Share

Chapter 4

Author: Daylan
last update Last Updated: 2023-07-12 12:33:38

Aleya's POV

Nang makita kong wala na sa kinauupuan niya si Enrique ay agad akong naglakad papunta sa pintuan ngunit mabilis akong hinarang ng kaibigan niya.

"Hindi ka pa puwedeng umalis, Ms. Beautiful. Pero kapag ininom mo ang isang basong alak na ito ay hahayaan na kitang makalabas para masundan mo si Enrique," nakangising sabi sa akin ng kaibigan ni Enrique. Nagtawanan naman ang iba pang mga kaibigan nito habang nakatingin sa akin. Naghahamon ang kanilang tingin na para sinasabi nila na hindi ako makakalabas sa loob ng private na ito kung hindi ko nga iinumin ang alak na ibinibigay sa akin ng kaibigan nila.

Napatikom ang aking mga labi ng mariin. Wala akong oras para makipaghamunan sa kanila. Kapag hindi pa ako lumabas ay baka tuluyang makatakas nga sa akin si Enrique. Kapag nangyari iyon ay hindi lamang ako ang mapapahiya kundi pati na rin si Ninong. Malaki kasi ang tiwala sa akin ni Ninong na hindi ako magagawang takasan ni Enrique katulad ng ginagawa nito sa mga naging bodyguard nito.

"Wala akong panahon na makipaglaro sa inyo," malamig ang boses na sabi ko kay Dave pagkatapos ay muli akong naglakad papunta sa pintuan ngunit muli rin akong hinabol ni Dave at pinigilan sa braso.

"Sabi ko makakalabas ka lang king iinumin mo—ouch! It hurts!" react nito nang hawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at biglang binaliti papunta sa likuran niya at pagkatapos ay tinadyakan ko ang likuran ng kanyang tuhod kaya bigla siyang napa-bend ng kanyang tuhod. Kandawa ngiwi ang hitsura nito at wala na ang anyo ng pagiging mayabang.

Lihim akong napaismid. Hangin lang pala ang laman ng katawan nito. Sayang at malaki pa naman ang pangangatawan. Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Sinipa ko sa likuran niya si Dave papunta sa mga kaibigan nito na nakatunganga lamang. Siguro ay hindi nila inaasahan na palaban ang bogong bodyguard ni Enrique at ang hula ko ay tinutulungan nila ang kaibigan para makatakas sa mga nagiging bodyguard nito.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at dali-dali na akong lumabas sa silid. Malikot ang mga mata ko habang nagmamadali akong naglakad palabas ng bar nguit agad akong napahinto nang makita ko si Enrique na may kausap na magandang babae. Parehong nakatayo ang dalawa at halos magkadikit na ang kanilang mga katawan habang nag-uusap habang iniikot-ikot ni Enrique sa hintuturo nito ang isang keychin na may nakasabit na susi at malamang ay susi ng kotse nito. Nasa akin ang susi ng kotse niya at hindi ko alam na may spare key pala itong hawak.

Ngiting-ngiti ang babae na tila ba siyang-siya ito sa kung ano mang sinasabi rito ni Enrique. Napaismid ako. Malamang ay puro pambobola lamang ang mga sinasabi ni Enrique sa babae para madala nito sa biglang-liko ang babae na mukhang willing namang sumama. Nang mapagawi sa kinatatayuan ko ang paningin ni Enrique ay mabilis akong nagtago sa likuran ng isang lalaki para hindi niya ako makita. At nang tumalikod siya sa akin ay naglakad ako at nilampasan ko lamang sila.

"Siguradong masisiyahan ka sa pupuntahan natin," narinig kong sabi ni Enrique bago ako tuluyang makalayo sa kanila. Alam kong mayamaya lamang ay dadalhin niya ang babae sa loob ng sasakyan kaya sa loob na lamang ng kotse niya ako maghihintay sa kanya.

Pumasok ako sa kotse niya at naupo sa tabi ng driver's seat. Mayamaya nga ay nakita kong naglalakad si Enrique habang ka-holding hands ang babaeng ngayon lamang nakilala. Binuksan nito ang pintuan sa tabi ng driver's seat at walang kaalam-alam na nasa loob ako ng kotse.

"Holy shit!!" nabiglang bulalas ni Enrique nang pagbukas niya sa pintuan ay nakita akong prenteng nakaupo sa loob ng kotse nito.

"Ang tagal mo namang dumating," nang-iinis ang ngiti na sabi ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't nasa loob ka ng private room kasama ang mga kaibigan ko?" nakasimangot ang mukha na tanong sa akin ni Enrique. Halatadong hindi nagustuhan ang kanyang nakita.

"Sa tingin mo ay kaya akong pigilan ng mga kaibigan mo?" nakataas ang kilay na tanong ko rin sa kanya na lalong ikinasimangot ng mukha nito.

"Who is she?" maarteng tanong ng babaeng kasama nito. Inginuso pa niya ako na para bang hindi tao ang itinatanong nito. Sarap namang tapyasan ng kanyang nguso.

