Chapter 07
Habang patuloy kaming naglalakad palayo, ramdam ko ang matinding tensyon sa paligid. Kahit pa nasabi ko na ang gusto kong sabihin, hindi ko maiwasang maramdaman ang galit sa loob ko. Bakit kailangang ganito? Bakit kailangang pag-usapan ng buong mundo ang buhay ko, na para bang isang palabas lang ito sa telebisyon? "Lara, nakakapagod na," bulong ko habang mahigpit na hawak ang bag ko. Hinawakan niya ang braso ko nang mahigpit. "Alam ko, Misha. Pero kaya mo 'to. Hindi mo kailangang ipaliwanag ang sarili mo sa kanila." Napatingin ako sa mga reporters na hindi pa rin umaalis. Alam kong hinihintay nilang may masabi pa ako—isang reaksyon, isang emosyonal na pagsabog. Pero hindi ko sila bibigyan ng kasiyahan na iyon. Hindi ako bibigay. Pagsakay namin sa kotse, agad akong napabuntong-hininga. "Lara, paano nila nalaman? Hindi ako makapaniwala na pati flight ko, baka alam na rin nila!" "Aalamin natin, pero ngayon, ang priority natin ay makaalis ka ng ligtas," sagot ni Lara, habang pinapaharurot ang sasakyan. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang ilang sasakyan na tila sumusunod sa amin. Putangina. Mga reporter pa rin ba ‘to? "Lara, may sumusunod sa atin," mariin kong sabi. Tiningnan niya ang rearview mirror at napamura. "Shit. Oo nga." Humigpit ang hawak ko sa bag ko. "Ayoko nang ganito, Lara. Ayokong para akong kriminal na tinutugis!" "Relax, Misha," sagot niya, pero halata ang tension sa boses niya. "Alam kong galit ka, pero huwag mong hayaang sirain ng mga ‘to ang plano mo. Mag-focus ka. Papunta ka sa bago mong buhay, tandaan mo ‘yan." Kahit pa gusto kong sumabog sa galit, alam kong tama siya. Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. Habang lumiliko ang kotse sa isang mas mataong daan, nakita kong unti-unting nawawala ang sasakyang sumusunod sa amin. Pero kahit pa wala na sila, hindi pa rin naaalis ang inis sa dibdib ko. "Akala nila kaya nila akong guluhin," bulong ko, mariin ang tono. "Hindi nila alam—wala na akong pakialam sa mga opinyon nila." Lumingon sa akin si Lara at tumango. "Tama ‘yan, Misha. Simula ngayon, ikaw ang may hawak ng buhay mo." At sa puntong ‘yon, alam kong tama siya. Sa kabila ng galit at inis na nararamdaman ko, may isang bagay na sigurado ako—hindi na nila ako kayang kontrolin. Hindi na nila kayang ibalik ako sa impyerno kung saan ako nagmula. Pagbaba ko ng kotse, agad akong sinalubong ni Lander, ang assistant ko, na halatang nag-aalala. Nakasuot siya ng maayos na suit, ngunit kita ko sa mukha niya ang tensyon. "Mam Misha, buti nakarating kayo nang maayos. Ang daming reporters sa paligid!" bulong niya habang inaayos ang mga dokumento sa kanyang kamay. "Alam ko," matigas kong sagot. "At wala akong balak makipag-usap pa sa kanila." "Naayos ko na lahat, Mam. Narito na ang boarding pass at travel documents mo," sabi niya habang inaabot sa akin ang mga papel. Kinuha ko iyon at pasimpleng tumingin sa paligid. May ilang mga reporter na nakatayo malapit sa entrance, pero mukhang hindi pa nila ako napapansin. "Lander, siguruhing wala nang ibang makakaalam sa flight details ko," mahina kong sabi, pero madiin. "Oo, Mam. Confidential ang lahat," sagot niya nang seryoso. Hinawakan ko ang maleta ko at huminga nang malalim. Isang hakbang na lang, at tuluyan na akong lalayo sa lahat ng sakit at gulo na iniwan ko. Lumingon ako kay Lara, na nakangiti sa akin. "Good luck, Misha. At tandaan mo, walang atrasan." Ngumiti ako nang bahagya. "Salamat, Lara. Hindi ko ito magagawa kung wala ka." Isang huling yakap bago ako lumakad papasok sa airport kasama si Lander. Hindi ko alam ang eksaktong naghihintay sa akin sa Germany, pero isang bagay ang sigurado—wala nang Greg, wala nang sakit. Walang lingon-lingon akong naglakad papasok sa airport. Ang bawat hakbang ay parang isang matibay na deklarasyon—tapos na ang nakaraan, at wala nang balikan. Si Lander ay tahimik na nakasunod sa akin, tulak-tulak ang aking bagahe, habang ako naman ay mahigpit na hawak ang mga dokumentong kailangan ko para sa biyahe. Pagdating namin sa check-in counter, maayos na inabot ni Lander ang aking passport at ticket sa ground