Share

Chapter 58

Malungkot akong naglakad patungo sa aming kanto. Hindi ko magawang ngumiti nang matiwasay, sa tuwing may nakakasalubong ako ay pilit na ngiti lamang ang naisusukli ko. Hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang nangyari kahapon.

Pagkarating ko sa may kanto, wala pa naman din si Zerudo. Nakatayo lang ako habang nagmumuni-muni. Kinuha ko 'yung phone ko ay nagbukas ako ng messenger. Hanggang ngayon, tahimik pa rin sa gc naming magkakaibigan. Gusto ko sanang mag-chat ng good morning pero parang ang awkward. Habang nagtitingin-tingin ako ng message, nag-text bigla si Zerudo.

From: Babe *insert heart emoji*

Hi, babe! Pasensiya na, hindi kita masusundo ngayon. Tinanghali kasi ako ng gising. Bawi na lang ako mamaya. Ingat!

Pagkabasa ko no'n ay agad naman akong nag-reply. Mabuti na lang at hindi niya ako masusundo kasi tiyak naman na mapapansin niyang malungkot ako at magtatanong pa siya kung ano ang nangyari.

To: Babe *insert heart emoji*

Okay lang, babe. See you na lang mamaya. Ingat ka rin
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status