Share

Chapter 94

Aleya's Pov

Halos magkasabay lamang kami ni Enrique na pinagbalikan ng malay. Nauna lamang ako ng mga ilang minuto bago siya naman ang nagising. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapaungol dahil sa naramdaman kong masakit na bahagi ng aking ulo. Siguro ay may bukol ako sa ulo kung saan ako hinampas ng baril ng lalaking iyon. Medyo mabigat at parang nangangapal kasi ang ulo ko na tinamaan ng baril.

"Okay ka lang, Aleya? Sinaktan ka ba nila? Nasaan tayo?" dagling tanong ni Enrique nang mahimasmasan na siya. Gusto man nitong hawakan ako para i-check ang katawan ko kung sinaktan ba ako ng mga taong iyon ngunit hindi nito magawa dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakahiga kami sa malamig na sahig.

"Okay lang ako, Enrique. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong may sugat sa ulo dahil malakas ang ginawang pagpalo ng baril sa ulo mo ng taong iyon," mabilis kong sagot sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "At saka nasa loob yata tayo ng isang lumang wareho
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status