Share

Chapter 3

Author: Donya Mariyah
last update publish date: 2026-09-09 11:50:54

Dinala si Cecilia sa isang kwarto para ihanda sa bidding. Kasama niya si Yanna, na parang kabisadong-kabisado ang buong proseso.

"Gusto kong suotin 'tong lingerie na 'to," sabi ni Cecilia nang ilabas ng kaibigan ang mga damit mula sa cabinet, lahat ay may tags pa. "Ginamit ko ang card ni Marcus para bayaran 'to, kaya gusto kong ibang lalaki ang maghubad nito sa'kin," paliwanag niya.

"Sure, matamis na paghihiganti." Inilapag ni Yanna ang mga damit at lumapit sa salamin, kumuha ng mga mamahaling pabango na iba sa nakasanayan nang gamitin ni Cecilia.

"Alam ko," bulong nito.

Tiningnan ni Cecilia ang sarili sa salamin. Ang black lace lingerie lang ang isusuot niya para sa bidding. Maganda ang hubog ng katawan niya, pero hindi iyon napapansin sa mga manang na suits na ginagamit niya araw-araw. Pero ngayong gabi, mag-iiba ang lahat.

May kumatok sa p***o, binuksan iyon ni Yanna. Isa iyon sa mga tauhan ni Madam V.

"Ready na ang lahat, kailangan na niyang lumabas," sabi ng lalaki.

Inalalayan ni Yanna si Cecilia papunta sa back hallway. Walang p***o, kundi isang makapal at burgundy na kurtina, na parang telon sa isang play na mag-uumpisa pa lang. Sa gitna ay may isang malaking kahon.

Binuksan ng dalawang lalaki ang kahon. Tumango si Cecilia at nanginginig na pumasok sa loob.

"Good luck, sis," ngiti ni Yanna bago lumayo, dahil mag-uumpisa na ang bidding.

Biglang bumukas ang kurtina at tinamaan siya ng liwanag na nagbigay ng mabigat at senswal na paligid. Nasa isang mataas na platform siya, sa loob ng kahon na 'yon, na parang isang bagay na handa ng ibenta.

Tiningnan niya ang paligid. May mga mess kung saan mga mayayaman, matanda man o bata, ay nilalamon siya ng tingin. Sa ibabaw ng mga mesa ay nakapatong ang mga pinakamamahaling alak.

Ramdam niya ang mabigat na hangin, puno ng pagnanasa na hindi tinatago. Ang lahat ng lalakeng nandoon ay handang bumili sa bagay na ibebenta. Pero sino ang magiging highest bidder?

Lumabas si Madam V, naglalakad nang elegante at sex appeal. Kinuha nito ang mic at binati ang lahat ng bisita.

"Gentlemen, welcome," announce ni Madam V. "Tonight, ang Velvet Night ay nag-o-offer ng isang pure gem." Tinuro niya ang babae sa loob ng glass box.

Naglakad si Madam V palapit sa kanya, pero hindi binuksan ang kahon. Hindi na kailangang may gawin pa si Cecilia, sa ayos pa lang niya ay kuhang-kuha na niya ang atensyon ng maraming lalaki, at alam iyon ni Madam V.

"Here we have ang pinaka-rare at precious na merchandise sa lahat: The First Time," patuloy nito, hindi nawawala ang ngiti.

Nabuhay ang katahimikan sa paligid. Ninanamnam ni Madam V ang oras, siguradong magiging malaki ang kikitain sa bidding na ito.

"We start at half a million. Ibinibigay natin sa auction ang first night niya, isang unmatchable experience."

Gulat si Cecilia sa starting price. Saglit siyang nagduda kung may magbabayad nga ba nang ganung kalaki para sa first time ng isang di-kilalang babae.

"Seven hundred thousand," ungol ng isang lalaki na hindi kagandahan ang mukha. Kahit naka-maskara ito, halata iyon at nakaramdam pa ng pandidiri si Cecilia.

Mabilis na tumaas ang mga offers. Lahat ng lalaki roon ay mayaman at makapangyarihan, hindi sila magpapahuli.

"Eight hundred fifty thousand," sabi ng isang nakababatang lalaki na nagmula sa lamesang katabi ng pangit na lalaking nauna.

