LOGINSa gabing iyon, habang mahimbing na natutulog si Brielle, hindi niya inaasahan na isang simpleng detalye ang magiging laman ng kanyang panaginip—paulit-ulit, walang tigil, at halos hindi siya pakawalan.Sa bawat pagdampi ng dilim sa kanyang kamalayan, kusang lumilitaw ang imahe—ang bahagyang pagkurba ng mga labi nito, ang mapulang kulay na tila may sariling init, at ang lambot na para bang kaya niyang maramdaman kahit hindi niya ito hinahawakan.Hindi niya maintindihan kung bakit.Hindi ito ang unang beses na may nakita siyang maganda. Hindi rin ito ang unang beses na may babaeng nagpakita ng interes sa kanya. Ngunit bakit ngayon… tila may kung anong naiwan sa kanyang isip na ayaw umalis?Sa bawat pagpikit niya, mas lumilinaw ang imahe.Mas nagiging totoo. At mas lalong nagiging mahirap takasan.Hindi siya mapakali. At ang mas ikinaiinis niya—hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya mapakali.“Isang pares lang ng labi ‘yan,” bulong niya sa sarili sa gitna ng kanyang panaginip, na
Nang makita ang mensahe ni Brielle, hindi napigilan ni Janella ang mapabuntong-hininga. Gaya ng inaasahan sa isang CEO ng kumpanya, matalas ang kanyang kutob. Hindi pa man siya nagsasalita, may naramdaman na itong kakaiba.Pero paano niya sasagutin ang tanong na itinanong nito? Dapat ba niyang itanong na lang, “Bakit hindi mo ako hinalikan ng french style kiss?”Para bang nagmamakaawa ito sa kanya na gawin iyon sa kaniya. Sa totoo lang, wala s'yang masyadong experience kaya nalilito siya. Tamang smack minsan torrid pero iyong french kiss? Parang hindj niya naranasan iyon. Gaya nga ng isang sanggol na hindi pa nkatuntong lima o anim na buwan, makakita man ito ng kahit anong pagkain ay hindi pa ito natatakam kaya bakit naman nito gugustuhing matikman ang pagkaing iyon kung wala naman s'yang ideya kung ano ang bagay na iyon?Masyado yatang prangka kung direkta niyang tatanungin iyon. Baka kung ano pa ang isipin nito, at higit sa lahat, mapapahiya lang siya. Hindi rin naman niya kayang i
DAHIL sa hindi agad makasagot may biglang may naisip si Lyca at napalakas ang boses niya. “Wait… don't tell me…dumiretso na agad kayo at hindi man lang siya nagpakilig o nagpalambing sa iyo. Well, kung ganoon ang nangyari, siyempre masasaktan ka talaga!” Sumimangot pa ito. “Grabe naman iyon, napaka inconsiderate naman ng asawa mo.” Napatingin pa si Janella sa paligid, saka mabilis na dinampot ang isang butil ng bawang mula sa plato at isinubo iyon kay Lyca. "Tama na nga ang kakadaldal mo. Huwag kang gumawa ng kwento. Baka may makarinig at masira pa ang reputasyon niya." Habang ngumunguya ng bawang, napangiwi si Lyca. Ngunit hindi siya tumigil. “Mukhang pasado talaga siya sa paningin mo. Pero curious lang ako, ha? Kung dati naman pala ay hindi siya masyadong mahilig sa mga sweet na bagay, paano niya ipinapakita na espesyal ka sa kanya?" Bahagyang namula si Janella. “May sarili siyang paraan ng pagpapakita ng pagmamalasakit.” Hindi na niya dinetalye pa. Napailing na lam
“Grabeng gulat naman iyan.” Sabay subo ng karne sa kaniyang bibig at dahan-dahan iyong nginuya. “Eh kasi naman, nakakagulat talaga iyon girl! Kasal kayo tapos di pa kayo ng kiss?” “Wala naman akong sinabi, nag-ano kami pero… iyong french kiss —hindi ko pa naranasan.” Pagkatapos ihain ng waiter ang pagkain at ipakilala ang dish, aalis na sana ito, kaya lang napahinto ito at nag-aatubiling umalis.Yumuko siya at tumayo sa tabi ng mesa, hinawakan ang isang bagay at tiningnan iyon, tila abala, ngunit sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang kanyang ginagawa.Maya-maya pa, nakaramdam si Janella ng lamig sa kanyang kamay, napatingin siya rito, at saka tumingala sa waiter. “Hey, tingnan mo ang ginagawa mo,” kalmado niyang sabi. Doon pa lang larang natauhan ang waiter. “Naku! Pasensya na po,” mabilis na kumuha ng tissue ang waiter para punasan ang mga kamay ni Janella.Bakas sa mukha ng waiter ang guilt at takot, sa pagkataranta, dumampi sa mesa ang braso nito. Kasabay niyon ay ang ma
Sa oras na iyon, tila tumahimik ang buong opisina. Parang lahat gustong marinig ang sagot ni Janella. Ngunit tila walang balak na sagutin iyon ni Janella, nanatili s'yang kalmado at tikom ang bibig.“Ayaw ni President ng tsismis tungkol sa’kin,” sagot niya kalaunan. “Kaya wala kayong makukuha sa akin.”“Paano pala kayo nagkakilala? May relasyon ba kayo?” tanong ulit ni Adrian, halos pabulong pero halata ang kilig.Ngunit bago pa makasagot si Janella, umalingawngaw ang tunog ng matataas na takong sa training hall.Lumapit si Camille habang nakapamewang, at halatang irritable.“Adrian! Oras ng trabaho, puro ka tsismis. Kung tapos ka na sa ginagawa mo, maghanap ka ng ibang pagkakaabalahan. Huwag mong istorbohin ang mga nagtatrabaho.”Umirap naman si Adrian.“Naku, Manager Camille. Maaga pa para sermunan mo ako. Kumalma po muna kayo, sige ka, mababawasan iyang ganda mo kapag nakasimangot ka.”“Sorry, but I'm not buying your joke. Tingnan mo nga sarili mo. Araw-araw kang pumapasok para ma
MATAPOS ang mahaba-habang biyahe, sa wakas ay tanaw na ni Janella ang parking lot ng kumpanya. Agad s'yang nag-ayos at sumulyap kay Brielle na tahimik lang buong biyahe. “Dito na lang ako habang wala pa masyadong tao,” saad niya bago pa man makalapit ang sasakyan sa parking area ng kumpanya. Kumunot naman ang noo ni Brielle. “Bakit?” “Maglalakad na lang ako, malapit na rin lang naman.” nakangiting sagot niya rito. “Uhm.” Kinatok ni Brielle ang partition, na agad namang bumaba. “Itabi mo.” maotoridad niyang utos sa drayber. Pagkahinto ng sasakyan sa gilid ng kalsada, lumabas si Janella at inayos ang sarili. “Sandali lang,” sabi ni Brielle.Bumaba rin ito ng sasakyan.Napatingin si Janella sa kanya, halatang nagtataka dahil nagmamadali ito at malapit nang umalis papuntang airport."Uy, ba't ka lumabas?" luminga-linga pa siya sa paligid, baka sakaling may makakita.Inabot ni Brielle ang thermos sa kamay niya.“Nakalimutan mong bitbitin. Huwag mo ring kalimutang uminom nito araw-







