Share

Chapter 4

Author: Feather Gaia
last update Last Updated: 2025-06-21 21:08:48

Napaupo si Erika sa waiting area ng Clinic pagkabalik niya roon. Malalim siyang napabuntong-hininga at napahawak sa ulo. Paulit-ulit niyang iniisip kung tama ba ang kaniyang naging desisyon. Ipinananalangin niyang wala siyang pagsisihan dahil talagang malaking tulong ang inialok ni Calton sa isang katulad niya. Nang mga oras na iyon ay ang kapatid ang nasa isip niya. Kung paano ito bubuhayin at mapag-aaral sa maayos na paaralan. Nakikitaan pa naman niya ng mga pangarap ang kapatid, kaya naman itataguyod niya ito kahit na mahirapan pa siya.

“Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" bungad ni Doc Marga, kalalabas lang nito ng opisina. She tucked her hands on the pockets of her doctor’s gown.

“Doc, may ginawa ako na hindi ko alam kung tama.”

“Tungkol saan?” Interesado itong malaman. “Mukhang mahalaga ang kailangan sa ‘yo ng dalawang ‘yon,” dugtong pa nito at pinagmasdan siya.

“Tungkol sa surrogacy.” Kaibigan niya na ang doktor at wala siyang nais na ilihim dito, lalong-lalo na ang tungkol sa ganoong bagay, dahil tiyak siyang ito ang nakatutulong sa kaniya. Idagdag pang ang doktor lang naman ang malapit niyang kaibigan.

Namilog ang mga mata ni Doc Marga. “T-Talaga?” She was absolutely surprised of what she heard from her. “Sige, pag-usapan natin mamaya sa opisina. Medyo controversial kasi.” Tumawa ito nang mahina at bumalik sa trabaho.

Ganoon din naman ang ginawa ni Erika, bumalik na siya sa pagtulong sa clinic at sa ilan pang pasyente na nasa loob, ngunit kahit nasa pagtatrabaho ay pinag-iisipan niya pa rin ang tungkol sa kaniyang naging desisyon.

“Ang laking bagay talaga na narito ka tuwing day off mo.” May mga kasama naman ang doktor kapag weekdays, ngunit ngayong weekend ay magkasabay na nagpaalam ang dalawa kaya naman sakto ang pagbisita ni Erika sa klinika nito. “So, kamusta nga ‘yong usapan natin kanina tungkol sa surrogacy? Don’t tell me inalok ka nila?”

Wala siyang takas sa bagay na iyon, kaagad na nakuha ng doktor. “Hindi nila nabanggit kung bakit ako ang napili nila pero mukhang desidido na ‘yong lalaking magkaanak. Inalok niya ako na maging surrogate mother ng magiging anak niya sa halagang limang milyon.”

“At anong naging desisyon mo?”

Sigurado naman siyang hindi siya huhusgahan ng doktor kaya naman tumango siya. “Para sa ‘kin maliit na bagay ang hinihiling niya kapalit ng tatlong milyong inaalok niya. Ano ba naman ang siyam na buwan kong dalhin ang bata nang wala akong gagastusin, pagkatapos ay makukuha ko na nang buo ang pera. Malaking bagay ‘yon para sa ‘min ng kapatid ko.”

Tumango si Doc Marga at ngumiti. “Naiintindihan ko at igagalang ko ang desisyon mo. Tungkol sa maaaring isipin sa ‘yo ng ibang tao, huwag mo na lamang pansinin.”

“Kanina naisip ko ang tungkol d’yan, pero bigla kong naisip na mas mahalaga ang perang ‘yon kaysa sa sasabihin nila. Ipinangako naman ng lalaking si Calton na wala akong gagastusin kahit na ano sa loob ng ilang buwan kong pagbubuntis. Hindi na ako aatras sa bagay na ‘to.” She finalized her decision about the offer she received today. She's not going to do it because of herself but for her sister. The amount said will go too far for the both of them.

