Aleya's POV
Saglit lamang na tinapunan ko ng tingin ang babaeng kasama ni Enrique na naliligo sa pool. Natatandaan kong siya ang babaeng nakabangga sa kotse ko noong unang beses na nagkita kami ng binata. Hindi maganda ang paghaharap namin ng babaeng ito kaya natitiyak ko na hinding-hindi niya papalalagpasin ang sandaling ito na makaganti sa akin."Ano ang ginagawa rito ng babaeng iyan?" narinig kong tanong kay Enrique ng babae."She's my bodyguard," mabilis namang tugon ng binata."Ano? Isa lang pala siyang bodyguard tapos kung makaasta ay parang may-ari ng PNP," nang-iinsultong sabi ng babae kay Enrique. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya at nagkunwari na lang akong walang narinig. Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa kong paglilipat ng mga pagkaing nasa tray papunta sa mesa."C'mon, Shirley. Nagpunta ka rito para samahan akong maligo at hindi para mang-away ng isang bodyguard," anang binata sa babae na Shirley pala ang pangalan."No. Hindi ako makakapayag na hindi mailagay sa kanyang lugar ang babaeng iyan," mariin ang boses na wika ni Shirley.Minadali ko ang paglilipat ng mga pagkain para makaalis agad ako at makabalik sa loob ng bahay. Nang matapos na ako sa ginagawa ko ay agad na akong tumalikod para umalis ngunit pagharap ko ay nasa likuran ko na pala si Shirley na halos hindi na magawang maitago ng kakapiranggot nitong suot ang mga dapat na itago ng katawan nito."Shirley, bumalik ka rito," mariin ang boses na utos ni Enrique s babae. Nang tingnan ko ang mukha niya ay nakita kong hindi naman ito galit sa babae. Mukhang sinadya yata nitong papuntahin sa bahay nito ang babaeng iyon para awayin ako."Sandali lang, sweetheart. Tuturuan ko lamang ng leksiyon ang babaeng ito," nakangising sagot ni Shirley sa binata.Kitang-kita ko kung paano tumaas ang sulok ng mga labi ni Enrique at pumorma ng isang ngiti na pilit nitong itinatago. Tila ini-expect nito na makakakita ito ng magandang palabas. At alam ko na sinasadya niya itong gawin para kusa akong mag-resign sa aking trabaho. Hay naku, mukhang hindi magiging matiwasay ang pagtatrabaho ko bilang bodyguard niya. Ngunit kung inaakala nito na aalis ako dahil sa mga pinaggagagawa nito ay nagkakamali siya. Dahil kahit labag sa loob ko ang trabahong bantayan siya ay dedicated pa rin ako pagkat tinanggap ko ang trabahong ito kaya kailangan kong panindigan. At walang makakapagpaalis sa akin kundi ang ama lamang niya na siyang nag-hired sa akin."Kung ako sa'yo ay babalik na lang ako sa tubig at magpapakaligaya sa piling ng playboy mong boyfriend kaysa ang pag-aksayahan ng oras ang ibang tao," malamig ang boses na sabi ko kay Shirley."Ang yabang mong magsalita. And really hate it when you use that kind of tone. Isang bodyguard ka lang pala pero kung umasta ka ay akala mo kung sino ka na," inis ang boses na sagot naman niya sa akin."Ikaw lang ang nag-iisip niyan," tila balewalang sagot ko sa kanya pagkatapos ay agad ko na siyang tinalikuran. Ngunit hindi ko na nagawang makahakbang palayo sa kanya dahil bigla na lamang niyang hinila ng mahigpit ang aking buhok. Biglang nagtagis ang aking mga ngipin dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko."Sa tingin mo ay hahayaan kitang umalis nang hindi man lang kita natuturuan ng leksiyon? Dapat matutunan mong lumugar kung saan ka mababagay. Hindi mo ako dapat tinrato ng ganoon sa unang beses natin na nagkaharap nang hindi