Share

Kabanata 4

Kabanata 4

BANGUNGOT. Dinalaw na naman si Hover ng bangungot na kahit yata ilang taon na ang nakalipas, hindi na siya lulubayan. Napaniginipan na naman niya ang mga nangyari noong maliit pa siya. Kung paano siyang pinaglaro ng mga baril at hinayaang makita mismo ng musmos niyang mga mata ang pagkamatay ng napakaraming tao.

He promised himself that someday, he will get over his past, but up until now he's not even halfway from moving on. Seventeen na siya pero ang pagdalaw nila sa psychiatrist ay patuloy pa rin isang beses kada dalawang linggo. Kung ayos naman ay isa lamang sa isang buwan.

Pinakawalan niya ang hangin sa kanyang dibdib saka siya lumabas ng kanyang silid. Tahimik na ang buong bahay ngunit nang patungo siya sa kusina para uminom ng tubig, humihikab na lumabas ng kwarto nito si Germania.

She paused for a moment and raked her fingers onto her shoulder-length dark hair. Suot nito ang cream silk pj's at ang cute na furry slippers. 

"Bakit gising ka pa?" Hindi niya naiwasang itanong.

"I had a bad dream." 

Naglakad ito patungo sa baba ng hagdan hanggang sa marating siya. "Ikaw rin ba?"

Hover simply nodded his head. "Gusto mo ba ng fresh milk?"

Ania smiled a little. "I'm actually planning to get myself a glass of it para hindi ako mahirapan matulog."

Alam niya iyon. Whenever Ania finds it hard to get back to bed, naghahanap ito ng gatas upang antukin. Nang magtungo sila ng kusina, pinaupo niya ito sa stool at siya na ang kumuha ng dalawang baso. He changed his mind. Gusto na lang din niyang magfresh milk gaya ni Ania.

Nadarama niyang pinanonood siya nitong kumuha ng gatas sa fridge. Nang lingunin niya, kusang umangat ang sulok ng kanilang labi para ngitian ang isa't-isa. 

It's always been like that, as if they have this silent cue inside their heads that whenever they suddenly look at each other, they unconsciously smile—and that just feels good every damn time for Hover. May kung ano sa mga ngiti ni Ania na nakapagdadala ng init sa kanyang puso.

Nilabas niya ang karton ng fresh milk saka nagtungo sa tabi nito. Pinatong niya ang dalawang baso sa counter top at nagsimulang magsalin habang si Ania ay tahimik na naghihintay.

"Anong napaniginipan mo?" She asked.

Hover pushed the glass of milk towards her. Kinuha naman agad ni Ania at ininom habang hinihintay ang tugon niya.

Hover breathed out heavily. "Same old brand new stories. Alam mo na. Iyong mga dapat nang kalimutan."

Ania placed the glass back on the table and licked the milk stains on her lips. Wala sa sariling bumaba ang tingin ni Hover sa mga labi nito. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at pakiramdam niya, nagslow motion ang paligid. All his attention suddenly focused on how the tip of Ania's tongue rolled on the corner of her lips.

He snapped back. Napaiwas siya agad ng tingin sak siya tumikhim. "Ikaw? Anong napaniginipan mo?"

Muli niya itong tinignan sa mga mata nang bumuntong hininga ito saka mapaklang ngumiti. "I dreamed about something that scares me the most."

"What is it?"

Gumuhit ang lungkot sa mga mata nito. "Our family getting destroyed...at ako ang sumisira."

Nahimigan niya ang lungkot sa tinig nito. Hindi niya napigilan ang sariling hagurin ang likod nito saka niya matipid na nginitian. "That'll never happen, Ania. You've always been the nicest child to our folks."

"But...what if someday I will?" Her brows furrowed and her eyes went softer. "I can't afford to see Daddy mad and mommy crying. Na...natatakot akong saktan sila."

"Ania, that's so impossible. Hindi ka naman gagawa ng ikasisira ng pamilya natin hindi ba?"

She pursed her lips together and shook her head. "Of course not."

"Good." He flashed a weak smile. "Kaya huwag ka munang magboyfriend."

"Oh, wait lang bakit naman napunta na naman sa pagbo-boyfriend?" 

Ngumisi siya at inipit ang tungki ng ilong nito bago siya marahas na bumuga ng hangin. "Basta huwag muna."

"Ba...Bakit ikaw? Si ate Harmony?"

Kumabog ang dibdib niya. Hindi niya gusto ang lungkot na dumaan sa mga mata ni Ania. Not that he got angry because she thinks there's something going on between him and Harmony already. It's because of something else. Tila ayaw ng puso niyang nag-iisip ito nang ganoon at ayaw niyang nakikitang nalulungkot ito.

"Wala kaming relasyon. Hindi ko siya girlfriend."

"But Keison said you have plans to take her to prom. Hindi ba magkarelasyon ang umaattend ng prom na magkasama?"

"Minsan oo, minsan hindi."

She pouted, tila hindi satisfied sa tugon niya. "So you lie somewhere in between? I mean you're not a couple but...you have some plans to pursue her someday?"

Lumamlam ang kanyang mga mata. Naroon na naman ang lungkot sa mukha ni Ania at ayaw niya iyon. Hindi niya makapa sa isip niya ang rason kung bakit pero ayaw niyang nagkakaganoon ito dahil sa kanya.

He sighed and just decided not to answer. Kinuha niya ang kanyang baso ng gatas at inumpog nang bahagya sa baso ni Ania. "Cheers."

Lalo itong sumimangot at ang mga mata ay bumagsak sa mga palad. "Huwag ka munang mag-girlfriend. W—Wait 'til I'm ready."

