LOGINTatlong babae. Tatlong bilyonaryo. Tatlong pag-ibig na isinulat ng tadhana. Nagsimula ang lahat sa isang pag-ibig na puno ng pagsubok. Book 1 – Sheena & Carlo Isang simpleng babae ang umibig sa kanyang istrikto at malamig na bilyonaryong boss. Namuo ang pag-ibig. Ngunit bago nila natagpuan ang kanilang masayang wakas, kinailangan nilang harapin ang mga lihim ng nakaraan, kabilang ang katotohanang may isang kapatid pala si Sheena na matagal niyang hindi nakilala. Book 2 – Antonette & Gabby Sa Taiwan, nakilala ni Antonette Del Fuente ang bilyonaryong si Gabby Ong, ang vice president ng Ong Grand Hotel. Habang lumalalim ang kanilang damdamin para sa isa't isa, nagsimulang bumalik ang mga lihim na alaalang matagal ng nakabaon. Sa pagitan ng pag-ibig at katotohanan, kaya ba nilang piliin ang isa't isa kapag nabunyag na ang lahat? Book 3 – Ruby & Enzo Minsang iniwan ni Ruby ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Pinili niyang sumama sa isa pang bilyonaryo—ang publisher na si Enzo. Ngunit hindi lahat ng pagpili ay nagdudulot ng kapayapaan. Kapag muling nagkrus ang landas ng nakaraan at kasalukuyan, handa ba siyang harapin ang kapalit ng desisyong minsan niyang ginawa? Tatlong kuwento ng pag-ibig. Tatlong babaeng haharap sa sakit, pag-asa, at ikalawang pagkakataon. At isang serye na magpapatunay na ang tunay na pag-ibig ay laging may tamang oras para matagpuan.
View MoreUnang kwento...
----- Hindi normal ang hiling na gusto mong masampal ka sa job interview. Pero iyon mismo ang sinabi ni Sheena Del Fuente sa CEO ng Sanchez Media Corporation. Ilang oras lang ang nakalipas… Sheena took a deep breath bago pumasok sa lobby ng Sanchez Media Corporation. Pagpasok niya, agad na bumungad ang napakalawak na espasyo—glass walls na parang salamin ng bawat galaw, polished marble floors na kumikinang sa ilalim ng ilaw, at sleek modern interiors na tila sinasabing hindi basta-basta ang kumpanyang ito. Saka ang mga empleyado—walang sayang na oras, parang sanay na sa pressure, sa success, sa expectations na mataas at walang puwang sa pagkakamali. May kanya-kanyang mundo, pero iisa ang aura: competence. At siya? Parang hindi bagay. Bigla siyang nakaramdam ng liit. “Okay, Sheena… chill ka lang,” bulong niya sa sarili habang mahigpit ang hawak sa folder ng resume niya. Ramdam niya ang bahagyang panginginig ng mga daliri niya. “First impression is everything.” Patuloy niyang pag-encourage sa kanyang sarili. Dumiretso siya sa waiting area at umupo sa bakanteng upuan. Kasama niya ang iba pang applicants. Lahat mukhang confident, well-dressed, at halatang may experience na. May nagre-review ng notes, may nakapikit na parang kinokondisyon ang sarili, at may nakatingin lang sa harap pero halatang kalmado. “Grabe… mukhang ang gagaling nila,” bulong niya. “First time mo rin?” tanong ng katabi niyang babae. Napalingon si Sheena at tumango. “Oo… ikaw?” “Second time ko na dito,” sagot nito, bahagyang ngumiti. “Mahirap makapasok, lalo na kung si Carlo Sanchez ang mag-iinterview.” Napakunot ang noo ni Sheena. “Si Carlo Sanchez?” “CEO,” sagot ng babae. “Bata pa, pero sobrang powerful. Billionaire. Perfectionist… at sobrang gwapo.” Napangiti si Sheena ng bahagya. “Talaga?” “Yeah. Pero warning...sobrang strict. Walang patawad. Isang mali mo lang, ligwak ka agad.” Biglang kinabahan