Share

Chapter 107: The Revenge

Yannie Ace Ruiz

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy rin sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Hawak ko ang aking hininga na para bang kapag malaya akong huminga ay may mangyayaring hindi maganda sa akin, kahit na nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan na ito.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas mula nang kunin ako ng mga lalaking ito. Hindi ko alam kung sino sila o kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Paulit-ulit ko tuloy binalikan sa isipan ko kung may mga nagawa ba akong atraso sa ibang tao.

"Nandito na tayo," usal ng lalaking nasa unahan ko sa mga kasamahan niya. Inihinto nito ang sasakyan saka sila isa-isang bumaba.

Binuksan no'ng katabi kong lalaki ang pintuan ng sasakyan saka ito lumabas at matalim na tumingin sa akin. "Baba," utos nito.

Hirap akong napalunok saka ko pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin. Madalim ang kapaligiran ngunit nakikita ko ang matataas na damo na nasa paligid
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
MareCris Penaflor Odneid
More update pls
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status