Share

CHAPTER 28

Auteur: Whora Bolyna
last update Dernière mise à jour: 2025-06-26 23:55:58

Habang nagdadrive ay naisip nanaman ni Althea ang sinabi ni Lucy na mag-ingat siya. Siguro nga ay dapat siyang maging alerto mamaya. Baka may balak din ang mother-in-law niya na ihulog siya sa dagat dahil nalakihan sa 150 million compensation na hinihingi niya.

'Kulang pa nga yun sa pagtitiis ko sa kanila sa mahabang panahon.'

Noong umpisa palang ay hindi na sila magkasundo ng ina ni Hendrix. Tulad sa mga cliche na mga palabas sa TV, mababa ang tingin si Mirasol Bonaventura sa family background niya, kaya lagi nitong sinasabotahe ang relasyon nila ni Hendrix noong nagdedate palang sila. At kahit noong kasal na sila ni Hendrix ay lantaran pa din nitong ipinapakita na hindi siya nito gusto. Patunay na roon na hindi siya pinatuloy nito na tumira sa mansion ng mga Bonaventura, kaya sila humiwalay ng bahay ni Hendrix. At tuwing may mga okasyon, kapag pumupunta sila ni Hendrix para bumisita ay puro pasaring ang nakukuha niya mula rito.

Maliban doon ay hindi naman siya sinaktan nito ng pis
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 28

    Habang nagdadrive ay naisip nanaman ni Althea ang sinabi ni Lucy na mag-ingat siya. Siguro nga ay dapat siyang maging alerto mamaya. Baka may balak din ang mother-in-law niya na ihulog siya sa dagat dahil nalakihan sa 150 million compensation na hinihingi niya. 'Kulang pa nga yun sa pagtitiis ko sa kanila sa mahabang panahon.' Noong umpisa palang ay hindi na sila magkasundo ng ina ni Hendrix. Tulad sa mga cliche na mga palabas sa TV, mababa ang tingin si Mirasol Bonaventura sa family background niya, kaya lagi nitong sinasabotahe ang relasyon nila ni Hendrix noong nagdedate palang sila. At kahit noong kasal na sila ni Hendrix ay lantaran pa din nitong ipinapakita na hindi siya nito gusto. Patunay na roon na hindi siya pinatuloy nito na tumira sa mansion ng mga Bonaventura, kaya sila humiwalay ng bahay ni Hendrix. At tuwing may mga okasyon, kapag pumupunta sila ni Hendrix para bumisita ay puro pasaring ang nakukuha niya mula rito.Maliban doon ay hindi naman siya sinaktan nito ng pis

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 27

    Sa mga sumunod na araw ay mas naging maingat na si Althea. Hindi siya lumabas ng bahay dahil baka hindi pa din nawawala ang pagdududa ni Hendrix at pinasusundan pa din siya.Nakakatakot ang naging reaksyon nito nang malaman ang pagbili niya ng condo, pero at the same time ay pinaghahandaan din niya ang magiging reaksyon ni Hendrix kapag nalaman na nito ang tungkol sa annulment. Siguradong mas nakakatakot ang reaksyon niya rito.Kaya nga nagpasya siyang magbakasyon. She's hoping that her time away on a trip would give him time to calm down.Iniisip din ni Althea na baka ito rin ang gusto ni Hendrix. Hinihintay na siya ang magkusang makipaghiwalay rito. Ilang linggo na rin naman ang nakakaraan simula ng pinag-usapan nila ang annulment na nagalit ito, sa pagkakataong ito ay mukhang mas seryoso na ang relasyon nila ni Iris dahil bukod sa babaeng iyon siya umuuwi, ibinigay rin ni Hendrix dito ang posisyong iniwan niya sa kompanya knowing how important that department for her. Ipinagkakalat