na dumating ang sandaling ito," nakangising wika sa akin ni Shirley. Akala yata niya ay magpapa-bully ako sa kanya porke't bodyguard lamang ako at ito ay girlfriend ni Enrique. Ngunit nagkamali siya. Because no one can bully me."Bitiwan mo ang buhok ko, Shirley," mababa ngunit mariin ang boses na kausap ko sa kanya. Kahit pakiramdam ko ay sumasama na ang anit ko sa aking buhok ay hindi ko ipinakita sa babae na nasasaktan ako. Kalmado lamang ang mukha at boses ko ngunit ang totoo ay pinipigilan ko lamang ang aking sarili na huwag sakalin ang babaeng kaharap ko."Bakit? Masakit ba?" nakangisi pa ring wika ni Shirley at mas lalong hinila ang aking buhok.Doon na ako hindi nakatiis. Mariing hinawakan ko ang kanyang pulsuhan gamit ang aking kanang kamay at pagkatapos ay binaliti ko ng malakas. Napatili si Shirley at nabitiwan ang aking buhok nang maramdaman ang sobrang sakit. "Damn you, b**ch!" malakas niyang mura sa akin sa mangiyak-ngiyak na boses."Bitiwan mo siya, Aleya!" sigaw ni Enrique na naglakad palapit s gilid ng swimming pool para umahon."As you wish, boss,"nakangising sagot ko sa kanya pagkatapos ay malakas kong sinipa sa tiyan si Shirley. Napatili ito nang tumilapon pabalik sa tubig at bumagsak sa binata na hindi pa tuluyang nakakalapit sa gilid ng pool. "Next time, learn to discipline your girl, boss. Para nan hindi siya magmukhang baliw na basta na lang nanghihila ng buhok nang walang dahilan," nakataas ang kilay na sabi ko pa sa kanya."Walang hiya kang babae ka! Sasabihin ko kay Tito Erman na tanggalin ka niya sa trabaho!"nag-aapoy sa galit ang mga matang sigaw sa akin ni Shirley."Thank you in advance," nang-aasar na sagot ko naman kay Shirley na pulang-pula ang mukha sa galit. Para itong nagpa-tan sa ilalim ng araw sa gilid ng dagat gayong sa swimming pool naman ito naligo. At talagang sobrang magpapasalamat pa ako sa kanya kapag nakumbinsi niya si Sir Erman na alisin ako bilang bodyguard ng anak niyang playboy.Pagkatapos kong tapunan ng nang-iinis na ngisi ang babae ay agad na akong tumalikod. Sinisira lamang ng dalawang ito ang araw ko. Mas mabuting magkulong na lamang ako sa silid ko dahil tiyak namang hindi aalis ng bahay ang binata dahil nandito ang nobya nito."Saan ka pupunta, Aleya? Bodyguard kita kaya hindi ba dapat naroon ka kung nasaan man ako? Paano na lamang kung biglang may pumasok na assassin dito at bigla na lamang akong patayin habang naliligo?" boses ni Enrique na biglang nagpatigil sa aking paglalakad at nilingon ko siya."Sa dami ng mga guwardiya sa loob at labas ng mansion ay imposibleng may makapasok na assassin, Mr. Villareal. Maliban na lamang kung ang babaeng kayakap mo ngayon ay isang assassin," nakataasang kilay na sagot ko sa kanya. "At huwag kang mag-alala. Dahil kapag may granada na itinapon sa'yo mula sa labas ng pader ay agad akong lilipad papunta rito at sasaluhin ko ang granada para sa'yo," dugtong ko pa sa namimilopong tono. Sa taas ng pader na nakapalibot sa bahay ng mga Villareal at may bakod pa sa dulo na mataas ang voltage ng kuryente ay imposibleng may makaakyat na assassin maliban na lamang kung si Superman ito na marunong lumipad.Walang nagawa si Enrique kundi ang mapa-tiimbagang at magdilim na lamang ang anyo nang tinalikuran ko na sila at nagtuloy-tuloy na ako papasok sa kabahayan. Sa halip na kumain ay tumuloy na lamang ako sa silid ko. Biglang nawala ang gutom ko at wala na rin akong ganang