Malawak na ngumiti si Erika sa dalawang lalaking nasa harapan.
“Hello po, Sir. May problema po ba kahapon at bigla kayong napasugod dito para sa ‘kin?” tanong niya sa costumer kahapon.
Ngayon niya lang natitigan nang maayos ang mukha nito dahil naka-focus siya kahapon sa trabaho.
May dating ito na hindi mo basta-basta makakalimutan. ‘Yung tipong pagpasok pa lang nito sa isang lugar, napapalingon talaga ang mga tao. Matangos ang ilong, makakapal ang kilay, at ‘yung mga mata nitong almond-shaped at malalim, parang may mga sikreto itong ayaw mong pilitin pero gusto mong tuklasin.
Nagtataka kasi siya sa dahilan kung bakit bigla na lamang siyang kinailangan ng lalaki gayong kahapon niya lamang ito nakilala at nakausap. Napapaisip siya kung mayroong nagawang kasalanan dito kahapon nang hindi niya alam.
“Actually hindi ako ang may kailangan sa ‘yo," mahinang natawa ang isang lalaki. "Sinamahan ko lang siya." Itunuro nito ang costumer niya kahapon. “He is Calton Fortalejo, and he has something for you.”
Mas lalo napaisip si Eirka. Hindi niya naman kilala ang lalaki at siguradong hindi pa nakita kahit na minsan kaya naman paanong mayroon itong kailangan sa kaniya.
“H-Hindi ko maintindihan, ano hong kailangan ninyo?” Tumingin siya sa lalaking nagngangalang Calton.
Seryoso lamang ang mukha nito at pinagmamasdan siya. Pinasadahan nito ng tingin ang kaniyang mukha, at maya-maya ay ngumiti.
“I don’t think we can talk about it here properly. Can we go outside? It’s too private to talk about here.”
Danrick agreed. “Let's have some coffee outside. Ito’y kung ayos lang sa ‘yo, Ms. Benedicto.” Maaliwalas palagi ang mukha ng lalaking ito dahil palangiti. “Don't worry hindi kami masamang tao. I am an attorney and my friend Calton is a businessman, like rich-rich. Billionaire, for short," natatawang bulong nito at mayroon itong kinuha sa bulsa ng suot na coat at iniabot sa kaniya. “Here is my business card. I'm Danrick, by the way."
Tinanggap niya naman iyon. “Hindi na kailangan nito, mukha naman kayong disenteng mga tao.” Ngumiti siya.
Nagkasunod silang lumabas. Si Danrick ang nasa driver seat at si Calton naman ang nasa backseat. Sandaling natigilan si Erika at hindi alam kung saan siya uupo.
"Sit beside me. Ayaw niya ng may katabi," wika ni Danrick nang mapansin nitong nag-aalagan siya kung saan uupo.
"Madalas ka ba sa clinic na ito?”
She shook her head. “Hindi po. Kapag wala lamang akong pasok, saka ako nagpupunta rito para tumulong kay Doc Marga."
Napatango si Danrick at sinulyapan si Calton sa salamin na nakikinig lang ng usapan, at pinagmamasdan si Erika.
Bumaba sila ng sasakyan at magkasabay na pumasok sa isang mamahaling coffee shop. Pinili nila ang spot kung saan walang gaanong tao. Katabi niya si Danrick at kaharap naman nila si Calton. Iba ang awra nito kung ikukumpara kay Danrick, masyadong seryoso at maiilang kang kausapin o kahit na tanungin man lang.
Calton gave her the menu. Tinanggap niya naman iyon ngunit hindi para um-order ng makakain kundi ilapag sa ibabaw ng lamesa.
“Tubig na lang po ako, babalik din naman ako sa clinic agad.”
Nagkibit-balikat naman si Calton at ito na ang um-order para sa kanilang tatlo. Pinagsalikop nito ang palad sa ibabaw ng lamesa at muli siyang pinakatitigan. Ang paraan ng pagtitig nito ay nakapagpapailang sa kaniya, kaya naman nag-iwas na lamang siya ng tingin.
“I think you are familiar with surrogacy?”
Kumunot ang kaniyang noo. Naalala niyang nabanggit na ito minsan ni Doc Marga kaya naman tumango siya. Pero kahit nabanggit ito minsan ng doctor ay hindi pa rin siya nakakasalamuha nang ganoon. Minsan din siyang nakabasa ng article nito online, hilig niya kasi ang pagbabasa ng kung ano-ano.
“Then, I will be direct to the point.” Calton looked at her eyes. “Well, Ms. Erika Benedicto, I want you to be the surrogate mother of my child.”
“Hindi kaya binigla mo siya?” tanong ni Danrick.
