MasukChapter 31HINDI pa man sila tapos kumain, biglang tumunog ang selpon ni Brielle mula sa isang sekretarya ng isang opisyal ng gobyerno, na nagpapaalala na kailangan niyang dumalo sa isang pagpupulong kasama ang gobernador at ilang negosyante sa araw na iyon. “Ahm, pasensya na, kailangan ko nang umalis. Salamat pala sa masarap na hapunan at umagahan, miss Caballero.” “Busog na po ba kayo?” tanong ni Jake.Tumango si Brielle bilang tugon. Tumayo siya at naglakad palabas.Hindi na nagawang ihatid ni Janella si Brielle, bagkus, sinundan na lamang ng tingin ang likod ng lalaki habang binubuksan ang pinto hanggang tuluyan itong magsara.Nagpatuloy sa pagkain ang magkakapatid hanggang sa matapos sila. “Oo nga pala Jake ikaw na bahalang magligpit ng pinagkainan natin, ha.” “Sige po, Ate.” Tumayo at agad na kinuha ni Janella ang laptop sa kaniyang bag na nakapatong sa lamesa sa gilid ng sofa, bago umupo, at binuksan ang laptop. Naging abala siya sa pagkalikot roon, kaya hindi niya namala
Chapter 30PAGKATAPOS maligo at magpalit ng damit ni Janella, hindi pa lumalabas si Brielle Hindi siya pumasok sa kwarto para tumingin; sa halip, tumalikod siya at pumunta sa kusina para maghanda ng almusal.Dahil hindi niya alam kung ano ang gustong kainin ni Brielle, nagluto na lang siya ng poached egg, butter garlic toast bread, bacon, at sinangag na s'yang paborito ng kapatid. Nang matapos niyang maghanda, napatingin siya sa pinto ng kaniyang silid. Hindi pa rin ito lumalabas, kaya nagpasya s'yang puntahan at katukin ito. Itataas na sana niya ang kamay nang bigla iyong bumukas mula sa loob, at nakatayo sa harap niya ang lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata.“Pasensya na, gusto sana kitang katukin para makakain ka na.” Kalmadong ngumiti si Brielle bilang tugon. Hindi na tumugon si Janella, tumalikod siya at naunang naglakad patungo sa lamesa.“Pagpasensyahan mo na, ito lang ang nakayanan ko. Ito lang din kasi ang laman ng fridge.” Napatingin si Brielle sa mga pagkaing nakah
Chapter 29Mag-aalas tres na nang magising si Brielle dahil sa init na naramdaman niya sa kaniyang bisig. Bahagya s'yang gumalaw ngunit natigilan din nang maramdaman ang bigat sa parteng iyon. Iminulat niya ang mga mata, at nakitang ang babae kanina ay nasa kabilang gilid lang ng kama ay nakahiga na sa bisig niya. Kapansin-pansin at nakasisilaw ang kanyang mga katangian kapag gising siya. Ngayon, natutulog, at nakayakap sa kanya, ang kanyang mahahaba at parang pamaypay na mga pilikmata ay nakalaylay, na nagbibigay sa kanya ng isang inosente na parang batang walang muwang.Parang bata na kailangan pa ng yakap at init ng ina kaya nakasuksok ito sa bisig niya.Sa init ng panahon, kapag ang dalawang katawan ay magkadikit, ang init ay medyo tumitindi. Sanay ang kaniyang katawan sa lamig, ngunit ang init na nanggagaling sa balat ng katabi ay may kakaibang epekto sa kaniya. Tiningnan niya ang babaeng mahimbing na natutulog, at ang kanyang pag-tap ay napalitan ng pagyakap at paghawak sa k
Chapter 28Patay ang ilaw at tanging liwanag lang na nagmumula sa sinag ng buwan ang nagsilbing liwanag sa loob ng silid ni Janella. Hindi nakasara ang pinto ng kwarto patungo sa balkonahe, at ang simoy ng hangin ng gabi ay mainit na pumapasok sa silid na nagbibigay ng maginhawang pakiramdam kay Janella. Nasanay na siya sa ganoong klima kaya kumportable siya. Walang aircon sa kaniyang kwarto, at tanging ceiling fan lang ang umiihip roon.Napalingon siya sa lalaki. Alam niyang hindi sanay ang lalaking nakahiga sa kabilang side ng kama, at naaawa siya dahil hindi maganda ang pakiramdam nito. Halos mahulog na rin ito sa kama. May harang na hotdog pillow sa pagitan nila, kaya sapat lang sa katawan nila ang espasyong hinihigaan.Kanina pa ito nakapikit magmula nang magdesisyon silang magpahinga, gayunpaman, panay ang balikwas nito tanda na hindi ito kumportable.Humarap siya sa lalaki at tinitigan ito, “Mr. Sebastian, okay ka lang po ba?” Humarap din ang lalaki, bago sumagot. “Ang init.”
Chapter 27Nahihilo man, pakiramdam ni Janella ay kulang pa ang nainom niya. Napakalinaw ng mga sensasyon; ang balat na hinalikan ng kanyang mga labi ay parang nag-iinit sa kaniyang pakiramdam na parang kuryenteng unti-unting dumadaloy sa kaniyang sistema.Hindi naman mapigilan ni Brielle ang sarili, hindi pa siya lasing pero pakiramdam niya'y sinisilaban siya lalo na nang idikit ng asawa ang labi nito sa dibdib niya. Nagsitayuan ang balahibo niya lalo na ang kaibigan sa ibaba. “Damnit! Babae, alam mo ba ang ginagawa mo?” Parang wala itong naririnig, patuloy lang ito sa ginagawa, bagay na hindi mapigilan ni Brielle ang sarili. Inilagay na njya ang palad sa likod nito at malakas itong ikinabig paharap.Hinawakan ang ulo at pinatingala ito dahilan para magtama ang kanilang mga mata.Dahil sa posisyong ito, mas madali sa kanilang dalawang halikan ang isa't isa. Mapang-akit na tumingin si Janella, saka inilapat ang labi sa labi nito na agad namang ginantihan ng banayad ngunit kalaunan
NANG matapos magbihis ni Brielle, lumabas na siya ng banyo. Nakita niyang nakahiga na ang babae, sinuyod niya ito nang tingin bago sinulyapan ang alak na nakapatong sa lamesang nasa gilid ng pader, naroon din ang baso, at halatang hindi pa iyon nasasalinan. Naglakad siya palapit at naupo sa kama. Naramdaman naman ni Janella ang palubog ng kutson kaya dahan-dahan siyang tumingala at nakita niyang nakaupo na ang lalaki sa tabi niya. Hindi nito suot ang binigay niyang pantulog, sa halip, suot nito ang maroon na roba niya na nakasabit sa likod ng pinto. Maikli iyon para sa lalaki, bagay na kita niya ang mapuputing braso at binti nito. Sa sandaling ito, bumaba ang kwelyo nito, na nagpapakita ng kalahati ng kaniyang maputi at makinis na balikat. “Bakit hindi ka pa nagtagay para sa sarili mo?” Inilagay ni Brielle ang palad sa balikat niya. “‘Wag kang kabahan. Wala naman akong gagawin sa ‘yo. Baka kasi kaya ka kinakabahan dahil akala mo gagalawin kita—but no, I just want to drink with







