"Oh, paano ba iyan? Hindi mo na ako maturukan ng gamot?" pang-aasar ni Natasha sa babae."Bitch, ano ang ginawa mo sa akin?""Simple lang, kung ano ang pinainum niyo sa akin noon upamg magmistulang lantang gulay at hindi makatakas.""Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo." Pagkaila ni Grace. Kailangan na lang niyang malinlang ang babae habang wala pang ibang tao sa paligid."Oh, huwag na magdrama at hindi bagay sa iyo. Nakaalala na ako at lahat ng kahayupang ginawa niyo sa akin noon ay ibabalik ko sa inyo!" Tumalim ang tingin ni Natasha sa babae.Nangangalit ang ngipin at nanlilisik ang tingin ni Grace sa dalaga. Hindi niya matanggap na sa isang iglap lang ay mahuli siya ng isang tulad ni Natasha. "Bitch, ang akala mo ba ay ganoon kadali mo akong mapatumba?"Napatikwas ang mga kilay ni Natasha at nanghahamon ang tingin sa babae."Kapag hindi mo ako pinakawalan ngayon din, hindi mo na makitang muli na humihinga pa ang ama mo!" Pumaskil sa labi ni Grace ang kakaibang ngiti dahil ma
Nakahinga nang maluwag si Natasha nang paglabas ng banyo ay wala na ang mga magulang. Mabilis na nilapitan ni Dark ang dalaga at tinulugan itong matuyo ang buhok nito. Siya na ang humawak sa blower at marahan sinusuklay ang buhok ng dalaga.Napangiti si Natasha nang masalubong ang malamlam na mga titig ng binata sa kaniya. Alam niyang gusto siyang halikan nito kaya tumingala siya. Ngunit bago pa lumapat ang libi ng binata sa bibig niya ay biglang bumukas ang pintuan."Ate, magdahan-dahan ka nga at baka mapaano ka." Saway ni Trisha kay Arriana at pilit itong inaalalayan. Malaki na kasi ang tyan nito at baka madapa sa kakamdali.Hinawi ni Arriana ang katawan ni Trisha nang makapasok na sila sa silid. Sobra siyang nagulat nang ipagtapat kanina ng kapatid ang tungkol sa kalagayan ng bunso nilang kapatid. Mabilis na inilayo ni Dark ang mukha sa dalaga at humarang sa harapan ni Natasha. "Dark, ayos lang at nasabi ko na kay Ate." Malungkot na ngumiti si Trisha.Dahan-dahang tumayo si Nata
Nanlaki ang mga mata ni Grace nang tumambad sa kaniyang paningin ang mukhang abandunadong gusali. Ang kabang nadarama kanina pa ay dumoble, no, mas tamang sabihing five times ang kabang nadarama at nakakabingi na ang kabog ng dibdib. "Lakad!" Galit na tinulak ng isang lalaki sa likod si Grace.Hindi sinunod ni Grace ang lalaki. Mas gustohin pa niyang mamatay na sa kinatayuan kaysa pumasok sa loob ng gusali. Alam niyang kapag nakapasok siya roon ay hindi na muling makalabas pa nang buhay."P*ta, maglalakad ka o hindi?" mura ng lalaking may hawak sa braso ni Grace."Hindi maibuka ni Grace ang bibig dahil may busal iyon. Gusto niyang sumagot na patayin na siya dahil handa na siyang harapin si kamatay. "Buhatin niyo na iyan at kanina pa naiinip sa loob ang mga kasama niya." Malamig na utos ni Tristan sa kalalakihan.Napatingin si Grace sa lalaking nagsalita. Galing iyon sa sasakyan na kinalulunan niya kanina. Mukhang ito ang nag drive mula sa hotel. Nang humarap ito sa kaniya ay kinilab
"Dad?" naiiyak na tawag ni Grace sa ama.Matiim na pinakatitigan ni Chavez ang mukha ng babaeng inakala ay anak niya. Napaaga ang balik niya sa Pinas at hindi natapos ang training dahil urgent na pinauwi siya ng pamilya ni Travis. Mariing maikuyom niya ang mga kamao nang mapansin ang pinagkaiba ng babae sa anak niya. Dahil sa pagiging abala sa trabaho ay wala na talaga siyang time makasama ang anak noon kaya hindi alam na ibang tao na ang gumagamit sa mukha ng anak. Sobra siyang nasaktan nang lumabas ang DNA result at napatunayang hindi nga niya anak ang babaeng kaharap ngayon."Dad, help me. Pakawalan mo na ako habang wala pa sila." Utos niya sa ginoo habang lumuluha."Alam mo ba kung bakit ka narito ngayon?" Mahinahong tanong ni Chavez ngunit matalim ang tingin sa babae.Matigas na umiling si Grace at nagmamakaawa ang tingin sa ama. "Hindi ko po alam, dad. Hindi ko alam kung bakit nila ako ikinulong dito kasama ang dalawang iyan."Muling naikuyom na Chavez ang palad at inilapitan a