Tumango si Marga. “Ang totoo n’yan, hindi naman ako against sa bagay na ‘yan. Pero naisip mo rin bang kapalit ng anak mo ang tatlong milyon na ‘yon?”

Napatingin siya sa kaibigan. Hindi niya iyon naisip. Parang binili na ng lalaking iyon ang kaniyang dadalhing bata na ito rin naman ang ama at siya ang ina at magluluwal dito.

“H-Hindi ko ‘yon naisip, pero...”

Maging dahilan kaya iyon upang magbago ang kaniyang isip?

“Makakaya ba ‘yon ng konsensiya mo?”

Napabuntong-hininga siya. “H-Hindi ko alam.”

Malalim siyang napaisip sa bagay na iyon, ilang minuto ring natahimik. Tumingin siya kay Doc Marga maya-maya lang. “Iisipin ko na lang na nasa maayos namang kalagayan ang magiging unang anak ko. Mukhang mabuting lalaki naman ang kaniyang magiging ama.”

“Mukhang wala ka rin naman balak mag-asawa at magkaanak, lalo na’t ang taas na pangarap mo para sa kapatid mo, at gagawin mo ang lahat para sa kaniya. I’m so proud of you, Erika.” She winked at her. Pinag-untog nila nang marahan ang kanilang mga braso. “Ang totoo niyan, wala pang batas sa Pilipinas ang tungkol sa surrogacy. Pero may ilang hospital na ang gumagawa nito. Mukha namang wala kang magiging problema, disente ang dalawang lalaking iyon.”

Tumango siya. “At mayroon kaming pipirmahang kontrata.”

“Alright, bago ka pumirma siguraduhin mo munang pag-aaralan mo ang lahat ng laman no’n. Mahirap na baka may ibang nakalagay roon at makaligtaan mo.”

Muli siyang tumango. Pagkatapos nilang uminom ng kape at mag-usap ay agad na siyang nagpaalam sa kaibigan upang umuwi. Walking distance lang naman ang kanilang bahay roon. Pag-uwi niya ay mayroon nang nakatakip na pagkain sa ibabaw ng lamesa. Nahihimbing na rin sa ibabaw ng papag ang kapatid niya. Napangiti siya at sinimulang kainin ang itlog at kanin na nakahain. Pagkatapos ay naglinis siya ng sarili at tumabi sa kapatid. Niyakap niya ito at dinampian ng halik sa noo. Ngayon niya naisip na hindi siya nagkamali sa naging desisyon. She will give everything for her sister no matter what happens.

**

Hindi magawang dalawin ng antok si Calton. Kanina pa napupuno ng excitement ang kaniyang pusod dahil sa magandang balita na natanggap kanina. Kaunti na lamang ang kaniyang aasikasuhin at masisimulan na ang lahat. Ilang ulit siyang nabigo sa pag-ibig at hindi na nais masundan iyon, kaya naman ipinangako sa sarili na hindi na muli. Ang lahat ng kaniyang minahal na nobya ay nauuwi sa malagim na kahihinatnan, kung hindi sa pagkakasakit ay naaksidente naman ito. Kung naniniwala nga lamang siya sa malas at sumpa ay matagal na siyang nagpauto roon.

Kaya naman ngayon, ang balak niya na lamang ay ang magkaroon ng anak na palalakihin. Magmamana ng kaniyang mga negosyo at lahat-lahat ng kaniyang ari-arian. Batid niya naman sa kaniyang sarili na hindi na siya bata.

On his thirty, he decided he needed a heir and he cannot just give all his property to someone he does not even know. Kaya naman naisip niya ang pagkakaroon ng anak kahit na wala siyang asawa. At least in surrogacy, he can call the child as his. Hindi niya nga lamang hahayaan na makilala nito ang ina o may maka-alam na kung sino man ang tungkol sa surrogacy na kaniyang pinaplano. Kaya naman ang nilalaman ng kontrata na kaniyang ipapagawa ay talagang kaniyang pinag-isipan.