staff. "Mam, maaga pa tayo. May oras pa kayong makapagpahinga sa lounge," sabi niya habang inaayos ang mga gamit ko. Ngumiti ako nang bahagya. "Salamat, Lander. Pero gusto ko nang matapos ang lahat ng ito. Gusto ko nang makaalis." Tiningnan niya ako nang may pag-aalala. "Naiintindihan ko po, Mam. Pero gusto ko lang siguraduhin na okay kayo." Huminga ako nang malalim at saglit siyang tinitigan. Alam kong si Lander ay hindi lang simpleng assistant—isa rin siyang matagal nang kasama na naging saksi sa lahat ng pinagdaanan ko. Sa dami ng panlolokong naranasan ko kay Greg, siya ang isa sa iilang taong hindi ako iniwan. "I’m fine, Lander. Mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon," sagot ko nang matatag. Tumango siya, pero halatang hindi pa rin siya kumbinsido. "Basta kung may kailangan kayo, nandito lang ako, Mam." Ngumiti ako. "Alam ko, Lander. Kaya nga nagpapasalamat ako sa'yo." Nang matapos ang check-in, lumakad kami papunta sa immigration. Pero bago pa kami makarating, napansin ko ang ilang mga taong nakatingin sa akin—hindi lang basta pasahero, kundi tila mga nagpapanggap na hindi ako kilala pero lihim na sumusulyap. Hindi ko alam kung paranoia lang ito o kung may ibang nagmamatyag sa akin. "Lander, may napapansin ka bang kakaiba?" mahina kong tanong habang patuloy kaming naglalakad. Bahagya siyang tumingin sa paligid at marahang tumango. "Mukhang may mga nakikilala kayo, Mam. Pero wala naman pong lumalapit." Napalunok ako. Alam kong hindi na bago ang pagiging sentro ng intriga, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng bahagyang kaba. "Hindi ko alam kung reporter o mga kasabwat ni Greg," bulong ko. "Aalamin ko, Mam," sagot niya, sabay kuha ng kanyang cellphone. Nagpatuloy kami sa paglalakad, ngunit sa likod ng isip ko, isang bagay ang sigurado—kahit anong mangyari, hindi na ako babalik sa impyernong iniwan ko. Ito na ang huling kabanata ng buhay ko sa piling ni Greg. "Okay na, Mam, naayos ko na," ngiti ni Lander habang marahang inaayos ang kanyang kwelyo, parang walang nangyari. Napatingin ako sa kaliwa, kung saan may ilang security guard na kasalukuyang hinuhuli ang isang lalaking tila pilit na lumalapit sa amin kanina. Napangiti ako, hindi lang dahil ligtas na ako, kundi dahil sa bilis mag-isip ng solusyon ni Lander.Chapter 28 Madaling araw na nang magising ako. Tahimik ang paligid, tanging mahinang hilik ni Lily ang musika sa loob ng aming tahanan. Tumingin ako sa kanya—mahimbing pa rin siyang natutulog, mahigpit na yakap ang paborito niyang stuffed toy. Pinilit kong bumangon kahit mabigat pa rin ang dibdib ko. Diretso ako sa balcony, dala ang isang baso ng tubig. Doon, muling bumalik sa isip ko ang mga mata ni Geg kanina. Hindi ko iyon matanggal—ang paraan ng pagkakatitig niya, puno ng paghahangad, parang gusto niyang bawiin lahat ng pagkukulang. Pero huli na. “Hindi na ako babalik sa dati,” mahinang bulong ko habang nakatingin sa mga ilaw ng lungsod. Alam kong hindi siya titigil. Nakita ko sa anyo niya ang determinasyon. At iyon ang kinatatakot ko—hindi ko kayang hayaang guluhin niya ang mundong binuo ko para kay Lily. Pagbalik ko sa loob, napansin kong gumalaw si Lily sa sofa. Dumilat siya ng bahagya at napabulong ng, “Mommy…” Agad akong lumapit at hinaplos ang pisngi niya. “Shh, go ba
Chapter 27 Misha POV Hindi ko akalaing haharapin ko ulit ang multo ng nakaraan ko. Si Geg. Sa unang tingin pa lang, bumalik lahat. Ang gabi ng pagtataksil. Ang sakit ng pagkawala. Ang katahimikan na pilit kong niyakap para lang makalayo sa kanya. Pero ngayong nasa harap ko siya, hindi na ako ang dating Misha na marupok, na umaasa, na naniniwala sa mga salitang walang laman. Ako na ngayon ang ina. At ang responsibilidad ko, hindi lang ang puso ko—kundi ang batang hawak ko. Kaya nang marinig kong tinawag niya akong “Misha, can I talk to you?”… Napakabigat. Para bang hinihila ako ng isang bahagi ng sarili kong matagal ko nang iniwan. Pero pinili kong ngumiti ng malamig. Pinili kong tawagin siyang Mr. Montero. Estranghero. Dahil iyon naman talaga siya. Nanginginig ang loob ko pero hindi ko pinakita. Hindi niya kailangang makita kung gaano ako nadudurog sa bawat tingin niya kay Lily. Oo, Lily—ang anak ko. Ang anak naming dalawa. Pero kailanman, hindi niya ako piniling manatili nan
