Share

Chapter 134

Author: Mallory Isla
last update Last Updated: 2025-06-25 18:20:57

"Napanood ko na ang lahat ng mga lumabas sa balita nitong nakaraang dalawang araw, at labis talaga akong nababalisa dahil dito. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sana lang ay maging mas kalmado pa ang lahat. Wala namang masamang intensyon si Miss Ramirez. Hindi ko naman dinadamdam ang mga ginawa niya. Masyado lang siyang nahumaling kay Tyson noon. Medyo nakakaawa din naman siya, kaya dapat ay itigil na ang lahat ng usap-usapan tungkol sa kanya." saad ni Diana sa kaniyang post.

Ang mga sumusunod doon ay lahat na ng mga salita na pabor sa kanya, na para bang si Mariana ay isang hindi mapagpatawad at isang taongmakasalanan.

“Si Diana na nga ang nakumpurmiso, tapos pinagtatakpan pa rin niya si Mariana.”

"Kung ikukumpara kay Diana, hay nako, wala lang itong si Mariana, e.”

"Tama ka diyan! May lakas ka pa talaga ng loob na sabihin na si Diana ang kabit, ha. Kung ako iyon, pipiliin ko rin talaga si Diana, ‘no!"

...

Nasa mga bisig ni Mavros si Mariana nang niya ang post n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 134

    "Napanood ko na ang lahat ng mga lumabas sa balita nitong nakaraang dalawang araw, at labis talaga akong nababalisa dahil dito. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sana lang ay maging mas kalmado pa ang lahat. Wala namang masamang intensyon si Miss Ramirez. Hindi ko naman dinadamdam ang mga ginawa niya. Masyado lang siyang nahumaling kay Tyson noon. Medyo nakakaawa din naman siya, kaya dapat ay itigil na ang lahat ng usap-usapan tungkol sa kanya." saad ni Diana sa kaniyang post. Ang mga sumusunod doon ay lahat na ng mga salita na pabor sa kanya, na para bang si Mariana ay isang hindi mapagpatawad at isang taongmakasalanan. “Si Diana na nga ang nakumpurmiso, tapos pinagtatakpan pa rin niya si Mariana.” "Kung ikukumpara kay Diana, hay nako, wala lang itong si Mariana, e.” "Tama ka diyan! May lakas ka pa talaga ng loob na sabihin na si Diana ang kabit, ha. Kung ako iyon, pipiliin ko rin talaga si Diana, ‘no!" ... Nasa mga bisig ni Mavros si Mariana nang niya ang post n

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 133

    Tumango si Mariana at muling ipinikit ang kaniyang pagod na mga mata. Kalahating tulog at kalahating gising ang kaniyang diwa nang sa wakas ay lumabas na ng banyo si Mavros na nakabalandra ang itaas na bahagi ng katawan, ang kalahating basang buhok nito ay natatakpan ng maulap na singaw ng tubig. Sa sandaling sumampa ito sa kama ay mabilis na inihagis ni Mariana ang sarili sa mga bisig ni Mavros. "Napakatagal mo naman." saad ni Mariana. "Nagising ba kita?" tanong ni Mavros pagkatapos ay inilagay niya ang kanyang kamay sa likod ni Mariana. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mariana. "Hindi naman." aniya. Hinawakan niya ang mukha ni Mavros gamit ang kanyang kabilang kamay at muling nagtanong. "Bakit ka ba hingi ng hingi ng tawad kanina?" tanong ni Mariana. Bahagya ring nanlaki ang mga mata ni Mavros dahil sa tanong na iyon. "Natatakot lang ako na baka kamuhian mo ako kapag nalalasing ako." sagot Mavros. Ilang minuto pa siyang naghintay sa magiging tugon ni M

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 132

    — Samantala, sa bar na nasa loob lang din ng islang kinaroroonan nila ay nagtungo roon si Mavros, nagtungo siya sa isang sulok at saka umorder ng ilang baso ng alak. Nang matagpuan siya ni Jasver ay nakainom na agad siya ng tatlong baso ng alak. "Mavros? Bakit hindi mo kasama si Miss Ramirez at umiinom ka ng mag-isa dito?" tanong ni Jasver nang makalapit sa kinaroroonan ni Mavros. Inabot sa kanya ni Mavros ang isang buong bote ng alak na walang ekspresyon ang mukha. "Samahan mo ako at uminom ka ng dalawang bote ng alak rito." ani Mavros. Nilunok ni Jasver ang kanyang sariling laway at saka tinitigan ang buong bote ng mamahaling alak na inilahad sa kaniyang harapan sa pagkamangha. Masunurin niyang binuksan ang bote at saka nagsalin ng dalawang baso ng alak at gayon din sa baso ni Mavros. "Ano bang problema, Mavros? Broken hearted ka ba?" tanong ni Jasver kay Mavros. "Hindi." maikling sagot ni Mavros pagkatapos ay muling nilagok ang alak na sinalin ni Jasver sa kan

