MasukKabanata 7
Sa pakikinig sa kanyang ordinaryong boses, naramdaman ni Demux na parang sinaksak ang kanyang puso ng kung anong matalim na bagay.
Hindi niya naiwasang mapakunot-noo sa nakinikilos ng Asawa, "Bakit mo biglang gustong itapon? Hindi mo ba pinahahalagahan ang wedding dress na ito?"
Hindi naman ito itinanggi ni Aimee.
Sa nakalipas na tatlong taon, espesyal siyang naglaan ng lugar sa damitan para isabit ang wedding dress na ito.
Matagal na ito iniingat ni Aimee at nakasanayan na Taun- taon ay pinala-laundry niya pa ito, Siya mismo rin ang nagdadala sa Laundry upang ipalinis ito ng sa ganon ay mukha parin itong bago At hindi kumupas ang ganda.
Isa sa malaking dahilan ni Aimee ,kung bakit niya ito pinahahalagahan ay dahil naniniwala siyang minsan lang ikasal ang mga tao sa kanilang buhay, kaya ang wedding dress ay dapat itago bilang isang souvenir.
Ngayon ay malapit na silang maghiwalay.
Marahil ay magpapakasal na si Demux sa kanyang minamahal sa lalong madaling panahon sa oras na maghiwalay na sila ng tuluyan.Kaya para kay Aimee ano pang Silbi kung iingatan niya pa ang wedding dress ,marahil ito lang ang magpapaalala sa kanya na kung paanon siya saktan at lokohin ng sarili niyang Asawa.
Ang wedding dress na ito, tulad niya, na kahit ano'ng pag iingat pa ang gawin kapag tumagal humuhuna din at nasisira .
Nag-dahilan nalang si Aimee at Pilit na ngumiti , "Sira na. Nalaman ko lang ilang araw na ang nakalipas na may malaking butas ito."
"Hindi mo ito pwedeng itapon nang ganoon kadali." Turan ni Demux.
Tiningnan ni Demux ang kanyang pilit na ngiti, iniisip na nag-aatubili siyang iwanan ito, "Sige, ipapaayos ko sa bridal shop at titingnan kung pwedeng kumpunihin..." Suhesyon pa ni Demux.
"Kalimutan mo na." Kumbinsi na turan ni Aimee kay Demux.
Tumingin ng diretso si Aimee kay Demux at sinabi , "Ang mga sirang bagay ay hindi na pwedeng ingatan pa!."
Malalim ang binitawan na salita ni Aimee sapat na ang tinutukoy niya ay ang puso tulad ng sa tao.
Pagkatapos niyang magsalita, nang hindi na hinintay si Demux na magsalita pa, siya ay umikot at pumasok sa bahay.
Nang mapansin ni Demux na bakit iika-ika siyang maglakad ay walang atubiling nagtanong ito , "Nga pala, nasugatan ka ba o ano? Dalawa o tatlong araw na, bakit ka pa rin pilay kung maglakad?"
Sa tagal ng pagsasama nila ngayon siya naguguluhan bakit iba ngayon ang kinikilos ni Demux,madalas ito nagpapakita sa kanya ng pag aalala ngayon, pero madalas nalang din niya iniisip na baka nagkakaroon din ng konting konsensya ito sa ginagawang panloloko sa kanya.
Marahil kung hindi niya alam ang Relasyon ng kanyang Asawa sa kanyang Hipag ,baka kiligin pa siya sa pinapakitang pag aalala ni Demux pero sapat na yung nalalaman niya para kamuhian niya ang mga ito.
Marami siyang gustong itanong kay Demux pero mas pinili niya paring sarilihin nalang .
Bahagya niyang ibinaba ang kanyang mga mata at nagdahilan, "Medyo gumaling na ako, ngunit kagabi nang bumalik ako sa Lumang bahay, lumuhod ako sa may bakuran ng apat na oras."
