…” Halos maputol ang boses niya. Hindi

  • Suplada Ako, Pero Hindi ko Sinasadyang Mahulog Sa'yo   Chapter 89

    Sa pagdating nila sa Lusffer Mansion, parang rumagasa ang lamig ng nakaraan sa balat ni Domerick. Sa sandaling tumapak siya sa marmol na hagdan, isang malakas na pintig ng alaala ang bumalik sa kanya—ang huling gabi bago siya mawala, ang mga sigaw, ang pagtataksil, ang pagkalunod ng sarili niya sa isang utos na hindi sa kaniya nagmula. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni April. “April…” mahina pero puno ng bigat. “Naaalala ko na lahat.” Nanginig ang babae, napahawak sa dibdib. “Ano… ano ang naaalala mo?” Napapikit si Domerick. “Lahat. Paano ako nilason ng mga kapatid ko. Paano nila inayos na mawala ako para makuha nila ang buong Lusffer Empire. Paano nila pinaghiwalay tayo… at si Ethan.” At parang sinindihan ang hangin, bumukas ang malalaking pinto. Sumalubong sa kanila ang tatlo—si Kenneth, ang panganay, si Shannara, ang babaeng puno ng lason ang dila, at si Renzo, ang pinakatuso. Nakatayo sila na tila may pag-aari sa buong mansyon, nakapangiti nang mapanlait, nakasuot ng mga br

  • Suplada Ako, Pero Hindi ko Sinasadyang Mahulog Sa'yo   Chapter 88.

    Narinig ni April ang mahina ngunit nanginginig na buntong-hininga ni Domerick. Para bang bawat salitang binitawan niya ay may kumakaluskos na alaala sa loob ng isip ng lalaki. Kumapit ito sa gilid ng mesa, tila nahihilo, ngunit hindi na niya maitanggi ang pag-igting ng panga, ang pagbilis ng paghinga—mga senyales na may gumigising sa loob niya. “April…” basag niyang bulong, parang batang naliligaw. “Bakit… bakit parang ang sakit sa dibdib ko kapag sinasabi mong bumalik ako?” Lumapit si April, hawak ang nanginginig nitong braso. “Kasi,” mariin niyang sabi, “hindi ka ipinanganak para alipin nila. Isa kang Lusffer… asawa ko… at hindi ako papayag na mawala ka ulit.” Nanigas ang mga balikat ni Domerick. Parang biglang may sumiklab na init sa likod ng batok niya—isang pamilyar na apoy na matagal nang tinakpan ng takot at manipulasyon. Napatingin siya sa ama ni April, sa kabit nito, sa mga batang nakanganga pa rin sa gulat. Ngunit iba na ang tingin niya ngayon—hindi na pag-aalangan,

  • Suplada Ako, Pero Hindi ko Sinasadyang Mahulog Sa'yo   📖87.

    Hindi niya kailangang magsalita. Sapat na ang nakita niya. Dahan-dahang tumalikod si Dominick, marahang isinara ang pinto na para bang wala siyang nasaksihan. Pero ang bawat hakbang niya pababa sa hallway ay puno ng kontrol—ng plano—ng matagal nang hinihintay na pagkakataon. “Kung katawan ang puhunan nila…” mahina, halos pabulong niyang tawa, “…hindi ako matatalo sa ganyang laro.” Huminto siya sa likod ng malaking salamin na salamin din ng lungsod sa gabi. Kita niya ang repleksyon ng sariling matang hindi na inosente—kundi nanlilisik sa ambisyon. April… Maddox… Ethan… “Panahon na,” mahinang anunsyo niya. At ang susunod na galaw niya— Hindi na para makita. Kundi para maramdaman. Samantala… Nakarating kay April ang balitang kinampihan ni Mr. Elite ang anak niyang si Ethan. Parang biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi pa man nauubos ang hinga niya, ramdam niyang unti-unting sumisikip ang paligid—parang may gumagapos sa kanya. Ano nanaman ang plano mo, Mr. Elite? Madiin ang b

  • Suplada Ako, Pero Hindi ko Sinasadyang Mahulog Sa'yo   📖Chapter 86.

    Sa tahimik na lounge, marahas na sinara ni Shannara ang pinto. Mabibilis ang paghinga niya, galit ang nangingibabaw. “Bryan,” madiin niyang bulong, “bakit nagkaganoon ang papeles? Ikaw ang huling humawak. Anong ginawa mo?” Nakasandal lang si Atty. Bryan Contie sa mesa, mga kamay nakasuksok sa bulsa, pero ang tingin niya ay parang punyal. “Hindi ako ang nagpalit,” malamig niyang tugon. “Pero alam ko kung saan nangyari ang pagbabago.” Lumapit si Shannara, halos sunugin siya ng tingin. “Sabihin mo. Aayusin natin agad. Hindi puwedeng mawala kay Renzo ang kontrol. Hindi puwedeng si Ethan—” “Kayang-kaya kong ibalik ang original document,” putol ni Bryan, mabagal, malinaw. “Kayang-kaya kong burahin ang audit trail. Pati ang log history. Gagawin kong parang walang nangyari.” Napahinto si Shannara. Umaangat ang pag-asa. “Then gawin mo.” Pero hindi gumalaw si Bryan. Bagkus, siya ang lumapit. Hindi mabilis. Hindi marahas. Pero sapat para magdikit halos ang pagitan nila.

  • Suplada Ako, Pero Hindi ko Sinasadyang Mahulog Sa'yo   📖Chapter 85.

    Biglang nanigas ang panga ni Renzo. Naputol ang ngiti. Si Shannara, bahagyang napaatras—parang may tumama sa sikmura niya. “Hindi mo naiintindihan—” pilit niyang sabi, mababa. Pero hindi siya pinatapos ni Ethan. “Ang nakalagay dito,” ulit ni Ethan, boses ay walang pakiramdam, “kapag pumirma ako, ako ang heir… oo.” Dahan-dahan niyang inilapag ang papel sa mesa. “Pero wala akong tunay na kapangyarihan. Ako lang ang mukha. At ikaw,” tumingin siya kay Renzo, diretso, walang takot, “ang may hawak ng lahat ng desisyon.” Tahimik ang buong opisina. Hangin lang ang narinig. At ang pagbitak ng isang imperyo na akala nila’y hawak nila. “Atty. Dominick Elite! Ano ito? Bakit ganito?! Bakit ganyan ang nakalagay sa papeles?!” Hindi na naiwasan ni Renzo ang pagtaas ng boses, nanginginig ang kamay habang hawak ang dokumento. “Sino ang nag-utos sa’yo para palitan ang mga papeles?!” Tahimik si Atty. Elite sa loob ng ilang segundo, bago niya mahinahong isinara ang ballpen na hawak, para bang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status