si Sheena. Parang hindi na siya sigurado kung ready ba talaga siya. Parang gusto na niyang umatras habang may pagkakataon pa. Pero bago pa siya tuluyang mag-isip ng dahilan para umalis— “Ms. Del Fuente?” Napalingon siya sa HR staff. “Your turn.” Tumayo siya. Pagbukas ng p***o. Natigilan siya. Hindi dahil sa laki ng opisina. Kundi dahil sa lalaking nakaupo sa swivel chair. Carlo Sanchez. Impeccably dressed. Perfect posture. At may isang bagay pa...pamilyar ito. Sobrang pamilyar. Kamukha nito si Homer Alejandrino. Kamukhang-kamukha. Hindi agad nagsalita si Carlo. Nakatingin lang ito. Diretso. Walang emosyon. Parang binabasa nito si Sheena mula ulo hanggang paa, parang binabasa hindi lang ang itsura niya, kundi pati ang pagkatao niya. “Ms. Del Fuente,” malamig nitong sabi. “Sit." Isang salita. Pero parang utos na hindi puwedeng suwayin. Umupo siya. Maingat. Halos hindi niya maramdaman ang upuan niya dahil sa kaba. “Why do you want to work here?” Diretso. Walang kahit konting comfort. Walang small talk. Walang “good morning.” Napakurap si Sheena. Parang biglang nawala ang lahat ng sagot na inihanda niya kagabi. “B-Because… I want to grow in the media industry…” “Explain your skills. Be specific.” Mas bumilis ang tibok ng puso niya. Isa-isa siyang sumagot—about sa writing experience niya, sa organizational skills, sa pagiging adaptable. Pero habang tumatagal, pakiramdam niya… parang bawat sagot niya ay hinuhusgahan bago pa niya matapos. “Give me an example.” “How do you handle pressure? “What makes you different from the others outside?” Sunod-sunod. At habang tumatagal... May mali. May mali talaga. Sa pakiramdam na iyon. Sa lalaking kaharap niya. Hanggang sa hindi niya napigilan. “Sir…” Tumigil si Carlo. Huminga siya ng malalim. “I know this sounds weird…” Aniya. “Pero… puwede mo ba akong sampalin?” Pakiramdam niya, tumahimik ang buong silid. Parang pati hangin huminto. “What?” malamig na tanong ni Carlo. “Para magising ako…” halos pabulong niya, pero sapat na tinig niya para marinig nito ang sabi niya. “Kasi parang… hindi totoo ‘to.” patuloy pa niya. Mas tumalim ang tingin ni Carlo. “I don’t hit people in my company.” wika nito. “If you cannot separate reality from imagination… this position is not for you.” patuloy ng lalaki. Parang bumagsak ang mundo ni Sheena sa salitang iyon. Parang may p***o na isinara, hindi lang sa opportunity, kundi sa sarili niyang confidence. — Paglabas ni Sheena ng building, hindi niya maalala kung paano siya nakalakad pababa. Parang lahat ng nangyari ay nasa ulap. Malabo, magulo, at paulit-ulit na bumabalik sa alaala niya. Carlo Sanchez. Ang interview. Ang tingin nito. At ang sinabi nito. Not for you… Iyon na lang ang paulit-ulit sa isip niya. Parang mantra na pilit niyang tinatanggap para hindi masaktan. Iwas disappointments. Pagdating niya sa bahay, diretso siyang humiga sa kama. Hindi na siya nagpalit ng damit. “Congrats, Sheena…” sarkastiko niyang bulong, habang nakatitig sa kisame. “Sample ng kahihiyan, 100% complete. Sampal pa more.” patuloy niya Tinakpan niya ang mukha ng unan. Pero kahit pinipilit niyang kalimutan iyon, bumabalik sa isipan niya ang nangyari. Ang eksena. Ang boses. Ang presensya. Si Carlo Sanchez. At yung pamilyar na mukha nito... Ay may pagkahawig. “Kamukha lang niya,” pilit niyang sabi sa sarili. Pero