HELLO EVERYONE! Sa MGA nais maging updated sa MGA binibigay kong ideas , tips na mga legit agency going abroad na halos walang gagastusin o di kaya ay as in Zero Gastos at all. Ang content ko ay mas maraming taong matulungan Lalo na yung MGA walang ideya kung paano at SAAN makakapag-apply ng Hindi kayo naloloko. MAs mainam Ang may alam. All countries po Ang dinadrop ko. Kalimitan ay bound to Europe, Canada, Japan, at bihira Ang middle East upon request lang. Follow niyo ako sa aking Tiktok Account. Probinsyano sa Poland With 5k+ followers. At sa aking FB Account na San Miguel Roxaine Joy or Probinsyana sa Poland na may 10.8k followers. Thank YOU! Enjoy Reading.
“Hello Karla, pwede ba kitang bisitahin?” ”hmmm alam ko na yang mga ganyang boses mo! Sige pumunta ka pero hindi ako pwedeng uminom ngayon alam mo na?! Naggagamot ako.” “Oo girl okay lang gusto ko lang ng may makakausap.” “Go, im waiting. O-order na lang ako ng comfort food mo.” “Sige salamat.” Pagkatapos noon ay nagtungo na ako sa bahay ni Karla. Sinalubong niya ako sa gate pa lang. At ng makita ko siya ay hindi ko maiwasang hindi mapaluha. Kahit pigilan ko ay kusang lumaglag ang luha sa mga mata ko. At dumiretso na nga kami sa kanilang garden at doon ko na kinuwento sa kaniya ang lahat-lahat. “Fvck him! Napakawalanghiya niya. Wala kang ubang pinakita sa kaniya kundi pagmamahal pero ganito ang ginawa niya sayo?! At huwag mong sisihin sarili mo dahil wala kang ginawang masama. Kung anuman ang kahihinatnan nito tandaan mong nandito lang ako para sayo!” Sabi ni Karla sabay yakap ulit sakin. “Teka, alam na ba nila Tita ang tungkol sa inyo ni Elliot?” Umiling ako at mal
“Thank you sir for the appreciation. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Pero baka po mag file din ako ng bakasyon this coming month.” tugon ko kay Mr. Luke. Muli siyang ngumiti, sa totoo lang kung wala si Elliot sa buhay ko ay hindi malabong hindi ako mahulog sa isang katulad ni Mr. Luke. Pano ba naman, isang young bachelor na sa edad niya ay naging CEO siya. Bukod duon ay may angkin siyang kagwapuhan, isang mala Piolo Pascual kung ihahambing sa katawan at mukha, wala lang siyang nunal sa mukha at ang kaniyang mga mata ay mas singkit kaysa dito. Kaya hindi nakakapagtakang habulin siya maski pa ng mga celebrity dito sa abroad. “Oo nga pala since nabanggit mong plano mong magbakasyon sa susunod na buwan, gusto ko sanang hingin ang opinyon mo .” Nagulat man ako ay magalang ko siyang tinanong. “Tungkol po saan sir?” “Magkakaruon ng conference para sa isang project sa Italy, at gusto sana kitang isama , next week na ito. Para mas ma enhance ang capability mo dahil nakikitaan
Nakita kong kasabay ng pagkalungkot ko ang naging kalungkutan sa mukha ni Levie, saksi siya sa lahat ng paghihirap ko sa trabahong iyon makamit ko lang ang posisyon bilang Head ng Marketing department. Lumapit siya sa akin habang hinihimas ang aking likod at malumanay na nagsalita “Girl, hindi tamang isuko mo ang pinaghirapan mo ng dahil sa hayop na Elliot na yan. Huwag kang matakot sa kung ano ang kaya niyang gawin laban sayo. Ipakita mo sa kaniya ang matatag na Zia na kilala ko. Ipamukha mo sa kaniya na kahit anong gawin niya sayo ay hindi ka matitinag. Ipakita mong kaya mong manindigan kapag tinalikudan mo siya. Mas magiging magaan ang buhay mo kung sisimulan mo ang pag move-on ng minamahal mo ang sarili mo.” Kahit tama si Levie ay hindi pa rin ganuon kadaling kalimutan ang lahat kaagad. Dahil lahat ng bahagi ng buhay ko ay may bakas ni Elliot. Tumango na lang ako ng marahan. Napangiti siya ng bahagya, kahit pilit. “Sige na girl, magpahinga ka na muna. Nandito lang ako,”
