Share

Chapter 2

Author: Feather Gaia
last update Last Updated: 2025-06-21 19:15:47

Mabilis na lumabas si Calton ng Mall matapos bilhin ang sofa na ipapalit niya. Hindi pa naman luma ang mga sofa niya sa mansyon, pero ngayong nagdesisyon siyang gusto niya ng anak ay gusto niya rin palitan ang mga furniture niya.

Pumasok siya sa loob ng kotse niya. Ide-deliver na lang mamaya ang mga sofa. Hindi na niya iyon hinintay dahil kailangan na niya pumasok sa opisina. Pero hindi pa siya nakakaalis sa parking lot ng Mall ay nag-ring ang cellphone niya, at nakitang tumatawag si Danrick.

“Hey, what a sudden call?” tanong niya rito matapos sagutin ang tawag.

“Can you come? I have something to show you.”

Marami pa siyang pending na paper work sa kumpanya. Pero siguro naman ay hindi siya magtatagal doon kay Danrick.

“Sure. Actually malapit lang ako ngayon sa bahay mo. Dumaan ako sa Mall. I'll be there in a minute.” Pinatay niya ang tawag at dali-daling nagmaneho paalis.

Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi naalis sa kaniyang labi ang ngiti maging ang imahe ng babae sa kaniyang isip. He wanted to go back there and ask her name.

Ilang minuto lamang nang makarating siya sa napakalaking bahay ni Danrick. Mag-isa lamang itong nakatira rito kasama ang limang kasambahay dahil nilayasan ito ng asawa nito mag-iisang buwan na ang lumipas, at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ni Danrick kung saan pumunta ang asawa. 

Makailang ulit na rin kasing hindi naging maganda ang karanasan nito sa babae kaya naman hindi niya ito masisisi. Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay. Madalas siyang naroon kaya naman kilalang-kilala na siya ng mga kasambahay at ng ilang security guards dito.

Naabutan niyang nakaupo ang kaibigan sa ilalim ng malaking payong. Katabi nito ay ang malaking swimming pool sa garden.

Danrick was drinking coffee while he was facing his laptop. Naamuha niyang hindi naman ito seryoso sa ginagawa kaya sa kaniyang palagay ay hindi ganoon kaimportante ang sasabihin ng kaibigan.

“What is it? Bakit biglaan kang napatawag?" Naghatak siya ng upuan sa tabi nito at marahang naupo.

Ngumiti ang kaibigan at humarap sa kaniya. “I asked someone to give me a random pictures of a woman you could choose.” Iniharap nito sa kaniya ang laptop na nasa ibabaw ng lamesa nito. “Here. I’m checking their background also. Ang ilan diyan ay mga volunteer sa ilang clinic para sa mga nagbubuntis. So, I guess they already have an idea about surrogation.”

Nakaguhit sa labi ni Calton ang kasiyahan. Ano mang oras ay nais na niyang pasimulan ang mga dapat gawin sa pagbabalak niyang surrogation.

“Ang bilis mo talaga umaksyon. Walang kupas. Pero bakit pagdating sa asawa mo ay parang pumupurol ang galing mo?" Hindi niya maiwasan na biruin ito.

Unti-unting nawala ang mga ngiti ni Danrick at insimiran siya. "Nararamdaman ko nang mahahanap ko na siya. May lead na ako galing sa mga tao ko." Iniusog nito ang upuan at tinapik, sumenyas na umupo siya roon. "Pero ngayon, tapusin muna natin ang problema mo sa paghahanap ng babae."

Isa-isa nilang tinignan ang mga larawan na nasa screen. Napapatango si Calton, dahil halos lahat naman ng larawan ng babaeng nakikita ay talagang magaganda. Ang ilan ay mukha pa ngang artista at modelo.

“Sigurado kang papayag ang mga ito? Mukha namang may mga kaya?"

“I don’t know, wala namang mawawala. It was just a random selection of a women who were volunteering in a clinic. Mamili ka ng isa at puntahan natin kaagad bukas.”

Natawa siya sa sinabi nito. “Para lang tayong naglalaro nito. Mag-spin na lang kaya tayo ng wheel? Mukhang mahihirapan akong mamili dahil sa magagandang babaeng ito.”

Napailing si Danrick. “Kahit kailan ka talaga, puro pambababae ang alam mo.” Ibinalik nito ang tuon sa kaniyang tinitignan. “Be serious. Sige na, pumili ka na ng isa sa kanila. You need someone that is decent, Calton."