"Ako lang naman ang ka-thresome ninyo. Ano? Game ka ba?" nang-iinis ang ngising pinakawalan ko. Nagtagumpay naman akong mainis ang babae dahil bigla itong nag-walkout matapos murahin si Enrique.

Walang kibo naman na pumasok si Enrique sa loob ng kotse pagkatapos ay pinaharurot palayo ang kotse nito. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang ipinasok nito ang kotse sa isang drive-in motel.

"Sinira mo ang diskarte ko at hindi ko naisama rito si Verly kaya ikaw ang magigingkapalit niya. At saka hindi ba sabi mo ay thresome tayo? Bigla siyang nag-walkout dahil sa'yo kaya one-on-one na lang tayo," nakangising sabi ni Enrique sa akin. Kung kanina ay madilim ang mukha nito nang layasan ng babae nito ngayon naman ay bumalik na ang pagiging mapang-akit sa hitsura nito.

"Nababaliw ka na ba, Enrique? Sa tingin mo ay sasama ako sa'yo sa loob?" nanlalaki ang butas ng ilong na sabi ko sa kanya. Subukan lang niyang pilitin akong pumasok sa motel na iyon at talagang babalian ko siya ng buto.

"You have to compensate for my loss, lady," sabi pa nito. Inalis nito ang seatbelt tapos saglit na tumingin sa cellphone ay nag-type. Ewan kung sinong babae naman ang pinadalhan nito ng text messages pagkatapos ay nagmamadaling bumaba ito sa kotse at umikot papunta sa aking side. "Bumaba ka na at nagmamadali ako," utos niya sa akin.

Aba't talagang excited nang makapasok sa loob ng motel ang mokong na'to. Talagang inuubos niya ang pasensiya ko.

"Hindi ako sasama sa'yo sa loob ng motel. Baka gusto mong balian kita ng buto dito pa lang?" inis na tanong ko sa kanya. Sa halip na sagutin ng sinabi ko ay bigla na lamang niya akong hinila palabas ng kotse. Ibinaba lamang niya ako nang nasa loob na kami ng elevator. "Nababaliw ka na ba, Enrique?"

"Shut up and

just follow me," mariing utos niya sa akin. Nanggigigil na sumunod na lamang ako sa kanya. Kapag ginawan niya ako ng hindi maganda at ipilit niya ang sarili niya sa akin ay hinding-hindi ako mag-aalinlangang saktan siya.

Walang kibong sumunod na lamang ako sa kanya hanggang sa nakarating kami sa tapat ng isang silid sa third floor. Walang pakundangang binuksan ni Enrique ang silid kaya nagulat ang dalawang taong nasa loob ng silid. Mukhang pinipilit ng lalaki na hubaran ang babae dahil ang naabutan naming eksena ay hawak ng mabuti ng babae ang damit niya habang nakalarawan sa mukha nito ang takot. Kaagad na inundayan ni Enrique ng sipa ang lalaking nabigla at nahulog sa kama.

"Kuya Enrique! Mabuti naman at dumating ka na," sambit ng babae na biglang yumakap sa binata.

Kuya? Damn you, Enrique! Naisahan mo ako, nanggigigil sa inis na sabi ko sa sarili. Nang tingnan ko siya ay may pilyong ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 97

    Aleya's PovWalang tigil ang pagpapaputok ko ng baril at walang tigil din ang pagbagsak sa sahig ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Ngunit sa malas ay naubusan na ako ng bala. Inis na initsa ko ang baril sa aking harapan."Wala ka nang bala, Aleya? Heto ako mayroon," nakangising kausap sa akin ni Mr. Sebastian kasabay ng pagtutok ng kanyang baril sa akin."Aleya!" sigaw naman ni Enrique na nakatayo na at lumabas na rin sa pinagtataguan niya. Nang makita nito na kinalabit ni Mr. Sebastian ang gatilyo ng baril ay agad itong napatakbo palapit sa akin para harangan ang bala.Kasabay ng pagyakap sa akin ni Enrique ay ang magkakasunod na dalawang putok mula sa hawak na baril ni Mr. Sebastian. Akala ko si Enrique ang tinamaan ngunit nang tingnan ko sa likuran ng binata ay naroon si Cloe nakatayo at may tama ng dalawang bala sa dibdib nito."Cloe!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Mabilis ko siyang dinaluhan nang unti-unti na siyang bumagsak. "Wala ka talagang puso, Sebastian! Pati taong kinil

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 96

    Aleya's PovNaging alerto ang pakiramdam ko habang naglalakad palapit sa amin ang dalawang lalaking nakatutok sa amin ang mga baril at alam ko na ganoon din ngayon si Enrique. Pasimpleng itinaas namin ang aming mga kamay at hinintay na tuluyan silang makalapit sa amin."Gusto niyong makatakas sa amin? Ulol! Hindi mangyayari iyon," singhal ng lalaking sa nakatapat sa akin. Idiniin nito ang dulo ng baril sa aking tagiliran at bahagya akong itinulak. "Sige lakad!" mariing utos niya sa akin.Kunwari ay sinunod ko ang ipinag-uutos sa akin ng tauhan ni Mr. Sebastian ngunit ang totoo ay humahanap lamang ako ng timing para agawin ang baril niya. Lihim akong sumulyap kay Enrique at nakita kong naglalakad na rin siya habang nakatutok din sa likuran niya ang baril ng isa pang tauhan ni Mr. Sebastian. Nagkatitigan kami at bahagyang nag-usap ang mga mata. Nang tumango siya sa akin ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sabay kaming haharap at aagawin ang baril ng mga tauhan ni Mr. Sebastian n

