Share

Chapter 9

Sinadya ni Thea na huwag pumasok sa trabaho nang araw na iyon dahil may lakad siya. At ang lakad niya ay walang iba kundi ang puntahan at kausapin niya si Nathan Oxford nang sa gayon ay maisagawa niya ang kanyang binabalak na plano.

Kahit anong gawing pagtutol at pagpayo ni Lila ay hindi ito pinakinggan ni Thea. Buo ang loob ni Thea para gawin ang kanyang binabalak. Ito lamang ang tanging paraan para mabilis siyang makaangat sa buhay. Kaya nang araw na iyon ay pinuntahan niya si Nathan Oxford sa opisina nito sa tenth floor ng Oxford Hotel para kausapin na tanging dala-dala ang mga litrato ng kanyang anak na si Trace. Ngunit kung kailan nasa tapat na siya ng opisina ng boss niya ay saka pa biglang dinaga ang kanyang dibdib. Ngunit inisip niya ang nakangising mukha ni Joyce at ang mapanghusga nitong mga tingin kaya muli niyang nilakasan ang kanyang loob at kumatok sa pintuan ng tatlong beses.

"Come in," ang baritonong boses na sagot ng tao mula sa loob. Huminga muna ng malalim si Thea
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status