Share

Kabanata 13:

Author: EljayTheMilk
last update Last Updated: 2021-09-14 15:38:17

Pinarada ko ang kotse sa garahe ng mansion tsaka hinihingal na sinandal ang katawan sa driver's seat habang sapo-sapo ng kanang kamay ang kaliwang braso. Habang nagmamaneho ay hindi maawat ang magkahalong kirot, sakit at hapdi na nararamdaman ko dulot ng sugat na natamo pero hindi ko pinakita at pinahalata para hindi na mag-aalala si Ricko. Nababalutan ng sariwang dugo ang suot kong damit na patuloy na umaagos pababa sa kamay ko. Tatayo na sana ako para buksan ang pintuan ng sasakyan nang bigla itong bumukas at bumungad sa harap ko si Ricko na nag-aalalang tumingin sa akin matapos makita ang aking kalagayan. Hindi ko na napansin ang paglabas niya ng kotse dahil mas nakapukos ang atensyon ko sa ibang bagay.

Mabilis niyang inakbay ang isa kong kamay sa balikat niya nang makababa ako sa kotse tsaka ako inakay papunta sa front door ng mansion hanggang sa salas bago inupo sa long sofa. Nagulat at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin nang pum

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Epilogue:

    Zach's Pov: I suddenly remember what my Ate said before she left us, "You shouldn't hurt your woman, Zach. Women are the most precious thing in the world. They may be complicated, but trust me they can change your life in the most unexpected way." she said while holding the chopsticks, eating some ramyeon directly on our pot. I smiled before nodding at what she have said. I'm so glad that I have a sister like her. She guides me in many ways. She helps me when I'm down. She teaches me how to love and treat a girl nicely, that's why when I met Shaneylhey, I did my very best just for me to deserve her. Shaneylhey is the most adorable woman that I met even though she's scary at some times. I couldn't deny how she changed my doomed life after my Ate died. She helped me stand on my own and to be strong, facing all my fears and weaknesses. She changed me, and I want to do something for her in return. She deserves the world more than anything.

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 32:

    Author's Pov:"Maganda gabi sayo, Drex." Kaswal na pagbati ni Nick kay Drex habang patuloy na naglalakad. Lumabas siya sa kanyang pinagtataguan upang harapin silang lahat.Nakita ni Nick nang sabay-sabay siyang nilingon ng lahat na ngayo'y gulat na gulat at hindi makapaniwala. Nakaawang ang kanilang mga labi at nanlalaki ang mga mata, nagtataka kung papaano nakarating rito si Nick, maliban na lamang kay Shan na mukha hindi man lang nagulat nang makita siya."Nick," wala sa sariling bulong ni Margou na hindi pa rin mawala ang pagkagitla matapos makita si Nick. Nakaawang ang mga labi ni Margou tila hindi makapaniwala ngunit labis na namangha sa hindi malaman na dahilan bago napailing-iling na lamang sa sarili. Nakalimutan niyang nasa likod lang pala nila ang control room, kung nasaan si Nick."Kamusta ka na?" Pagsasalita pa ni Nick at huminto ng ilang dipa ang layo mula sa kanila. "Patay na ba yan?" Nguso niya sa duguang tauhan ni Drex na

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 31:

    Author's PovKalangitang walang bituin at buwan, kalangitang nababalutan ng kadiliman ay siyang kalangitang masasaksihan ang kasamaan. Mag-aala una na ng madaling araw ngunit gising na gising pa rin ang diwa ni Shan. Kanina ay sapilitan silang hinila ng mga tauhan ni Mr. Drex patungong rooftop habang si Shan ay nakatulala lamang sa kawalan at hindi pa rin tuluyang naproproseso sa utak na kasama niya ngayon si Zach.Gulat na gulat siya nang makita ang binata kanina, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung sakaling mapahamak ito. Hindi niya alam kung anong gagawin kung sakaling madamay ito sa gulo niya. Unti-unting namumuo ang malamig na pawis ni Shan sa kanyang noo dulot ng matinding kaba kasabay ng panlalamig ng buong katawan dahil sa takot at pangamba. Nangangamba siya na baka mapahamak si Zach, natatakot siya na baka madamay ito sa gulo niya, kinakabahan siya sa mga posibleng mangyari lalo pa't dinala sila ni Drex sa rooftop. Hindi niya mawari kung anong

