Share

CHAPTER SIX

last update Huling Na-update: 2025-10-24 17:19:04

QUEEN PEPPER

Pupungas-pungas pa ako kinaumagahan paggigising ko, alas-kwatrto ng madaling araw, araw ng linggo kaya walang pasok sa eskwela.

Hihikab-hikab pa akong gumawa ng kape pampagising ng diwa kamuntikan pa ako kumuha ng takure para dito magpakulo, naalala ko may coffee maker nga pala, at wala ako sa bahay namin.

Anong oras kaya gigising si Sir?

Sa katunayan napuyat ako dahil may babae ata sa kwarto niya kagabi at magdamag na umuungol ang babae kaya ganito na lang ako kaantok kulang sa tulog suot pa ang pares ng pajama ko at tanging hilamos, toothbrush pa lang ang nagawa ko.

Napa-iling na lang ako nang maalala ko na naman ang umaalingawngaw na boses ng babae dahil kagabi si Sir Hades, lumabas matapos ng ginawa ko sa dinning room na ikinagalit niya.

Hula ko nga sa labas na siya kumain tapos madaling araw na siya umuwi hanggang ayon na, may narinig na akong boses ng halinghing ng babae...

Mga lalaki nga naman. Tsk, tsk.

Sana lang mas malaki ang dibdib ng babaeng iyon kaysa sa akin, tss! Sagana sa ligaya si bossing kaya sigurado maganda ang gising no'n mamaya at iyon siguro girlfriend niya? Baka.

Kaya nag-handa na ako ng umagahan para anumang oras na gumising sila eh may kakainin na kaya sila. Ihahain ko na at tatakpan ko na lang sa lamesa.

Dahil mamaya pagtapos ko rito pupunta pa akong palengke mamimili ng isda at karne inutos sa akin ni Lola kahapon na isa sa gagawin ngayong araw.

Huhu, so hirap pala maging katulong, v*rgin pa ako pero mukang pagod at ngarag ata ang lal*spag sa akin, huhu! Kawawang capsicum.

Pero sa isip lang ako nag-reklamo, bawal ko isaboses dahil number one rule ni Lola, ikaw ang may kailangan ng pera kaya magtiis ka at pagtatrabahuhan ito para may kitain ka.

And that is noted, hindi lang nakasulat sa utak ko, naka-tattoo pa. Kaya don't worry Lola, kayang-kaya ko si Sir Hades kahit gaano pa siya kalaki.

Napahagikgik ako mag-isa habang kung anu-anong tumatakbo na naman sa isip ko hanggang ayos na ang kape ko at nag-kape muna ako at kumuha lang ng tinapay sa food storage at nagpalaman ng Nutella Spread sabay tulala sa kawalan at higop-higop ng kape matapos hipan.

Hipan, higop, sabay tulala at kagat ng tinapay habang nakatayo lang ako rito sa kitchen island at na dito nag-aagahan nang biglang may malagong at pang-umagang boses ang nagsalita sa likod ko.

"Bakit diyan ka kumakain?"

Sakto namang hawak ko ang tasa ng kape ko at hihigop na sana ulit nang napapitlag ako sa gulat kaya natapon ito sa kamay ko kaya napaso ako.

"Aray! Ouch!" inda ko dahil mainit pa!

Naibaba ko agad ang kape ko at napalingon ako kay Sir Hades na ang aga naman atang nagising?

"Sir! Magandang umaga!" Napapangiwi kong bati at sapo ang kamay kong napaso, hindi ko pa kasi nahihipan kanina bago ko sana hinugupin nang gulatin niya ako kaya mainit-init pa sa balat ko.

Nangunot naman ang noo niya at agad na kinuha ang kamay ko at dinala ako sa sink at itinapat sa gripo para hugasan.

"A-Ano, Sir! Ayos na, malayo naman sa bituka iyan!" awat ko na sa kanya at sinubukan na bawiin ang kamay ko pero natigilan ako nang kumuha pa siya ng tissue saka pinunasan...

Napatitig ako sa kanya sa ginawa niya habang nanalaytay sa akin ang tila boltahe ng kuryente na hindi ko lang alam kung ako lang ba ang nakaramdam?

"Namula, lagyan mo ng ointment iyan," saad niya at ibinalik niya rin naman sa akin ang kamay ko.

"Hindi na ho kailangan ng ganoon, babaw lang naman nito." Dinaan ko na lang sa tawa ang hiya at ilang habang sapo ang kamay ko na napaso at dumistansya na sa kanya.