kumain. Effective na pang-diet sina Enrique at Shirley. Dahil sa kanila ay nakakapag-diet tuloy ako ng wala sa oras.Inabala ko na lamang ang sarili ko sa panunuod ng movie sa cellphone ko. Connected naman ang phone ko sa wifi nila kaya walang problema sa internet. Halos kalahating oras pa nga lang akong nakakapasok sa silid ko nang biglang may kumatok sa pintuan. Agad akong tumayo at pinagbuksan ang tao sa labas."Yes, Doreen?" tanong ko sa isa sa mga katulong sa bahay na iyon na siyang napagbuksan ko ng pintuan."Pinaatawag ka ni Sir Enrique sa silid niya, Aleya. Ngayon na raw mismo," anito sa akin.Napahugot ako ng buntong-hininga. Ano na naman kayang kalokohan ang naiisip gawin ng Enrique na ito?Aleya's PovWalang tigil ang pagpapaputok ko ng baril at walang tigil din ang pagbagsak sa sahig ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Ngunit sa malas ay naubusan na ako ng bala. Inis na initsa ko ang baril sa aking harapan."Wala ka nang bala, Aleya? Heto ako mayroon," nakangising kausap sa akin ni Mr. Sebastian kasabay ng pagtutok ng kanyang baril sa akin."Aleya!" sigaw naman ni Enrique na nakatayo na at lumabas na rin sa pinagtataguan niya. Nang makita nito na kinalabit ni Mr. Sebastian ang gatilyo ng baril ay agad itong napatakbo palapit sa akin para harangan ang bala.Kasabay ng pagyakap sa akin ni Enrique ay ang magkakasunod na dalawang putok mula sa hawak na baril ni Mr. Sebastian. Akala ko si Enrique ang tinamaan ngunit nang tingnan ko sa likuran ng binata ay naroon si Cloe nakatayo at may tama ng dalawang bala sa dibdib nito."Cloe!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Mabilis ko siyang dinaluhan nang unti-unti na siyang bumagsak. "Wala ka talagang puso, Sebastian! Pati taong kinil
Aleya's PovNaging alerto ang pakiramdam ko habang naglalakad palapit sa amin ang dalawang lalaking nakatutok sa amin ang mga baril at alam ko na ganoon din ngayon si Enrique. Pasimpleng itinaas namin ang aming mga kamay at hinintay na tuluyan silang makalapit sa amin."Gusto niyong makatakas sa amin? Ulol! Hindi mangyayari iyon," singhal ng lalaking sa nakatapat sa akin. Idiniin nito ang dulo ng baril sa aking tagiliran at bahagya akong itinulak. "Sige lakad!" mariing utos niya sa akin.Kunwari ay sinunod ko ang ipinag-uutos sa akin ng tauhan ni Mr. Sebastian ngunit ang totoo ay humahanap lamang ako ng timing para agawin ang baril niya. Lihim akong sumulyap kay Enrique at nakita kong naglalakad na rin siya habang nakatutok din sa likuran niya ang baril ng isa pang tauhan ni Mr. Sebastian. Nagkatitigan kami at bahagyang nag-usap ang mga mata. Nang tumango siya sa akin ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sabay kaming haharap at aagawin ang baril ng mga tauhan ni Mr. Sebastian n
Aleya's PovSa pangalawang beses ay muli kaming pinagbalikan ng malay ni Enrique. Ngunit sa pagkakataong ito ay siya ang unang nagising. Nagising na lamang ako nang tapik-tapikin niya ang aking mga balikat. "Aleya. Are you okay?" dinig ko ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa akin pagmulat ko sa aking mga mata. Nakagapos ang mga kamay na sinapo ng kanyang mga kamay ang aking mga pisngi at bahagyang hinaplos."Ayos lang ako, Enrique. Ikaw nga itong mas bugbog-sarado kaysa sa akin," naiiyak na sagot ko sa kanya habang nakapatong sa ibabaw ng kanyang kamay ang nakagapos kong mga kamay. Awang-awa ako sa hitsura niya. Mas grabe ang tinamo niyang sugat sa ginawang pambubugbog sa amin ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Putok ang mga labi ng binata, may hiwa sa itaas ng magkabilang pisngi niya at may tumulong dugo mula sa gilid na bahagi ng ulo nito. Maraming pasa ang mukha nito at mga braso. At natitiyak ko na maraming pasa rin ang loob ng damit nito. Hindi na ako magtataka kung marami siy