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 30:

    Margou's Pov: Kasalukuyan akong nakaupo sa back seat ng kotse ni Drex habang nakikipagplastikan sa kanya. Kanina pa ito nagsasalita at mukhang hindi pa gustong tumigil kakachika sa akin. "You need to kill Shan as soon as possible," biglang utos ni Drex sa akin. Agad na tumaas ang isa kong kilay. Sino siya para utos-utosan ako? Hibang ba siya? "Copy boss," irap kong tugon bago sumandal sa upuan tsaka luminga-linga sa labas ng bintana. Kanina ko pa kino-kontak 'yong bwiset na Yhurlo na iyon pero ni hindi man lang napag-isipang sagutin ang mga tawag ko. Alam ba niyang maaaring pumalpak ang plano namin pag nagkataong hindi ito nagtugma sa planong ginawa ni Shan? Naku! Ako talaga ang naiirita sa lalaking yan. Habang pa

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 29:

    Author's PovMaagang naglakbay sina Shan at Yhurlo sa isang madilim at masukal na daanan patungong hideout ni Mr. Drex. Naglalakihang mga puno at nakakatakot na mga mababangis na hayop ang kanilang nadaanan. Mga tunog ng kuliglig na siyang umaalingawngaw sa buong paligid at mga alitaptap na malayang nakakapaglipad sa ere na siyang nagbibigay ng konting liwanag sa kanilang tinatahak na destinasyon. Malalakas ang paghampas ng malalim na tubig na nanggagaling mula sa ilog na iilang kilometro lamang ang layo sa kinaroroonan ng teritoryo ni Mr. Drex. Kanina pa naglalakad sina Shan at Yhurlo na patuloy lamang na sinusunod ang ingay na nagmumula sa malawak na ilog, wala silang eksaktong destinasyon at naglalakad ng walang kasiguraduhan. Maya-maya pa ay natanaw na ng dalaga ang napakalaki at napakataas na gusaling nakikita niya mula sa kanilang nilalakaran. Mabilis niyang hinila si Yhurlo para pilitin itong maglakad dahil kanina pa ito hapong-hapo at pagod na pagod sa paglalakad. Wal

  • Sweet Chaos Of Love (Duology 01)   Kabanata 28:

    Author's PovAbalang-abala si Yhurlo sa paghahanda ng kanyang mga kagamitang maaari nilang gamitin laban kay Mr. Drex. Lahat ng sa tingin niya ay importante ay inilalagay niya na lang sa loob ng bag kahit pa hindi iyon ang sinabi sa kanya ng dalaga.Habang nag-iimpake ay biglang napaisip si Yhurlo. Hindi pa rin siya makapaniwala nang malaman na kung hindi niya sasamahan si Shan ay mag-isa lamang itong haharap kay Mr. Drex upang patayin at tapusin raw ang kaguluhan na dinulot nito. Kaguluhang matagal ng gustong takasan ni Shan, kaguluhang ayaw niyang patagalin at panatilihin sa kanyang buhay.Alam ni Yhurlo kung gaano kadelikado at kapanganib na makaharap ang taong iyon dahil minsan na niyang nasaksihan ang barilan sa pagitan ni Shan at Mr. Drex nung panahong nagdidiwang ang dalaga ng kanyang selebrasyon, kaya nang hingan siya ni Shan ng tulong ay agad niya itong tinanggap nang walang pag-alinlangan. Ayaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status