Biglang nagwala ang dibdib ni Hover. Natigil ang kanyang pag-inom ng gatas at nabiglang lagok niya ang nasa kanyang bibig. What did Ania say? Hintayin niya itong maging handa?

"R—Ready to what?" Fuck. His voice trembled.

Ania bit her lower lip. Uminit ang pisngi nito at marahas na nagtaas-baba ang mga balikat. "T—To see you with an official girlfriend. Parang...parang ang hirap kasing maimagine. I got so used to us being the closest and...and it's scary to think that one day, you're gonna have to spend most of your times with someone really special to you."

Parang sinipa ang dibdib ni Hover habang pinagmamasdan si Ania. Ang mga salitang binitiwan nito, para bang mga punyal na isa-isang binaon sa kanyang puso. She doesn't want him to be with someone yet. He's getting confused but his rational brain keeps rejecting the idea his heart wanted to tell him.

Nilunok niya ang namuong bara sa kanyang lalamunan. "Ania—"

"B—But it's okay, I mean if you really really like her, ayaw ko naman maging kj." She smiled but it made him feel worse because it didn't reach her eyes. "Just...just let us know before you become official."

Napahugot ng malalim na hininga si Hover. Hinawi niya ang buhok nito patungo sa likod ng tainga saka niya pinanatili ang kanyang kamay sa likod ng ulo nito.

"Would you like to try that korean cafe tomorrow?" Masuyo niyang tanong.

Her face lighten up. "Would you...go with me?"

Hover smiled and jerked his head up. "And uhm, showing na pala iyong gusto mong movie, 'di ba? Ano na ulit title no'n, Ania?"

"Midnight Sun. It's PG-13 so I can watch it already." Excited nitong tugon, mukhang nalimutan na nga ang pag-uusap nila kanina.

"Hmm, how about we finish our milk and then let's go back to bed so we can wake up early to see that movie tomorrow? Wala namang pasok kaya pwede siguro tayo pumunta?" Tanong niya.

Kumislap sa tuwa ang mga mata ni Ania at ang mga labi ay lumawak ang kurba. "Seryoso ka?"

Mahinang tumango si Hover habang matipid na nakangiti. "Yup." Kinuha niya ang baso at inangat. "You better finish it all."

Mabilis na tumango si Ania saka nito ininom ang gatas. Mahina na lamang na natawa si Hover. Those sparkle in Ania's eyes made his heart feel good. He doesn't know why but it brings a different level of fulfillment whenever he manages to make her this happy. One thing is for sure, thou. He's fulfilled as a man not just as a brother.

"CAN YOU STAY FOR A LITTLE WHILE?"

Napakurap siya habang nakatingin kay Ania na nasa loob na ng kwarto nito. Huminga ito ng malalim at tila nagdadalawang-isip na muling nagsalita. "Can we listen to the new song I just saved before we go to bed?"

Sandaling nag-isip si Hover. Kung sabagay ay siguradong hindi pa siya agad makakatulog. Lumunok siya at matipid itong nginitian. "Sure."

Ania smiled back. Nagtungo ito sa kama at kinuha ang phone at earphones sa drawer ng side table. Mayamaya'y humiga ito sa kama, ang ulo ay nasa gilid na kung saan pinili ni Hover na sumandal. Sumalampak siya sa sahig at ang isa niyang braso ay kumalso sa kama ni Ania.

Ania's hair fell on the edge. Nakaharap naman ang ulo niya rito habang magkasalo sila sa earphones. Tanging liwanag lamang ng dim lights ng kwarto at ng cellphone ni Ania ang ilaw nila ngunit sapat na iyon kay Hover para makita niya nang malinaw kung gaano kaganda si Ania.

She's turning into a lady already and it's scary to think that one day, mawawalan na siya ng kakayahang pigilan itong makipagrelasyon. Nadama niya bigla ang parehong pakiramdam na nakita niya sa mga mata nito kanina. Now he gets it. Hindi lang si Ania ang ayaw na may pumasok na isa sa kanila sa relasyon sa iba. He is scared, too to see her with someone. Be it with Keison or somebody else.

Ania played the song and placed her phone on her chest. Tumitig ito sa kanyang mga mata habang nagsisimulang tumugtog ang malamyos na musika.

Hover's eyelids went heavy but his heart almost exploded with all the sensations only Ania can make him feel. Hindi niya napigilan ang sarili. Hinaplos niya ang buhok nito at pinanood kung papaanong pumungay ang mga mata habang matamang nakatitig pabalik sa kanya.

They didn't talk. They just listen to the song, 'Say You Won't Let Go', while staring at each other's eyes. Kung normal bang bumilis ang tibok ng puso niya at magwala ang buo niyang sistema dahil kay Ania at sa pakiramdam na dulot nito sa kanya, hindi niya na alam. Right now, he doesn't want to care.

She breathed in and lifted her hand to bring it to his face. Nang lumapat ang palad ni Ania sa kanyang pisngi, hindi niya napigilan ang sarili. He held it and kissed her pulse before he flashed a slight smile at her.

"Go to sleep. Hihintayin kong makatulog ka bago ako lalabas." He whispered.

Ania smiled and gently stroke her thumb against his cheek. Mayamaya'y huminga ito nang malalim saka ibinaba ang kamay. Sumara ang mga mata nito at tahimik na pinakawalan ang hangin sa dibdib.

"I wish we could be like this often..." She uttered softly with a hint of worry.

Ayaw niya ng tono nito at gusto niya iyong pawiin. This night is already perfect and he wanted it to end well. Nilunok niya ang namuong bara sa kanyang lalamunan bago niya binaba ang ulo upang dampian ng masuyong halik ang noo ni Ania bago siya bumulong.

"We can." He stroke her hair. "Goodnight, Ania."

"Goodnight...Hover."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status