"Ano ang sinabi mo?" Gulat na tanong ni Demux.
Si Demux ay natigilan, ang kanyang mga mata ay hindi sinasadyang napadako sa namumula at maga na mga palad ni Aimee, ang kanyang mga pupil ay bahagyang lumiit, "Ang kamay mo, paano nangyari..."
Kumurap si Aimee at umamin , "Pinarusahan ako."
Ang tono ni Aime ay payak at normal, at walang bakas ng sama ng loob.
Kumunot ang noo ni Demux sa narinig kay Aimee, "Bakit ka lumuhod nang ganoon katagal, at..." Hindi na siya naglakas-loob na mag-isip pa.
Si Aimee, hindi ba siya kalahating babae sa Gregorio? ,Paano siya nagkaroon ng ganoong pinsala pagkatapos bumalik,naguguluhang turan ni Demux sa sarili.
Tumingala si Aimee sa kanya, at bumalik ang mapapait na ala-ala para kay Aimee noong araw na ikinasal siya kay Demux,umasa siya sa matagal na panahon ay matutunan siyang Mahalin nito, bubuo sila ng isang matibay at masayang pamilya at umasa siya na hanggang pagtanda ay magkasama silang dalawa.
Pero lahat ng yun ay isang pangarap na kailan man hindi na matutupad, at isang bangu-ngot na dumating sa buhay niya.
Nanatili siyang tahimik , pinipigilan ang kapaitan sa kaibuturan ng kanyang puso. Sa huli, sa ilalim ng mapanuring tanong nito, ngumiti siya at sinabi, "Dahil hindi ka umuwi kasama ko."Pinigilan niya ang sarili na maging bastos sa asawa ,kahit pa na abot langit ang pagkasuklam na niya rito , .
"Nakangiti ka pa rin. Hindi ba masakit?" Nag aalalang tanong ni Demux.
"Masakit, Pero sanay na ako." Makahulugang turan ni Aimee.
"Sanay ka na?" Naguguluhang tanong ni Damux sa Asawa.
"Oo." Walang emosyon na turan ni Aimee.
Dahan-dahang pinisil ni Aimee ang palad pinipigilan ang maging masama sa Asawa, ang boses niya ay pilit na ginawang kalmado na para bang pinag-uusapan nila ang ibang tao. "Kung hindi ka uuwi kasama ko, makakatanggap ako ng ganitong parusa."
Siyempre, may higit pa doon.
Mula pagkabata hanggang pagtanda, kung may ginawa siyang kahit bahagyang hindi ikinatuwa ng matandang babae, tiyak na parurusahan siya.Ang lugar na may mga bato ay sadyang dinisenyo para sa kanya.
Wala pang isang taon matapos dumating sa tindahan ng mangangalakal, sa edad na anim, natuto na siyang lumuhod, at nakakaluhod na sa ikasisiya ng matandang babae. Ang kanyang mga tuhod, binti, at talampakan ay nakahanay lahat sa isang tuwid na linya, perpektong nakahanay sa mga bato.Si Demux ay lumuhod sa harapan niya at dahan-dahang itinaas ang kanyang mahabang palda, bakas ang parusa na natanggap niya sa matandang Gregorio ,dahil sa porselana niyang kutis pansin na pansin ang mga sugat sa kanyang mga tuhod, na namamaga at may pasa.
Ang balat sa kanyang mga binti ay hindi rin maganda, ngunit nababalutan ng mga pasa.
Walang kahit na anong emosyon nararamdaman si Aimee sa ginagawang pag-aalala ni Demux dahil para sa kanya ang sugat madaling gamutin pero ang paulit-ulit na sugat na ginagawa nito sa kanyang puso kailanman ay malabo nang gumaling.
Para saan pa ang pag aalala kung paulit-ulit karin naman sasaktan? ,para kay Aimee wala na puwang sa puso niya ang patawarin ang asawa at hipag niya, dahil hindi lang siya ang niloko ng mga ito pati ang kapatid niyang ngayon walang kalaban-kalaban .