Nang lumapit si Kuya Xavier sa akin ay lalo akong na touch ng magsalita siya. “Zia, ako ang binilinan ng Papa namin na magbantay kay Elliot, wala kang kasalanan kung anuman ang nasaksihan mo ngayon, biktima ka lang din at ginawa ko lang ang dapat gawin ng isang nakakatandang kapatid sa kaniyang nakababatang kapatid kung ito ay nagkasala. Hindi siya matuto kung hindi ko siya suswetuhin. Isa pa magiging leksyon sa kanya ang ginawa ko. Alam ko kung gaano ka importante kay Elliot. At hindi ako papayag na umalis ka sa bahay na to. Dito ka lang dahil accessible to sa trabaho mo. At palagay kaming ligtas ka kung dito ka titira” mahinahon niyang sabi, pero kita sa mata niya ang bigat ng mga nangyari.Matapos ang isang mahabang araw ay nagpasya na sila Kuya Xavier na umuwi, pinaayos na din niya sa kasambahay ang gamit ko sa isa sa mga kwarto sa mansyon na yun.Kaya naman bago ako magtungo sa banyo para magbabad sa shower room ay tinawagan ko sila Mommy. “Hello Mommy, kamusta na po kayo?M
Muli na namang nagkagulo sa loob ng silid dahil sa pagpupumilit ni Elliot, takot na takot na ako. Tila kakaibang katauhan ni Elliot ang nasa harapan ko ngayon. Hindi siya ang lalaking minahal ko na araw araw kong nakakasama.Ngayon ko napagtantong tama lang ang ginawa ko na hindi ko siya ipinakilala kaagad sa pamilya ko dahil sigurado akong kapag nalaman ni Daddy ang tungkol sa nangyaring ito sakin ay pipiliin niya ang pinakamahuhusay na abugado para labanan si Elliot.Hindi pa man ako nahihila ni Ate Ate Jessa papalayo ay biglang sumiklab ang tensyon. Napakabilis ng mga pangyayari, pakiramdam ko bawat salita at bawat kagulihan ay parang bomba na sumabog sa aking isipan.Nagulat ako nang marinig ang boses ni Kuya Xavier, malamig pero buo: “Sa huling pagkakataon Elliot, habang nakakapagtimpi pa ako. Umalis ka na!”Napalingon si Elliot at halatang naguguluhan. Kasunod noon, unti-unting namula ang mukha niya, at saka naging kulay abo sa galit. “Anong sinabi mo Kuya? Nirerespeto kita bi
“Elliot naman ee… pinapalala mo lang lalo ang sitwsyon! Umalis ka na muna! Hayaan mo muna di Zia!” sigaw ni Levie ng may pakiusap. Alam kong natatakot din siya kay Elliot ganun din naman ang nararamdmana ko pero kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong manindigan.Saktong umamba ng suntok si Elliot kay Levie ng biglang dumating sa gitna ng kaguluhan ang panganay sa aming grupo. Si Kuya Xavier kasama niya ang long time girlfriend niyang si Ate Jessa.“Elliot!Tumigil ka!Ano sa tingin mo ang gagawin mo?” Malakas na sigaw ni Kuya Xavier na humahangos ng pagtakbo papunta sa kwartong iyon.“Itong hayop na Levie na to nakikisawsaw sa gulo namin ni Zia. Kuya, please naman gusto ko lang kausapin ang girlfriend ko.” Hindi kaagad nakapagsalita si Kuya Xavier dahil wala siyang alam kung ano ba talagang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Elliot. Nakita ko ang malungkot na tingin ni Ate Jessa sa akin, tingin na alam kong alam niyang nasasaktan ako.“Tang ina ka Elliot!Kakausapin? May plan