Share

Kabanata 3

Kabanata 3

MATIPID na ngumiti si Hover habang pinanonood si Harmony na kausapin ng coach nito. Ito kasi ang captain ng women's football team ng kanilang school at sa mga nakalipas na linggo, bugbog na ng trainings ang team dahil sa nalalapit na inter-school competition.

Hover knew how important this game is for Harmony. Ito ang last season na makakalaro ito bago sila magkolehiyo kaya naman pagkatapos ng klase niya, nagpapaiwan siya sa school para samahan ito sa practice. Gusto niyang ipakita ang suporta rito kahit sa mga simpleng paraan lamang.

Nilabas niya ang kanyang phone at piniling pakinggan ang mga bagong diskubreng kanta ni Germania. Inuna niya ang pinakanagustuhan nitong Fade ni James Arthur. 

Umismid siya nang madinig ang simula. Sa isip-isip ay ang mahilig talaga sa depressing songs ng kapatid niyang iyon. He never liked songs with such lyrics but if it's Germania who's recommending, surprisingly, he's enjoying the songs. Kahit gaano pa kasakit ang lyrics. Besides, Germania is too young to understand the lyrics on a deeper level, right?

Binalik niya ang tingin kay Harmony na seryoso ang ekspresyong nakaguhit sa mukha. Tumikhim siya at pinagmasdan itong mabuti. Her hair is properly tied up and she's already sweaty yet she still managed to be the most beautiful. Wala namang duda kung saan nagmana. Her mommy Eunice is a wonderful and gorgeous woman. Head nurse ito sa ospital kung saan nagtatrabaho ang mommy Yrah niya.

He took in some air and suppressed his smile as he stared more at Harmony. Suot ang dilaw na Ducani number seventeen, hawak nito ang bola ng football habang nakatutok ang atensyon sa coach nito.

She really can slay both in worlds. Be her the miss prim and proper or the angsty version, Harmony is a real beauty. Hindi na siya nagtataka kung bakit maging mga nasa kolehiyo, dinarayo ang school nila para lang makilala ito.

He watched her carefully while he's listening to Ania's new favorite songs. Kumukunot-kunot ang noo ni Harmony kapag may tila sinasabi ang coach at ibang kasamahan. She'd listen in an attentive manner, pagkatapos ay ito naman ang magsasalita tungkol sa ideya nito.

Bumuka ang bibig ni Harmony at nagsimulang magsalita. May tinuro ito sa mga kasamahan, tila may position na nais nitong gawin ng kanilang team. Hindi naman ito pinigilan ng coach. In fact, he looks amused with Harmony and her ideas. Laging ganoon. Palibhasa ay bata pa lamang, lumaki nang nililibot ang mundo kasama ang buong pamilya tuwing may international competition ang amang myembro ng Huskeez. Now her father is coaching the national football team.

Nang matapos ang pag-uusap ng mga ito, dumapo sa kanyang gawi ang tingin ni Harmony. Her lips automatically curved upward and her expression lighten up when she saw him. Ngumiti siya pabalik saka siya umayos ng upo.

Kumaway ito kaya tinaas din niya ang kanyang kamay. Mayamaya'y napagawi rin sa kanyang direksyon ang tingin ng teammates nito. They started teasing her until her cheeks are already red. Hover pursed his lips together. She really is so cute when she's blushing. Sana lamang ay hindi ito madistract ng pang-aasar ng mga kasamahan. Hindi talaga ito sanay kapag inaasar sila ng mga tao dahil sa closeness nila.

Nagpatuloy ang practice game nina Harmony. Hindi nagtagal, nakadama ng tapik sa balikat si Hover. Inangat niya ang kanyang tingin sa kapatid ni Harmony na si Keison. Halatang galing din ito sa matinding ensayo, iyon nga lang ay sa gym ng school nagstay ang team nito ngayon para sa strength training.

Keison is of the same age as the triplets, pero dahil maagang nag-aral si Keison ay ahead ito ng isang taon kina Germania. Matangkad din ito at gaya niya, nagkakaroon na rin ng hulma ang katawan. Habang tumatanda nga ito ay lumalabas ang matinding pagkakahawig sa amang si Keios Ducani.

"Bro, pasensya na last week." Seryoso nitong ani bago naupo sa kanyang tabi at kinandong ang gym bag nito. Nakaputi na itong t-shirt at itim na shorts, ang buhok ay basa dahil bagong ligo.

Inalis ni Hover ang kanyang airpods. Nadinig niya naman ang sinabi nito dahil isa na lamang ang nakapasak kanina, ngunit tumikhim lamang siya saka mahinang tumango. Alam niya ang tinutukoy nito. Ang double date nito kasama ang mga kapatid niya.

Keison rested his elbows on his thighs. "Gusto ko lang samahan si Germania, and I want to show her I'm serious about what I told her."

Nagsalubong ang mga kilay ni Hover at ang panga niya ay gumalaw. "Bakit? Anong sinabi mo kay Ania?" 

Damn, he sounded mad. Hindi iyon ang intensyon niya kaya lang sa tono niya ay nagtunog naiinis siya. Okay, maybe he is mad. Hindi niya maipaliwanag nang maayos kung bakit pero iyon nga siguro ang nadarama niya. He isn't pleased with the idea of Ania being with some guy.

