Share

Chapter 59

Habang nasa gitna kami ng biyahe ay biglang nagdilim ang kalangitan. Nagsimula na ring dumagundong ang mga nakakandik na kulog. Kinabahan akong bigla dahil wala kaming dalang payong, mahirap pa naman magkasakit.

"Hala, babe, mukhang hindi tayo matutuloy sa pupuntahan natin ngayon. I-resched na lang natin sa susunod. Masyado nang malaki 'yung dilim, baka mabasa tayo ng ulan," turan ko.

"Oo nga, babe. Mas mainam nga na bumalik na tayo. Maliblib pa naman na 'yung lugar na 'to," ani Zerudo.

Humanap lang ng tiyempo si Zerudo at saka niya ibinaling pabaling 'yung manibela para makabalik na kami pauwi. Ilang saglit pa, bigla namang gumuhit sa kalangitan ang isang napakatalim na kidlat. Nagsitindig bigla ang mga balahibo ko kaya mas humigpit ang kapit ko kay Zerudo. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata para hindi ko 'yon makita.

Makalipas ang ilang minuto, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Wala itong paawat na tila ba galit na galit. Ang lalaki ng patak nito kaya basang-basa na ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status