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 26

    APAT na oras pa bago naisipang umuwi ni Althea. Nang makita niya ang pamilyar na sasakyan sa harapan ng residential complex ay agad siyang napaapak sa brakes.Nakabukas ang bintana ng kotse nito at nakita niya si Hendrix na naninigarilyo. He does that to calm down when he's mad. Absolutely mad.Habang ipinapark niya ang kotse niya sa tabi ng sasakyan nito ay nag-iisip na siya ng sasabihin dito.Bumaba siya sa kotse niya at pumasok sa loob ng sasakyan ni Hendrix, he looked absolutely terrifying, pero she's trying to stay calm."What are you doing here? Are you following me?” Inunahan na niya ito.Hendrix picked his phone up from the dashboard and threw it into her lap. “Explain this.” Galit na utos nito.Tiningnan niya ang cellphone ni Hendrix at nakita niya ang listahan ng residente ng Sky Haven. "I’ve worked hard for years, and saved money. What’s wrong with buying myself a place? Sariling pera ko naman ang ginamit ko sa pagbili, kahit katiting ay hindi ko pinakialaman ang pera mo.”

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 25

    Paalis na sana si Hendrix para puntahan ang address na ibinigay sa kanya ng tauhan niya nang makitang nasa likuran na pala niya si Iris at mukhang narinig ang pinag-uusapan nila ng kausap niya sa cellphone."Don't tell me pupuntahan mo nanaman siya? Why do you still care about that woman? Don't tell me what you still love her?" Lumapit ito kay Hendrix at niyakap siya. "Can you not leave? Pinagalitan mo ako sa harap ng lahat kanina, it hurts my feelings. I need you here." Paglalambing nito.Hindi pa din maitago ni Hendrix ang pagkainis niya sa nangyari kanina, kaya inialis nito ang nga kamay ni Iris na nakapulupot sa kanya. "Ulitin mo ang proposal mo. Take it seriously at kung may hindi ka maintindihan, ask help from the other team members." Bilin nito at iniwan na niya ang kalaguyo.Galit na bumalik si Iris sa opisina niya at pinagtatapon ang mga gamit niya."Magtanong sa ibang team members? Sinasabi ba nyang mas magagaling pa ang mga pobreng iyon sa akin?" Maliban sa mataas ang tingi

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 24

    KINABUKASAN, itinuloy ni Althea ang plano niya. Pumunta siya sa University na pinapasukan nila noon ni Hendrix. Linggo kaya walang masyadong tao.Malaya siyang nakapaglakad, at sinasariwa ang bawat ala-ala na meron sila ni Hendrix sa University. Sinilip niya ang dati nilang mga classrooms, ang bench na madalas nilang tambayan kapag lunch o di kaya nagrereview. Ang basketball court kung saan parati siyang nagchecheer kapag may laro si Hendrix, at pati na rin ang puno sa likod ng art building kung saan sila madalas tumambay para masolo ang isa't isa. Ang punong ito ang naging saksi sa pagmamahalan nilang dalawa. Ilang halik, yakap, at matatamis na pangako ang nasaksihan ng punong ito.Umupo si Althea, sa isip niya ay ito na ang huling beses na uupo siya sa silong nito, at pagkatapos ay may hinukay siya roon hanggang sa makuha niya ang isang maliit na kahon. Noong nag-aaral pa sila rito ay may ibinaon silang dalawa ni Hendrix na time capsule na dapat ay bubuksan nila after 20 years. 'M

  • THE ABANDONED WIFE'S GRAND REVENGE    CHAPTER 23

    Nang matapos na siyang kumain ay chineck ulit ni Althea ang cellphone niya kung nagreply na ba si Arturo na text message niya kaninang umaga, pero wala pa ring kahit na anong reply siyang natatanggap. 'Bakit na ayaw nilang magreply? Gusto ko lang naman na matapos na tong issue sa suit na to para wala ng kahit na anong bagay ang mag-uugnay sa aming dalawa!' Nakarinig ng yapak ng paa si Althea kaya ibinaba niya ang cellphone niya at nagkunwaring nanonood ng TV. “Where did your clothes, shoes, bags, and jewelry go?” Hindi maipinta ang mukha ni Hendrix nang itanong iyon. Kinabahan naman si Althea dahil sa biglaan nitong pagtatanong. Halos lahat ng gamit na inilipat niya sa condo niya ay napansin nitong nawawala. 'Napansin nya na? Hay naku, ano bang nakain ng isang to ngayon at umuwi ng maaga para rito kumain, and now he's checking my side of the closet?' “I sent the clothes and shoes to the dry cleaners. Yung mga bags and jewelry naman are getting a maintenance.” Kalmadong sa

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status