Lalong kumunot ang noo ni Erika. “Ano?” Nawala ang paggalang niya sa tono ng pananalita. “T-Teka, nabingi yata ako. Anong ibig n’yong sabihin?”
Pinagsalikop niya ang mga braso sa ibabaw ng kaniyang mga binti. Bigla siyang kinabahan. Bago iyon sa kaniyang pandinig.
Calton sighed. “I don't want to waste your time, that’s why I told you already what I need to you. Be the surrogate mother of my child.”
She paused and tried to understand everything. “P-Pero, bakit ako?” She looked at Danrick.
Nagkibit-balikat naman ang lalaki at hinayaan silang mag-usap ni Calton. Nang dumating ang kanilang orders ay ito na ang nag-asikaso.
“Don’t worry, hindi mo ito gagawin nang walang kapalit. Babayaran kita.” Ibinaling ni Calton ang tingin sa kaibigan.
“Oh, sorry.” Tila naintindihan naman ni Danrick ang nais sabihin ni Calton sa isang tingin lamang. Mayroon itong kinuha sa suot na coat at inilapag sa lamesa. “Here, Erika, iyan ang matatanggap mo kapalit ng sinabi ni Calton."
Tinignan naman ni Erika ang iniaabot nito. Ganoon na lamang ang pamimilog ng kaniyang mga mata nang makita ang halaga ng cheque na iyon.
“Five million. I think that’s enough or higher than you expected.” Calton was determined to have his child in any way, he would not let Erika to refuse his offer today. “But then since you will carry my child, you don't have to think about the expenses, you just have to get healthy and carry my child for nine months. After that we're done. I will give the half of the money in advance.”
Napalunok si Erika sa laki ng perang binanggit ng lalaki. Nagningning ang kaniyang mga mata roon, subalit ano ang kaniyang dapat itugon sa lalaki? Magbubuntis siya ng ilang buwan at makikita siya ng mga tao, ano na lamang ang iisipin ng mga ito?
Ngunit bakit ba ang mga ito ang una niyang iniisip gayong ang malaking halaga ang dapat niyang intindihin. Sobra-sobra na ito upang mapagtapos niya sa pag-aaral ang bunsong kapatid na iniwan ng kanilang ina. Maari na rin silang makalipat kung sasakali.
Hindi kaagad tumugon si Erika, kaya naman sinubukan pa siyang kumbinsihin ng dalawang lalaki.
“You will only carry his child, after nine months you’ll have the whole amount he offered you. Isn't it a good offer? Wala ka na ring poproblemahin sa mga gastusin, he will provide you everything,” nakangiting wika ni Danrick upang kumbinsihin siya. “Saka sayang naman ang limang milyon.”
Napalunok si Erika, talagang sayang nga iyon. “Pero... ano po bang requirements niyo sa pagpili ng magdadala ng bata? Bakit ako?” Ito lamang ang kaniyang ipinagtataka ngunit mahalaga pa ba iyon sa ngayon?
“Erika, it's okay if you don't want. Maghahanap na lang kami ng iba.” Humigop si Danrick sa in-order nitong kape. “If you know any puwede mo rin i-suggest sa ‘min.”
Napakamot siya sa kaniyang batok. Wala na siyang dapat pang pag-isipan. Hindi biro ang ganoong halaga at maayos naman siyang inalok ng dalawang lalaki.
“We will do this with a tied contract, don't worry, Ms. Benedicto.” Calton remained professional. “You'll have the full amount of money I offered and I'll have my kid.”
Huminga siya nang malalim. “Sige, pumapayag na ako.”
Sabihin mang nahihibang na siya ngunit anong gagawin niya? Nanghihinayang siya sa malaking pera. Hindi niya iyon kikitaan sa loob ng siyam na buwan sa pagtatrabaho sa kumpanyang kaniyang pinapasukan. Kaya naman buo na ang kaniyang desisyon.
“Kailan ito sisimulan?” Hindi niya nais na magbago pa ang isip, dahil pagsisisihan niya ito.
“We will arrange everything first then let you know when will it begin." Danrick smiled at her and looked at Calton. Umaliwalas ang mukha ng kaibigan dahil sa narinig na tugon ni Erika. Calton was so happy. Dahil sa wakas ay masisimulan na ang binabalak nitong anak.
"Thank God!" malakas na bulalas ni Danrick at pumalakpak pa. "It’s settled then? Kung gano'n, mauna na ako sa inyo." Tinapik nito ang balikat ni Calton at kinindatan si Erika.
"See you soon again, Calton's baby mommy!"