"Nine hundred thousand," sabi ng matabang lalaki.

"One million," narinig mula sa isang boses sa dulo ng kwarto.

"One million! Sino ang mag-o-offer ng one million one hundred thousand?" Pinalo ni Madam V ang gavel nito sa podium. "Remember, siya ang kauna-unahang papasok sa napakagandang babaeng ito."

At mas nagpainit ang mga salitang 'yon sa paligid. Dumami pa ang nag-offer, one million two hundred, one million three hundred.

"Two and a half million!" sigaw ng isang lalaking tumayo mula sa mesa nito, isang malaking talon sa presyo.

Ngumiti si Madam V, satisfied sa epekto ng bidding. "Only two and a half million for the first time?" tanong nito gamit ang malambing pero mapanghamong boses.

Pero wala nang nag-bid pataas.

"Three million," sabi ng matabang lalaki.

Tiningnan siya ni Cecilia, nandidiri siya rito. Ngayon, nagsisimula na siyang magsisi sa katangahang ginagawa niya. Lumingon siya sa paligid. Wala na bang mag-o-offer pa? Ibibigay ba niya ang virginity niya sa aswang na 'yon? Kinagat niya ang kanyang ibabang labi, sinusubukang kontrolin ang kaba at takot.

"Three million. Going once..." Huminto si Madam V, naka-suspend sa ere ang gavel. Walang nagsalita. Katahimikan lang ang pumalibot sa lugar. "Going twice..."

Pumikit si Cecilia, hinihintay ang pagbagsak ng gavel. Mabebenta siya sa lalaking 'yon. Ang tanga-tanga niya, sana naghanap na lang siya ng lalaking magugustuhan niya.

"Six million." Isang boses ang umalingawngaw mula sa pinakamadilim na bahagi ng kwarto. Boses na maawtoridad at malamig.

"Six million?" Kahit si Madam V ay nagulat sa offer. "Going once... Going twice..." Tumingin siya sa direksyon ng matabang lalaki, pero sumuko na ito.

Ilang segundong katahimikan ang nagpahirap kay Cecilia. Tiningnan ni Madam V ang buong kwarto, pero wala nang nag-offer.

"Six million! Sold!" Pinalo ng gavel ang podium.

Sa dulo, ang lalaking 'yon ay hindi maalis ang tingin kay Cecilia. Nanatili lang siya para manood, wala siyang planong mag-bid dahil hindi siya interesado sa isang inosenteng virgin. Mas gusto niya ang mga babaeng may karanasan, na alam siyang paligayahin sa kama. Pero nang paalis na sana siya, kinagat ni Cecilia ang ibabang labi nito. Doon na sumiklab ang pagnanasa niyang angkinin ito, isang pagnanasa na hindi niya kailanman naramdaman para sa kahit sinong babae, lalo na sa isang inosenteng virgin. Ngayon, binili niya ang first time nito. Hindi siya magiging malambing o matiyaga, ipaparanas niya rito kung paano bumayo ang tunay na lalaki, isang sex na hinding-hindi nito makakalimutan.

"Girl, six million..." excited na sabi ni Yanna.

"Ha?" Inalalayan siya nitong makalabas sa glass box.

"Wala nang time para magkwentuhan. Gusto ka na makita ng lalaking bumili sa'yo sa VIP room, now na." Dumating si Madam V para putulin ang usapan.

Mas namutla si Cecilia. Dahil sa dilim, hindi man lang niya nakita ang katawan nito. Kung magugustuhan ba niya ito o hindi gaya nung matabang lalaki sa harap.

"Don't worry, binili ka ng isang exclusive at very special na VIP client," sabi ni Madam V nang mapansin ang takot sa mukha niya. "Kahit ako nagulat na pumili siya ng isang walang experience..." bulong nito.

"Sino siya?" usisang tanong ni Yanna.

"Confidential," sagot ni Madam V. Mahigpit siya sa negosyo niya. Lahat ng pumupunta rito ay mga mayayaman, kaya hinding-hindi pwedeng ilabas ang katauhan nila.