hindi mapigil ng utak niya. Na isipin ang pagka-hawig nito kay Homer Alejandrino. Parehong tindig. Parehong aura. Parehong paraan ng pag-titig na parang may nakikita silang hindi mo kayang itago. “Hindi… I know, coincidence lang ‘to,” bulong niya. Biglang nag-ring ang phone niya. Napa-balikwas siya mula sa pagkakahiga at agad kinuha ang phone sa tabi niya. Unknown number. Nag-alinlangan siya sandali bago sumagot. "Hello?” “Good afternoon, Ms. Del Fuente. This is HR from Sanchez Media Corporation.” Bigla siyang napaupo ng maayos. Parang bumalik ang lahat ng tension sa katawan niya. “Opo?” “We’re calling to inform you that you are hired.” Napatigil siya. “You are assigned as the personal assistant of Mr. Carlo Sanchez. Please report tomorrow.” Saglit siyang hindi nakapagsalita. “Okay po… thank you,” aniya sapagdaka. Call ended. Napatulala siya. Wait… what? Personal assistant? Hindi naman iyon ang in-applyan niya. At bukas agad? “Ang bilis naman…” bulong niya. —------------- Ano kaya ang dahilan kung bakit na-hired si Sheena bilang personal assistant ni Carlo Sanchez? Bakit ganoon na lang kabilis ang lahat? At sino nga ba si Homer Alejandrino, ang pangalang patuloy na bumabalik sa isip ni Sheena? Subaybayan ang mga susunod na kabanata. Huwag kalimutang i-follow at i-add to library/subscribe and click the heart, para masundan ang kwento nina Sheena at Carlo.Nang dumating si Ruby sa Sanchez Media Corporation, marami na ang empleyadong abala sa kani-kanilang trabaho.Maaga pa lamang ay puno na ang lobby ng mga taong nagmamadali. May mga empleyadong may hawak na folders habang mabilis na naglalakad papunta sa kani-kanilang department. Ang ilan naman ay abala sa kanilang mga cellphone, marahil ay chine-check ang kanilang mga emails o schedule para sa buong araw.Tahimik na pumasok si Ruby sa glass door ng opisina.“Good morning!”Napangiti siya sa receptionist bago dumiretso sa elevator.“Good morning,” magiliw na sagot ng receptionist.Pagpasok ni Ruby sa elevator, bahagya siyang napabuntong-hininga. Tulad ng dati, alam niyang magiging mahaba na naman ang araw niya. Marami siyang kailangang asikasuhin at siguradong hindi siya makakaupo nang matagal.Pagbukas ng elevator sa kanilang floor, agad niyang nakita ang pamilyar na mukha.“Ruby!”Napalingon siya.“Ellen!”Lumapit agad sa kanya ang kaibigan at niyakap siya.“Late ka na naman ng three
“Hindi ko puwedeng piliin ang sarili ko dahil kailangan ako ng pamilya ko.” Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Ruby sa sarili sa tuwing haharap siya sa salamin. Nakatayo siya sa harap ng malaking salamin sa kanyang kuwarto habang pinagmamasdan ang sarili. Katatapos lamang niyang maligo at ngayon ay abala siya sa pag-aayos ng kanyang buhok. Maingat niyang sinuklay ang mahahabang hibla nito bago niya inayos ang ilang hibla na nakatakip sa kanyang mukha. Lunes ng umaga. Muli na naman siyang papasok sa trabaho. Sa Sanchez Media Corporation. Sa lugar kung saan araw-araw niyang kailangang harapin ang taong malapit na niyang pakasalan. Si Carlo Sanchez. Napabuntong-hininga siya nang mapatingin muli sa kanyang repleksyon. Next month na ang kasal nila. Ilang linggo na lamang at magiging Mrs. Sanchez na siya. Sa ibang babae, marahil ay isa iyong pangarap na unti-unting nagkakatotoo. Isang kasal sa isang lalaking halos lahat ay gustong makasama. Isang buhay na hindi na kailangang pag
