Chapter 3: Simula ng Bangungot
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng gabing iyon. Basta ang alam ko lang, pagkapasok ko sa kwarto ko ay napabagsak ako sa kama, tulala, ramdam ang bigat ng desisyong kakatanggap ko pa lang. Kasal. Sa isang lalaking hindi ko mahal. Sa isang lalaking walang respeto sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko, pilit nilalabanan ang lungkot at inis. Pero kahit anong gawin ko, bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Sebastian. "Kung ayaw mong magpahawak, wala akong pake. Pero siguraduhin mong hindi mo rin akong pipigilan kung hahawak ako sa ibang babae." Para akong sinampal ng realidad. Hindi lang ito isang simpleng kasal. Isa itong panghabambuhay na kasunduan na maaaring magdala sa akin ng matinding sakit. Pero kaya ko bang tanggihan ito? Alam kong hindi. Dahil kung hindi ako papayag, magugutom ang pamilya ko. Mawawala sa amin ang lahat. Bumangon ako mula sa kama, huminga nang malalim, at pilit inihanda ang sarili sa kinabukasan. Wala akong ibang pagpipilian. --- "Isabella, anak, ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Mama na nasa harapan ko ngayon, halatang nag-aalala. Nakaupo kami sa hapag-kainan, pero hindi ko magawang kumain. "Ma..." mahina kong sabi. "Paano kung hindi ko kayanin?" Hinawakan niya ang kamay ko, mariin itong pinisil. "Anak, alam kong mahirap ito para sa'yo. Pero minsan, kailangan nating magsakripisyo para sa pamilya." Mas lalo akong nalungkot sa narinig ko. Ang buong buhay ko, ginawa ko ang lahat para ipagmalaki nila ako. Ngayon, kailangan ko pang ipagpalit ang sarili kong kalayaan para sa kanila. Pero kung ito ang kapalaran ko⌠wala na akong magagawa. Napangiti ako nang pilit at tumango. "Kakayanin ko, Ma." Walang kahit anong luha ang lalabas mula sa mata ko. Hindi ako iiyak. Hindi ako babagsak. --- Dumating ang araw ng engagement party. Sa isang engrandeng hotel ginanap ang pagtitipon, kung saan halos lahat ng kilalang tao sa lipunan ay naroon. Puno ng ilaw, musika, at mamahaling dekorasyon ang buong bulwagan. Pero pakiramdam ko, nasa isang hawla akoânakakulong sa isang lugar na hindi ko kayang takasan. Nasa isang sulok ako, pilit pinipigilan ang kaba, nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Si Sebastian. Naka-black suit siya, mukhang mas seryoso ngayon kaysa noong huli kaming magkita. Pero kahit na gwapo siya sa suot niya, hindi ko pa rin maalis ang inis ko sa kanya. âHanda ka na ba, Mrs. Villafuerte?â may bahid ng panunukso ang boses niya. Napairap ako. âHindi pa ako kasal saâyo, Sebastian.â Napangisi siya at bahagyang lumapit. "Hindi pa. Pero malapit na." Bago pa ako makasagot, biglang tinawag ang pangalan namin sa entablado. "Ladies and gentlemen, let us welcome the soon-to-be husband and wifeâSebastian Villafuerte and Isabella Ramirez!" Napakapit ako sa laylayan ng damit ko, pilit pinapalakas ang loob ko habang papalapit sa gitna. Sa harap ng maraming tao, wala akong magagawa kundi ngumiti. Ngunit ang totoo? Isa itong kasal na hindi ko kailanman pinangarap. Sa bawat hakbang ko papunta sa gitna, pakiramdam ko ay parang may mabigat na tanikala sa mga paa ko. Sa harap ng lahat, kailangan kong ipakita na handa akoâna tanggap ko ang kapalaran kong nakatakda sa isang lalaking ni hindi ko gusto. Napansin kong nakatingin sa amin ang media at mga importanteng tao sa industriya. Alam kong ang engagement na ito ay hindi lang basta kasalâisa itong malaking transaksyon sa mundo ng negosyo. Sa likod ng mga pekeng ngiti ng mga bisita, naririnig ko ang bulungan ng mga tao: "Ang suwerte naman ni Isabella, mapapangasawa si Sebastian!" "Pero hindi ba babaero si Sebastian? Kawawa naman ang babae!" "Siguradong isang kasal lang sa papel ito. Wala namang pag-ibig diyan." Pinilit kong hindi makinig. Nang makalapit kami sa stage, hinawakan ni Sebastian ang kamay ko. Ramdam ko ang init ng palad niya, pero hindi ito nagbigay sa akin ng kahit anong ginhawa. Sa halip, para akong nakuryente sa inis. âKahit pilitin mong ngumiti, halata pa rin sa mukha mong ayaw mo ito,â bulong niya habang nakaharap kami sa audience. Napatingin ako sa kanya. âAt least ako, sinusubukan. Ikaw, mukhang masyado mo namang ginagawang laro ang lahat ng âto.