Nakabawi si Cecilia.. Wala nang atrasan 'to. Ibibigay na niya ang virginity niya sa lalaking nagbayad ng six million. Isang gabi lang naman ito, pagkatapos nito, siya na mismo ang pipili ng mga magiging lalaki niya at hindi na hihingi ng tulong kay Yanna.

Inihatid siya ng mga tauhan ni Madam V sa special suite, ang pinakamahal sa buong Velvet Night. Eh nagbayad na nga ang lalaki ng six million, ano pa ba naman ang ilang libong dagdag na halaga?

Pumasok mag-isa si Cecilia. Malaki ang kwarto, naalala pa nga siya sa sarili niyang kwarto sa laki. Maluwag ang kama, may itim at pinong bedsheets, at dim ang lights na nagbibigay ng romantikong atmospera, kahit na alam niyang malayo sa pagiging romantiko ang gabing ito.

Sa lamesa ay may isang mamahaling champagne. Kumuha siya ng isang baso, pinuno ito, at ininom nang isang lagukan. Kailangan niya 'yon.

Bumukas ang p***o, at naramdaman niya ang matapang na presensya nito, ang buyer niya.

Binitawan niya ang baso sa lamesa at lumingon para harapin siya. Matangkad, malaki ang katawan, naka-tailored suit. Ang dark brown hair niya ay bumagay sa mga mata nitong asul, singlamig ng presensya nito, na matalim na nakatingin sa kanya.

Bumigat ang hangin, amoy mamahaling cologne ang lalaki, at siyempre, nagbayad ito ng six million, malamang naghugas 'to ng pera.

Huminto ito ilang hakbang ang layo. Pinasadahan siya ng tingin nang dahan-dahan, mula sa stiletto heels, paakyat sa makikinis at mahahabang hita, pinagmamasdan kung paano nakadikit ang lace sa katawan niya, na halos wala nang tinatakpan.

Naramdaman ni Cecilia ang pag-iinit ng buong katawan niya sa ginagawang pagkilatis nito, pero pinilit niyang kumalma. At least, isang lalaking sexy ang makukuha ng first time niya, kahit hindi niya makita nang buo ang mukha nito dahil sa maskara, idagdag pa ang mahinang ilaw.

Pinanood ng lalaki kung paano kinagat ni Cecilia ang ibabang labi nito. Ang sexy tingnan, nakaramdam tuloy siya ng libog.

"Let's see kung anong kayang gawin ng bibig na 'yan," sabi ng lalaki gamit ang paos na boses nito.

Lumapit ang lalaki, hinawakan siya sa baba gamit ang isang kamay at, walang anumang pag-iingat, ay hinalikan siya. Hindi iyon malambing, marahas ito. Binuksan nito ang bibig niya na parang isang bihasa, inaangkin ang hininga niya.

Nalasahan ni Cecilia ang mamahaling alak. Ang lalaking ito, na may awtoridad, ay pinasok ang bibig niya, ang mainit nitong dila ay nakikipagbuno sa inosenteng dila niya.

Tinapos nito ang halik nang padabog, at walang anumang delicadeza na pinaluhod siya sa harap nito.

Pinanood ni Cecilia kung paano tinanggal ang butones ng pantalon ang lalaki para ilabas ang matigas nitong pagkalalaki. Napalunok siya nang makita kung gaano iyon kalaki.

"Ngayon, buksan mo 'yang bibig mo. Gusto kong gamitin kung para saan ko yan binili," maawtoridad nitong utos.

Hindi tumutol si Cecilia, 'yun naman ang gusto niya, at nabasa na niya ito sa mga erotic books niya, kaya nagpadala na lang siya sa sarap.

Ibinuka niya ang bibig niya. Ngumiti ang lalaki at idiniin iyon paloob, sagad hanggang sa makakaya niya.

Isang nag-aalab na pakiramdam. Ang manly scent, walang pandidiri, kundi ang pakiramdam ng pinupuno. Isang bagay na matagal na niyang inaasam na ipinagkait sa kanya ng asawa niya. Ngayon, ipinapakita ng estrangherong bumili sa kanya kung ano ang tunay na lalaki.

Mahigpit nitong hinawakan ang batok niya, kinokontrol ang galaw at baon. Hindi ito malambing, kahit kailan hindi. Kasiyahan lang ang hanap nito. Hindi man lang makapag-ungol si Cecilia, ramdam ang malaking laman na labas-masok nang malalim sa lalamunan niya.