Aleya's PovHalos magkasabay lamang kami ni Enrique na pinagbalikan ng malay. Nauna lamang ako ng mga ilang minuto bago siya naman ang nagising. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapaungol dahil sa naramdaman kong masakit na bahagi ng aking ulo. Siguro ay may bukol ako sa ulo kung saan ako hinampas ng baril ng lalaking iyon. Medyo mabigat at parang nangangapal kasi ang ulo ko na tinamaan ng baril. "Okay ka lang, Aleya? Sinaktan ka ba nila? Nasaan tayo?" dagling tanong ni Enrique nang mahimasmasan na siya. Gusto man nitong hawakan ako para i-check ang katawan ko kung sinaktan ba ako ng mga taong iyon ngunit hindi nito magawa dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakahiga kami sa malamig na sahig."Okay lang ako, Enrique. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong may sugat sa ulo dahil malakas ang ginawang pagpalo ng baril sa ulo mo ng taong iyon," mabilis kong sagot sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "At saka nasa loob yata tayo ng isang lumang wareho
Aleya's PovPagkatapos ng nangyaring pagpatay kay Mr. Juico sa kulungan at ang palpak na tangkang pagpatay sa amin ni Enrique sa loob mismo ng city jail ay sinimulan naming palihim na imbestigahan si Mr. Carlo Sebastian. Malakas ang kutob namin na siya ang tinutukoy ni Mr. Juico sa iniwan niyang clue. At inumpisahan namin ang pag-iimbestiga kung sino ang mga taong nakakausap niya araw-araw. Bagama't wala pa kaming nakikitang kahina-hinala mula sa kanyang mga ikinikilos ay naniniwala ako na mahahanapan din namin siya ng butas. Kahit mahanapan namin siya ng maliit na butas lamang ay hindi namin palalampasin. Dahil alam namin na ang maliit na butas kapag inunat ay lalaki rin.Nang malaman namin na dadalo sa isang charity party si Mr. Sebastian ay gumawa ng paraan si Enrique para makakuha siya ng imbitasyon para sa aming dalawa ng nasabing event. Sa tulong ng kanyang ama ay nakakuha ng dalawang invitation card si Enrique. Kaya heto kami ngayon at nakikipag-plastikan sa mga sosyal na bisit
Aleya's PovPakiramdam ko ay tila may literal na pintuan ng pag-asa ang biglang nagbukas sa dinding ng banyo kung saan nakasulat ang letters na "C at S" na isinulat pa mula sa dugo ni Mr. Juico. Halatado sa pagkakasulat nito na pinilit lamang nitong maisulat ang dalawang letrang iyon para siguro bigyan ng clue ang mga pulis sa kung sino man ang nagpapatay sa kanya.Dahil sa clue na ito ay hindi maisasara agad ang kaso sa pagpatay sa pulitiko. At iisa lamang ang taong nagtataglay ng ganyang initial na pangalan na malapit kay Mr. Juico. Siya ay walang iba kundi si Mr. Carlo Sebastian. Ngayon ay maaari na namin siyang imbestigahan pagkat naiuugnay na ang pangalan niya sa huli."CS," mahinang sambit din ni Enrique sa letrang nakasulat sa pader. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata na biglang napatingin sa akin ang binata. Mukhang naisip din niya ang aking naiisip. Tumango ako para kumpirmahin sa kanya na pareho kami ng iniisip."Pero hindi sapat ang ebidensiyang iyan para sampahan natin si