Share

Chapter 92

Aleya's Pov

Pakiramdam ko ay tila may literal na pintuan ng pag-asa ang biglang nagbukas sa dinding ng banyo kung saan nakasulat ang letters na "C at S" na isinulat pa mula sa dugo ni Mr. Juico. Halatado sa pagkakasulat nito na pinilit lamang nitong maisulat ang dalawang letrang iyon para siguro bigyan ng clue ang mga pulis sa kung sino man ang nagpapatay sa kanya.Dahil sa clue na ito ay hindi maisasara agad ang kaso sa pagpatay sa pulitiko. At iisa lamang ang taong nagtataglay ng ganyang initial na pangalan na malapit kay Mr. Juico. Siya ay walang iba kundi si Mr. Carlo Sebastian. Ngayon ay maaari na namin siyang imbestigahan pagkat naiuugnay na ang pangalan niya sa huli.

"CS," mahinang sambit din ni Enrique sa letrang nakasulat sa pader. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata na biglang napatingin sa akin ang binata. Mukhang naisip din niya ang aking naiisip. Tumango ako para kumpirmahin sa kanya na pareho kami ng iniisip.

"Pero hindi sapat ang ebidensiyang iyan para sampahan natin si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status