Napaupo si Erika sa waiting area ng Clinic pagkabalik niya roon. Malalim siyang napabuntong-hininga at napahawak sa ulo. Paulit-ulit niyang iniisip kung tama ba ang kaniyang naging desisyon. Ipinananalangin niyang wala siyang pagsisihan dahil talagang malaking tulong ang inialok ni Calton sa isang katulad niya. Nang mga oras na iyon ay ang kapatid ang nasa isip niya. Kung paano ito bubuhayin at mapag-aaral sa maayos na paaralan. Nakikitaan pa naman niya ng mga pangarap ang kapatid, kaya naman itataguyod niya ito kahit na mahirapan pa siya.“Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" bungad ni Doc Marga, kalalabas lang nito ng opisina. She tucked her hands on the pockets of her doctor’s gown.“Doc, may ginawa ako na hindi ko alam kung tama.”“Tungkol saan?” Interesado itong malaman. “Mukhang mahalaga ang kailangan sa ‘yo ng dalawang ‘yon,” dugtong pa nito at pinagmasdan siya.“Tungkol sa surrogacy.” Kaibigan niya na ang doktor at wala siyang nais na ilihim dito, lalong-lalo na ang tungkol sa
Malawak na ngumiti si Erika sa dalawang lalaking nasa harapan.“Hello po, Sir. May problema po ba kahapon at bigla kayong napasugod dito para sa ‘kin?” tanong niya sa costumer kahapon.Ngayon niya lang natitigan nang maayos ang mukha nito dahil naka-focus siya kahapon sa trabaho.May dating ito na hindi mo basta-basta makakalimutan. ‘Yung tipong pagpasok pa lang nito sa isang lugar, napapalingon talaga ang mga tao. Matangos ang ilong, makakapal ang kilay, at ‘yung mga mata nitong almond-shaped at malalim, parang may mga sikreto itong ayaw mong pilitin pero gusto mong tuklasin.Nagtataka kasi siya sa dahilan kung bakit bigla na lamang siyang kinailangan ng lalaki gayong kahapon niya lamang ito nakilala at nakausap. Napapaisip siya kung mayroong nagawang kasalanan dito kahapon nang hindi niya alam.“Actually hindi ako ang may kailangan sa ‘yo," mahinang natawa ang isang lalaki. "Sinamahan ko lang siya." Itunuro nito ang costumer niya kahapon. “He is Calton Fortalejo, and he has somethin
Mabilis na lumabas si Calton ng Mall matapos bilhin ang sofa na ipapalit niya. Hindi pa naman luma ang mga sofa niya sa mansyon, pero ngayong nagdesisyon siyang gusto niya ng anak ay gusto niya rin palitan ang mga furniture niya.Pumasok siya sa loob ng kotse niya. Ide-deliver na lang mamaya ang mga sofa. Hindi na niya iyon hinintay dahil kailangan na niya pumasok sa opisina. Pero hindi pa siya nakakaalis sa parking lot ng Mall ay nag-ring ang cellphone niya, at nakitang tumatawag si Danrick.“Hey, what a sudden call?” tanong niya rito matapos sagutin ang tawag.“Can you come? I have something to show you.”Marami pa siyang pending na paper work sa kumpanya. Pero siguro naman ay hindi siya magtatagal doon kay Danrick.“Sure. Actually malapit lang ako ngayon sa bahay mo. Dumaan ako sa Mall. I'll be there in a minute.” Pinatay niya ang tawag at dali-daling nagmaneho paalis.Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi naalis sa kaniyang labi ang ngiti maging ang imahe ng babae sa kaniyang isip
"Ano? Pakiulit nga ng sinabi mo?""Gusto ko ng anak, Danrick. Kid. Yung makakasama ko," pag-uulit ni Calton sa tanong ng kaibigan niya.“You want... a kid?” Tumingin si Danrick sa kaibigan na si Calton.“Yes, I’m already thirty-five and I think it is the best time to finally have my own kid. Hindi na ako bumabata. Kailangan ko rin ng tagapagmana ng lahat ng negosyo at mga ari-arian ko.” Pinag-ekis ni Calton ang mga binti at prenteng isinandal ang likuran sa back rest ng sofa. He stared at the wine glass he was holding and sipped the last drop of his drink.“But to whom? You have no wife or even a fucking girlfriend. Ni hindi ka nga nagseseryoso sa mga babae, paano ka naman magkakanak.” Danrick said with a matter-of-fact tone. “Look, Calton, this is not an insult, don’t you try to enter a relationship first before having your own kid? Maraming anak na babae ang mga business partners mo, at gusto ka rin nila para sa mga anak nila. Hindi ba't mas maganda kung ganon?”Danrick is two years