Kinuha niya ang isang kaha ng sigarilyo, itinaktak, kumuha ng isa at sinindihan. It's relaxing him. Marami pa ang kaniyang magiging trabaho bukas ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok. What's on his mind right now is how happy he was to have his kid very soon. He will be the happiest man on earth if that happened after nine months.

Nagdesisyon siyang mag-jogging para kahit papano ay mapagod ang katawan niya. Mabilis siyang nagsuot ng gray na dri-fit shirt at running shorts, saka lumabas ng bahay. Tahimik ang paligid, malamig ang hangin, at may bahagyang hamog pa sa damuhan habang tinatahak niya ang pamilyar na ruta sa subdivision.

Pagdating niya sa may park, napahinto siya sandali para magpahinga. Naupo siya sa bench sa ilalim ng streetlamp, pawisan at habol ang hininga. Ilang saglit lang ay may mga yapak siyang narinig na papalapit. Napatingin siya sa kanan at bumungad ang naglalakad na si Erika.

“C-Calton?” gulat nitong bati.

Napataas ng kilay si Calton. “Erika? Anong ginagawa mo rito?”

“Dito nakatira si Doctora Marga, may dinala lang ako sa kanya," sagot ni Erika, saka napatingin sa basang t-shirt ni Calton. Kita ang firm at macho nitong katawan, at tila biglang naging awkward ang hangin sa pagitan nila. 

“Gusto mong... maupo muna?” alok ni Calton habang tinapik ang espasyo sa tabi niya.

Nagdalawang-isip si Erika pero tumango rin at naupo. Sandaling katahimikan ang sumunod bago muling nagsalita si Erika.

“Akala ko sobrang sungit mo talaga. Pero hindi ka naman pala gano’n.”

Napangiti si Calton. “Hindi lang ako mahilig makipagkwentuhan."

Tumango si Erika at napangiti rin. May kung anong gaan na bumalot sa dibdib niya sa sandaling ‘yon.

Bigla namang nahulog ang wallet ni Calton mula sa bulsa ng shorts niya. Mabilis itong pinulot ni Erika at aksidenteng nabuksan. Lumuluwag ang loob niya sa lalaki ngunit natigilan siya nang mapatingin sa isang larawan sa loob.

Isang babae, nakayakap kay Calton, parehong masaya at nakangiti.

Napalunok si Erika. “Si... si Faith?”

Napakunot-noo si Calton. “How do you know her?”

Napako ang tingin ni Erika sa larawan. May kung anong kurot sa puso niya. Sa isip niya, tila bumalik ang lahat ng sakit, tanong, at hinanakit.

Si Faith ang kapatid niya na dinala ng kanilang ina nang iwan sila nito. Pero bakit kasama ni Calton si Faith sa picture? Anong koneksyon ng kapatid niya sa lalaking ito?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Surrogate for the Tycoon    Chapter 4

    Napaupo si Erika sa waiting area ng Clinic pagkabalik niya roon. Malalim siyang napabuntong-hininga at napahawak sa ulo. Paulit-ulit niyang iniisip kung tama ba ang kaniyang naging desisyon. Ipinananalangin niyang wala siyang pagsisihan dahil talagang malaking tulong ang inialok ni Calton sa isang katulad niya. Nang mga oras na iyon ay ang kapatid ang nasa isip niya. Kung paano ito bubuhayin at mapag-aaral sa maayos na paaralan. Nakikitaan pa naman niya ng mga pangarap ang kapatid, kaya naman itataguyod niya ito kahit na mahirapan pa siya.“Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" bungad ni Doc Marga, kalalabas lang nito ng opisina. She tucked her hands on the pockets of her doctor’s gown.“Doc, may ginawa ako na hindi ko alam kung tama.”“Tungkol saan?” Interesado itong malaman. “Mukhang mahalaga ang kailangan sa ‘yo ng dalawang ‘yon,” dugtong pa nito at pinagmasdan siya.“Tungkol sa surrogacy.” Kaibigan niya na ang doktor at wala siyang nais na ilihim dito, lalong-lalo na ang tungkol sa

