Share

Chapter 57

Ilang saglit pa, sinend ni Osang sa gc namin 'yung screen shot ng My Day ni Yatco. Nag-sad react lang si Gela. Ako na, hindi ko alam kung mag-sa-sad react ako kasi naman, alam ko sa sarili ko na ako 'yung babae roon. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Osang na ako 'yung babae roon kaya wala siyang dapat ipag-alala. Mayamaya, nag-start si Osang ng video call kaya nag-join kami.

"Aww, sino 'yung girl? 'Di ba walang girlfriend si Yatco? Mayroon ba siyang d-in-e-date ngayon?" bungad ni Gela.

"Yep, alam ko rin na walang girlfriend or nililigawan man lang si Yatco. Tanungin natin si Juness baka may alam siya," saad ni Osang. Bakas sa kaniyang mukha ang lungkot nang sabihin niya 'yon. Nang marinig ko ang pangalan ko, bigla akong kinabahan.

"Ha? Bakit naman ako? Wala rin akong alam do'n," tugon ko. Biglang nag-iba ang aura ni Osang nang sabihin ko 'yon.

"Umamin ka nga, Juness. May namamagitan ba sa inyo ni Yatco?" giit ni Osang.

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang sabihin niya 'yon.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status