Kaya anong dahilan para hindi siya lumaban at maging matatag? Marami mga panahon at oras siya sinayang sa lalaking kahit kailan ay hindi siya nagawang hawakan o pahalagahan.
KABANATA 240 Tumindig ang adam's apple ni Eleazer habang pinagmamasdan ang panunukso sa kanyang mga mata. Sa una, sinubukan niyang pigilan ang sarili dahil naroon sina Lola Beatriz at Seb, ngunit ngayon, bigla niyang ayaw siyang palampasin nang ganun-ganon na lang. "Hmm?" Tumugon si Eleazer ng isang mahabang buntong-hininga, nagtataas ng kilay habang nagtatanong, "Anong gusto mo?" Habang nagsasalita siya, pinatay niya ang gripo dahan-dahan at sadyang pinunasan ang tubig sa kanilang mga kamay gamit ang malambot na tuwalya. Ginamit niya ang parehong tuwalya, una kay Aimee, pagkatapos ay sa kanya. Ito ay isang maliit na bagay, ngunit nagparamdam kay Aimee ng pagiging malapit. Dagdag pa, ang kanyang ekspresyon ay hindi na kasing tensyonado tulad ng dati, ngunit sa halip ay kaswal gaya ng dati, na may bahid ng pagkaaliw sa kanyang mga mata. Uminit ang mga tainga ni Aimee at naramdaman niyang may mali. Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay, "Wala, lumabas na tayo, si
KABANATA 239 "Mansion?" Hindi naman ito ang bahay ni Eleazer kaya bakit tumatawag si Seb? Hindi sumagot nang direkta si Aimee at tinanong, "Anong problema? Nasa Cassa Villa ako ngayon, katatapos ko lang mag-acupuncture para kay Tita Wen." Tumango si Seb at sinabi, "Oo, alam ko." Sa kabutihang palad, tapos na ni Aimee gamutin ang kanyang ina, Kung hindi magkakaproblema siya at kung malalaman ng kanyang pamilya na gumawa siya ng isang bagay na napakalaking kalokohan at hindi pinapansin ang kanyang ina para kay Eleazer, tiyak na papagalitan nanaman siya muli. Tinatawagan ang doktor habang tumatanggap ng paggamot ang kanyang ina ,anong isang mapagmahal na anak! Idinagdag ni Seb, "Si Lola Beatriz Napilayan ng matanda ang kanyang bukung-bukong habang bumababa sa hagdan at ang mga hakbang niya ay di niya lubos na namalayan dahilan para mawalan ng balanse at namamaga na ngayon, Ayaw niyang pumunta sa ospital kasama ko, ngunit na-iced na niya ito." Nang marinig ito, mabili
KABANATA 238 Tinawag niya siyang, "Kuya"—Nataranta si Eleazer na parang may bumaril nang diretso sa kanyang mga eardrum papunta sa kanyang katawan, papunta sa kanyang bloodstream, na nagpamanhid sa kanyang tailbone. Ito ang unang pagkakataon simula nang magkita silang muli na kusang-loob siyang tinawag na "Kuya" gaya ng dati. Kung hindi dahil sa katotohanan na may iba pang mga taong nakatira sa tapat maliban sa kanya, malamang na hindi nakayanan ni Eleazer. Hindi, Hindi pa rin niya nakayanan. Pinihit ni Eleazer ang doorknob at lumabas, na hindi pinansin ang tanong ni Seb tungkol sa kung saan siya pupunta ng ganitong oras at gabi na pero dumiretso parin siya palabas ng bahay na hindi pinapansin si Seb. Walang sagot sa kabilang dulo ng telepono, ngunit mayroon pa ring ingay na nagmumula sa loob. Si Aimee habang iginuguhit ang mga kurtina at naghahanda na humiga sa kama, ay sinadyang sinabi, "Kung hindi ito totoo, kung gayon magpapanggap na lang akong nag-aakala." Sina