  • Surrogate for the Tycoon    Chapter 3

    Malawak na ngumiti si Erika sa dalawang lalaking nasa harapan.“Hello po, Sir. May problema po ba kahapon at bigla kayong napasugod dito para sa ‘kin?” tanong niya sa costumer kahapon.Ngayon niya lang natitigan nang maayos ang mukha nito dahil naka-focus siya kahapon sa trabaho.May dating ito na hindi mo basta-basta makakalimutan. ‘Yung tipong pagpasok pa lang nito sa isang lugar, napapalingon talaga ang mga tao. Matangos ang ilong, makakapal ang kilay, at ‘yung mga mata nitong almond-shaped at malalim, parang may mga sikreto itong ayaw mong pilitin pero gusto mong tuklasin.Nagtataka kasi siya sa dahilan kung bakit bigla na lamang siyang kinailangan ng lalaki gayong kahapon niya lamang ito nakilala at nakausap. Napapaisip siya kung mayroong nagawang kasalanan dito kahapon nang hindi niya alam.“Actually hindi ako ang may kailangan sa ‘yo," mahinang natawa ang isang lalaki. "Sinamahan ko lang siya." Itunuro nito ang costumer niya kahapon. “He is Calton Fortalejo, and he has somethin

  • Surrogate for the Tycoon    Chapter 2

    Mabilis na lumabas si Calton ng Mall matapos bilhin ang sofa na ipapalit niya. Hindi pa naman luma ang mga sofa niya sa mansyon, pero ngayong nagdesisyon siyang gusto niya ng anak ay gusto niya rin palitan ang mga furniture niya.Pumasok siya sa loob ng kotse niya. Ide-deliver na lang mamaya ang mga sofa. Hindi na niya iyon hinintay dahil kailangan na niya pumasok sa opisina. Pero hindi pa siya nakakaalis sa parking lot ng Mall ay nag-ring ang cellphone niya, at nakitang tumatawag si Danrick.“Hey, what a sudden call?” tanong niya rito matapos sagutin ang tawag.“Can you come? I have something to show you.”Marami pa siyang pending na paper work sa kumpanya. Pero siguro naman ay hindi siya magtatagal doon kay Danrick.“Sure. Actually malapit lang ako ngayon sa bahay mo. Dumaan ako sa Mall. I'll be there in a minute.” Pinatay niya ang tawag at dali-daling nagmaneho paalis.Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi naalis sa kaniyang labi ang ngiti maging ang imahe ng babae sa kaniyang isip

  • Surrogate for the Tycoon    Chapter 1

    "Ano? Pakiulit nga ng sinabi mo?""Gusto ko ng anak, Danrick. Kid. Yung makakasama ko," pag-uulit ni Calton sa tanong ng kaibigan niya.“You want... a kid?” Tumingin si Danrick sa kaibigan na si Calton.“Yes, I’m already thirty-five and I think it is the best time to finally have my own kid. Hindi na ako bumabata. Kailangan ko rin ng tagapagmana ng lahat ng negosyo at mga ari-arian ko.” Pinag-ekis ni Calton ang mga binti at prenteng isinandal ang likuran sa back rest ng sofa. He stared at the wine glass he was holding and sipped the last drop of his drink.“But to whom? You have no wife or even a fucking girlfriend. Ni hindi ka nga nagseseryoso sa mga babae, paano ka naman magkakanak.” Danrick said with a matter-of-fact tone. “Look, Calton, this is not an insult, don’t you try to enter a relationship first before having your own kid? Maraming anak na babae ang mga business partners mo, at gusto ka rin nila para sa mga anak nila. Hindi ba't mas maganda kung ganon?”Danrick is two years

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status