ANMELDENDUMATING ang lalaking nadatnan niya itong abala sa kanilang kwarto.Medyo natanggal naman ang kanyang kaba dahil dati rati ay nakikita niya agad ang dalaga sa may sala. Dahan dahan niyang ibinaba ang kanyang pang ibabaw na office uniform sa mga single sofa habang naka tingin sa dalagang tila abala sa pag aayos ng kanilang kwarto. "Ano'ng meron?" Naka ngiting mahinahon na pagtatanong ng lalaki na siyang naka ngiti."Nakauwi ka na pala? Ang aga mo ngayon, ah?" Lumapit din ang dalagang tinulungan siya upang hubarin ang kanyang white na long sleeves. "Mm, naging maayos naman ang lahat sa meeting kanina kaya napa aga na rin ang uwi ng mga ilan sa amin. Ikaw? Kumusta ka ba dito?"Bahagya pang napa atras ang ulo ng babae kunwari saka siya pinag kakunutan ng noo. "Kailan ka pa nag tanong ng ganyan? Grabe. Mag dalawang buwan na ako dito. Ayos lang ako, 'no." Matapos niyang tulungan si Felix ay tumungo pa ito sa may kabilang silid kung saan nandoon ang kanilang laundry room. Doon niya rin i
NAPAGTANTO na lamang ni Monette na siya na lang pala ang mag isa sa kanilang bahay nang bumaba ito sa kanilang sala. Ngayon nga pala ang huling meeting nila Felix sa kanilang opisina para sa kanilang final report, bago matapos ang buwan. Hindi na nag abala pa si Monette na mag luto dahil nakaugalian na no'ng lalaki ang mag luto parati, kaya ano na lang ang kanyang gagawin? E, 'di, kakain na lang.Mataas na ang araw kaya't sinimulan na ng dalagang hawiin ang mga kurtina upang pumasok sa kanilang bahay ang liwanag ng haring araw. Sumunod ay diniligan niya muna ang mga munting halaman nila sa loob ng bahay saka naman nag simulang mag walis at kung ano'ng dapat pa na linisin sa loob. At dahil wala naman silang katulong, trabaho din ni Monette o ni Felix na linisin din ang kanilang bakuran saka diligan ang mga halaman sa labas. Pang huli ay ang paghuhugas ng mga ginamit na lutuan sa kanilang kusina.Nang medyo makadama ng kaunting pagod si Monette ay naisipan niya munang umupo sa kani
LUMUWA ang mga mata ni Felix dahil sa kabaliktaran na sinabi ni Monette sa kanilang Mommy-La.Bahagya pa niyang binitawan ang kaninang hawak niyang sandok pang halo sa ulam at tila hindi malaman kung paano niya ipapakita sa dalaga ang natamo niyang sakit sa ulo. "No-that's not what I said. You should've not said that!" Pigil ang pag tawa ni Monette habang nakikinig sa kabilang linya ng hindi man lang tinitignan ang lalaki, at baka maibulalas pa niya ang kanyang pag tawa."F,ck, Monette! Baliw ka talaga. Paano ako ngayon mag so sorry kay Mommy-La?!" "Ah, yes po, Mommy-La. Huwag po kayong mag alala, ako po ang bahala kay Felix." Tumalikod pa ang lalaking hindi makapaniwala na gano'n ang kanyang mga sinasabi. "No, baliw ka na talaga." Ani pa nitong pinagpatuloy ang pag luto. "Okay po, Mommy-La! I miss you too. Mwa!" Pagbaba ni Monette sa kanyang cellphone saka tinawanan ang lalaking gano'n pa din ang hitsura.Umirap ang lalaking nag luluto na imbis ay naka upo lang. Si Monette nama
NAKA patong ang baba niya sa dalawang palad habang nakatitig iisang sulok ang dalaga habang ang lalaki naman ay abala na sa pagluluto. Panay ang ngiwi nito dahil sa hitsura ni Monette na siyang kanina pang nakaupo sa may sulok. Tila pilit pa'ng kumakawala sa antok dahil kakagising lang nito. "Ano ba'ng nakikita mo na hindi ko nakikita d'yan sa may dingding?" Ani ni Felix na panay ang pag halo sa niluluto. "Mag iisang oras ka na d'yan, umupo ka na sa may sofa." Dahan dahan niyang nilingon ang lalaki. Ang mata niya ay parang kinulang pa din sa tulog. Mahinang kumurap kurap ang mata niyang nakatitig lang sa lalaki na parang pilit pang nag po proseso ang kanyang isip. Kaya't bahagyang napa ngisi ang lalaki sa tatawa tawa. Maya't maya ay tumayo na rin ang dalaga saka pabagsak ang katawan nang umupo siya sa may sofa. Pinag krus pa nito ang mga brasong parang nag iisip na ng malalim kaya't tinanong pa ito ng lalaki. "Ano at kanina ka pa yata hindi maka usad usad d'yan sa iniisip mo?"
LAST DAY IN BOHOL."Ano? Chocolate Hills tayo?" Tugon pa nito kila Felix habang naka ngisi. Sumang-ayon naman silang lahat ay pinag usapan na kinabukasan sila aalis.KINABUKASAN. Gaya uli ng dati ay maagang nag handa ang apat, pati na rin si Vic na siyang magiging kasama nila papuntang Bilar. Tila masaya silang nag gayak. Nandoon na ang mga importanteng kailangan nila kung sakali rin na masyadong pagpawisan. Mag liliwanag pa lamang ay naka handa na sila. Ngunit bago umalis ay nag salo salo muna ang lima sa pagkain. "O, kumain muna kayo! Walang aalis sa atin ng hindi kumakain baka mamaya n'yan, himatayin kayo n'yan dahil lahat tayo ay mapapagod." Striktong aniya Vic sa apat na sumang-ayon naman. "Pag ba kayo ay bumalik na sa Maynila. Babalik pa ba kayo dito?" "Kung wala naman pong pagkaka abalahan sir Vic. Bakit hindi. Hindi ba, Felix?" Tugon pa ni Eli sa lalaki na tumango tango rin. "Hay, naku! Hindi niyo sure kasi nga nag ta trabaho kayo sa QZ. Malamang marami na naman kayong
DAY SIX IN BOHOL.Sapo ang ulo ni Felix dahilan sa sobrang pagod pa din kahapon. Tahimik ang lahat na naka upo sa sala. Halos pare parehas lang ang kanilang hitsura. Palapit na rin ang tanghalian at kahit natapos na nila ang ibang gawain ay tila pakiramdam nila, bugbog pa din ang kanilang katawan. "Hindi nga tayo nilagnat, nanghina naman tayo..." Nanghihinang sabi ni Ian sa isang sofa na tila tulala pa."Akala ko, mapapagod tayo kasi may mini meet tayong mga client. Mali pala tayo ng akala." Gayon din ang pag tugon ni Eli na parang lutang ang isipan. "So, ano ba ang hinihintay natin, Felix?" Ani pa uli ni Ian sinimulan ang pag katik sa kanyang cellphone. Nagkibit-balikat ang lalaki na para bang may inaantay ngunit bakas din sa kanyang hitsura ang katamarang kumilos.Tumayo ang dalaga na kanina ay parang bata kung humiga sa may isang sofa. Nag timpla ito ng kanilang black coffee saka isa isang inabot iyon sa kanila pag katapos."O, uminom muna kayo ng kape at ng ganahan kayong ku