KABANATA 237 Nang makita ni Seb ang masamang ngiti ni Eleazer, alam niyang naghukay ang lalaking ito ng hukay para mahulog siya at gayunpaman, wala siyang pagpipilian kundi ang tumalon. Tiningnan siya ni Seb nang may pag-iingat at sinabi, "Ano ang mga kondisyon? Hindi mo naman gustong maging isang walang pusong sub-landlord at taasan ang upa nang daan-daan o libu-libong beses, di ba?"Ngumisi si Eleazer at sinabi, "Paano ko gagawin iyon? Magkapatid tayo diba? Bukod dito, maliit na halaga lang ng pera, hindi ganoon kaseryoso." Hindi nakapagtataka na siya ang namamahala sa pamilya Gregorio. Hindi man lang siya tinitingnan ng daan-daan o milyon-milyon. Pero ang paraan ng pagsabi niya nito ay hindi nagmumukhang peke sa halip, mukhang ganap na makatwiran. Palihim siyang pinag-aralan ni Seb habang nagtatanong, "Kaya ano ang gusto mo?" Kumbinsido siya na walang magandang intensyon si Eleazer sa nais nito at tiyak na hindi siya binigo ni Eleazer na sinasabi, "Hindi ka ba m
KABANATA 236 Hindi naging madali ang buhay ni Lola Beatriz sa pinili niya noon. Bilang isang babae, ayaw niyang sundan ni Aimee ang mga yapak niya Kahit apo niya si Eleazer hindi niya ito kukunsintihin. Natural na naintindihan ni Eleazer ang ibig sabihin ng lola niya, sa tingin niya ay hindi problema ang pagbubuntis ni Aimee, kundi natatakot siya na magdulot ito ng hindi pagkakasundo sa pagitan niya at ni Aimee sa hinaharap Pero hindi nag-alala si Eleazer tungkol dito. Kung ikukumpara sa sa babaeng pinalaki niya na maging isang solong ina o sa kanya na magpakasal sa iba, halos hindi mahalaga ang problemang ito basta mahal nila ang isat isa sapat na iyon para pagtibayin ang pagsasama nila. Mula simula hanggang wakas, si Aimee lang ang kinilala niya na asawa sa hinaharap. Kinagat ni Eleazer ang manipis niyang labi at nagsalita nang taimtim, isang bihirang pangyayari para sa kanya: "Lola, sigurado ako. Hindi ko naisip na magpakasal sa iba maliban sa kanya, kaya para
KABANATA 235 Akala ni Aimee si Lola Beatriz ang dumating para bisitahin siya. Nang makita niyang bumukas ang pinto sa tapat, akala niya nagkamali siya ng bahay. Tutal, hindi madalas dumalaw si Lola Beatriz sa bahay niya at dahil sa edad niya, malinaw na hindi na kasing ganda ng dati ang memorya niya, kaya normal lang na magkamali siya. Napatawa si Eleazer at sinabi, "Mahusay ang memorya niya." Natigilan si Aimee na parang Magkakilala sina Eleazer at Lola Beatriz? Bago pa man niya maisatinig ang tanong sa isip niya, narinig niya si lola Beatriz na tumawa at nagsabi, "Walang mali, Hindi ba't nagkataon na nakatira sa tapat mo ang apo ko? Dapat magkakilala na kayong dalawa..." Habang nagsasalita siya, hindi sinasadyang sinulyapan ni Lola Beatriz ang magkahawak na kamay nina Eleazer at Aimee, nanlaki ang mga mata niya at biglang tumigil ang boses niya at magulat na sinabi, "Kayo, kayong dalawa...?" Nagpakita ng sorpresa at galak ang mukha niya at hindi niya masabi kung mas