"Toothpaste nga lang nilalagay namin dito."

Nangunot ang noo niya. "Toothpaste?"

"Oho, iyung pang-ipin?"

Ginawaran niya ako ng nawiwirduhang tingin saka siya napa-iling. "Lagyan mo ng tamang ointment iyan panay ka kalokohan." Inirapan niya ako at dumako siya sa coffee maker para gumawa ng sarili niyang kape.

"Ako na gagawa ng kape niyo." Lumapit ako sa kanya pero hinarang niya ako ng kamay niya.

"Lagyan mo muna ng ointment iyan," giit niya. "O gusto mo ako pa maglagay?" May kasungitan ata siya ngayong umaga.

Napanguso ako. Akala ko pa naman good mood siya dahil may babae siyang dinala kagabi na marahil tulog pa sa kwarto niya.

"Hindi na ho, sige na ako na. Pero nasaan ang ointment?" giit ko na may kasamang tanong. "Panay kayo sabi na lagyan ko eh wala naman kayo iniaabot at hindi ko alam saan ko makikita."

Hindi ko malaman kung gusto niya bang tumawa o mag-init lalo ang ulo sa akin dahil sa paraan paano ako sumagot kaya nahilot niya na lang ang noo, dumako siya sa may itaas ng cabinet, at may kinuha, isang first aid kit.

Ah nandoon pala...

Itong si Lola hindi sinasabi may ganoon pala rito! Kagaya nito kailangan ng first aid! Sus! Ang matandang iyon kulang-kulang kung mag-briefing.

"Nandiyan po pala! Pasensya na hindi ko alam eh." Napakamot na lang ako sa ulo habang siya na ang nag-bukas ng kit na nakapatong sa ibabaw ng kitchen island.

Ang akala ko ibibigay niya sa akin ang ointment pero nagulat ako nang kunin niya ulit ang kamay ko pero pahiklat kaya pati ako napasama sa ginawa niyang pag-hila kaya napalapit ako sa kanya.

Siya nang nag-lagay para sa akin...

Nanginit ang mukha ko at napatingin sa mukha niya at ngayon ko lang napagtanto na sobrang lapit pala namin sa isa't isa kaya nagkaroon ako ng pagkakataon titigan siya.

Ang gwapo, grabe... ang tangos ng ilong tamang-tama lang sa kanya, ang mga kilay niya makapal ganoon din pilik mata, at ang labi... dito nagtagal ang tingin ko...

Mapula na kissable pa...

Mukang matamis at malambot.

Sa pagkatulala ko rito hindi ko na namalayan tapos na rin pala siya at saglit na saglit lang lang, mas pa ang tagal ng titig ko sa kanya.

"I know I'm handsome, Pepper but don't look at me that way as if you want to eat me." He smirked and gave me a playful chuckle kaya ganoon na lang ang pamumula ng mukha ko.

Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya at itinago na sa likod ko sabay tikhim. "Hindi ko kayo gustong kainin! Bakit, masarap ba kayo? Tss!" Inirapan ko pa siya at doon na siya bumalinghawit ng tawa sa akin.

Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa nang bigla niya na lang akong hinawakan sa magkabilang baywang ko saka ako ikinulong sa pagitan ng mga braso niya at inihilig ako sa kitchen island...

Nanlaki ang mga mata ko at nagtatanong siyang tiningnan, hindi ako nagtangkang hawakan siya, tikom ang mga braso at kamay ko. Behave, Pepper.

"Gusto mo bang malaman ang sagot?" tanong niya buhat ng mababang boses at pinagmasdan ang mukha kong napaawang ang bibig at hindi malaman ang gagawin.

"N-Nagbibiro lang po ako hindi ko—"

"Masama akong binibiro..." hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita. "Na para bang nakukuwestyon ang pagkal*laki ko ng babaeng... tulad mo..."

Parang tinanong ko lang naman kung masarap ba siya! Kinukwestiyon ko na kaagad siya no'n?? Ang OA naman nito.

Napalunok ako. At hindi dapat ganito ang boss sa kasambahay niya. At sino ba sa amin ang nag-assume na akala niya may ibig sabihin ang tingin ko na gusto ko siya kainin??

Sinagot ko lang siya tapos ngayon...

Pero baka kapag ginawa ko ang inisip mo makalimutan mong may girlfriend ka. Pero siyempre hindi ko sinabi at hindi ko naman intensyon manira ng relasyon.