“Wait, hindi ko pa nakikita lahat.” Kinikilatis niya nang mabuti ang mga larawan, sa gilid naman nito ay ang background ng mga ito. Binabasa niya rin iyon kaya natatagalan siyang tignan ang isang larawan.

Matapos niyang pindutin ang next ay lumitaw ang sunod na larawan ng isang magandang babae. Angat ang ganda nito sa ibang kaniyang nakita. Pinagmasdan niya itong maigi, pamilyar ang mukha nito ngunit hindi siya sigurado kung nakilala na ba o hindi. Naningkit ang kaniyang matang pinakatitigan ang pangalan ng babae.

“Erika Benedicto?” Muli niyang tinignan ang larawan.

Doon niya napagtantong ito ang babaeng nakilala niya kanina lamang sa department store. Makapal kasi ang makeup nito kanina at ang nasa larawan na nasa screen ni Danrick ay wala naman itong kahit na anong makeup at ngiting-ngiti, kaya naman hindi niya ito kaagad nakilala.

“Yes, do you know her?” tanong ng kaibigan.

Hinarap niya ito at tumango habang nakangiti. “Kakakilala ko lang sa kaniya sa Mall. Kung sino man ang nagbigay sa ‘yo ng random women na ito, magaling siyang mamili at mabilang ang anghel na ‘yan. She’s really beautiful and kind, disente rin siya gaya ng sinabi mo.”

Isinandal niya ang likuran sa backrest ng kinauupuan. “Her beauty is outstanding.”

“You like her?” Kumunot ang noo nitong nakatingin sa kaniya. “To be part of your growing numbers of girls or you are choosing her to be the surrogate mother of your child?”

Humagalpak siya ng tawa. “You fucking knew me. Well, anyway, I like her. Yes, i want her to be the surrogate mother of my child."

**

Inilapag ni Erika ang buhat-buhat na karton. Ang laman nito ay ilang mga bedsheet at pillowcase. Ngayong araw ay bumisita siya sa clinic ni Doctora Marga. Isang obstetrician gynecologist or ob gyne. Kaibigan niya ito at madalas siyang tumutulong sa clinic nito upang tumulong sa ilang gawain tuwing siya ay naka-rest day sa trabaho.

Paminsan-minsan ay tinuturuan siya nito patungkol sa mga bagay na alam ng doctor na sa palagay nito ay kaagad niyang mauunawaan at maia-apply sa oras na kailanganin niya habang tumutulong sa klinika. Sinimulan niyang palitan ang punda ng dalawang pares ng unan sa isang kama. Nang lumabas siya ng silid.

“Erika,” tawag ni Doctor Marga at lumapit. Galing ito sa loob ng opisina. “May naghahanap sa ‘yo.”

Kumunot ang kaniyang noo. “S-Sino po?” Sino ba ang inaasahan niyang bibisita sa kaniya sa klinik? Wala namang nakakaalam sa kaniyang mga kakilala na nagboboluntaryo siya roon. Kaya paanong may maghahanap sa kaniya kay Doctor Marga?

“Naku, Girl, ang ganda mo.” Tumawa ito. “Dalawang lalaki ang naghahanap sa ‘yo at mukhang mahalaga ang pakay kaya pinatuloy ko na sa opisina. Puntahan mo na lang. Magaasikaso muna ako rito.”

Hindi naman na siya nagtanong pa, ngunit hindi niya maiwasang isipin kung sino man ang naghahanap sa kaniya. Umiling siya at kaagad na lamang tinungo ang opisina ng doctor upang puntahan ang dalawang lalaking sinasabi nito na siyang naghahanap sa kaniya.

Marahan siyang kumatok ng tatlong beses at binuksan ang pintuan. Namilog ang kaniyang mga mata nang makilala ang isang lalaking nakatayo. Ito ay ang nakaraan niyang customer na nagtatanong tungkol sa sofa. Ang lalaki namang nakaupo sa tapat ng lamesa ni Doctora Marga ay nakangiti sa kanya pero hindi niya kilala, kaya hindi pinansin.