â Napangisi siya. âDahil laro lang naman talaga ito.â Bago pa ako makasagot, biglang may kumuhang litrato sa amin. Click! Napapikit ako sa nakakasilaw na flash ng camera. âLadies and gentlemen,â ani Don Victor Villafuerte, ang ama ni Sebastian. âNgayong gabi, ipinapahayag namin ang opisyal na engagement ng aking anak na si Sebastian, at ng napakagandang si Isabella Ramirez.â Palakpakan. Muling kumislap ang mga camera. Napangiti si Sebastian at bumulong sa akin, âNgumiti ka, Isabella. Baka isipin nilang napipilitan ka lang.â Napakuyom ako ng kamao pero sinunod ko siya. Ngumiti ako, kahit sa loob-loob ko ay gusto kong tumakbo palayo. Dahil alam kong ito na ang simula ng bangungot na hindi ko kailanman kayang gisingin ang sarili ko mula rito. --- Pagkatapos ng Party Tahimik akong nakaupo sa kotse habang binabaybay namin ang daan pauwi. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana, habang si Sebastian ay abala sa cellphone niya. "Para kang pipi diyan," wika niya, hindi man lang tumingin sa akin. Hindi ko siya sinagot. Napabuntong-hininga siya at ibinaling sa akin ang tingin. âGusto mong itanong kung bakit ako pumayag sa kasal na âto, âdi ba?â Tiningnan ko siya, nagtataka. âHindi na. Wala akong pakialam.â Napangisi siya. âTalaga lang?â Hindi ko napigilan ang sarili ko. âBakit nga ba? Hindi naman ako ang tipo mong babae. May kaya ang pamilya mo, may pera ka, may hitsura ka pa. Pwede kang pumili ng kahit sinong babae, pero bakit mo tinanggap ang kasunduang ito?â Tumahimik siya sandali, parang iniisip kung sasagutin niya ako. Pero maya-maya, ngumiti siya nang mapanukso. âKailangan ko lang ng asawa para tumahimik ang pamilya ko.â Napakunot ang noo ko. âAno?â âAng tatay ko, gusto akong magpakasal para maging âresponsable.â Gusto niyang ipasa sa akin ang negosyo, pero hindi ko gusto ang buhay na âyon. Ngayon, kung magpapakasal ako, matutuwa siya at baka tantanan na niya ako.â Hindi ako makapaniwala. âIbig sabihin, ginagamit mo lang din ako para sa sarili mong dahilan?â Napatawa siya, halatang nag-eenjoy sa pagkainis ko. âHuwag mong sabihin na hindi mo rin ginagawa âyan? Pareho lang tayo, Isabella. May kanya-kanya tayong dahilan kung bakit natin tinanggap ito.â Hindi ko siya sinagot. Tama siyaâtinanggap ko ito dahil sa pamilya ko. Pero kahit na ganoon, hindi ko pa rin matanggap na isa lang din akong kasangkapan sa laro niya. Tahimik akong tumingin sa labas ng bintana, pinipigilan ang luha ko. Sa gabing ito, isa lang ang naging malinaw sa akinâ Hindi ako dapat nagtiwala kahit kaunti kay Sebastian Villafuerte.KABANATA 72 â ANG UMAGA PAGKATAPOS NG GABIMaagang umaga na sa opisina ng kumpanyaâisang tahimik at sineseryosong simula ng araw. Nakaupo sa sarili niyang office si Isabella, nakatanaw sa bintana habang unti-unting pinapawi ng liwanag ng araw ang dilim ng nakaraang gabi. Nasa tabi pa rin ng lamesa ang mga dokumento at planners, ngunit tila hindi na ito kasing mahalaga sa kanya sa sandaling ito. Ang alaala ng kanilang huling sandali noong nakaraang gabi ay patuloy na bumabalik, nagdudulot ng halo-halong damdaminâtakot, pananabik, at pag-asa.Hindi malayo, nasa open office naman si Sebastian. Bagaman parehong miyembro ng kumpanya, iba ang kanilang mundoâsiya ay madalas na nasa mga meeting, habang si Isabella naman ay umiikot sa kanyang sariling board ng mga proyekto. Sa kabila nito, hindi maiwasang bumalik sa isip ni Sebastian ang mga sandaling iyon sa kanilang pribadong silid kaninang umaalis pa rin sa kanyang alaala. Habang sinusuri niya ang mga report ng kliyente,
Kabanata 71Tahimik ang biyahe pauwi ng villa.Magkaharap lang ang mga palad nina Isabella at Sebastian sa gitna ng seat, pero wala ni isa sa kanila ang gumalaw para muling maghawakan. Kanina lang, punong-puno ng halik at matamis na salita ang pagitan nila. Ngayon, parang pareho silang hindi alam ang gagawin.âGabi na,â bulong ni Isabella habang pinagmamasdan ang kalsadang tinatamaan ng ilaw mula sa headlights. âMay work pa tayo bukasâŚââHmm,â sagot lang ni Sebastian, bahagyang tumango.Nang makarating sila sa villa, binuksan ni Sebastian ang pinto para sa kanya tulad ng dati. Pero walang usual banter, walang teasing. Tahimik silang pumasok sa loob ng bahay, habang ang mga yapak nila sa marmol na sahig ang tanging ingay sa paligid.Pagkapasok sa kwarto, naunang nagtanggal ng coat si Sebastian at isinabit ito. Si Isabella namaây dumiretso sa vanity para alisin ang make-up niya.âGusto mo ng tea?â tanong ni Sebastian