Pumikit si Cecilia, hindi dahil sa hiya, kundi para maramdaman ang lahat. Totoo to at nakakadiri man. Isang sarap na matagal na niyang pinangarap, at ngayong gabi, nilasap niya ang lahat. Tatanggapin niya lahat ng ibibigay ng lalaking nagbayad para sa first time niya nang walang pagtutol.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sweet Revenge, Sleeping with My Cheating Husband   Chapter 105

    Inilabas ni Marcus ang phone niya. Alam niyang dapat ay nasa bahay na ng pamilya Borges si Cecilia, pero ngayong weekend ay kinansela niya ang appointment niya kay Angela, kaya hindi niya ito makikita. Naisip niyang, marahil, limitado at hindi ligtas ang mga pagkikita nila sa Velvet Night; gayunpaman, maging ang apartment na ginagamit niya para sa mga espesyal na date niya sa mga kabit niya ay napatunayang madaling pasukin ng extortionist."Anong gusto ni Lolo Oscar?" tanong ni Jay, humihila sa kanya mula sa malalim na pag-iisip.Nagtaas ng kilay si Marcus sa pagkalito at ibinaling ang paningin rito."Hindi pa 'ko nakakabili ng regalo para kay Lolo. Anong pwede kong ibigay sa kanya?" muli nitong tanong, hawak ang bagong salin nitong baso."Siguro ang maglaho ka sa mapa at layuan mo si Yanna," sarkastikong sagot ni Marcus."Imposibleng regalo 'yon. Tulad nga ng sinabi ko, may mga napili na 'kong pangalan para sa mga magiging maliliit na Valdemar," deklara nito, bago inubos ang inumin n

  • Sweet Revenge, Sleeping with My Cheating Husband   Chapter 104

    Dumating si Marcus sa opisina niya. Dahil Sabado ngayon, tanging ang personal assistant lang niya ang naroon, na sumalubong sa kanya paglabas niya ng private elevator."Nasa opisina na po ninyo si Mr. Viray," imporma ng assistant na may magalang na pagyuko.Bago pa makasagot si Marcus, bumukas nang maluwang ang mga pinto ng visitor elevator. Lumabas nang may nakaka-intimidate na presensya si Jay Valdemar, suot ang isang itim na suit na walang necktie."Bayaw," kaswal na bati nito.Nanliit ang mga mata ni Marcus. Hindi niya inasahang sisipot si Jay sa planado niyang pakikipagkita kay Viray."Gusto ko kasing makilala ang 'pinsan-in-law' ko bago ang malaking pagtitipon bukas," sabi ni Jay, naglalakad papalapit sa kanya.Pasimpleng sumulyap si Marcus sa assistant niya, na mabilis na nakuha ang senyales at umatras, iniiwan silang mag-isa."Baka tama ka at hindi siya ang totoong extortionist," pag-amin ni Marcus.Tumango si Jay. Ginugol nito ang gabi sa pagsusuri sa bawat detalye at may nai

  • Sweet Revenge, Sleeping with My Cheating Husband   Chapter 103

    Pagsapit ng Sabado ng umaga, nagising si Cecilia na nararamdaman ang mga halik ni Marcus sa leeg niya, habang minamasahe ng mga daliri nito ang kanyang clitoris sa mabagal at pabilog na galaw. Naging dahilan para iarko niya ang kanyang likod at paglapitin ang kanyang mga hita."Good morning, baby," bulong ni Marcus sa tainga niya bago kagatin ang earlobe nito. "Gustung-gusto ko na ang bilis mong mabasa."Inilingon ni Cecilia ang ulo niya para halikan ito, kinukuha ang kontrol nung una at ipinapasok ang dila niya sa bibig ni Marcus hanggang sa possessive na tumugon ito. Mabilis niyang ibinaba ang kamay niya sa gitna nito, ipinapasok iyon sa ilalim ng silk nitong pajama para direktang haplusin ang matigas nitong pag-aalsa.Sa pagdama sa mariin nitong mga haplos, kinagat ni Marcus ang ibabang labi nito at pinutol ang halik. Habang mabilis na gumagalaw ang kamay niya pataas at pababa sa katigasan nito, ibinaon nito ang dalawang daliri sa loob niya, dahilan para magpakawala si Cecilia ng i