“Mr...” Hindi niya alam ang pangalan nito. “A-Ano pong ginagawa mo rito? B-Bakit ninyo ako hinahanap?” Marahan niyang isinara ang pintuan nang makapasok siya sa loob. Bigla na lang nag-iba ang kaniyang pakiramdam sa mga oras na iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Surrogate for the Tycoon    Chapter 4

    Napaupo si Erika sa waiting area ng Clinic pagkabalik niya roon. Malalim siyang napabuntong-hininga at napahawak sa ulo. Paulit-ulit niyang iniisip kung tama ba ang kaniyang naging desisyon. Ipinananalangin niyang wala siyang pagsisihan dahil talagang malaking tulong ang inialok ni Calton sa isang katulad niya. Nang mga oras na iyon ay ang kapatid ang nasa isip niya. Kung paano ito bubuhayin at mapag-aaral sa maayos na paaralan. Nakikitaan pa naman niya ng mga pangarap ang kapatid, kaya naman itataguyod niya ito kahit na mahirapan pa siya.“Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" bungad ni Doc Marga, kalalabas lang nito ng opisina. She tucked her hands on the pockets of her doctor’s gown.“Doc, may ginawa ako na hindi ko alam kung tama.”“Tungkol saan?” Interesado itong malaman. “Mukhang mahalaga ang kailangan sa ‘yo ng dalawang ‘yon,” dugtong pa nito at pinagmasdan siya.“Tungkol sa surrogacy.” Kaibigan niya na ang doktor at wala siyang nais na ilihim dito, lalong-lalo na ang tungkol sa

  • Surrogate for the Tycoon    Chapter 3

    Malawak na ngumiti si Erika sa dalawang lalaking nasa harapan.“Hello po, Sir. May problema po ba kahapon at bigla kayong napasugod dito para sa ‘kin?” tanong niya sa costumer kahapon.Ngayon niya lang natitigan nang maayos ang mukha nito dahil naka-focus siya kahapon sa trabaho.May dating ito na hindi mo basta-basta makakalimutan. ‘Yung tipong pagpasok pa lang nito sa isang lugar, napapalingon talaga ang mga tao. Matangos ang ilong, makakapal ang kilay, at ‘yung mga mata nitong almond-shaped at malalim, parang may mga sikreto itong ayaw mong pilitin pero gusto mong tuklasin.Nagtataka kasi siya sa dahilan kung bakit bigla na lamang siyang kinailangan ng lalaki gayong kahapon niya lamang ito nakilala at nakausap. Napapaisip siya kung mayroong nagawang kasalanan dito kahapon nang hindi niya alam.“Actually hindi ako ang may kailangan sa ‘yo," mahinang natawa ang isang lalaki. "Sinamahan ko lang siya." Itunuro nito ang costumer niya kahapon. “He is Calton Fortalejo, and he has somethin

  • Surrogate for the Tycoon    Chapter 2

    Mabilis na lumabas si Calton ng Mall matapos bilhin ang sofa na ipapalit niya. Hindi pa naman luma ang mga sofa niya sa mansyon, pero ngayong nagdesisyon siyang gusto niya ng anak ay gusto niya rin palitan ang mga furniture niya.Pumasok siya sa loob ng kotse niya. Ide-deliver na lang mamaya ang mga sofa. Hindi na niya iyon hinintay dahil kailangan na niya pumasok sa opisina. Pero hindi pa siya nakakaalis sa parking lot ng Mall ay nag-ring ang cellphone niya, at nakitang tumatawag si Danrick.“Hey, what a sudden call?” tanong niya rito matapos sagutin ang tawag.“Can you come? I have something to show you.”Marami pa siyang pending na paper work sa kumpanya. Pero siguro naman ay hindi siya magtatagal doon kay Danrick.“Sure. Actually malapit lang ako ngayon sa bahay mo. Dumaan ako sa Mall. I'll be there in a minute.” Pinatay niya ang tawag at dali-daling nagmaneho paalis.Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi naalis sa kaniyang labi ang ngiti maging ang imahe ng babae sa kaniyang isip

  • Surrogate for the Tycoon    Chapter 1

    "Ano? Pakiulit nga ng sinabi mo?""Gusto ko ng anak, Danrick. Kid. Yung makakasama ko," pag-uulit ni Calton sa tanong ng kaibigan niya.“You want... a kid?” Tumingin si Danrick sa kaibigan na si Calton.“Yes, I’m already thirty-five and I think it is the best time to finally have my own kid. Hindi na ako bumabata. Kailangan ko rin ng tagapagmana ng lahat ng negosyo at mga ari-arian ko.” Pinag-ekis ni Calton ang mga binti at prenteng isinandal ang likuran sa back rest ng sofa. He stared at the wine glass he was holding and sipped the last drop of his drink.“But to whom? You have no wife or even a fucking girlfriend. Ni hindi ka nga nagseseryoso sa mga babae, paano ka naman magkakanak.” Danrick said with a matter-of-fact tone. “Look, Calton, this is not an insult, don’t you try to enter a relationship first before having your own kid? Maraming anak na babae ang mga business partners mo, at gusto ka rin nila para sa mga anak nila. Hindi ba't mas maganda kung ganon?”Danrick is two years

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status