ANNABELLE’s POV
Paglabas ko ng bahay ay kakaripas na sana ako ng takbo papalayo nang makasalubong ko naman si Ate Angelica. Nagtataka siyang napatingin sa akin habang hawak niya ang cell phone niya na nakalapat pa sa tainga niya kaya halatang may kausap siya.Nagtataka ko rin siyang tiningnan. Kausap niya na naman ba si Keith? Ipinilig ko ang nga balikat ko para iwaksi ang katanungan na iyon sa isipan ko. Wala akong karapatan na panghimasukan ang buhay niya. Total naman ay matanda na siya, kaya alam niya na ang tama at hindi.“Where are you going, Belle?” tanong niya pa sa akin.Napakamot ako sa ulo. “Kay Stefano sana, Ate Angel. Mukhang may sakit ang isang iyon, eh. Puwede ba? Tapos na naman ako sa mga gawain ko sa bahay, eh.”“Pero nandito pa si Cedric, eh.”“Eh?” Ano naman ang connect ng boyfriend niya sa pag-alis ako? Ah, oo nga pala. Bigla kong naalala ang dahilan.Napatingin ako kay Ate Angelica. She has everything. Nasa kaniya na lahat ng magagandang bagay na hinahangad ng isang babae. Kayamanan, kagandahan, magandang katawan, mapagmahal na mga magulang, at mapagmahal na boyfriend. Pero kung may maipipintas man ako sa kaniya, iyon ay hindi siya marunong makuntento sa isa. Sabagay, lahat yata ng magaganda ay kaugali niya. Tama ba ako?Hindi ko rin kasi talaga alam dahil hindi naman ako kasingganda niya, eh, kaya hindi ko alam ang problema niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, at pinisil iyon. Pagtingin ko sa isang kamay niya ay naroon ang cell phone at kasalukuyan na nasa linya pa si Keith. Hindi ko talaga alam ang gagawin sa isang ito.Gusto ko mang magreklamo pero hindi ko magawa dahil panigurado na kung ano-ano na naman ang sasabihin niya sa akin. Iniwasan ko ang mapakamot sa ulo. “Ano ba ang gusto mong gawin ko, Ate?”“Stay here na lang muna, but you can go kapag umalis na rin si Cedri—” Ang sasabihin sana niya ay hindi natuloy dahil ang taong pinag-uusapan namin ay papunta na sa gawi namin. Halos magkumahog pa si Ate Angel sa pagtago ng cell phone niya. Halata ang pamumutla ng mukha niya kaya naman kahit ang awkward pa rin ng sitwasyon namin ni Rik dahil sa aksidente kanina ay lumapit na lang ako sa kaniya. “Pauwi ka na ba?” Inalis ko ang pagkailang na nararamdaman ko, kahit pa nga ang totoo ay kumakalabog nang husto ang puso ko. Bakit kaya kapag nasa harap ko ang isang ito ay kumakabog nang husto ang puso ko? Gusto ko lang naman siya.Lumingon ako sa gawi ni Ate Angelica na wala pa rin yata sa wisyo dahil kamuntikan nang mahuli. Ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Cedric at halos mapatalon pa ako nang makita kong nakatingin na siya sa akin. “Aalis ka ba?” tanong niya sa akin. Matapos noon ay sumulyap siya kay Angelica. “Are you okay?”“Yeah. Mainit lang dito sa labas. I just need to take a nap para maging okay ako,” sagot naman ni Ate sa kaniya. “Kung ganoon ay aalis na muna ako. May kailangan din akong asikasuhin sa trabaho. Ihahatid na muna kita sa kwarto mo.” Nilingon ulit ako ni Cedric. “Wait here, okay? Sumabay ka na sa akin.”Tumango na lang ako lalo pa at tiningnan na ako nang makahulugan ni Ate. Hindi nagtagal ay lumabas ulit si Cedric kaya naman naglakad na kami papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at inalalayan pang makapasok sa loob. Hindi ako kumibo habang nasa biyahe. Akala ko ay ganoon din ang gagawin niya pero nagkamali ako. “Hindi mo man lang ba ako iko-congratulate?” Tumaas ang gilid ng labi ko at isang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon. “Para saan naman?” “Bukas ay engagement party namin ni Angelica. Hindi niya pa alam ang tungkol doon, kaya huwag mo munang sabihin, okay?”Hindi agad ako nakapagsalita. May kumirot sa kaibuturan ng puso ko dahil sa nalaman mula sa kaniya. Matinding lungkot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, pero kahit ganoon pa man ay pilit akong ngumiti. Hindi ko puwedeng ipakita sa kaniya na sobrang down ko ngayon. Ayokong malaman niya ang sekreto ko. Ang sekreto ko na gusto ko siya. Napalunok ako ng ilang beses bago ako nagsalita. Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko para lang hindi ako mautal. “Congratulations then.”“Thank you.” Dahil nakatigil ang sasakyan sa harapan namin dahil sa traffic ay huminto rin ang kotse niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na guluhin ang buhok ko. Kung sa ibang pagkakataon ay tinampal ko na ang kamay niya, ngayon ay tila na-drain lahat ng lakas ko sa katawan. “I am wishing you all the best, too, kiddo. Sana ay makahanap ka ng lalaking magmamahal sa iyo.” Wala ako sa sariling umiling. Kung alam lang sana ni Cedric na ayoko sa iba, dahil siya lang ang gusto ko. Ano kaya ang masasabi niya?“What do you want to receive from me?” sa kalagitnaan ng nakabibinging katahimikan ay tanong niya. “Ha?” “Malapit na ang graduation mo. And according to Stefano, ga-graduate ka na may pinakamataas na marka. Hindi mo ba balak na kumuha ng degree?”“Ha?” Napakamot ako sa ulo. “Ah, gusto ko sana.” Ngumiti ako. “Pero saka na kapag kaya ko na.” Ang tinutukoy kong kaya ko na ay ang financial aspects.BS Nursing ang kinuha kong kurso, dahil pangarap ko talagang maging doktor simula pa lang noong bata pa ako. Ang buong akala ko nga ay maabot ko na ang pangarap kong iyon nang ampunin ako ng pamilya Artemis, pero nagkamali ako. “Sabihin mo sa akin kung ano ang maitutulong ko,” saad niya sa akin. Ngumiti na lang ako at hindi na nagsalita. Sumandal ako sa bintana at pumikit. “BAKIT ang unfair ng mundo?” Malakas akong bumuntonghininga matapos ko iyong itanong kay Stefano.Nandito kami ngayon sa favourite restaurant niya. Dito niya ako dinala matapos niya akong puntahan sa bahay nila. Nang makarating kasi ako sa bahay ng mga Arkanghel ay wala siya kaya naghintay pa ako roon ng kalahating oras. Ang totoo ay welcome ako sa bahay nila. Mabait ang parents nila kahit pa nga mayaman sila. Paborito nga ako ng mommy niya, eh. “Ikaw lang, eh. Puwede ka namang umalis sa nga Artemis, total naman ikaw na gumagawa ng paraan para makapag-aral ka. Kaso ikaw naman itong ayaw. We can help you. Nag-offer pa nga si Mommy sa iyo ng condo, pero ayaw mo naman. Magulo ka rin, eh, no?”Sinimangutan ko siya. “Pamilya kasi ang gusto ko, at hindi condo.”“Ang tanong, itinuturing ka ba nilang pamilya?” Hindi ako nakasagot sa tanong niyang iyon. “See? Hindi ko nga alam kong bakit kailangan na magsama ang pamilya namin at pamilya nila, eh.”“So, totoo nga?” “Yeah. Tomorrow. Napagkasunduan na ng both sides though wala pang alam si Angel sa mangyayari. Ang weird nga, eh.”“Nino?”“Ng parents ko?” patanong na sagot niya sa akin bago ininom ang natitirang mango shake na nasa baso niya. “Bakit naman?”“Malalaman mo mamaya. Baka nga naka-air na sa media, eh.”“Ang ano ba?” Naguguluhan na ako sa pinagsasabi niya. Gusto ko pa sanang magtanong pero kinuha niya ang cell phone niya. May pinanood siya sa gadget na naging dahilan ng pagngisi niya. Tumayo ako para lumapit sa kaniya at ganoon na lang ang pagkagitla ko nang mapanood ang balita!Ang mga Arkanghel, ang pamilya nila Stefano at Cedric ang laman ng balita. At ayon sa babaeng reporter ay nasa delikadong sitwasyon ang kompanya ng mga Arkanghel dahil malapit na itong ma-bankrupt...GABI na nang makauwi ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip ang nalaman ko. Nang tanungin ko naman si Stefano kung okay lang siya ay nakangiti lang siya na para bang hindi siya apektado sa nangyayari sa buhay nila. “Abnormal talaga ang isang iyon,” saad ko pero ang totoo ay nag-aalala ako para sa kaniya at sa pamilya niya. Katulad ng sabi ko ay mababait ang bawat miyembro ng Arkanghel kaya hindi nila deserve ang malagay sa ganitong alanganin na sitwasyon lalo pa at engagement na bukas ni Cedric at ni Ate Angelica. Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang makarinig ako nang nagtatalo kaya naman minabuti kong sa kusina na lang dumaan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kusina kaya naman malaya ko nang naririnig ang dahilan ng pag-aaway ng mag-asawang Artemis. Si Ate Angelica ay nasa couch at umiiyak. “See?! Dapat siniguro mo na muna na walang problema ang mga Arkanghel. But look what is happening! Laman sila ng balita! Nakakahiya! Ayokong magkaroon ng son-in-law na mahirap pa sa daga!” sigaw ni Mommy. Halata sa boses niya na galit na galit talaga siya. “Sa tingin mo, ikaw lang ang apektado sa sitwasyon na ito, Magda?! Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan ko? Na ang nag-iisang anak ko, makakapangasawa ng mahirap? Paano na lang ang kandidatura ko sa darating na election?!”“Seriously, Dad?” umiiyak na sabat sa kanila ni Ate Angelica. “Ang pagtakbo mo talaga bilang Senatorial candidate ang concern mo sa mga oars na ito? Hindi mo man lang ba ako naisip? Feeling ko, you betrayed me! Kung hindi pa lumabas ang issue na ito, hindi ko pa malalaman na engagement party ko bukas! I hate you both!”Tumayo si Ate Angelica at nagdadabog na naglakad papunta sana sa hagdan. Pero natigilan siya nang makita niya ako.ANNABELLE’s POV“Damn it! Lasing ka na naman?! Hindi ka ba talaga puwedeng umuwi na hindi lasing?!” tungayaw ko kaagad kay Rik nang umuwi siya. I regret it! I regret choosing him over my dream. Now, I’m suffering. Serves me right, right?Malaki na ang tiyan ko kaya kailangan kong tumigil sa trabaho. I ruined my life because of my love for him. He proposed, then I accepted his proposal because I thought, his feelings would changed.Well, nagbago nga, mas lumala. Lahat lumala. The pain. The suffering.“Shut up, Belle, huh?! Nahihilo ako! Ipagtimpla mo tuloy ako ng kape!”“Damn you! Damn this life! Tingnan mo, wala na nga tayong halos makain dahil sa kagagawan mo, nakuha mo pa ang mag-inom nang mag-inom!”Ayaw kong magpaawat! I hate it! Gusto ko nang bumitaw na lang sa kaniya at iwan siya! But this damn heart is so stubborn na para bang siya na ang nagmamay-ari nito at hindi ako.“I’m sick of this life, Rik! This is not what you promised me when I accepted your love again! But look what
RIK’s POV“Damn you! Where have you been?! Whole night kang wala, then you were not answering my calls?!!!”Hindi pa man nakakatapak ang paa ko sa loob ng bahay nila Angelica ay bumungad na kaagad sa akin ang malakas na boses niya. I shrugged my shoulder. Angelica is a nagger, no doubt about that. She continued to shout, pero katulad ng nakasanayan ko na ay hindi ko na lang siya pinapansin lalo pa at ang daddy niya ang sadya ko ngayon.I thought she’s done with her tantrums pero hindi pa pala dahil nagulat na lang ako nang sumambulat ang flower vase sa uluhan ko. Agad akong napalingon sa kaniya kasabay ng paghawak sa pisngi kong natamaan ng bubog.“Fuck!” agad kong mura nang makita kong may dugo ang daliri kong ipinampunas sa nasugat kong mukha. “What is wrong with you?!”Honestly, I don’t want to argue with her especially in this kind of state of her. Mahilig mamisikal si Angelica, at iyon ang pinagkaiba niya kay Belle. Sa kaunting pagkakamali ko lang ay agad niya aking sinasaktan.N
