Share

Chapter 5

Nakahanap si Thea ng mauupahan at hindi gaanong mahal na apartment. Isang Linggo siyang nag-asikaso at namili ng mga gamit nila sa bahay nila pagkatapos ay nagpasa siya ng resume sa ilang mga hotel na hiring ng receptionist. Idinadasal niya na sana ay may tumanggap sa kanya para magkaroon agad siya ng trabaho. Mahirap na at baka maubos ang savings niya tapos wala siyang trabaho. Saan na lamang silang mag-iina pupulutin lalo pa at malapit nang mag-aral ang kanyang mga anak. Kapag makahanap siya ng trabaho ay kukuhanin niyabg yaya ang pamangkin ng may-ari ng apartment. Naghahanap daw kasi ng mapapasukan ang pamangkin nitong si Mercy kaya sinabihan niya na sa kanya na lamang ito pumasok.

Makalipas ang isang Linggo ay tatlong hotel ang kumuntak sa kanya dahil natanggap ang resume na ipinasa niya sa kanila. At ang napili niyang hotel na pagtrabahuhan ay ang Oxford Hotel na hindi lang kilala sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa rin. Ito ang pinakamalaki at pinakamagandang hotel sa bansa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status