/ Romance / Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband / Chapter 18: Master Mavros Torres and Maxine Torres

공유

Chapter 18: Master Mavros Torres and Maxine Torres

작가: Mallory Isla
last update 최신 업데이트: 2024-10-25 21:04:50

"Mama, naaawa si Tyson sa kanya. Narinig ko na wala siyang trabaho at mababa ang pinag-aralan. Gusto ni Tyson na makipaghiwalay na agad, kaya binibigyan niya siya ng mas marami para umalis siya nang kusa."

Nagkunot-noo ang ina ni Diana, "Hindi pwede yan! Kailangan kong kausapin ang kanilang pamilya tungkol sa problemang ito. Hindi naman interesado si Tyson sa kanya, hindi ba?" sambit nito nang may pagdududa.

Matamis na ngumiti si Diana, "Mama, anong sinasabi mo? Paano siya magugustuhan ni Tyson? Hindi niya ginalaw si Mariana at naghintay para sa akin sa loob ng tatlong taon."

"Mabuti iyan, ngunit huwag kang mag-alala tungkol sa bahay. Aayusin ito ni Mama para sa'yo."

Matapos ipadala si Diana sa malayo, tinawagan ng ina ni Diana ang ina ni Tyson.

Matapos itong marinig, natigilan ang ina ni Tyson.

Hindi siya makapaniwala na ibinigay ng kanyang anak ang bahay sa maliit na babaeng iyon. Wala namang anak si Mariana, kaya bakit niya kinuha ang kanilang bahay.

Nais na niyang tawagan si
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 139

    "Hindi pagkakaunawaan?" Tiningnan ni Mariana si Sean Drei ng may kalituhan na makikita sa kanyng mukha. "Oo, isang hindi pagkakaunawaan. Kung wala sana siyang nakikita o nakakasamang tao sa paligid niya na pinagkakatiwalaan niya pagkatapos niyang makidnap at pinili ka ulit na hilahin sa pangyayari noong panahong iyon sa ilalim ng pag-gamot sa kaniya. Hindi mo ba naisip na ang iyong pananatili mo sa tabi niya ay isa lamang kontradiksyon? Sa totoong mundo ay dapat wala ka." Maingat na ipinaliwanag ni Sean Drei. Bigla namang napagtanto ni Mariana na nag-aalala lamang siya sa kung paano pagagalingin si Maxine sa pinakamaamong paraan, ngunit nakalimutan niya ang pinakamalaking kontradiksyon, na ang kanyang papanatili sa tabi ni Maxine ay is talagang maling pamamaraan. Sa katunayan ay hindi na mabilang ang mga klase sa matematika at physicist ang hindi nakatakas sa paradox na iyon kapag nag-aaral ng time travel at time disorder. — Kasabay nito, sa loob ng CGG Hotel ay hindi sina

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 138

    "Danz! Huwag mo siyang saktan! Tinutulungan niya ako!" sigaw ni Mariana. Sarkastiko namang tumawa si Danz at sinuntok ulit si Mavros sa panga. "Binalaan na kita, na huwag na huwag kang lalapit kay Mariana kahit kailan, bakit hindi ka nakinig?" saad ni Danzel habang paulit-ulit niyang sinusuntok si Mavros. Galit namang nagpumiglas si Mariana na kumawala sa pagkakahawak ng kanyang tiyuhin at mabilis na dumalo sa tabi ni Mavros. "Bakit hindi ka na lang umalis? Isa kang hangal para tumayo lang dito at hayaan siyang bugbugin ka!" saad ni Mariana. Napuruhan ang bibig ni Mavros na nabugbog at ang dugo mula sa kaniyang bibig ay tumutulo na. Nalungkot si Mariana at tumingin sa kanyang pinsan ng may kalituhan. "Danzel, bakit mo ba siya sinaktan? Siya ang tumutulong sa akin sa tuwing ginugulo ako ng pamilya Ruiz." Sarkastikong tumawa si Danzel. "Tinulungan ka niya? Yan Yan, isa siyang gago. Hindi ka dapat nagtitiwala sa kanya at sa kahit na sino pa ang pinagkakatiwalaan m