Four months ago..."Ruby!"Napalingon si Ruby mula sa computer na ginagamit niya. "Yes?""May ipapasa ka pa ba sa akin bago lunch?"Tiningnan niya ang orasan sa dingding.11:47 a.m.Napabuntong-hininga siya. "Yes. Tatapusin ko na."Mabilis niyang inayos ang dokumentong nasa screen bago ito ipinadala sa email ng kanyang supervisor.Isa na namang umaga na halos hindi niya namalayan. Sabado nang araw na iyon. Supposedly ay day-off niya. Pero heto siya, nagtatrabaho pa rin bilang romance writer sa isang publishing company. Monday to Friday ay personal assistant siya ng kasintahan na si Carlo Sanchez. Tapos, pag uwi niya galing sa opisina subsob pa rin siya sa trabaho. Pagsusulat ng mga kwentong pag ibig. Tuwing sabado lamang siya pumapasok personally sa publishing company dahil iyon lang ang vacant time niya. Mabuti at pinayagan siya ng kanyang supervisor. Hindi naman nakapagtataka dahil silent performer siya. Wala man ang presensya niya, mataas naman ang ratings ng mga ginagawa niyang l
PROLOGUENakaupo si Ruby sa harap ng salamin.Ilang minuto na siyang nakatitig sa sarili niyang repleksiyon, ngunit parang hindi niya makilala ang babaeng nakikita niya roon.Suot niya ang puting wedding gown na ilang linggo niyang pinag-isipan kung isusuot ba talaga niya.Sa likod niya ay abala ang mga taong tumutulong sa paghahanda ng kasal. May mga bulaklak, mga gamit, at mga dekorasyong nagsasabing ilang sandali na lamang at magiging asawa na siya ni Carlo Sanchez.Carlo.Ang lalaking minsan niyang minahal ng buong puso.Ang lalaking kasama niya ngayon na haharap sa altar.Napayuko si Ruby.Ilang beses niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na tama ang desisyon niyang ito.Na kailangan niyang ituloy.Na kailangan niyang kalimutan ang lahat ng ibang bagay at piliin ang buhay na matagal na niyang pinangarap. At magiging kasama niya si Carlo sa mga pangarap niyang iyon, pag mag-asawa na sila.Pero habang papalapit ang oras ng kasal, lalo lamang sumisikip ang dibdib niya. Parang nag
Pagpasok nila sa loob ng opisina, agad itong naupo sa upuan nito, na bumalik sa dati nitong cold, distant, unreadable aura. Habang si Sheena ay nakatayo pa rin, tahimik at hawak ang tablet. Pero hindi niya maayos ang sarili niya dahil sa kalabog ng dibdib na nararamdaman... Ang kabang hindi n
Lumapit pa si Carlo. “At ngayon?” mababa ang boses. “Who do you see?” patuloy nito. Hindi siya makagalaw. Hindi makasagot. - Bigla siyang nagising. Hinihingal. Pawis. Kumakabog ang dibdib. “Ano ba yon?…” tanong niya sa sarili at napahawak siya sa dibdib. Parang hindi pa rin nawala an
Pagbalik ni Sheena sa desk niya, iba na ang pakiramdam niya. Now she knew... May dahilan kung bakit siya tinatrato ng ganito. Hindi siya ñ ni Carlo. Hindi dahil siya si Sheena. Kundi dahil .... Kamukha niya ang taong sumira rito. Huminga siya ng malalim. At saka pumikit. “Hindi ako si Ruby,
“Others get consideration,” malamig na pagpapatuloy ni Carlo, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “They get adjustments. Second chances.” “You won’t.” Narinig niyang sabi nito. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nasabi ng boss niya sa kanya Oo, CEO ito at boss niya. Assistant lang siya nit












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.