"S-Sir! Medyo layo-layo kayo ng konti, oho!" Idinaan ko sa tawa ang kaba ko. Nandiyan ang girlfriend niya!

"Iyung girlfriend niyo baka magising at makita pa tayo sa ganitong posisyon baka kung anong isipin niya!" Hindi na nga ako nakapagpigil sawayin siya.

"She's not my girlfriend, nasa ibang bansa ang tunay." Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa sinabi niya.

I-Ibig sabihin... hindi niya girlfriend iyung ka-segs niya kagabi?! Nagloloko siya??

Gulat akong napatitig sa kanya.

Iyung girlfriend niya nasa ibang bansa tapos ito siya may ibang babaeng inuuwi?? Parang ako ang nagpuyos para sa nobya niya...

"Did you hear us last night?" he asked, talking about the woman he slept with and the noise they made.

Tumango ako nang hindi sumasagot.

"This is one of the rules in my house we talked about yesterday..." His face get even more closer to mine.

"Whatever you saw..." His eyes went to my lips. "And whatever you heard..." Inisa-isa niya bawat stanza. "It should remain secret, and this is what loyalty means to your boss."

Muli naman akong napalunok.

Ito pala... at kaya naman pala...

Pagak akong natawa sa isip ko lang.

May kalokohan naman palang ginagawa. Kung ako sa babaeng nasa ibang bansa, hihiwalayan ko na 'to agad, wala nang patumpik-tumpik pa!

At ito ang isa sa mga kinatatakutan ko balang araw, ang makatagpo ng lalaking katulad ni Sir Hades na mukang hindi kaya makuntento sa isa, at titikim at titikim pa rin ng iba.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID   (FINAL) CHAPTER SEVENTY-SEVEN

    QUEEN PEPPER Nalaman ko ang ginawa ni Hades sa negosyo nina Liliana na ikinagulat ko dahil hindi ko lubos akalain na magagawa niya iyon para sa amin... "Hades..." tawag ko sa kanya dahil pagdating niya galing opisina kinagabihan iyon kaagad ang ipinaalam niya sa akin, ang ginawa niya. Hinawakan ko siya sa dibdib at tiningala, hinawakan niya naman ako sa baywang, pinakatitigan namin ang isa't isa. "Hindi ba parang..." Napakurap ako at medyo awang ang bibig. "Sobra naman ata iyon?" nagaalangan kong tanong. "Tinanggalan mo sila ng kabuhayan—" "No, that's not the exact term, Pepper. Hindi ko sila tinanggalan ng kabuhayan, inalis ko lang ang suporta ko sa kumpanya nila, we were just business partners." "Kanina pa rin ang kumpanya nila, iyon lang almost half of their wealth nakadepende sa akin, sa kumpanya ko at ang pag-iwan ko o pagkalas ko sa kanina, isang malaking down fall para sa kanila." "Bagay na hindi ko na kasalanan pa," seryoso niyang dagdag na walang bahid pagsisis

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID   CHAPTER SEVENTY-SIX

    HADES'S POV "Hades!" Bumulaga ang galit na si Liliana sa aking opisina matapos kong pinal na magpasya putulin na ang ugnayan ko sa pamilya nila. Prente lang akong nag-angat ng tingin mula sa pinipirmahan kong papeles that needed to be signed immediately and she rushed to me and hit the table with her tremble hands, galit na galit, labis na nagpupuyos na pinakatitigan ako. He learned forward to show how mad she is which makes my eyebrows raised. "What?" I acted innocent like I didn't do anything wrong. Pero sa loob-loob ko gusto kong matawa. Napatiim bagang siya. "Why did you do this?" she asked with tears in her eyes. "Why you're cutting the tie between our family?! Wala namang kinalaman ang negosyo—" "Siyempre meron," I immediately cut her off which stops her. Itinuon ko ang aking siko sa arm rest ng swivel chair na kinauupuan ko at ipinagdaop ang dalawa kong kamay and I looked at her coldly. "Kung hindi ko ito gagawin, titigil ka ba?" seryoso kong tanong at pagak pa ngang na