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 137

    Nagningning ang spotlight sa kanyang mukha dahilan upang lumantad ang gulat sa kaniyang mukha. Maging si Tyson ay hindi naiwasang pagtakpan ito. Ngumisi si Mariana. "Diana, dinirekta at ginampanan mo ang drama sa pagpunit ng marriage certificate ninyong dalawa kasama na ang mga litrato na kuha sa inyong kasal. Ikaw ang may kagagawan ng dalawang araw na paglaganap ng mga balita, hindi ba? Kabilang na roon ang panunuhol sa mga tao para kusa akong takutin." serysosong saad ni Mariana. "S-sinisiraan mo ako! Hindi ko kailanman ginagawa ang ganyan karuming mga gawain, Mariana, hindi ko talaga alam kung paano ba kita nasaktan? Dahil lang ba sa pinakasalan ko si Tyson ay dapat mo na akong tratuhin ng ganito? Mayroon ka na nang Mavros, bakit mo pa ito ginagawa sa akin sa lahat pa ng posibleng paraan? Ano bang kabutihan ang magagawa nito sa iyo para sirain ang aking reputasyon?" saad ni Diana. Habang nagsasalita siya ay bumabagsak na ang mga luha sa kaniyang mga mata pababa sa kaniyang

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 136

    "Mula pa kahapon ay hinihiling na ng mga kasosyo ko sa kumpanya na wakasan ang kontrata nila sa akin. Nalulula na ngayon sa isang malaking halaga ang pabrika ng imbentaryo at hindi na ito kailanman maaaring ibenta. Ang mga tao na mga tumatawag noon sa akin ay natatakot at nagtatago na sa tuwing natanggap nila ang mga tawag ko ngayon. At ngayon na narinig mo na ang lahat ng ito, magmamatigas ka pa rin ba at hindi ka pa rin hihingi ng tawad?" Sabi ni Tyson gamit ang malalim na boses. Natigilan naman si Kaena sa kaniyang mga narinig. Bumuka ang kanyang bibig, tila may nais na sabihin ngunit mabilis din niyang itinikom iyon. "H-hindi ba ito pambu-bully? Hindi naman mali ang sinabi ko, ah." saad ni Kaena. Wala ng oras pa si Tyson para bigyang pansin ang sinabi ng kaniyang kapatid. "Bibigyan kita ng isang oras. Kapag hindi mo pa rin ito inilabas sa publiko makalipas ang isang oras ay ipapadala ulit kita sa Mental Health Center dahil sa sakit mo sa pag-iisip. Mas mapapadali nito ang

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 135

    "Totoo? Ang totoo ay buong network na ang pumupuntirya sa iyo ngayon. Alam mo ba na ang lahat ng mga kalokohan na ginawa mo noon ay nailabas na sa Internet? Maging ang mga video na kuha noon ay nandoon na lahat!" Galit na sabi ni Tyson. Paano namang hindi malalaman ni Kaena ang tungkol doon? Kaagad nga niyang binasag ang sariling telepono nang makita niya kaagad ang balita. "Kuya, ngayon ay nakita mo na kung ano ang tunay na mukha ng malanding iyon. Gusto lang niyang sirain ang pamilya Ruiz at pati na rin ako! Dinala na niya ako sa isang mental hospital, pero hindi pa rin niya ako tinatantanan." saad ni Kaena. Nanatili namang malamig ang tingin sa kanya ni Tyson. "Ang lakas naman ng loob mong sabihin iyan? Kung hindi mo sana iginiit na ilabas ang mga salitang iyon sa social media, sa tingin mo magkakaroon ka pa ng problema ngayon?" Hindi pa rin natitinag si Kaena, kasabay ng pag-hikbi ni Diana. Ngunit si Tyson ay hindi nakaramdam ng kahit na anumang pagkabalisa. Kakaiba

  • Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband   Chapter 134

    "Napanood ko na ang lahat ng mga lumabas sa balita nitong nakaraang dalawang araw, at labis talaga akong nababalisa dahil dito. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sana lang ay maging mas kalmado pa ang lahat. Wala namang masamang intensyon si Miss Ramirez. Hindi ko naman dinadamdam ang mga ginawa niya. Masyado lang siyang nahumaling kay Tyson noon. Medyo nakakaawa din naman siya, kaya dapat ay itigil na ang lahat ng usap-usapan tungkol sa kanya." saad ni Diana sa kaniyang post. Ang mga sumusunod doon ay lahat na ng mga salita na pabor sa kanya, na para bang si Mariana ay isang hindi mapagpatawad at isang taongmakasalanan. “Si Diana na nga ang nakumpurmiso, tapos pinagtatakpan pa rin niya si Mariana.” "Kung ikukumpara kay Diana, hay nako, wala lang itong si Mariana, e.” "Tama ka diyan! May lakas ka pa talaga ng loob na sabihin na si Diana ang kabit, ha. Kung ako iyon, pipiliin ko rin talaga si Diana, ‘no!" ... Nasa mga bisig ni Mavros si Mariana nang niya ang post n

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status