Share

Chapter 50

Kinabukasan, maaga akong gumayak para tumungo na muna sa palengke. Simple lang naman ang sinuot ko, kulay pink na t-shirt na medyo loose saka fitted na black jeans. Tinernuhan ko lang ito ng sapatos kong itim na rubber shoes. Nag-pony tail naman ako ng aking buhok dahil medyo mainit ang panahon.

Nasa baba pa si Mama, hindi pa ako nagpapaalam sa kaniya na pupunta kami sa birthday. Kapag kasama ko naman kasi si Osang or Gela, wala namang litaniya si Mama. Tiwala talaga siya sa dalawa kong kaibigan. Kaya 'yon, nag-video call na ako kay Osang dahil nag-chat siya kanina na nakabihis na raw siya.

"Osang!" bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko. Nakaharap lang siya sa may camera ng phone niya habang naglalagay ng lip tint sa kaniyang labi.

"Ayan, mukhang laban na laban ka ngayon, ah?" komento ko.

Tumayo siya sa harap ng camera para makita ko nang buo ang outfit niya pagkatapos niyang maglagay ng lip tint. Nakasuot siya ng puting blouse at fitted na maong pants. Sa paa niya, sandals na kul
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status