Chapter 26Geg POVHindi ako makapaniwalang makikita ko ulit si Misha.Hindi ito tulad ng dati—hindi siya ‘yung babaeng umaasa, hindi siya ‘yung Misha na kilala ko noon. Ngayon, habang nakatitig ako sa kanya mula sa kabilang dulo ng reception area, parang may ibang babae akong kaharap—matapang, matuwid ang tindig, at walang bakas ng kahapon sa kanyang mga mata.Pero kilala ko pa rin siya.At sa likod ng mapanatag niyang ngiti, ramdam kong may bagyong paparating."Siya ba 'yun?" tanong ng babaeng nasa tabi ko—si Alaine. Siya ang babaeng kasama ko noon sa opisina, ang dahilan kung bakit sinira ko ang lahat kay Misha. Hindi ko siya sinagot. Hindi ko kayang banggitin ang pangalan ni Misha sa harap ng babaeng naging dahilan ng pagkawasak ng lahat.Ang totoo… hindi ko inakala na babalik pa siya. Hindi ko rin inasahan na makita ko siya sa ganitong ayos—mas maganda, mas matatag, at may bitbit na batang babae. Bata na kamukha ko.Napakuyom ang kamao ko.Hindi niya alam na araw-araw kong inalal
Chapter 25 Napatingin ako sa kanya, nagtama ang mga mata namin sa salamin. Alam kong may punto siya, pero may mga bagay akong hindi pa kayang bitiwan. Binasag ni Lily ang katahimikan. "Mommy, will Tita Lia’s wedding be like the princess weddings in fairy tales?" Napangiti ako sa tanong niya. "Maybe, sweetheart. But remember, real love stories are even better than fairy tales." Sumagot si Troy na may bahagyang biro. "Totoo 'yan, Lily. Kasi sa totoong buhay, may drama, may sakripisyo, at may matitinding plot twist." Tumawa si Lily. "Like Mommy’s story?" Nanahimik si Troy at tumingin ulit sa akin sa salamin. Alam kong pareho naming iniisip ang nakaraan—ang mga taon na lumipas, ang mga desisyong ginawa ko, at ang mga taong naiwan ko. Napabuntong-hininga ako. "Something like that," sagot ko, pilit ang ngiti. Sa sandaling iyon, narealize kong hindi lang ako basta umuwi para sa kasal. Bumalik ako sa isang buhay na matagal ko nang iniwasan. At sa bawat tanong na iniiwasan ko, unti-unt
Chapter 24Fast for years 6 years later. Andito ako ngayon kasama ng aking nag-iisang anak na babae, Lily- 5 years old. Nakasabay ng airplane pabalik sa pinas. Kasal kasi ni Lia at Troy dahilan upang kailangan naming umuwi. "Mom, can I visit to tita Lia?" Napangiti ako habang hinahaplos ang buhok ni Lily. "Of course, sweetheart. Matagal ka nang hinihintay ni Tita Lia. Excited siya na makita ka ulit."Mabilis siyang tumango, bakas sa kanyang mga mata ang saya. "Yay! I miss Tita Lia so much! And Tito Troy too!"Napangiti ako nang bahagya. Hindi ko inasahan na magtatapos sina Lia at Troy sa isa't isa, pero alam kong masaya ang kaibigan ko.Napatingin ako sa labas ng eroplano. Anim na taon na pala ang lumipas mula nang huli akong nasa Pilipinas. Maraming nagbago—lalo na ako."Wala na tayong atrasan, Lily. This time, we're here to stay."Habang papalapit ang eroplano sa lupa, ramdam ko ang unti-unting pagbabalik ng mga alaala—mga taong iniwan ko, mga laban na pinagdaanan ko, at mga
Chapter 23 Napansin kong bahagyang tumango ang mga kasama ko. Alam kong interesado sila, pero gusto ko pang palalimin ang impact ng proposal ko. "This project will not only bring El Salvador Enterprises back to the top but will also establish our dominance in the industry. With our connections, investments, and the latest AI-driven infrastructure, we will set a new global standard." Sumandal si Troy sa upuan, nakataas ang kilay. "Ambisyoso. Pero paano mo sisiguraduhin na hindi ito babanggain ng mga kumpetisyong gustong pabagsakin ka?" Napangiti ako. "Troy, let them try. Hindi na ako ang dating Misha na basta-basta nalulugi sa laban." Nagkatinginan kami ni Lander bago siya nagpatuloy sa detalye ng project. Alam kong may mga pagsubok pang darating, pero sigurado akong hindi ako nag-iisa sa laban na ito.Nagpalit ng slide si Lander sa presentation, ipinapakita ang projected financial gains at risk assessment. "With our strategic partnerships and advanced security measures, we can mi