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 131

    Sa huli ay maingat na itinulak ni Mariana ang kabute na inihaw ni Ellie. "Ellie, subukan mo muna." aniya "Bakit? Ano ang mali?" tanong ni Ellie. Kinuha niya ang kabute at kumagat roon pagkatapos, pumihit sa mukha niya ang kulay ng atay ng baboy.“Nakakadiri!" ani Ellie oagkatapos iluwa ang kaunting pagkain na kaniyang kinagatan. "Subukan mo sa akin." May halong pagmamalaki na saad ni Jasver. Sinulyapan siya ni Ellie."Tiyak na maling paraan lang ang sinabi ni Tita Wanda, hindi ako kumbinsido, hindi ko pa rin kakainin ang sa iyo!" ani Ellie. Tinalikuran niya ang mukha ni Jasver, ngunit ang bango ng minasa na bawang ay nanuot sa kanyang pang-amoy. Nanatiling nakaupo si Maxine sa tabi ni Ellie, ngumunguya ng mga kabute sa malalaki nitong bibig, humihingal, at ang kanyang mga mata ay puno ng mga bituin. Hindi niya maiwasang bumulong sa kanyang puso, kung gaano kaya ito kasarap! Kinain niya ang mga pagkain na nasa pinggan ni Jasver, na talaga namang ka

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 130: Roasted Mushroom Showdown

    Kinuha ni Mariana ang lahat ng uri ng seafood, naroon ang starfish, alimango, at maging mga suso ay pinulot niya. Humakbang si Mavros patungo kay Mariana, may dala itong isang balde sa isang kamay, habang ang isa ay nakakuyom na tila may hawak-hawak na kung ano. "Iunat mo ang kamay mo." ani Mavros. "Ano?" tinignan siya ni Mariana habang nakakunot ang noo dahil sa kalituhan "Iunat mo ang kamay mo." ulit Mavros. Nag-aalangan namang iniunat ni Mariana ang kanyang kamay, handang bawiin ito anumang oras. Ibinuka ni Mavros ang kanyang nakakuyom na kamao at inilaay inilagay sa palad ni Mariana, naramdaman ni Mariana ang lamig sa kanyang palad. Isang shell. "Kinuha ko iyan." ani Mavros. Tiningnan lamang ni Mariana ang shell na nasa kaniyang palad, na isa iyong kulay pink na wavy shell. "Ang ganda naman nito." ani Mariana pagkatapos ay inilagay niya ang shell sa kanyang bulsa. Si Maxine, na hindi kalayuan, ay nakatingin sa labas at nakita sina

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 129: Resort Island

    Sabay-sabay na tumakbo sina Tyson at Diana palapit kay Kaena. "Yan yan, nag-book ako ng table sa CGG. Ang pagkain dito ay hindi din naman mukhang pampagana. Halika na." anyaya ni Mavros kay Mariana. Iniunat niya ang kanyang kamay sa harap ni Mariana, na tinanggap naman ng huli. "Hindi ka maaaring umalis! Hindi pa malinaw ang lahat!" Sigaw na sambit ni Kaena nang makita niyang akma nang aalis sina Mavros at nagmamadaling tumakbo palabas. Naiinip naman siyqng tinapunan ng tingin nina Mavros at Mariana. "Hindi ba dapat ay nasa mental hospital ka ngayon?" ani Mavros. Puno ng galit ang mga mata ni Kaena, ngunit pinilit pa rin niyang ngumiti. "Mr. Torres, ngayon ang araw ng kasal ng kapatid at hipag ko. Gusto mo bang manatili na lang rito para sa hapunan?" ani Kaena. Tila nahihiya siyang itulak ang buhok sa gilid ng kanyang mukha sa likod ng kanyang mga tainga, dahilan para lumitaw ang kanyang maselan na mga tainga, at ang liwanag ng suot nitong mga hikaw ay kumikisla

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status