ANNABELLE’s POV“I have a daughter. Same age as Angelika, Belle.” Matapos sabihin iyon ni Dra. Capestrana ay ngumiti ito nang malungkot. “I was young and naive at that time. Masiyado akong mapusok at nagbunga ang kapusukang iyon.”Kasalukuyang nasa kotse niya na kami. We left the Artemis’ house matapos kaming ipagtulakan ng pamilya ni Angelika.That family.Marahil ay wala na yatang ibabago ng ugali ang mga iyon.Pero hindi ko maiwasang mapaisip sa inakto ni Papa. As I told before, hindi man siya direktang nagagalit sa akin ay hindi rin naman siya mabait sa akin.Pero kanina habang kaharap si Dra. Capestrana at nakatitig sa kaniya si Daddy ay may nababasa akong hindi ko maipaliwanag na emosyon sa mga mata niya.Maybe, they had a past.O baka si Daddy ang ama ng anak ni Dra. Capestrana. Kamuntikan ko pang makapag-sign of the cross dahil sa naisip ko. Imposible naman na may nakaraan silang dalawa lalo pa at kung tutuusin ay ang laki ng pinagkaiba ng ugali nila.Erase that, Belle.“I don’
ANNABELLE’s POVAng kaninang naguguluhan kong isipan dahil sa inakto ni Drake ay napalitan ng gulat nang pumasok kami sa loob ng opisina niya.I was shocked when I saw the person sitting in front of us.I could not believe that I would be able to see her in person.Sino nga ba ang hindi magugulat kung ang nasa harapan mo ay ang taong matagal mo nang hinahangaan?At walang iba iyon kundi si Doktora Margaret Capestrana!The woman smiled at me when our eyes met.I bit my lower lip. I was taken aback. May kung anong sikdo sa puso ko na hindi ko mabigyan ng paliwanag.Lumapit sa akin ang babae at inilahad nito ang kamay niya sa akin. “It’s nice to finally meet you, Anabelle.” Ngumiti pa ito matapos nitong sabihin iyon sa akin kaya mas lalo akong dinumbol ng kaba.I was starstruck, honestly. Those charismatic look, at sinamahan pa ng classy look. Siya na yata ang pinakamagandang nakita ko sa buong buhay ko.Nagsusumigaw sa kaniya ang salitang success kahit pa nga wala siyang sinasabi. She’s
ANNABELLE’s POVI’m still breathing. Iyon ang alam ko.My heart is still beating. Ramdam ko iyon.Pero para sa akin, patay na ako. Wala akong maramdaman. Manhid na ang puso ko. Manhid na ang utak ko.I tried to end my miserable life, but Trinity saw me kaya naman malakas na sampal ang pinatikim niya sa akin.Sa ginawa niyang iyon ako natauhan, but only that moment, dahil nang makauwi ako sa bahay namin ay doon na naman nagsimula ang delubyo ng puso ko.Nadatnan ko kasing nasa bahay si Rik at Angelica—at hindi lang sila. Marami sila. Mga kaibigan nila. Mga magulang ng bawat isa. At ang mayor na kaibigan ni Rik na siya mismong nagkasal sa amin. They were all looking at me na para bang napaka-imposible na narito ako sa bahay namin ni Rik. Ang tanging consolation ko na nga lang ay wala roon si Stefano.I could not believe that they were celebrating while I was in deep pain and despair. Kaya nga pakiramdam ko noong mga oras na iyon ay lumulubo ang ulo ko dahil sa kahihiyan. I left our hous
ANNABELLES’s POV“Aggh!” ani ko sabay sapo sa ulo ko. Masakit din ang katawan ko lalo na ang nasa pagitan ng mga hita ko—Wait—what?! Kumilos ako... Masakit nga ang nasa pagitan ng mga hita ko!Baki—Oh my God! What did I do?!Nasapo ko ang bibig ko habang nanlalaki ang mga mata ko.Unti-unting bumabalik sa akin ang nangyari kagabi. Oo nga at lasing ako, pero nasa katinuan ako nang may mangyari sa amin ni Rik!At saksi iyon ng kama kung nasaan ako. Iginala ko ang mga mata ko at nakita ko ang ebidensiya na may nangyari nga sa amin ng asawa ko.Ayon! Nasa kumot at bed sheet.Ang bahid ng dugo na nagsasabi na nawala ang virginity ko kagabi sa kamay ng asawa ko.Did I really provoke him para may mangyari sa amin?“Oh my God, Belle! Halos ibinigay mo na nga lahat kung ano ang sa iyo; ang puso mo, pate ba naman ang katawan at kaluluwa mo? Ano pa ang maipagmamalaki mo sa iba?! You’re a piece of shit!”Kulang na lang ay sampalin ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko.Gusto ko mang umiyak pe