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID   CHAPTER SIXTY-FIVE

    HADES'S POV I know she's in her hardest, that's why I am here to settle everything for her and to take care of her worries which continue bothering her. Mabuti at nakatulog na ito ng mahimbing matapos ng malalang pag-iyak magmula labas hanggang makauwi ng bahay. I pity her for experiencing insult and downgrading from racists people I knew, unang-una na riyan ang aking ina, na wala na atang ginawang tama simula noon, at si Liliana na dahilan kung bakit nangangalit ako ng husto ngayon. Hinding-hindi ko mapapalagpas ang nangyari kanina dahil siguradong uulitin at uulitin nito, kaya hahayaan ko pa ba na mas malala ang gawin niya sa mag-ina ko? Of course I won't allow that to happen. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa tabi ng kama at inayos ang kumot ng aking magiging asawa... Sa kabila ng pagpupuyos ko, napangiti ako nang pagmasdan ko ang maganda niyang mukha, lalo siya gumanda nang magdalang tao, walang duda dahil babae ang magiging anak ko. At ang tanging gusto ko lang maging

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID   CHAPTER SIXTY-FOUR

    QUEEN PEPPERHindi ko alam kung kailan ito matitigil, kung kailan nila hahayaan maging masaya si Hades na ako ang kasama.Magkakaanak na kami, ano pa ba? Bakit patuloy nila akong hina-harass? Habang pauwi wala akong tigil sa kaiiyak kaya si Hades, walang tigil din kakapatahan."You're now safe, Pepper," he said to ease me while hugging me, nakakulong ako sa mga bisig at braso niya habang mariin siyang nakayakap sa akin habang nasa biyahe."Kailan ba sila titigil?" nahahabag kong tanong. "Para na silang nasisiraan ng bait! Tanggap ko nang hindi nila ako matanggap para sa iyo, pero mali ang saktan nila ako at pati dinadala ko idinadamay!" Hindi ko na mapigil ang galit na nararamdaman ko."Shh, I handle everything," he hushed me while caressing my arm. "Hinding-hindi ka na nila malalapitan pa.""Nahihirapan na kasi ako, Hades eh... para bang hindi na ligtas lumabas ng bahay dahil saan man lugar pwede ko sila makasalubong o makita? Kung ako lang kaya ko sila pero kasi may bata akong kaila

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID   CHAPTER SIXTY-THREE

    QUEEN PEPPER Sa kabila ng pagiging agresibo at marahas niya, nakipagpambuno ako! Hindi ko naman hahayaan na m*matay ako sa pananakal niya kaya buong lakas ko siyang itinulak! Nagulat siya sa ginawa ko dahilan para tumalsik siya at napasalampak sa sahig, nanlalaki ang mga matang tinitigan ako habang sapo ko ang leeg ko at umuubo. Hindi na ako nag-sayang pa ng oras tinakbo ko ang pinto na ikinatawa niya pero bago ko pa nga mahawakan ang saradura para makalabas, agad siyang nakatayo. Hinila niya ako sa buhok na ikinasigaw ko pero itinapat niya ang bibig sa tainga ko at tinakpan ang bibig ko. "Matapang ka, huh? Anong akala mo basta ko na lang palagpasin ang pang-aagaw mo kay Hades?!" Tumaas ang boses niya kaya mariin akong napapikit at napaiyak dahil mismong sa tainga ko siya sumigaw. "Ang landi mo na nga, ang kapal pa ng mukha mo!" Dinala niya ako sa may sink, iniharap niya ko sa salamin kaya nakita ko ang sarili ko na sabog na ang buhok at ang ilang hibla nalatabon na sa pawisan k

  • THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID   CHAPTER SEVENTY-TWO

    QUEEN PEPPERDahil sa isipin kay Lola, nag-pasya si Hades na ilabas ako para kahit papaano maibsan ang mga agam-agam ko at nang malibang.Nag-tungo kami sa shopping mall, bumili ng ibang kailangan pa para sa baby, ibinili niya rin ako ng bahong maternal outfits na para daw kahit buntis ako, muka hot preggy.Pinatatawa niya ako sa buo naming pamamasyal, lalo na nang nas undergarment section kami."Hades, hindi ako makakapag-suot ng ganyan, ang sagwa naman." Natatawa kong sinabi nang ipinakita niya sa akin ang isang pares ng underwear na halos string na lamang.Natawa rin siya. "Why not? You're still sexy."Itinuro ko tiyan ko. "Sexy? Oh lumalaki na ang baby bump. Saka na lang, Hades pagkaanak ko at naka-recover na, magsusuot talaga ako ng ganyan." Tatawa-tawa kong kinuha sa kamay niya at ibinalik sa kinuhunan niya.Ngumisi siya. "Sure?" He bit his lower lip which made me laugh and nodded."Oo, napaka mo na wag tayo rito napaghahalataan ka." Muli akong napatawang itinulak na siya palaba

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status