Share

Chapter 51

Naghintay kami ni Osang nang ilang saglit pa at nagsimula naman na ang kasiyahan. Tamang bati lang ng mga kamag-anak at kanta kay Lola Anita at binuksan na nila ang kainan. Tila nga fiesta ang naging ganap dahil marami talaga handa rito sa piging. Maski ako, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong kainin basta pumila na lang kami ni Osang.

Nang time na namin para kumuha, hindi na ako kumuha ng kanin para matikman ko talaga 'yung mga putahe. Kumuha ako ng kare-kare, lengua, afritada, estofado, at menudo. Sa gulay naman, mixed vegetables, at chopsuey. Kumuha rin ako ng pasta katulad ng carbonara, pansit, at pansit malabon.

Punong-puno na halos ang pinggan ko pero wala pa akong dessert kaya isiniksik ko talaga sa may gilid ang isang scoop ng beans at 1/4 yata ng isang llanera ng leche 'yung nakuha ko. Pagkarating ko sa may dulo, nandoon 'yung tipak ng lechon. Kumuha lang ako ng kaunting laman at tatlong hiwa ng balat. S'yempre, pinaliguan ko ito ng gravy para mas masarap. Medyo nakakahi
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status