"Kunin niyo na si Cherry at dalhin kung saan operaban si Natasha upang maipagpalit na ang mukha nila." Utos ni Adrian sa tauhan."No... huwag ninyong ibalik ang mukha ng malditang iyon! Bagay sa kaniya ang mukhang iyon dahil ipinagkanulo niya ako noon!" Pagwawala ni Patricia habang nanlilisik ang nanlalalim nitong mga mata.Malakas na sinuntok ni Dark ang mukha ni Patricia. Kasunod ang pag angat sa katawan nito at pabalyang itinapon sa sahig na parang isang laruan lang. Walang awang nilapitan pa ito at sinipa sa likod.Panay ang hiyaw ni Patricia dahil sa sakit at nadagdagan pa ang pasa sa buong katawan. Ngunit walang tumutulong sa kaniya o maawa manlang. Hinatakutang naitikom na ni Grace ang bibig nang makita ang nangyayari kay Patricia. Kung siya ang nasa kalagayan nito ay tiyak na hinimatay na siya.Umiiyak na kusang sumama si Cherry sa mga lalaking kumuha sa kaniya. Hindi na rin niya kayang makita ang pananakit kay Dalia at ayaw niyang maranasan iyon. Hinayaan ni Travis si Dark
Nagising si Shaina na mabigat ang pakiramdam. Para bang kulang siya sa tulog at inaantok pero. Pero pilit niyang nilalaban ang antok nang mapansin na wala ang asawa sa kaniyang tabi."Ma'am, dinala ng anak niyo sa labas ang asawa mo upang ipasyal at hindi na inisturbo ang tulog niyo."Napatingin si Shaina ang nagsasalita. Nakahinga siya nang maluwag nang makilala ang personal nurse ng asawa at abala ito sa pag aayos ng kilangan ng asawa niya. Pagtingin niya sa orasan ay nine na ng umaga. First time niyang magising ng ganitong oras kaya nabahala siyang muli."Matulog po ulit kayo, ma'am. Napainum na po ni Sir Adrian si Chairman ng gamot. Ang bilin po ng ana niyo ay hayaan kayo makapagpahinga dahil napagod ka nang husto sa event na ginanap kagabi."Ngumiti si Shaina sa nurse at bumulong nang pasasalamat. Muli siyang napapikit at hindi malabanan ang antok. Panatag siya at ang anak naman kasama ng kaniyang asawa sa pamamasyal.Sa hospital, hindi mapakali ang lahat habang hinihintay ang op
Nang edeklara ng doctor na patay na si Patricia ay agad na inutusan ng doctor ang mga naroon na ilabas ito ng basement. "Utos ni Tristan ay isilid niyo muna siya sa sako bago ilabas saka ilibing sa malayong lugar." Mariing naipikit ni Lovely ang mga mata pagkarinig sa sinabi ng doctor. Malabong bigyan ng maayos na libing si Patricia na baon ang kaniyang mukha. Parang hayop ito na isinilid sa sako at ibaon sa lupa na ganoon lang ang nakabalot sa bangkay nito. Sigurado na ganoon din ang mangyari sa kaniya at ayaw niyang kaisipin iyon. Dapat may tabon pa ang mukha niya ngayon ngunit hindsi sila kailangang ingatan kaya ganoon. Pumatak ang luha sa mga mata ni Lovely nang maalala ang pamangkin at kapatid. Kung alam lang ng mga ito na buhay pa siya at tiyak tutulungan siya. Pero tiyak na masasaktan din nang husto at ma dissapoint sa kaniya ang kapatid. Baka mahiling pa nitong sana ay hindi na siya bumalik pa. Walang pagsisisi siyang nakakapa sa puso. Puro panghihinayang at tanggap na han
"Natasha, kailan ang balik niyo dito, anak? Miss ka na namin ng daddy mo."Napangiti si Natasha mula sa kabilang linya. Ang alam ng ina ay nasa ibang bansa pa rin sila ni Dark. Walong buwan na rin ang nakalipas mula nang maoperahan siya at maibalik ang dating mukha. Maayos naman na at naghilom na ang inoperahan. Ngunit kailangan pa niyang manatili ng ilang lingo sa bahay bakasyunan ni Dark upang wala nang maging problema. Ang private doctor niya ay doon din naninirahan at kumpleto sila ng gamit na katulad sa hospital. Kulang na lang ay gawing laboratory ni Dark ang bahay nito."Honey, huwag mainip at baka may apo na tayo pagbalik nila."Narinig ni Natasha ang biro ng ama. Kahit hindi siya nakikita ng mga ay namula ang pisngi niya. Paano naman kasi, ang adik ni Dark sa love making. Pero ipokrita siya kung sabihin niyang hindi nagustohan ang pagiging obsessed ni Dark sa katawan niya. Kasi—natigil siya sa pag-iisip nang makita ang paglabas ni Dark sa banyo."Argh, ang hot!" naibulog ni