Tumikhim si Keison at seryosong sinalubong ang kanyang mga mata. Hindi ito nagpakita ng pagdadalawang isip nang sagutin ang tanong niya.

"I like her so much and I really wanna court her."

"Puta." 

Hindi inasahan ni Hover ang murang lalabas sa bibig niya. Maging siya, kinagulat ang nasabi niya. He was surprised, alright? Biglang umarangkada ang emosyon niya. His heart felt wild inside his chest, and it's waking up his anger...and something he isn't sure at all if he's ready to recognize.

Is it a brother's overprotective instinct? 

Or is it the j word he shouldn't be feeling?

Lumunok siya at iniwas ang galit na tingin kay Keison. Sinubukan niyang kalmahin ang kanyang sarili. Hinanap niya sa field si Harmony, umaasang kakalma ang puso niya kapag nakita niya na ito ulit pero hindi. Ang dibdib niya, tila nagsimulang bumigat at ang kanyang mga kamao ay unti-unting kumuyom.

"Look, I know we're still young but—"

"Very young." Umigting ang panga niya at dumilimcang kanyang ekspresyon. "Ania is still very young."

Humugot ng hininga si Keison. "That's why I want her to know that I am willing to pursue her this early so she'd know my attention will always be on her. Ayaw ko siyang magselos sa iba at ayaw ko ring may umaligid pang iba sa kanya."

Inis siyang ngumisi at matalim na tinitigan si Keison na hindi man lamang nagpakita ng pangingilag. Tila wala talaga itong balak bawiin ang sinabi sa kanya. Sa mga mata nito, malinaw niyang nakikitang paninindigan nito ang sinabi kahit anong mangyari.

His heart felt heavier. Ayaw nitong may umaligid pang ibang lalake kay Ania? Gusto niyang matawa...at mambugbog. Ayaw niya ring may umaaligid kay Aniang ibang lalake...at kasama roon si Keison.

But then, reality hit him hard. Kahit baliktarin ang mundo, wala siyang magagawa oras na pumatol na si Ania rito.

Sumikip yata lalo ang dibdib niya. What if Keison will really take Ania seriously? Will he be ready to see her with Keison?

Napahigpit lalo ang pagkakakuyom ng mga kamao ni Hover. Hindi niya makapa sa kanyang isip kung bakit ba nagagalit ng ganito ngayon ang kanyang puso. Hindi niya madaya ang kanyang sarili dahil alam niyang masyado siyang OA magalit kasi kuya siya.

A part of him screams it's not entirely the reason. Ang pagiging kuya niya? Tila front lamang ng kanyang isip upang ikubli ang katotohanan.

Katotohanang hindi niya maaaring tanggapin.

"MAGANDA?" Mahina ang tinig na tanong ni Ania kay Hover habang pinakikinggan nila ang bagong kantang nahanap nito. Naroroon sila sa may harap ng bahay. Nakaupo sila sa kanyang longboard habang nakapasak ang earphones sa kanilang tainga. 

Hover looked at Ania's innocent eyes while he's listening to the part that says, 

'Do you know where your heart is

Do you think you can find it

Did you trade it for something, somewhere

Better just to have it'

The lyrics hit differently as he stared at her. Hindi alam ni Hover kung bakit may init na yumakap sa kanyang puso habang nakatitig kay Ania. Hindi niya maipaliwanag at ni katiting, hindi siya handang isatinig.

Tumikhim siya. "OneRepublic?"

Ania flashed a slight smile but it was enough to put his heart in total chaos. "Maganda?"

Hover unconsciously scanned her face until he found himself looking at her tender and pinkish lips. Dumaloy ang kuryente sa kanyang katawan at ang dibdib niya ay lalong nagwala.

She's really something. Magkakamukha ang tatlo pero si Ania? Kapag tinitignan niya ito, nakikilala niya kaagad. Tila ba hindi lamang ang mga mata niya ang nakakaalam kung hindi ang buo niyang sistema. He is familiar with her voice, her touch, even with the way she looks at him. 

Pamilyar ang lahat ng tungkol kay Ania sa kanya. Siya lamang ang hindi pamilyar sa epekto nito sa sistema niya. Magkapatid sila pero ang closeness nila, hindi niya maikumpara sa kung anong mayroon siya sa iba nilang kapatid.

Tila ba pagdating kay Ania, nakakalimutan niyang isa siyang Lindstrom at kuya siya nito.

Kusang umangat ang sulok ng kanyang mga labi at wala sa sarili niyang ibinalik ang tingin sa mga mata ni Ania habang hinahawi ang buhok nito patungo sa likod ng tainga. He is getting bewitched again, but it's too late for him to rescue himself.

Their eyes locked and his lips formed the kind of smile he never thought would ever find its way to his lips. Iyong ngiting kahit kay Harmony ay hindi niya pa naibigay.

"Maganda..." He whispered without tearing his gaze at her enthralling pair of eyes.

Ania's smile stretched wider and it made his heart thrum louder. Tila nais na nitong tumalon palabas patungo sa kandungan ni Ania at hindi niya maipaliwanag kung bakit.

Tahimik na napahugot ng hininga si Hover nang sumandal si Ania sa kanyang balikat habang pinagmamasdan nila ang bilog na buwan. 

He knew. He wasn't talking about the lyrics. He is referring to Ania when he said the word beautiful...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status