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 95

    Aleya's PovSa pangalawang beses ay muli kaming pinagbalikan ng malay ni Enrique. Ngunit sa pagkakataong ito ay siya ang unang nagising. Nagising na lamang ako nang tapik-tapikin niya ang aking mga balikat. "Aleya. Are you okay?" dinig ko ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa akin pagmulat ko sa aking mga mata. Nakagapos ang mga kamay na sinapo ng kanyang mga kamay ang aking mga pisngi at bahagyang hinaplos."Ayos lang ako, Enrique. Ikaw nga itong mas bugbog-sarado kaysa sa akin," naiiyak na sagot ko sa kanya habang nakapatong sa ibabaw ng kanyang kamay ang nakagapos kong mga kamay. Awang-awa ako sa hitsura niya. Mas grabe ang tinamo niyang sugat sa ginawang pambubugbog sa amin ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Putok ang mga labi ng binata, may hiwa sa itaas ng magkabilang pisngi niya at may tumulong dugo mula sa gilid na bahagi ng ulo nito. Maraming pasa ang mukha nito at mga braso. At natitiyak ko na maraming pasa rin ang loob ng damit nito. Hindi na ako magtataka kung marami siy

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 94

    Aleya's PovHalos magkasabay lamang kami ni Enrique na pinagbalikan ng malay. Nauna lamang ako ng mga ilang minuto bago siya naman ang nagising. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapaungol dahil sa naramdaman kong masakit na bahagi ng aking ulo. Siguro ay may bukol ako sa ulo kung saan ako hinampas ng baril ng lalaking iyon. Medyo mabigat at parang nangangapal kasi ang ulo ko na tinamaan ng baril. "Okay ka lang, Aleya? Sinaktan ka ba nila? Nasaan tayo?" dagling tanong ni Enrique nang mahimasmasan na siya. Gusto man nitong hawakan ako para i-check ang katawan ko kung sinaktan ba ako ng mga taong iyon ngunit hindi nito magawa dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakahiga kami sa malamig na sahig."Okay lang ako, Enrique. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong may sugat sa ulo dahil malakas ang ginawang pagpalo ng baril sa ulo mo ng taong iyon," mabilis kong sagot sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "At saka nasa loob yata tayo ng isang lumang wareho

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 93

    Aleya's PovPagkatapos ng nangyaring pagpatay kay Mr. Juico sa kulungan at ang palpak na tangkang pagpatay sa amin ni Enrique sa loob mismo ng city jail ay sinimulan naming palihim na imbestigahan si Mr. Carlo Sebastian. Malakas ang kutob namin na siya ang tinutukoy ni Mr. Juico sa iniwan niyang clue. At inumpisahan namin ang pag-iimbestiga kung sino ang mga taong nakakausap niya araw-araw. Bagama't wala pa kaming nakikitang kahina-hinala mula sa kanyang mga ikinikilos ay naniniwala ako na mahahanapan din namin siya ng butas. Kahit mahanapan namin siya ng maliit na butas lamang ay hindi namin palalampasin. Dahil alam namin na ang maliit na butas kapag inunat ay lalaki rin.Nang malaman namin na dadalo sa isang charity party si Mr. Sebastian ay gumawa ng paraan si Enrique para makakuha siya ng imbitasyon para sa aming dalawa ng nasabing event. Sa tulong ng kanyang ama ay nakakuha ng dalawang invitation card si Enrique. Kaya heto kami ngayon at nakikipag-plastikan sa mga sosyal na bisit

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 92

    Aleya's PovPakiramdam ko ay tila may literal na pintuan ng pag-asa ang biglang nagbukas sa dinding ng banyo kung saan nakasulat ang letters na "C at S" na isinulat pa mula sa dugo ni Mr. Juico. Halatado sa pagkakasulat nito na pinilit lamang nitong maisulat ang dalawang letrang iyon para siguro bigyan ng clue ang mga pulis sa kung sino man ang nagpapatay sa kanya.Dahil sa clue na ito ay hindi maisasara agad ang kaso sa pagpatay sa pulitiko. At iisa lamang ang taong nagtataglay ng ganyang initial na pangalan na malapit kay Mr. Juico. Siya ay walang iba kundi si Mr. Carlo Sebastian. Ngayon ay maaari na namin siyang imbestigahan pagkat naiuugnay na ang pangalan niya sa huli."CS," mahinang sambit din ni Enrique sa letrang nakasulat sa pader. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata na biglang napatingin sa akin ang binata. Mukhang naisip din niya ang aking naiisip. Tumango ako para kumpirmahin sa kanya na pareho kami ng iniisip."Pero hindi sapat ang ebidensiyang iyan para sampahan natin si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status