  • Sweet Revenge, Sleeping with My Cheating Husband   Chapter 102

    Dumating si Yanna sa Velvet Night. Kahit na hindi nakapunta si Cecilia, hindi iyon naging hadlang para hindi siya tumuloy. Gusto niyang makita si Jay at i-enjoy ang gabi kasama ito nang silang dalawa lang. Mapang-akit siyang naglakad sa loob ng lugar habang hinahanap ito ng kanyang mga mata, pero hindi niya ito makita."Ivy. Isang karangalan na makita ka rito," sabi ni Madame eksakto nang huminto ito sa harap niya. "At si Angela?""Oh, hindi siya makakapunta ngayong weekend," natural na sagot ni Ivy."Sayang naman, inisip ko pa namang makakagawa tayo ng negosyo ngayong weekend dahil nag-cancel ang espesyal na kliyente niya ng appointment," komento nito habang nagsisindi ng sigarilyo."Alam niya?" pabulong na tanong ni Ivy, nagtataas ng kilay sa komento ni Madame."Syempre. Pero paano niya nalaman?" sabi ni Madame.Pinasadahan ni Madame ng tingin si Ivy. Inabisuhan na siya nang maaga tungkol sa pag-cancel ni Marcus Del Rosario, pero pinili niyang huwag nang sabihin kay Angela, umaasang

  • Sweet Revenge, Sleeping with My Cheating Husband   Chapter 101

    Pagdating sa gilid ng kama, huminto siya at humarap dito."Nice try, pero hindi," sabi niya, hinahamon ito sa pamamagitan ng kanyang mga titig. "Kailangan mo 'kong paghirapan, Marcus, kung gusto mo 'kong bayuhin."Tiningnan siya ni Marcus mula sa distansyang iyon; ang ideya ng "paghihirap" sa kanya ay tila kahina-hinala pa rin para dito. Tutal, magdidiborsyo rin naman sila sa sandaling lumipas ang isang taon na itinakda ni Lolo Oscar Del Rosario sa kanila."Ang putanginang paghihirap na 'yan," asik ni Marcus, naglalakad palapit sa kanya.Paglapit rito, pinahiga niya ito pabalik sa kutson. Gulat na napatingin si Cecilia sa kanya, pero hindi siya nanlaban; hinayaan niya itong ibuka ang mga binti niya.Pumwesto si Marcus sa ibabaw ng mga hita niya, bihis na bihis pa rin, pinagmamasdan ang pagkabasa ng kanyang sentro na natatakpan ng manipis na telang nakakapit dito. Nagsalita si Cecilia tungkol sa paghihirap dito, pero sa unang tingin pa lang, sumisigaw na ang katawan nitong bayuhin.Ibi

  • Sweet Revenge, Sleeping with My Cheating Husband   Chapter 100

    Pumasok muli si Marcus sa kwarto eksakto nang lumabas si Cecilia mula sa closet hawak ang kahon. Humakbang ito papalapit nang mabagal; ngayong gabi, panandalian nitong kakalimutan ang pagtataksil ng sarili nitong kapamilya para i-enjoy ang isang mapanganib na laro kasama ang asawa niya. Kahit na partikular na nitong pinlano ang pumunta sa Velvet Night para makipagkita kay Angela, ang bayarang babae nito na hindi kailanman tumangging bayuhin, mas matindi pa rin ang pagnanasang simulan nang dominahin si Cecilia."Tingnan natin..." sabi ni Marcus, binubuksan ang kahon at pinagmamasdan ang iba't ibang laki ng mga "maliliit na kaibigan" ng asawa niya na may ngiwi ng paghamak at kuryosidad."Anong pinaplano mo, Marcus?" tanong ni Cecilia, sinusubukang hawakan nang matatag ang kahon habang nararamdamang dumudulas na mula sa mga kamay niya ang kontrol sa sitwasyon.Nagtaas ng kilay si Marcus at tumingala sa kanya, habang hawak sa isang kamay ang isa sa pinakamalalaking laruan ni Cecilia."Nga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status