KABANATA 70 "Sa Likod ng Abalang Araw" Araw ng Martes. Maagang dumating si Isabella sa opisina, dala ang determinasyong matapos ang lahat ng nakatambak na reports. Sunod-sunod ang meetings, emails, at tawag mula sa iba't ibang departamento. Ngunit sa kabila ng stress, may kakaibang sigla sa kanyang mga mataâisang bagay na hindi niya maipaliwanag ngunit alam niyang may kinalaman ito kay Sebastian. Bandang alas-onse ng umaga, habang abala siya sa pagbabasa ng marketing brief, biglang kumatok ang receptionist sa kanyang opisina. âMaâam Isabella, may delivery po para sa inyo.â Napakunot-noo siya. âDelivery? Wala naman akong inorderââ Ngunit naputol ang kanyang sinasabi nang makita ang isang eleganteng bouquet ng pulang rosas, kasama ang isang maliit na card. I love you forever, honey. â S Napangiti siya, bahagyang napailing. Napaka-sweet talaga ng asawa koâŚ
Kabanata 69Huwag making mahina âNasa kalagitnaan ng tahimik na gabi nang biglang tumunog ang cellphone ni Sebastian. Kakatapos lang nilang maghapunan ni Isabella, at kasalukuyan silang nagpapahinga sa sala nang makita niya ang pangalan sa screenâMirachi Monroe Luigi."Napansin ni Isabella ang panandaliang pagbabago sa ekspresyon ni Sebastian. Hindi niya ito tinanong, ngunit ramdam niya na may kinalaman iyon kay Andrea. Pinanood niya lang itong sumagot."Hello, Mrs. Luigi o ahhh Tita?""Sebastian, anak⌠Pasensya ka na kung ginagambala kita ngayong gabi, pero hindi ko na alam ang gagawin kay Andrea. Hindi siya kumakain, hindi siya natutulog, at kanina lang, nagbanta siyang hindi na niya gustong mabuhay kung hindi ka pupunta rito!"Nanlamig si Sebastian sa narinig. Hindi siya kaagad nakasagot. Napansin iyon ni Isabella at bahagyang napakunot ang noo."Sebastian, anak, natatakot ako! Kahit ano'ng pilit kong gawin, hindi si
Kabanata 68 " Tawag ng karibal 'Pauwi na si Isabella gamit ang kanyang sasakyan, habang si Sebastian naman ay sumunod sa kanya. Ayaw niyang tuluyang magka-gulo silang mag-asawa. Habang nagmamaneho siya, biglang tumunog ang kanyang telepono. Tumawag si Roxie."Sebastian, ipinapatawag ka ni Andrea. Gusto niyang malaman kung kailan kayo babalik sa ospital."Matagal na natahimik si Sebastian bago siya sumagot. "Pakisabi kay Andrea na may inaayos lang ako. At please, alam ko ang ginagawa ko. Babalik ako diyan pagkatapos ko sa ginagawa ko. Importante ito."Pagdating nila sa bahay, halos sabay silang nakarating ni Isabella. Agad na lumabas si Sebastian sa kanyang sasakyan at mabilis na nilapitan si Isabella.Papasok na sana ito nang bigla niyang yakapin mula sa likuran at marahang hinalikan sa leeg. "I missed you so much, please calm down, honey. Sa totoo lang, naguguluhan ako. Sana maunawaan mo ako. Nakokonsensya lang ako sa nangyari kay Andre
Kabanata 67 â Tahimik na DistansyaSa ospital, malungkot na umiiyak si Andrea habang nakahiga sa kama. Halos hindi niya kayang titigan si Sebastian, ngunit pilit niyang ipinaparamdam dito ang sakit na nararamdaman niya.âSeb⌠hindi mo na ba talaga ako mahal?â mahina niyang tanong, punong-puno ng hinanakit.Napalunok si Sebastian. Alam niyang matagal nang tapos ang kanilang relasyon, pero hindi niya kayang sabihin ito nang harapan ngayon. Hindi ngayon, hindi sa ganitong sitwasyon.âAndrea⌠hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin âyan. Ang mahalaga, gumaling ka muna,â sagot niya nang maingat.Napaluha si Andrea. âAlam mo bang ikaw lang ang gusto kong makasama ngayon? Kahit saglit lang, pwede bang huwag mo muna akong iwan?âSa kabila ng pangungusap na iyon, nanatili si Sebastian. Hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa awa. Nang mapansin niyang tuluyan nang nakatulog si Andrea, naramdaman niyang pagod na rin siya. Hindi ni